NANG MARAMDAMAN NI Gavin ang ginagawang paninitig ni Bethany sa kanya ay napilitan siyang mag-angat ng tingin sa dalaga. Natagpuan niya ang mga mata nitong matamang nakatuon sa kanya. Alam niyang gustong-gusto nito ang hitsura niya at sa oras na ito ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting dignidad bilang lalaki. Hindi pwersadong kinurot niya ang isang pisngi ng mukha ng dalaga dala ng panggigil niya dito. Napakurap naman si Bethany na tila ginising siya nito sa realidad ng buhay. “Bakit tulala ka diyan? Nagwa-gwapuhan ka na naman sa akin ‘no?” namumula ang magkabilang tainga na turan ng binata, umangat pa ang gilid ng labi ng abugado. “O baka naman may iba kang gustong gawin sa akin ngayon?” pilyo pa nitong turan na ngumisi pa na parang sa aso, ikinapula naman iyon ng mukha ni Bethany. Umiwas na ng tingin sa abugado. “Bakit hindi ka naglakas-loob na tumingin sa akin kanina noong naliligo ako? Libreng-libre lang...” kindat pa nitong may ibang kahulugan.Nang sabihin ito ni Gavi
ILANG ARAW NA rin ang nakakalipas nang ma-discharge na sa hospital ang ama ng dalaga at nakabalik na ulit sila ng madrasta ni Bethany sa dati nilang bahay. Hindi na sa maliit na apartment kung saan medyo may kalayuan sa lugar. Ilang beses ni Bethany sinubukan na ilayo sila sa lugar kung saan out of reach ni Albert, ngunit napag-isip ni Bethany na bakit niya pa gagawin iyon? Wala naman silang kasalanan para magtago. Isa pa, kakampi na niya si Gavin Dankworth. At dahil wala doon si Bethany at nasa penthouse ni Gavin tumutuloy, hindi na napigilan ng ama ng dalaga na magtanong na ng tungkol dito sa kanyang asawa. “Victoria, ilang araw ko ng napapansin na hindi umuuwi si Bethany. May hindi ba ako alam na nangyari habang hindi niyo ako kasama, ha?”Natigilan ang Ginang sa kanyang ginagawa. Hindi niya alam kung tama ba niyang sabihin iyon sa asawa gayong alam niyang maaaring makadagdag iyon ng stress dito.“B-Benjo, busy lang sa trabaho ang anak mo. Huwag mo siyang alalahanin.”Walang maga
NGUMITI LANG ANG dalaga sa kinikilalang ina. Ilang saglit pa ay lumakad na sila pabalik sa silid kung saan naroon at panandaliang namamalagi ang ama dala ang binalatan at hinugasan nilang mga prutas ng Ginang na dessert nila. Patuloy silang nag-usap pa sila tungkol sa ibang mga bagay kasama ang ama nang biglang mag-ring ang doorbell at nabulabog sila. Nagkatinginan si Bethany at ang kanyang madrasta ng ilang saglit. Walang pakialam naman doon ang ama ni Bethany na busy sa kinakain. “May inaasahan po ba kayo ngayong bisita, Papa, Tita?” tanong niya dahil baka ilan sa mga kaibigan iyon ng kanyang ama. Sabay na umiling ang dalawa. Walang maisip na nagsabing bibisita sa bahay nila.“Wala naman, pwede bang pakibuksan ng pintuan at tingnan mo kung sino Bethany?”Marahang tumango ang dalaga sa madrasta. “Sige po, ako na…”Tumayo na at tahimik na humakbang patungo ng pintuan si Bethany. Ni wala siyang karampot na kaba habang patungo doon. Parang may multong nakita si Bethany nang makita ku
