BUMITAK ANG PAGKADISMAYA sa mukha ng ama ni Gavin nang marinig niya ang sinabi ng anak at ang tangkang pag-alis nito sa kanyang harapan nang ganun-ganun na lang. Pakiramdam niya ay masama ang loob sa kanya ng binatang anak kung kaya naman minabuti na lang nito ang iwasan siya at umalis dito.“Isn't this your home, Gavin? Bakit hindi ka na lang dito matulog at magpahinga? Tulugan mo man lang ang silid mo ditong sobrang tagal na noong huling ginawa mo.” hindi na mapigilan ng amang tumaas ang tono, nakikita niyang sobrang tumataas na ang tingin ng kanyang anak sa sarili nito dahil sa estado nito.Kilala si Gregorio Dankworth na may masamang ugali lalo na kapag may alak na nakasilid na sa katawan. Mahigpit din ito kung minsan. Kung takot si Briel dito at ang kanyang ina, iba si Gavin. Sanay na sanay na siya sa ugali ng ama. Hindi na siya kinikilabutan pa doon kahit na alam niyang anytime ay magagawa siya nitong pagbuhatan ng kamay. Hindi na niya hihintayin pa na mangyari iyon kaya naman a
MALAKAS NA NAPASIGAW silang dalawa nang mag-untog ang kanilang mga noo. Sabay din silang napaupo sa kama habang hinahaplos ang kanilang noo na nagtama kanina. Halatang sobrang inaantok pa ang dalaga ngunit nawala iyon sa nangyari. Bahagya niyang kinagat ang pang-ibabang labi sabay tingin sa binata gamit ang mapungay niyang mga mata. Napangiti pa si Gavin sa hitsura niya parang batang paslit na nabulabog sa mahimbing na pagtulog. Hinawakan na niya ang baba ni Bethany at muling hinalikan ang labi ng dalaga. Lumalim pa iyon nang lumalim dahil hinayaan lang ni Bethany ito sa kung ano ang gustong gawin hanggang si Gavin na ang kusang bumitaw at nahiga sa kama dala ng pagkakapos sa kanyang hininga. “Bakit umuwi ka? Akala ko ba ay may bisita kayo sa bahay niyo at kailangang naroon ka?” harap na ni Bethany kay Gavin. “Nakaalis na siya. Pumunta na ng hotel. Doon siya mag-stay. Nagkaroon lang naman ng family dinner kasama siya tapos kaunting inuman. Napasarap lang ang kwentuhan ng kaunti kaya
NANG MARAMDAMAN NI Gavin ang ginagawang paninitig ni Bethany sa kanya ay napilitan siyang mag-angat ng tingin sa dalaga. Natagpuan niya ang mga mata nitong matamang nakatuon sa kanya. Alam niyang gustong-gusto nito ang hitsura niya at sa oras na ito ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting dignidad bilang lalaki. Hindi pwersadong kinurot niya ang isang pisngi ng mukha ng dalaga dala ng panggigil niya dito. Napakurap naman si Bethany na tila ginising siya nito sa realidad ng buhay. “Bakit tulala ka diyan? Nagwa-gwapuhan ka na naman sa akin ‘no?” namumula ang magkabilang tainga na turan ng binata, umangat pa ang gilid ng labi ng abugado. “O baka naman may iba kang gustong gawin sa akin ngayon?” pilyo pa nitong turan na ngumisi pa na parang sa aso, ikinapula naman iyon ng mukha ni Bethany. Umiwas na ng tingin sa abugado. “Bakit hindi ka naglakas-loob na tumingin sa akin kanina noong naliligo ako? Libreng-libre lang...” kindat pa nitong may ibang kahulugan.Nang sabihin ito ni Gavi
