SINUBUKAN NI BETHANY na makabalik ng penthouse ni Gavin bago mag-alas-singko ng hapon. Alas-siyete pa naman ang kadalasang uwi ng binata mula sa kanyang trabaho kung kaya naman minabuti ng dalagang magluto na siya ng hapunan nila matapos niyang makapagpahinga ng ilang minuto. Kagaya ng nakasanayan niya, matapos magluto ay nag-shower na siya para mamaya ay hindi na niya gagawin. Dahil good mood ang babae ng araw na iyon ay isinalang niya ang mga pinamili niyang damit sa washing upang labhan nang hindi makati oras na gamitin. Hindi naman siya ignorante sa bagay na iyon. Nang matapos na iyon ay inilagay niya na ito sa hanger matapos na plantsahin. Marami na siyang nagawa at hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Pakanta-kanta pa ng mahina ang dalaga habang inilalagay iyon sa malaking wardrobe ni Gavin. Halos lumuwa na doon ang mga mata ni Bethany nang makita na naman niya ang marami nitong damit na naka-hanger lang doon at hindi pa halos nito nagagamit. Napanguso pa siya nang maal
HINDI NAMAN UMALMA doon si Manang Esperanza, bagkus ay natuwa pa nga ang matanda dahil sa nakikita niyang labis na malasakit sa mga mata ng dalaga sa amo niya. Hindi niya iyon nakikita sa ibang mga babaeng minsan ng dinala doon na halatang pera lang ang habol, kaya naman botong-boto siya kay Bethany na maging kabiyak ni Gavin.“Sige, hija. Ako na ang bahala. Dadamihan ko ang lulutuin na para kay Attorney naman ang iba.”“Maraming salamat po, Manang Esperanza.”Bumalik si Bethany sa silid at kumuha ng dalawang tindig ng damit ni Gavin sa kanyang closet. Nilagyan niya rin iyon ng undergarments gaya ng socks, handkerchiefs at neckties para isama niyang dalhin sa office nito. Kumuha siya ng malinis na bag ng abugado sa lalagyan upang isang bitbitan lang. Sa isip niya ay hindi naman siguro ito magagalit na pinakialaman niya ang mga gamit ng abugado. Nagmamalasakit lang siya sa kanya at saka para rin naman iyon sa binata. Humaplos ang mga daliri niya sa tela ng damit nitong nasa loob ng clo
HUMALAKHAK LANG SI Gavin at hindi pinansin ang pang-aalaska ng kanyang secretary. Kinuha niya ang bag ng breakfast habang halos mapunit ang labi sa malapad na mga ngiti. Napapikit pa siya nang buksan iyon at manuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pagkain. Habang kumakain ay iniisip niya ang imahe ni Bethany na inihahanda ang mga ‘yun para sa kanya. Bigla niya itong na-miss. Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya pwedeng magpadala sa nararamdaman. Kailangan niyang matapos muna ang lahat ng trabaho bago siya umuwi. Hindi niya pwedeng abandonahin iyon. Maiintindihan naman iyon ng dalaga. Bagay na nagbibigay pa sa kanya ng sipag at sigla habang kinakain iyon.“Ano ang lasa ng pagkaing inihanda sa’yo na puno ng pagmamahal, Attorney?” walang anu-ano ay tanong ng secretary niya na kanina pa siya lihim na pinagmamasdan mula sa inu-upuan niyang sofa.“Syempre, masarap. Nakakabusog.” patol sa kanya ni Gavin na patuloy lang sa pagkain, ni hindi nito inalok ang secretary na takam na takam sa