GUMALAW LANG ANG panga ni Albert ngunit hindi ito nagsalita para sumbatan ang dalaga sa kanyang karahasang ginawa. Nanatili ang gulantang na mga mata sa mukha ng dalagang galaiti na. Hindi niya rin sukat-akalain na kayang gawin iyon sa lalaki.“Matagal na tayong hiwalay!” halos pumutok na ang mga litid niya sa leeg niya. “Nakalimutan mo na bang matagal mo ng pinutol ang koneksyon natin mula ng lokohin mo ako tapos sasabihan mo akong huwag magbago? Nagpapatawa ka ba? Siraulo ka talaga ah!” amba niyang muli ang ng isang palad kay Albert. “Pwes, hindi ka nakakatawa, nakakairita ka! Anong tingin mo sa akin ha? Tau-tauhan mo ba ako?!”Natigilan si Albert, nasaktan ang kanyang gwapong mukha ngunit hindi man lang siya nagalit nang sampalin siya ng dalaga. Sa unang pagkakataon pakiramdam ni Albert ay wala siyang karapatan na magalit kay Bethany. Hindi na malambot ang puso ni Bethany na napagtanto ng lalaki sa araw na iyon. Tuluyan na nga itong nagbago.“Bethany—”“Ano? May amnesia ka ba at hi
MALAKAS NA HUMAGALPAK ng tawa si Bethany sa kasuklam-suklam na linyang kanyang narinig mula sa kaharap niyang lalaki. Tanga ba itong lalaking kaharap niya? Bakit pinagpipilitan niya ang sarili niya sa kanya gayong ayaw niya na naman dito? Alam niya ang relasyong mayroon siya kay Gavin. Hindi niya siya kailangang diktahan at isampal iyon sa kanyang mukha dahil malinaw pa iyon sa tubig ng hot spring. Alam niya ang magiging consequences noon kapag tinuloy-tuloy niya dahil ang imposible na mahalin siya nang tapat ng abugado, pero ni minsan, hindi siya ni Gavin trinatong basura lang at hindi siya nito basta binibigo kung mayroon ng pinangako sa kanya. Kung tutuusin nga, mas dama pa ni Bethany ang pag-aalala ni Gavin kumpara kay Albert noong sila pa. Hindi lang iyon, mayroon din itong isang salita na siyang mas nagpahanga pa sa kanya sa binata. Hindi lang basta pangakong mauuwi sa pagkapako ang mga sinabi nito sa kanya dahil alam niyang tutuparin iyon ni Gavin anuman ang mangyari. At least
HINDI NAKUNTENTO SI Victoria sa naging sagot ng kanyang step-daughter. Saksi siya sa mga kahunghangan nito na isang ngawa lang ni Albert, kaagad na itong bumibigay. Ilang beses niyang pinapanalangin na sana naman ay matauhan na rin ito.“Huwag malambot ang puso mo sa kanya, Bethany. Baka mamaya madala ka na naman ng lalaking iyon sa mga paawa effect niya at magpauto ka na naman sa kanya? Hay naku, ako na ang magsasabi sa’yo. Ginagawa ka niyang tanga. Papayag ka bang gawin na lang niyang palaging tanga at uto-uto niya ha? Huwag naman, hija. Ang ganda-ganda mo eh. Saka, okay ka na diyan kay Gavin, huwag mo ng ipagpalit pa ang matalino at malambing na abugadong iyon sa kupal na Albert na iyon. Maliwanag?”Bago pa makasagot doon si Bethany ay naghuramentado na ang kanyang cellphone sa tawag ng binatang binanggit ng kanyang madrasta ngayon. Malamang naramdaman nitong pinag-uusapan nilang mag-ina ang binata kaya tumatawag na. Tumikhim muna ang dalaga bago iyon sinagot. Ilang minutong tinin
KASALUKUYANG NASA LOOB na ng kanyang sasakyan si Gavin at nabuhay na rin niya ang makina noon na akmang magmamaneho na paalis ng parking area nang bulabugin siya ng isang tawag. Ang buong akala niya ay si Bethany iyon dahil hindi na ito makapaghintay na makita siya, ngunit nang sipatin niya ay ang kanyang kliyente pala iyon. Pinindot niya ang answer button matapos na bitawan muna ang manibela. Kailangan niyang unahin muna iyon at baka importante ang sasabihin nito sa kanya. “A-Attorney Dankworth, anong g-gagawin ko? Biglang may bagong ebidensya ang kabilang partido na sobrang unfavorable sa akin at magdidiin sa akin...tulungan mo ako, Attorney…” nanginginig na sa takot ang boses ng kliyente niya sa kabilang linya.Marahang hinawakan ni Gavin ang manibela ng kanyang sasakyan. Nahuhulaan na niya kung ano ang maaaring mangyari oras na tama ang sinasabi nito ngayon. Napakunot na ang noo niya sa narinig. Biglang naging seryoso ang kanyang mga mata na nagbabago lang oras na mas na-cha-chal