ILANG ARAW NA rin ang nakakalipas nang ma-discharge na sa hospital ang ama ng dalaga at nakabalik na ulit sila ng madrasta ni Bethany sa dati nilang bahay. Hindi na sa maliit na apartment kung saan medyo may kalayuan sa lugar. Ilang beses ni Bethany sinubukan na ilayo sila sa lugar kung saan out of reach ni Albert, ngunit napag-isip ni Bethany na bakit niya pa gagawin iyon? Wala naman silang kasalanan para magtago. Isa pa, kakampi na niya si Gavin Dankworth. At dahil wala doon si Bethany at nasa penthouse ni Gavin tumutuloy, hindi na napigilan ng ama ng dalaga na magtanong na ng tungkol dito sa kanyang asawa. “Victoria, ilang araw ko ng napapansin na hindi umuuwi si Bethany. May hindi ba ako alam na nangyari habang hindi niyo ako kasama, ha?”Natigilan ang Ginang sa kanyang ginagawa. Hindi niya alam kung tama ba niyang sabihin iyon sa asawa gayong alam niyang maaaring makadagdag iyon ng stress dito.“B-Benjo, busy lang sa trabaho ang anak mo. Huwag mo siyang alalahanin.”Walang maga
NGUMITI LANG ANG dalaga sa kinikilalang ina. Ilang saglit pa ay lumakad na sila pabalik sa silid kung saan naroon at panandaliang namamalagi ang ama dala ang binalatan at hinugasan nilang mga prutas ng Ginang na dessert nila. Patuloy silang nag-usap pa sila tungkol sa ibang mga bagay kasama ang ama nang biglang mag-ring ang doorbell at nabulabog sila. Nagkatinginan si Bethany at ang kanyang madrasta ng ilang saglit. Walang pakialam naman doon ang ama ni Bethany na busy sa kinakain. “May inaasahan po ba kayo ngayong bisita, Papa, Tita?” tanong niya dahil baka ilan sa mga kaibigan iyon ng kanyang ama. Sabay na umiling ang dalawa. Walang maisip na nagsabing bibisita sa bahay nila.“Wala naman, pwede bang pakibuksan ng pintuan at tingnan mo kung sino Bethany?”Marahang tumango ang dalaga sa madrasta. “Sige po, ako na…”Tumayo na at tahimik na humakbang patungo ng pintuan si Bethany. Ni wala siyang karampot na kaba habang patungo doon. Parang may multong nakita si Bethany nang makita ku
GUMALAW LANG ANG panga ni Albert ngunit hindi ito nagsalita para sumbatan ang dalaga sa kanyang karahasang ginawa. Nanatili ang gulantang na mga mata sa mukha ng dalagang galaiti na. Hindi niya rin sukat-akalain na kayang gawin iyon sa lalaki.“Matagal na tayong hiwalay!” halos pumutok na ang mga litid niya sa leeg niya. “Nakalimutan mo na bang matagal mo ng pinutol ang koneksyon natin mula ng lokohin mo ako tapos sasabihan mo akong huwag magbago? Nagpapatawa ka ba? Siraulo ka talaga ah!” amba niyang muli ang ng isang palad kay Albert. “Pwes, hindi ka nakakatawa, nakakairita ka! Anong tingin mo sa akin ha? Tau-tauhan mo ba ako?!”Natigilan si Albert, nasaktan ang kanyang gwapong mukha ngunit hindi man lang siya nagalit nang sampalin siya ng dalaga. Sa unang pagkakataon pakiramdam ni Albert ay wala siyang karapatan na magalit kay Bethany. Hindi na malambot ang puso ni Bethany na napagtanto ng lalaki sa araw na iyon. Tuluyan na nga itong nagbago.“Bethany—”“Ano? May amnesia ka ba at hi
MALAKAS NA HUMAGALPAK ng tawa si Bethany sa kasuklam-suklam na linyang kanyang narinig mula sa kaharap niyang lalaki. Tanga ba itong lalaking kaharap niya? Bakit pinagpipilitan niya ang sarili niya sa kanya gayong ayaw niya na naman dito? Alam niya ang relasyong mayroon siya kay Gavin. Hindi niya siya kailangang diktahan at isampal iyon sa kanyang mukha dahil malinaw pa iyon sa tubig ng hot spring. Alam niya ang magiging consequences noon kapag tinuloy-tuloy niya dahil ang imposible na mahalin siya nang tapat ng abugado, pero ni minsan, hindi siya ni Gavin trinatong basura lang at hindi siya nito basta binibigo kung mayroon ng pinangako sa kanya. Kung tutuusin nga, mas dama pa ni Bethany ang pag-aalala ni Gavin kumpara kay Albert noong sila pa. Hindi lang iyon, mayroon din itong isang salita na siyang mas nagpahanga pa sa kanya sa binata. Hindi lang basta pangakong mauuwi sa pagkapako ang mga sinabi nito sa kanya dahil alam niyang tutuparin iyon ni Gavin anuman ang mangyari. At least
