PAGKATAPOS NA KUMAIN ay nagtungo si Bethany sa bathroom upang maglinis ng katawan habang naiwan naman si Gavin sa sofa, tahimik na nagbabasa ng ilang documents na iniuwi niya sa bahay. Ilang minuto pa ay nagawa ng lumabas ng dalaga na kanina pa nag-aalangan kung magpapakita na ba sa binata. Sa gabing iyon, nagpalit siya ng champagne-colored silk pajama, na alam niyang sa unang tingin pa lang ni Gavin ay mapupukaw na nito ang kanyang mga mata. Hindi nga siya nagkamali ng haka-haka niya. Kuminang sa pagnanasa ang mga mata nito nang lumingon na sa kanyang banda. Gumuhit sa labi ang kakaibang ngiti na para bang sobrang proud nito sa kanya.“Halika dito sa tabi ko, Thanie.” tapik niya sa tabi niyang espasyo na nagsasabing maupo siya doon.Parang maamong alagang hayop na sumunod si Bethany sa nais ni Gavin. Pagtapat pa lang niya sa harapan ng binata ay agad na siya nitong kinabig kung kaya naman walang abog na napaupo na siya sa dalawang hita ng binata na agad siyang niyakap nang mahigpit n
ILANG SANDALI PA ay mas bumilis ang ritmo ng katawan ni Gavin sa kanyang ibabaw. Walang tigil nitong iginalaw ang kanyang balakang. Expert na inilalabas-pasok ang kanyang sandata sa lagusan ni Bethany kaalinsabay ng kakaibang tunog ng nagsasalpukan nilang walang saplot na katawan. Maya-maya pa ay sabay na silang napasigaw na kapwa na naabot ang rurok ng sukdulan na parehong naghahabol ng kanilang mga hininga. Kasabay noon ay naramdaman ni Bethany ang pag-agos ng mainit na likido mula kay Gavin sa loob ng kanyang pagkakababae. Medyo mahapdi ang hatid noon na ininda na lang niya nang tahimik dahil ginusto niya rin naman na sa loob iyon ilagay. “Mang-uubos ka ng lakas!” natatawang akusasyon ni Gavin na tinaniman ng halik sa labi si Bethany na nananatiling nakahiga, nakatakip ang isang palad sa mukha bunga ng umariba na namang hiya. Napangiti na doon ang binata. Batid niyang nahihiya ang dalaga sa kanya. Yumukod siya at inabot nito ang bahagyang nakabukang bibig ni Bethany upang saglit
MAY SASABIHIN PA sana si Bethany nang makita niyang nakatuon na sa likuran niyang bahagi ang mga mata ng kaibigan. May tinitingnan ito. Bahagya pang nagunot ang noo nito na parang may nakitang pamilyar na mukha. Umismid ito at sumama ang hilatsa ng mukha. Doon pa lang ay alam niya ng hindi maganda ang kahihinatnan ng kung sinong nakita niya.“Girl, napakaliit talaga ng mundo. Sa dami ng lugar, dito pa talaga natin siya makikita. Pambihira naman talaga, oo.” sambit nito bago pa man siya makapagtanong kung sino iyon. Sa halip na magtanong kung anong meron ay si Bethany na lang mismo ang kusang lumingon sa banda ng tinitingnan ng kaibigan upang alamin kung sino ang tinutukoy nito. May hinala na siya ngunit kailangan niyang mapatunayan iyon. Nakita niya doon si Audrey, kausap ang ilang kasamang mga babae na hindi gaanong maaninag ng dalaga. Nagtatawanan pa sila. Habang papalapit sa pwesto nila na madadaanan ng mga ito habang papasok sa loob ay naging malinaw sa paningin ni Bethany kung s