NATULALA PA SIYA ng ilang minuto hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na lang pala siyang bigla. Walang kumot at nakabalagbag pa ang higa sa kama. Nang tumawag si Rina kinabukasan ay natatarantang napabalikwas ng bangon ang dalaga upang hanapin at sagutin ang naghuhuramentado niyang cellphone gamit ang medyo paos na boses. Natawa na doon si Rina na kung ano na namang kamunduhan ang naiisip bigla ng utak nito nang dahil sa paraan ng pagsagot ng kaibigan niya sa tawag.“Hoy babae, alas-diyes na ng umaga tulog ka pa rin? Aba, buhay prinsesa ka talaga diyan ha? Huhulaan ko, mukhang pinagod ka na naman ni Attorney kagabi kung kaya tinanghali ka ng gising ‘no?” pambungad nitong dinugtungan ng mahina niyang mga hagikhik ng pang-aasar, “Hoy, hinay-hinay lang naman at baka biglang makabuo. Sige ka, mahirap ang hindi planado ha? I mean iyong hindi pa kayo kinakasal muna.” Namula na ang mukha ni Bethany na biglang natauhan na lang doon bigla. Alam niya kung ano ang ipinapahiwatig ng kany
PARANG HANGING DUMAAN sa pandinig ni Patrick ang mga salitang binitawan ni Briel. Wala rin siyang panahon na pakinggan ito. Gustong-gusto niyang makita ang pagkapikon ng babae na para sa kanya ay mas naging hot sa kanyang paningin kahit na manipis ang katawan nito. Nananatiling malakas ang appeal.“Saka, himala na naka-move on ka na sa hipag ko? Hindi mo ako mauuto. Ayoko ng maulit iyong nangyari sa amin ng gago kong ex-fiance, kaya pwede ba? Huwag mo akong madiskartehan niyang bulok mong paraan. Bakit, Patrick? Kasi alam mong hindi mo magagawang matalo si Kuya Gav at maagaw si Bethany sa kanya?” humagalpak ng tawa si Briel nang makita ang pagbabago ng hilatsa ng mukha ni Patrick, “Oh, well…wala ka naman talagang panama sa kapatid ko. Walang-wala. Alam ko ang likaw ng bituka mo...” Sa halip na magpaliwanag si Patrick ay mas ininis lang niya si Briel sa kanyang naging sagot sa kanya.“Tama ka, Gabriella. Hindi ko nga makakayang talunin ang kapatid mo kaya naman ang kapatid na lang niy
KINABUKASAN NA NAGAWANG makita ni Briel ang message ni Giovanni paggising niya, saglit lang siyang natuwa dahil bigla na lang niyang naalala ang pagtitikis nito ng mga nakaraang araw sa kanilang mag-ina. Para kay Briel ay marapat lang na parusahan niya si Giovanni. Umismid siya kahit na hindi niya kaharap ang lalaki. Piniling hinid pansinin ang mga message ng Gobernador. Binuksan niya lang ang mga iyon. Ilang beses na binasa habang halos mapunit na ang mga ngiti sa labi niya. Pakiramdam niya ay nagwagi na siya. Muli pang umirap ang kanyang mga mata sa kawalan ngunit may halo ng kilig iyon. Nungkang reply’an niya ang message nitong wala namang kabuluhan para sa kanya. Habang nasa kanyang trabaho ay hindi pa rin mawala sa isipan ni Briel ang laman ng mga message ni Giovanni. Nangungumusta lang naman ito. “Tsk, nag-alala? Kung nag-alala siya, sana ng gabing iyon tinawagan niya na ako o di kaya ay tinext.”Ilang beses niyang inisip na mag-reply kaya siya? Kinukumusta rin kasi nito ang an