MARIING NAKAGAT NI Bethany ang labi niya matapos na marinig iyon. Ayaw niyang umasa dahil baka mabigo lang siya. Baka kasi sa kakaasa niya, hindi naman pala iyon maalala ng binata eh ‘di sumama lang ang loob niya na hindi naman dapat. Ang mabuti na lang gawin niya ay isiping oras na hindi matupad nito ang mga sinabi niya ay ayos lang. Hindi naman siya nito kargo. Wala itong responsibilidad sa kanya. Isa pa ay wala na nga itong oras na umuwi ng bahay para mabanggit niya muli ang tungkol doon. Ayaw din naman niyang tumawag dito. Ang isiping pipilitin niyang sumama ang binata sa kanya para lang sa ego niya ay nagbibigay agad ng kakaibang hiya at kilabot. “Ayokong pakaasahan iyon, Rina.” hindi maitago ang lungkot sa kanyang boses.“Bakit naman? Be positive lang, Bethany. Malay mo naman naalala pa rin niya. Hindi mo pa naman gaanong kilala si Attorney Dankworth, malay mo kapag binitawan niya ay tinutupad niya. Huwag kang negatron. Sige mang-attract ka niyan.”“Basta kasama ko man siya o h
PAGKASABI NOON AY muling inabot at hinalikan ni Bethany ang labi ng binatang hindi na rin nagpatumpik-tumpik na pigilan ang kanyang nararamdamang pananabik. They hadn't seen each other for a few days, kung kaya naman ngayong magkaharap na muli ay pilit nilang sinusulit ang bawat sandali na animo ay hiram lang nila.“Okay, sabihin mo sa akin kapag may oras na at lugar kung saan gaganapin.”Noong una ay pilit pa nilang kinakalkula ang halikan, upang huwag lumagpas at maging mapusok nang hindi nila inaasahan. Subalit, as they kissed, they got excited. Iyong tipong nakalimutan na nila ang lahat at maging ang nakapaligid sa kanila. Hindi na nila natantiya na dinadarang na pala sila ng init na ilang araw na hindi nailabas ng kanilang mga katawan. Init na mas pinasiklab pa ng salitan nilang haplos sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga katawan na sobra ang naging reaksyon doon. Sobrang active ng hormones ni Bethany na nawala na rin ang matinding hiya sa binata. Pinapantayan na niya ang anuman
PAGKATAPOS NA KUMAIN ay nagtungo si Bethany sa bathroom upang maglinis ng katawan habang naiwan naman si Gavin sa sofa, tahimik na nagbabasa ng ilang documents na iniuwi niya sa bahay. Ilang minuto pa ay nagawa ng lumabas ng dalaga na kanina pa nag-aalangan kung magpapakita na ba sa binata. Sa gabing iyon, nagpalit siya ng champagne-colored silk pajama, na alam niyang sa unang tingin pa lang ni Gavin ay mapupukaw na nito ang kanyang mga mata. Hindi nga siya nagkamali ng haka-haka niya. Kuminang sa pagnanasa ang mga mata nito nang lumingon na sa kanyang banda. Gumuhit sa labi ang kakaibang ngiti na para bang sobrang proud nito sa kanya.“Halika dito sa tabi ko, Thanie.” tapik niya sa tabi niyang espasyo na nagsasabing maupo siya doon.Parang maamong alagang hayop na sumunod si Bethany sa nais ni Gavin. Pagtapat pa lang niya sa harapan ng binata ay agad na siya nitong kinabig kung kaya naman walang abog na napaupo na siya sa dalawang hita ng binata na agad siyang niyakap nang mahigpit n
ILANG SANDALI PA ay mas bumilis ang ritmo ng katawan ni Gavin sa kanyang ibabaw. Walang tigil nitong iginalaw ang kanyang balakang. Expert na inilalabas-pasok ang kanyang sandata sa lagusan ni Bethany kaalinsabay ng kakaibang tunog ng nagsasalpukan nilang walang saplot na katawan. Maya-maya pa ay sabay na silang napasigaw na kapwa na naabot ang rurok ng sukdulan na parehong naghahabol ng kanilang mga hininga. Kasabay noon ay naramdaman ni Bethany ang pag-agos ng mainit na likido mula kay Gavin sa loob ng kanyang pagkakababae. Medyo mahapdi ang hatid noon na ininda na lang niya nang tahimik dahil ginusto niya rin naman na sa loob iyon ilagay. “Mang-uubos ka ng lakas!” natatawang akusasyon ni Gavin na tinaniman ng halik sa labi si Bethany na nananatiling nakahiga, nakatakip ang isang palad sa mukha bunga ng umariba na namang hiya. Napangiti na doon ang binata. Batid niyang nahihiya ang dalaga sa kanya. Yumukod siya at inabot nito ang bahagyang nakabukang bibig ni Bethany upang saglit