HINDI NAKUNTENTO SI Victoria sa naging sagot ng kanyang step-daughter. Saksi siya sa mga kahunghangan nito na isang ngawa lang ni Albert, kaagad na itong bumibigay. Ilang beses niyang pinapanalangin na sana naman ay matauhan na rin ito.“Huwag malambot ang puso mo sa kanya, Bethany. Baka mamaya madala ka na naman ng lalaking iyon sa mga paawa effect niya at magpauto ka na naman sa kanya? Hay naku, ako na ang magsasabi sa’yo. Ginagawa ka niyang tanga. Papayag ka bang gawin na lang niyang palaging tanga at uto-uto niya ha? Huwag naman, hija. Ang ganda-ganda mo eh. Saka, okay ka na diyan kay Gavin, huwag mo ng ipagpalit pa ang matalino at malambing na abugadong iyon sa kupal na Albert na iyon. Maliwanag?”Bago pa makasagot doon si Bethany ay naghuramentado na ang kanyang cellphone sa tawag ng binatang binanggit ng kanyang madrasta ngayon. Malamang naramdaman nitong pinag-uusapan nilang mag-ina ang binata kaya tumatawag na. Tumikhim muna ang dalaga bago iyon sinagot. Ilang minutong tinin
MAHINANG NATAWA NA noon si Giovanni na masuyong hinaplos ang buhok ng dalagang nakaunan sa isa sa mga bisig niya. Sabi rin ng binata sa kanyang sarili noon na hindi na siya maghahanap ng iba magmula noong makilala niya ang isang dalaga sa Hongkong at nakuha niya ang pagka-birhen nito nang hindi niya nasisilayan ang mukha. Bagay na hanggang sa sandaling iyon ay pinapahanap niya pa.“Saka hindi lang kayo masarap magmahal, masarap talaga kayo—” Kinailangan ni Giovanni na halikan ang labi ni Briel dahil kapag ganun ang sinasabi nito, labis siyang natu-turn on na naman sa kanya kahit na kakatapos pa lang nila na para bang may magic sa mga salita nito na nagdidikta sa kanyang isipan at naka-direkta sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang, pero may kutob siya na baka si Briel ang babaeng nakuha niya. Though, imposible ang bagay na iyon kahit parang ka-edad niya lang din ang malabong imahe babae sa isipan.“Have you been in Hongkong, Briel?”“Many times.
DAHAN-DAHANG NAUPO SI Briel habang mabilis na ang ragasa ng kanilang nakaraang dalawa sa kanyang isipan na para bang replay ng isang magandang pelikula na malinaw niyang natatandaan. Ang buong akala niya ay hindi na mauulit pa ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila noon sa Baguio pagkatapos ng kasal ng kanyang kapatid kay Bethany. Iyon na ang una at huling tikim niya sa katawan ng Gobernador. Hindi niya makakalimutan ang bawat haplos nito sa kanyang katawan na puno ng nag-aalab na pagsamba. Alam niya sa kanyang sarili na purong pagnanasa lang naman iyon, kung kaya hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit mas nahulog pa siyang lalo sa charm ng lalaki.“Why are you so good?” anas ni Giovanni habang nakasubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib at salit-salitan iyong sinisipsip, nasa ibabaw siya ng Governor upang bigyan ito ng hindi makakalimutang pagniniig na ang goal ni Briel ay hanap-hanapin iyon ng binata. “You are making me lose my sanity.” “Because you are so good too.