PINAGPAG NI BRIEL ang bigat na nakadagan sa kanyang dibdib sa pamamagitan ng pakikipagharutan at kulitan sa dalawang bata na pinunuo ng malalakas na irit at tawanan ang bawat sulok ng kanilang silid. Hindi pwede na maging matamlay siya nang dahil lang doon. Hindi rin siya ang maninikluhod at dito ay manlilimos ng atensyon at panahon. Tama ang kanyang Kuya Gav, makakaya at makakaya niya rin iyon. “Iniwan ka na naman ba ng Mommy at Daddy mo dito, Gabe?” tanong niya nang mahuli niya ito ng kanyang mga bisig at mahigpit na niyakap. Hindi niya ito pinakawalan na pinaulanan na ng mga halik. “No, Tita Briel. Dito lang daw po kami kakain ng dinner tapos uuwi rin kami ng Batangas.”Tumango-tango lang si Briel. Wala namang problema kung manatili doon ang pamangkin. Sanay naman siya na naroon ang bata. Nagpapaalala lang ito sa kanya ng bagay na hindi naman dapat pero ayos lang.“Ayaw mo bang dito matulog?” lambing niya na mariing ikinailing ni Gabe, “Bakit? Hindi naman kita aawayin at paiiyaki
MAKAHULUGANG NGINITIAN ng Ginang si Briel sa pag-aakalang may ibang kahulugan ang kanyang mga sinabi. Agad niya nga lang pinutol ang pantasya ng kanyang ina dahil malinaw niya ng nabasa iyon. Hindi pwede na mag-conclude ito ng isang bagay na hindi naman tunay na nangyari. Aasa at aasa lang din sila.“Sa villa nina Kuya Gav sa Batangas ako natulog, Mom hindi sa kung saan gaya ng iniisip mo.” May pag-irap pa ito sa kanyang ina upang iparating ang inis na nararamdaman niya. Gulantang naman ang Ginang sa kanyang narinig. Ikiniling pa ang ulo upang mas sipatin ang mukha ng bunso niyang anak. Baka gino-goodtime lang siya nito at nais na itago ang kung anumang nangyari sa pagitan nila ng Gobernador.“Ha? Bakit naman doon? Sa tawag mo sa akin kagabi, hindi at si Governor Bianchi ang kasama mo—” “Kukunin na si Brian sa silid niyo, Mommy.” Bago pa muling maituloy ang salita ng ina ay tinalikuran na niya ito at tuluyang iniwan. Hahaba pa ang magiging explanation niya kung sakaling magtagal pa
PAGGISING NILA KINABUKASAN ay nakahanda na rin na umalis si Briel na halata sa mga mata niyang nangingitim ang nanlalaking eyebags na halos di man lang nakatulog nang nagdaang gabi. Malapad itong ngumiti sa mag-asawa na para bang walang nangyaring malalang iyakan nang nagdaang gabi sa pagitan.“Tita Briel?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Gabe nang maaninag ang tiyahin na nakatayo doon.“Hi, Gabe. Goodmorning!” kaway pa ni Briel at pinasigla ang kanyang boses na bumati sa pamangkin.Mabilis na tumakbo palapit sa kanya si Gabe matapos na bumitaw ito sa hawak ng kanyang ama. Naka-uniform na at handang pumasok na naman ng school. Lumuhod naman si Briel upang yakapin ang pamangkin na halos umabot sa kanyang tainga ang malapad na ngiti. Matapos na yakapin ito ng ilan pang minuto ay nagpaalam na rin si Briel sa kanyang kapatid at hipag na mauuna ng umuwi ng mansion.“Sumabay ka na sa amin, ihahatid lang namin si Gabe ng school at luluwas rin naman kami.” Puno ng katanungang nilingon ni
KINUROT NA NI Bethany si Gavin sa tagiliran para tumigil na ito sa paglason ng isipan ni Briel, ngunit hindi pa rin siya nito pinansin. Bahagyang napapiksi lang ng kaunti at nagpatuloy ang bibig nitong walang tigil. Napailing na lang doon si Bethany na sinulyapan na si Briel na masama na rin ang mga tingin sa kapatid. “It's not against the law to be in a relationship, Gabriella. O baka naman kasi natatakot ka na kahit may karelasyon ka ng iba ay wala pa ring pakialam sa’yo si Governor Bianchi? Kung siya pa rin ang gusto mo, e di sundin mo ang gusto niya. Hintayin mo siya. Magpaka-martir ka. Ganun lang. Huwag mo ng gawin pang komplikado ang lahat. Matanda ka na eh, dapat alam mo na ang ganitong bagay. Di ka na nahihirapan.”“Ayoko ngang maghintay, Kuya Gav!” may diin ang salitang iyon na para bang hindi makuha ng kapatid.“O e ‘di maghanap ka ng iba. Tapos ang problema mo. Ang dali lang hindi ba? Huwag mo ng idamay pa ang hipag mo at i-stress sa mga problema mo. Ngayon pa lang ay solv