HINARAP NA NI ni Bethany ang kaibigan na bahagyang natatawa. Gusto niyang makita ni Audrey na balewala lang sa kanya ang mga pinagsasabi nito. Hindi siya apektado para hindi magdiwang.“Huwag kang mag-alala, Rina. Sisiguraduhin ko na magiging akin lang siya. Hindi niya naman gaya si Albert kaya malamang tatagal kami. Hindi niya magagawang tumingin sa ibang babae.”“Paano niya magiging kagaya si Albert kung matandang hukluban ang ipinalit mo, aber?” buwelta ni Audrey na kulang na lang ay ipakita ang tunay niyang ugali.“Alam mo, Audrey, tama ka. Ang mabuti pa ay huwag mo na lang akong pakialaman. Kung naiinggit ka maghanap ka na lang ng sarili mong matanda at sugar daddy. Gusto mo bang hanapan kita? Tanungin ko siya kung may available na kaibigan para i-reto ko sa’yo nang manahimik ka na rin at tumigil sa kakapuna sa mga nangyayari sa buhay ko. Gusto mo ba, ha?”Pinanlisikan ng mga mata ni Audrey si Bethany matapos na sabihin iyon. Ano siya hibang? Si Albert lang ang papatulan niya! Is
NAIS PA SANANG asarin ni Rina si Bethany ngunit pinili niyang tigilan na lang ang kaibigan dahil baka mapikon na ito sa pang-aalaska niya. Iba pa namang mapikon ito sa kanya, grabe kung magtampo. Pinahihirapan siyang makipagbati nito kung kaya naman mabuting tigilan niya na. Tuluyang naagaw na ang atensyon nilang dalawa ng malakas na volume ng kakabukas lang na TV na nakadikit sa wall ng kinaroroonan nilang cafe. Nasa breaking news iyon kung saan binabalita ang pagdating sa bansa ng sikat around the globe na musician na si Alejandrino Conley. Nakatira ito sa United States kung saan siya nagsimulang makilala at na-pursue niya doon ang career niya lalo na sa pagtugtog ng mga instruments na kagaya ng kinahihiligan ni Bethany. Nasa bansa ito upang maghanda na simulan ang naka-line up nitong Asian Tours. Sa mga sandaling iyon ay nasa airport pa lang sila kung saan maraming reporter sa palibot nito. Naghihintay na ma-interview siya kahit na sandali lang. Makikita sa mukha ng matanda ang ex
HINDI NA KASI matanggal ang mga mata ng dalaga sa screen ng TV kung saan ini-interview na ang bagong dating na lalaki. Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya dito. Parang may invisible connection sila na hindi niya maipaliwanag. Parang gusto na lang niyang isipin na posible ang sinasabi ng kanyang kaibigan. Napangiti pa siya nang malapad nang tumingin na ito sa camera na para bang nakikipag-eye contact sa kanya. “Aba, Bethany kung hindi ko lang alam na may nangyayari sa inyo ni Attorney Dankworth na kababalaghan at milagro, iisipin ko na na-love at first ka diyan kay Alejandrino Conley. Grabe, ang lagkit ng mga titig mo, Girl sa kanya. Huwag mo naman ipakita sa akin na may chance talagang magkagusto ka sa matanda ha gaya ng bintang ni Audrey? Naku, Girl, umayos ka! Doon ka na lang kay Gavin. Mas bagay iyon sa’yo at mas papaligayahin ka pa noon, okay, Girl?”Nakasimangot na nilingon na siya ni Bethany. Parang sasabog sa galit ang mga mata nito. “Sira ka ba? Humahanga
LUMAPIT PA ANG matanda kay Gavin upang bahagya itong tapikin sa balikat niya. Ginantihan naman iyon ni Gavin. Pagkatapos noon ay malapad na itong ngumiti sa binata na ganundin ang ibinibigay na reaction sa kanyang presensya.“It's been a few years hijo, magmula noong huli tayong magkita.” maligaya ang tinig nitong wika habang titig na titig pa rin ang mga mata sa mukha niya ng binata, inaalam kung ano ang mga nagbago sa kanya noong huli silang magkita. “I heard that you are doing well in your career. I am so proud of you, hijo…”Nahihiyang ngumiti lang doon ang binata at bahagyang tumango sa matanda.“Medyo lang naman, Tito Drino.” “At ang balita ko pa mula sa Daddy mo na ang lawak na rin ng sakop ng negosyo mo? Iba ka talagang bumanat, Gavin. Matindi at matinik.”“Salamat po, Tito Drino. Sakto lang naman po ‘yun.”Nag-usap pa ang dalawa at kaswal na nagpalitan ng mga salita ng papuri sa bawat isa. Ilang sandali pa ay umakyat na doon si Briel na inutusan ng kanyang amang pababain na