MAY SASABIHIN PA sana si Bethany nang makita niyang nakatuon na sa likuran niyang bahagi ang mga mata ng kaibigan. May tinitingnan ito. Bahagya pang nagunot ang noo nito na parang may nakitang pamilyar na mukha. Umismid ito at sumama ang hilatsa ng mukha. Doon pa lang ay alam niya ng hindi maganda ang kahihinatnan ng kung sinong nakita niya.“Girl, napakaliit talaga ng mundo. Sa dami ng lugar, dito pa talaga natin siya makikita. Pambihira naman talaga, oo.” sambit nito bago pa man siya makapagtanong kung sino iyon. Sa halip na magtanong kung anong meron ay si Bethany na lang mismo ang kusang lumingon sa banda ng tinitingnan ng kaibigan upang alamin kung sino ang tinutukoy nito. May hinala na siya ngunit kailangan niyang mapatunayan iyon. Nakita niya doon si Audrey, kausap ang ilang kasamang mga babae na hindi gaanong maaninag ng dalaga. Nagtatawanan pa sila. Habang papalapit sa pwesto nila na madadaanan ng mga ito habang papasok sa loob ay naging malinaw sa paningin ni Bethany kung s
TAHIMIK NA LUMABAS sa kusina si Bethany nang mabawi ang pustora na alam niyang ipinagtataka na ng madrasta, upang tumungo sa kanyang silid at mag-ready na. Naiwan niya sina Victoria at Gavin sa loob ng kusina. Hinugasan ni Gavin ang kanyang kamay at muli pang inayos ang nakatupi niyang manggas ng polo shirt. Komportable pa rin siya kahit na tinititigan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa.“Mama, ibabalik ko rin po dito ang anak niyo bago ang hapunan. Sa weekend po ay iinvite ko kayo sa bahay para pag-usapan ang plano naming kasal kasama ng mga parents ko. Makikipag-communicate na lang ako kung paano.”Hindi na maitago pa ang saya sa mukha ni Victoria nang marinig niya iyon. Halata niya sa mga mata ng kaharap na abogado na desidido na talagang lumagay sila sa tahimik. Hindi na rin naman sila mga bata kaya bakit hahadlangan?“Hindi ka ba nabibigla, hijo? Hindi sa tutol ako. Ayaw mo bang patagalin muna ang relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin ay gusto mo na ba talagang lumagay sa tahimi
BINUHAT NA NI Gavin ang juice at uhaw na uminom doon. Nakalahati niya ang laman nito. Matapos iyon ay ini-angat na niya ang mga mata sa problemado pa ‘ring si Victoria. Naiimbyerna ito sa bumabaha pa nilang kusina dahil sa tubo. “Gaano po ba kalala ang sira, Mama? Pwede ko bang makita? Baka kaya ko ng ayusin.”Nabaling na ang paningin ng tatlo sa binata. Sabay-sabay silang umiling, maging si Benjo at lalong-lalo na si Bethany.“Huwag na Gavin, tinawagan ko naman na ang management. Paniguradong papunta na sila. Mababasa ka. Baha na sa kusina namin.” harang agad ni Bethany sa nais gawin ng nobyo, ayaw niyang pati iyon ay iasa pa nila sa fiance niya.“Baha na? Naku, mas lalong kailangang ayusin na iyon agad.”Tumayo ang abogado at tinungo na ang kusina habang itinutupi ang manggas ng suot niyang polo. Napatayo na rin doon si Bethany at Victoria na may pagkataranta. Makahulugan na lang tumingin si Bethany sa ama habang naiiling. Sinundan na kasi ni Victoria si Gavin patungong kusina na a