SABAY NA SINUNDAN ng mga mata ng dalawang babae ang bulto ng katawan ni Gavin na dire-diretsong mabagal na umakyat ng hagdan bitbit ang baso ng gatas. Nang tuluyang makarating na ito ng itaas ay marahang hinawakan na ni Bethany ang isang braso ni Briel upang igiya naman ang hipag patungo ng kusina kung nasaan ang pagkain nitong nakahain na at naghihintay sa kanya. Nang lumingon si Briel ay matamis pang ngumiti si Bethany na animo ay bata ang kanyang inaamo ng mga sandaling iyon. “Halika, kumain ka na muna. Alam kong gutom na gutom ka na sa kakaiyak.”Walang angal na nagpahila naman si Briel sa hipag. Sumisinghot na naupo na siya sa tapat ng nakahaing pagkain na kagaya ng niluluto ng tiyuhin nitong si Giovanni. Humikbi pa si Briel na nais pa sanang magreklamo na bakit ganun ang pagkaing inihanda niya, feeling niya tuloy ay parang si Giovanni ang siyang may gawa noon kahit na hindi naman. Mas ipinakita ng mukha niya na na-touch siya sa ginawa ng hipag dahil kapag bumusangot siya, isipi
NAPAHAWAK NA SA kanyang dibdib si Bethany bilang pangunahing reaction sa sinabing iyon ng kanyang asawa. Bahagya na siyang namutla, tila ba nagbalik sa kanyang isipan ang bangungot ng panahon na nalaman niyang buntis siya noon. Hindi iyong dahil buntis siya, kung iyong panahon na bago siya manganak. Natatakot siya na paano kung may panibagong pagsubok na naman sa kanila? Ngunit ang lahat ng iyon ay napawi nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Gavin. Napalitan ng hagikhik ang malakas na dagundong at pintig ng kanyang puso na animo ay lalabas sa loob ng kanyang dibdib. Ano ba ang dapat niyang ikabahala? Nasa tabi niya naman ang asawa. Siguradong natuto na rin ito.“What’s wrong, Thanie? Bakit ganyan ang reaction mo? Hindi ka ba masaya na madadagdagan na tayo?” Ganun na lang ang naging iling niya habang nakahinang pa rin ang mga mata kay Gavin. Titig na titig siya sa asawa. Pilit na inaarok ang laman ng kanyang isipan ng mga sandaling iyon. Binabasa niya rin iyon.“I promise, h
KUNG ANONG BUHOS ng mga luha ng Gobernador na nagawa ng sapuhin ng dalawang palad ang mukha, ganundin ang lakas ng hagulhol ni Briel sa likod ng taxi dahil sobrang nasasaktan siya. Nag-expect pa naman siya na mabubuo na nila ang pamilya. Mabibigyan na niya ng kumpletong pamilya ang anak na si Brian na gaya ng kanyang pamangking si Gabe. Nabigo siya. Nagkamali siya. Iba ang gusto ni Giovanni. Ang gusto nito ay ang hintayin niya ulit ng two years? Isang kabaliwan iyon. Hindi pa rin siya nahihibang.“Miss ayos ka lang ba?” nag-aalangang tanong ng taxi driver, dahilan para mas lumakas ang iyak ni Briel. Tumango si Briel habang patuloy pa rin ang kanyang pag-atungal, tinanggap na ang balot ng tisyu na iniabot sa kanya ng driver. Kumuha siya ng fly at nagawa pang suminga. Nang bahagyang kumalma ay pinili niyang tawagan si Bethany na nang marinig itong umiiyak ay ganun na lang ang pag-aalala sa kanyang hipag. Nag-drama pa si Briel, alam niyang dadamayan siya nito at pakikinggan ang sasabihi