PARANG BATANG NAPADILA pa doon si Briel upang patunayan na bata pa nga siyang talaga sa knilang paningin. Mamula-mula na ang mukha nito sa labis na hiya.“Hindi iyon magagawa ni Daddy sa akin dahil narito si Tito Drino, kakampihan niya ako!” mayabang nitong turan na animo ay siguradong-sigurado sa mga sinasabi niya.Muling natawa lang ang Ginang. Hinarap na ang kanilang bisitang natatawa na lang din sa inaastang iyon ng kanilang unica hija. “Sa lahat ng kaibigan ni Gorio, ikaw talaga ang pinaka-paborito nitong si Briel. Mula ng bata pa ‘yan palagi ng nakadikit sa’yo eh. Isama mo na nga iyan sa’yo, Drino.”Nakangiting tumango lang si Alejandrino at binalingan na si Briel. Hindi niya mapigilang makaramdam ng invisible na sakit sa puso. Para iyong tinutusok ng karayom. Bagama't sila ng kanyang asawa ay may isang anak na babae, hindi ito tunay na sa kanila nanggaling ngunit isa lang itong ampon. Kung hindi niya sineryoso at inuna ang kanyang pagpapahalaga sa sarili at ambisyon noon, at h
TAHIMIK NA LUMABAS sa kusina si Bethany nang mabawi ang pustora na alam niyang ipinagtataka na ng madrasta, upang tumungo sa kanyang silid at mag-ready na. Naiwan niya sina Victoria at Gavin sa loob ng kusina. Hinugasan ni Gavin ang kanyang kamay at muli pang inayos ang nakatupi niyang manggas ng polo shirt. Komportable pa rin siya kahit na tinititigan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa.“Mama, ibabalik ko rin po dito ang anak niyo bago ang hapunan. Sa weekend po ay iinvite ko kayo sa bahay para pag-usapan ang plano naming kasal kasama ng mga parents ko. Makikipag-communicate na lang ako kung paano.”Hindi na maitago pa ang saya sa mukha ni Victoria nang marinig niya iyon. Halata niya sa mga mata ng kaharap na abogado na desidido na talagang lumagay sila sa tahimik. Hindi na rin naman sila mga bata kaya bakit hahadlangan?“Hindi ka ba nabibigla, hijo? Hindi sa tutol ako. Ayaw mo bang patagalin muna ang relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin ay gusto mo na ba talagang lumagay sa tahimi
BINUHAT NA NI Gavin ang juice at uhaw na uminom doon. Nakalahati niya ang laman nito. Matapos iyon ay ini-angat na niya ang mga mata sa problemado pa ‘ring si Victoria. Naiimbyerna ito sa bumabaha pa nilang kusina dahil sa tubo. “Gaano po ba kalala ang sira, Mama? Pwede ko bang makita? Baka kaya ko ng ayusin.”Nabaling na ang paningin ng tatlo sa binata. Sabay-sabay silang umiling, maging si Benjo at lalong-lalo na si Bethany.“Huwag na Gavin, tinawagan ko naman na ang management. Paniguradong papunta na sila. Mababasa ka. Baha na sa kusina namin.” harang agad ni Bethany sa nais gawin ng nobyo, ayaw niyang pati iyon ay iasa pa nila sa fiance niya.“Baha na? Naku, mas lalong kailangang ayusin na iyon agad.”Tumayo ang abogado at tinungo na ang kusina habang itinutupi ang manggas ng suot niyang polo. Napatayo na rin doon si Bethany at Victoria na may pagkataranta. Makahulugan na lang tumingin si Bethany sa ama habang naiiling. Sinundan na kasi ni Victoria si Gavin patungong kusina na a