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. “Hay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!” bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, “Pinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!”Bago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.“Akala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!” anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. “Sorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.” hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.“Ayos lang naman po, Manang Esperanza…” nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni
ILANG ARAW BAGO matapos ang taong iyon nang magkaroon ng year end banquet ang music center nina Bethany sa hiling na rin ng mga employee at ng mga kasalukuyang investors nito. Si Miss Gen ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangan noon at dadaluhan na lang iyon ng dalaga. Ilan sa mga bisita ay mga kilalang negosyante na pilit kinukuha ni Miss Gen ang atensyon para maging investors ng center. Hindi naman sobrang rangya ng naturang party. Banquet style lang iyon at mayroong oras din hanggang kailan.“Sigurado ka na ayaw mong sumama sa banquet ng music center, Gavin? As my fiancé welcome kang dumalo at makisalamuha. Sumama ka na. Huwag ka ng mahiya. Hindi rin naman matagal iyon.”Pang-ilang aya na iyon ni Bethany sa nobyo. Syempre proud siya na i-display ang binata bilang fiancé niya at iyabang sa mga naroroon kung sasama ito. Hindi na lang kasi basta boyfriend niya ang abogado, soon to be husband niya na rin ito. Sino bang babae ang hindi mapa-proud doon? Nabingwit niya ang binata.“Hind
HALOS MAPABUNGHALIT NA ng tawa si Gavin nang muli niyang ilingon ang mukha sa may passenger seat ng kanyang sasakyan. Sa mga tingin ni Bethany ay animo papatayin na siya nito o lalamunin nang buo. Puno iyon ng pagbabanta na panay ang irap sa kanya. Nakahalukipkip pa ang dalaga upang ipakita na hindi siya natutuwa. Naiipit kasi sila ngayon sa matinding traffic na lingid sa kaalaman nila ay may aksidente sa bandang unahan kung kaya naman usad pagong sila. “Wala na, nilamon na ng malalaking bituka ko iyong maliliit. Gutom na gutom na ako!”“Thanie? Patience please? Wala namang may gusto na maipit tayo sa traffic—”“Bakit hindi mo sinabi sa aking malayo pala? Sana naghanap na lang ako ng ibang resto na mas malapit!” reklamo nitong parang kasalanan ni Gavin ang mga nangyari, “Sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ha?”“Baby, anong sinadya?” gagap niya sa isang kamay ng dalaga ngunit matigas ito at ayaw ipahawak iyon sa kanya, “Hindi mo kasi ako pintapos na magsalita kanina. Hinila mo ako
NAGPALINGA-LINGA SA PALIGID nila si Gavin na may nahihiyang mukha habang panay ang abot ng yakap niyang tisyu sa nobya na nakaupo pa rin. Tipong wala pa itong planong tumayo mula sa kanilang kinauupuan kahit na nag-aalisan na ang mga kasabayan nilang nanood ng movie. Tapos na ang palabas, at base sa reaction ng ng dalaga ay sobra itong na-touch sa naging ending ng movie. Naiintindihan naman ni Gavin iyon dahil hindi lang naman ito ang umiyak, marami sa mga nanood pero naka-move on naman agad. Ang hindi niya maintindihan ay ang nobya na sobrang affected pa rin na animo siya iyong bida. Isa pa, happy ending naman iyon kaya walang nakakaiyak para sa kanya. Isa pa ito sa hindi niya maintindihan.“Thanie, ano bang nakakaiyak? Happy ending naman siya di ba? They live happily ever after pagkatapos ng mga pinagdaanan.”maamo ang tinig na tanong ni Gavin na bahagyang hinagod ang likod nito.Nag-angat na ng mukha niya si Bethany. Napilitan si Gavin na tulungan ito sa baha ng mga luha sa kanyang