NANG MABAKALIK NG mansion mula sa mall sina Briel ay hindi na rin doon nagtagal pa ang pamilya ni Gavin at nagpaalam na aalis na rin sila upang umuwi ng villa. Pinigilan sila ng kanilang mga magulang ngunit sinabi nilang papasyal na lang ulit sila doon kung kinakailangan. Isang mahigpit na yakap ang iniwan ni Bethany kay Briel nang ihatid nila ito sa may pintuan. Matapos na mawala sa kanilang paningin ay pumasok na sila sa loob ng mansion. Hinayaan ni Briel na asikasuhin ng mga magulang ang anak na si Brian na wiling-wili rin naman sa dalawang matanda na mas priority na ang anak niya. “Huwag mong alalahanin ang anak mo, kami na ang bahala sa kanya. Just do what you want. Huwag ka lang lalabas ng mansion upang mag-bar at iinom ng alak.” makahulugang biro na rin ng ama niya.Mahinang natawa si Briel. Wala na sa loob niya ang bagay na iyon. Kumbaga ay graduate na siya sa bagay na iyon. Si Brian na ang top priority niya. Kung sakaling iinom man siya, sa mansion na lang niya iyon gagawin.
BUMALIK NA SA sala ang mag-ama matapos ng ilang minutong lamunin sila ng katahimikan. Wala ng sinuman sa kanila ang nais na magdagdag pa ng topic ng kanilang usapan. Iba na ang expression ng mukha ni Mr. Dankworth kumpara kanina. Maaliwalas na iyon na tila ba natanggap na niya ang kapalaran ng bunsong anak. Naliwanagan na rin siya sa ibig iparating ng panganay niyang anak. Naisip niya na may punto nga ito. Kailangan nilang hanapan ng solusyon ang problema at iyon ay ang harapin ang panig ng pamilya Bianchi. Hindi ang lumikha ng panibagong suliranin at gulo na magpapalala ng kanilang sitwasyon. Sinubukan niyang lumapit kay Brian na ayaw namang lumapit dahil sa trauma nito kanina.“Ayan, Gorio. Ayaw ng sumama sa’yo, paano ba naman ang lakas ng boses mo kanina.” ang Ginang na mahinang natawa sa reaction ni Brian na ganun na lang ang tanggi sa Lolo nito.Ginugol ng pamilya ang kwentuhan ng mga nangyari sa buhay ni Briel. Walang gatol na inamin niya kung ano ang nangyari sa kanya. Kung paa
NATIGILAN NG ILANG sandali doon si Mr. Dankworth upang mag-isip. Muli pa siyang nagpatuloy sa paroo’t-parito na para bang kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay maiibsan ang problemang kanyang iniisip sa bunsong anak.“Tayo ngang pamilya niya ay hindi siya nakita. Siya pa kaya? Mali nilang pareho at sa tingin ko kailangan nilang mag-usap tungkol sa bata. Kahit para na lang sa bata at hindi sa kanila. Pwede nilang gawin ang bagay na iyon, di ba? Magkasundo na lang sila kung ano ang mabuti nilang gawin sa binuo nilang responsibilidad na magkasama.”“Hindi. Hindi ako papayag na makikipag-usap pa si Briel sa kanya. Halata namang wala siyang interest sa kapatid mo! Bakit ipagtutulakan pa natin siya sa kanya? Kaya natin buhayin ang kapatid mo at ang anak niya. Ibig sabihin lang noon sa loob ng dalawang taong iyon, ni piso o kaunting suporta ay walang nakuha ang kapatid mo sa kanya.” matigas na katwiran ni Mr. Dankworth na nagpaiba ng hilatsa ng mukha ni Gavin, parang ang unfair naman ng ama