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. “Hay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!” bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, “Pinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!”Bago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.“Akala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!” anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. “Sorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.” hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.“Ayos lang naman po, Manang Esperanza…” nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni
ILANG ARAW BAGO matapos ang taong iyon nang magkaroon ng year end banquet ang music center nina Bethany sa hiling na rin ng mga employee at ng mga kasalukuyang investors nito. Si Miss Gen ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangan noon at dadaluhan na lang iyon ng dalaga. Ilan sa mga bisita ay mga kilalang negosyante na pilit kinukuha ni Miss Gen ang atensyon para maging investors ng center. Hindi naman sobrang rangya ng naturang party. Banquet style lang iyon at mayroong oras din hanggang kailan.“Sigurado ka na ayaw mong sumama sa banquet ng music center, Gavin? As my fiancé welcome kang dumalo at makisalamuha. Sumama ka na. Huwag ka ng mahiya. Hindi rin naman matagal iyon.”Pang-ilang aya na iyon ni Bethany sa nobyo. Syempre proud siya na i-display ang binata bilang fiancé niya at iyabang sa mga naroroon kung sasama ito. Hindi na lang kasi basta boyfriend niya ang abogado, soon to be husband niya na rin ito. Sino bang babae ang hindi mapa-proud doon? Nabingwit niya ang binata.“Hind
HALOS MAPABUNGHALIT NA ng tawa si Gavin nang muli niyang ilingon ang mukha sa may passenger seat ng kanyang sasakyan. Sa mga tingin ni Bethany ay animo papatayin na siya nito o lalamunin nang buo. Puno iyon ng pagbabanta na panay ang irap sa kanya. Nakahalukipkip pa ang dalaga upang ipakita na hindi siya natutuwa. Naiipit kasi sila ngayon sa matinding traffic na lingid sa kaalaman nila ay may aksidente sa bandang unahan kung kaya naman usad pagong sila. “Wala na, nilamon na ng malalaking bituka ko iyong maliliit. Gutom na gutom na ako!”“Thanie? Patience please? Wala namang may gusto na maipit tayo sa traffic—”“Bakit hindi mo sinabi sa aking malayo pala? Sana naghanap na lang ako ng ibang resto na mas malapit!” reklamo nitong parang kasalanan ni Gavin ang mga nangyari, “Sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ha?”“Baby, anong sinadya?” gagap niya sa isang kamay ng dalaga ngunit matigas ito at ayaw ipahawak iyon sa kanya, “Hindi mo kasi ako pintapos na magsalita kanina. Hinila mo ako
NAGPALINGA-LINGA SA PALIGID nila si Gavin na may nahihiyang mukha habang panay ang abot ng yakap niyang tisyu sa nobya na nakaupo pa rin. Tipong wala pa itong planong tumayo mula sa kanilang kinauupuan kahit na nag-aalisan na ang mga kasabayan nilang nanood ng movie. Tapos na ang palabas, at base sa reaction ng ng dalaga ay sobra itong na-touch sa naging ending ng movie. Naiintindihan naman ni Gavin iyon dahil hindi lang naman ito ang umiyak, marami sa mga nanood pero naka-move on naman agad. Ang hindi niya maintindihan ay ang nobya na sobrang affected pa rin na animo siya iyong bida. Isa pa, happy ending naman iyon kaya walang nakakaiyak para sa kanya. Isa pa ito sa hindi niya maintindihan.“Thanie, ano bang nakakaiyak? Happy ending naman siya di ba? They live happily ever after pagkatapos ng mga pinagdaanan.”maamo ang tinig na tanong ni Gavin na bahagyang hinagod ang likod nito.Nag-angat na ng mukha niya si Bethany. Napilitan si Gavin na tulungan ito sa baha ng mga luha sa kanyang