ILANG SANDALI PANG pinagmasdan ni Briel ang mukha ng kanyang ama na nakatingin sa kanya nang mataman. Tinatantiya kung ang ipinapakita ba nito sa kanya ay ang tunay nitong nararamdaman o nagbabalat-kayo lang. Habang magkahinang ang kanilang mga mata ay napakaraming gustong ipaliwanag ni Briel sa ama kaya lang ay hindi niya magawang isatinig iyon. Tila ba mayroong pwersang pumipigil sa kanya. Naisip na rin ni Briel na hindi iyon ang tamang panahon para doon. Kahit na gusto niyang magsalita, umuurong ang dila niya kapag gagawin na.“Maiwan ko muna kayo. Pupunta lang ako ng study room.” paalam ni Mr. Dankworth na bakas ang bigat na pakiramdam sa kanyang magkabilang balikat bagamat hindi na galit ang emosyong nakabalandra sa mukha niya.Sinundan lang ng pares ng kanilang mga mata ang likod ng padre de pamilya na lingid sa kaalaman ng lahat na sobrang bagsak at gulo ng kanyang isipan ng mga sandaling iyon nang dahil sa nangyari sa bunsong anak. Nang mawala na ito sa kanilang paningin ay mu
NAMAYANI ANG LABIS na katahimikan sa kanilang pagitan pagkatapos na seryosong sabihin ang litanyang iyon ni Mr. Dankworth. Natuod na si Briel sa kanyang kinauupuan. Habang lulan kanina ng sasakyan ay ilang beses na niyang prinaktis sa kanyang isipan ang isasagot sa mga posibleng katanungan ng kanyang mga magulang. Ngunit ngayong nasa pagkakataon na silang iyon, para bang naglaho ang kanyang mga hinabing salita ng explanation. Wala siyang nagawa kundi ang mapatungo at mahulog ang mga mata sa kanyang dalawang palad na para bang kapag ginawa niya iyon ay makikita niya ang kasagutan sa tanong ng kanyang ama. Hindi siya takot, pero nahihiya siya.“Sana man lang ay isinama mo siya dito, Gabriella.” dagdag pa ng amang inip na hinihintay ang sagot ng anak. Ilang beses niyang nilingon si Gavin, ang asawa at maging ang manugang niyang si Bethany na para bang alam nila ang sagot ng bunso niyang anak. Ngunit nanatiling tikom ang bibig nila na tila ba naghihintay din ng explanation. Nabaling na
BAGO PA MAN makapag-react ang Ginang ay tinalikuran na sila ng malamig pa rin ang tingin na si Mr. Dankworth. Bakas na bakas sa gawi nito ang pagiging dismayado sa naging kapalaran at desisyon ng kanilang anak na bunso. Nagpatiuna na itong pumasok sa loob ng mansion na walang lingon sa mga nakatungangang anak. Natataranta namang sinundan siya agad ng Ginang upang masinsinang kausapin matapos na lingunin na rin ang tahimik pa rin na mga anak na nakatayo sa parking lot na para bang nagpapakiramdaman kung ano ang susunod na gagawing hakbang. Kanina pa gustong i-comfort at yakapin ng Ginang nang mahigpit ang bunsong anak, ngunit hindi niya iyon magawa. Ang kailangan niya munang pag-ukulan ng pansin ay ang kanyang asawa na alam niyang labis na nasaktan sa nalaman niya.“Sumunod kayo sa amin ng Daddy niyo. Sa loob tayo mag-usap. Unawain niyo rin sana ang reaction niya. Maging responsable tayo sa mga desisyon natin at huwag maging balat-sibuyas. Ginusto natin ito, matuto tayong tanggapin ang
NAPALINGON NA SI Briel sa may pintuan ng silid nang maramdaman na may mga yabag na lumalapit doon. Ang nakangiting mukha ni Bethany ang tumambad sa kanya pagkaraan ng ilang segundo. Ginantihan niya ito ng magaang ngiti. Kapagdaka ay muling ibinaling na ang kanyang mga mata sa anak na nakahiga pa at kakatapos lang na bihisan.“Ready na kayo? Nasa ibaba na si Gavin. Huwag kang mag-alala, sasama naman ako papuntang mansion. Magiging back up mo ako doon just in case lang. Nasa likod mo lang ako.” anito na humakbang na papalapit sa kanila ni Brian. Kinarga na ni Bethany ang kanyang anak na hindi naman umiyak. Dinampot na ni Briel ang mga gamit nilang mag-ina. Sumunod na siya sa ginawang paglabas ni Bethany sa silid habang karga pa rin nito ang kanyang anak.“Tingin mo Bethany, saglit lang ang magiging galit nina Mommy at Daddy sa akin? Pwede naman kasing hindi na lang kami pumunta ni Brian at—”Natigil na si Briel sa sasabihin pa sana nang humarap na sa kanya si Bethany. Ilang segundo siy