KASALUKUYANG NASA LOOB na ng kanyang sasakyan si Gavin at nabuhay na rin niya ang makina noon na akmang magmamaneho na paalis ng parking area nang bulabugin siya ng isang tawag. Ang buong akala niya ay si Bethany iyon dahil hindi na ito makapaghintay na makita siya, ngunit nang sipatin niya ay ang kanyang kliyente pala iyon. Pinindot niya ang answer button matapos na bitawan muna ang manibela. Kailangan niyang unahin muna iyon at baka importante ang sasabihin nito sa kanya. “A-Attorney Dankworth, anong g-gagawin ko? Biglang may bagong ebidensya ang kabilang partido na sobrang unfavorable sa akin at magdidiin sa akin...tulungan mo ako, Attorney…” nanginginig na sa takot ang boses ng kliyente niya sa kabilang linya.Marahang hinawakan ni Gavin ang manibela ng kanyang sasakyan. Nahuhulaan na niya kung ano ang maaaring mangyari oras na tama ang sinasabi nito ngayon. Napakunot na ang noo niya sa narinig. Biglang naging seryoso ang kanyang mga mata na nagbabago lang oras na mas na-cha-chal
NATULALA PA SIYA ng ilang minuto hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na lang pala siyang bigla. Walang kumot at nakabalagbag pa ang higa sa kama. Nang tumawag si Rina kinabukasan ay natatarantang napabalikwas ng bangon ang dalaga upang hanapin at sagutin ang naghuhuramentado niyang cellphone gamit ang medyo paos na boses. Natawa na doon si Rina na kung ano na namang kamunduhan ang naiisip bigla ng utak nito nang dahil sa paraan ng pagsagot ng kaibigan niya sa tawag.“Hoy babae, alas-diyes na ng umaga tulog ka pa rin? Aba, buhay prinsesa ka talaga diyan ha? Huhulaan ko, mukhang pinagod ka na naman ni Attorney kagabi kung kaya tinanghali ka ng gising ‘no?” pambungad nitong dinugtungan ng mahina niyang mga hagikhik ng pang-aasar, “Hoy, hinay-hinay lang naman at baka biglang makabuo. Sige ka, mahirap ang hindi planado ha? I mean iyong hindi pa kayo kinakasal muna.” Namula na ang mukha ni Bethany na biglang natauhan na lang doon bigla. Alam niya kung ano ang ipinapahiwatig ng kany
KULANG NA LANG ay umabot ang malapad na ngiti ni Gavin sa kanyang tainga nang bumaling na ito at humarap sa dalaga na parang nabato-balani pa rin sa angking kapogian niya. Hindi pa rin niya inalis ang pagkakasandal ng katawan sa kanyang dalang kotse. Feel na feel pa rin ng binata ang kakaibang kinang sa mga mata ni Bethany ngayon.“Nagulat ba kita, Thanie?” maligaya ang tinig na tanong niya sa dalaga na kumibot-kibot pa ang bibig.Hindi pa rin magawa ng dalagang tanggalin ang mga mata sa abugado. He was so dazzling and handsome. Iyong tipong kahit na nakatayo lang at walang ginagawa ay ang gwapo pa rin nitong tingnan na parang isang modelo. Tumayo si Gavin nang ayos at ilang sandali pa ay naglakad na siya palapit sa dalaga na bigla na lang nahigit ang hinga. Nang makadalawang hakbang na ang binata ay saka pa lang tumingin si Bethany nang mataman sa kanyang mukha.“Pasensya kung nabigo kita kagabi. Urgent lang talaga kasi kaya hindi ako nakauwi. Babawi ako. Hinintay mo ba akong umuwi?
BINUKSAN NA NI Bethany ang pintuan sa gilid niya at walang imik na lumabas na siya doon. Hindi niya nilingon si Gavin na nakahabol ang tingin sa kanyang bawat galaw. Ngumiti na siya nang harapin niyang muli ang mga ito. “Mauuna na rin ako sa loob, dumiretso ka na lang sa banquet hall para hanapin ako mamaya. Mabilis mo naman siguro akong mahahanap.” dagdag ng dalaga upang may patunayan dito na balewala ang kanyang nararamdamang kaba.Ngumiti lang si Gavin, hindi sumagot kung payag ba sa nais na mangyari ng kasama niya. Sumara ang pintuan ng sasakyan. Pinanood ni Bethany na umalis iyon patungo ng parking. Habang nakatingin dito ay bahagya siyang nagsisi, sana pala ay hindi na lang niya iyon sinabi at pumayag na hintayin na lang ang binata sa entrance. Paano kung biglang magbago ang isip nito at takasan siya? Eh ‘di naiwan siya doong mag-isa at buong party na naghihintay, nakanganga.“Hindi naman niya siguro gagawin sa akin ‘yun. Kumalma ka nga Bethany, dami mong worries. Ayan ang naku
MULI PANG IGINALA ng magkaibigan ang kanilang mga mata. Naghahanap ng tamang tyempo upang kunin ang atensyon at makausap nila si Audrey nang hindi nagiging involved doon si Albert. Isa pa may mga grupo pang ini-istema ang babae kung kaya naman hindi silang dalawa biglang makasingit. Nanatili lang silang dalawa na nakatayo sa may bulwagan ng hall. Ang ibang mga naroroon ay nakita na sila ngunit hindi naman sila pinag-ukulan ng pansin. Saglit lang silang tiningnan pagkatapos noon ay wala na agad.“Tama ang mindset na ganyan, Girl. Huwag na huwag ka ng manghinayang kay Albert. Isipin mo na lang ang naging kapalit noon. Isa pa, malaya ka na. Saka, di hamak naman na okay ang pumalit sa kanya ah?”Tinaasan lang ni Bethany ng kilay si Rina sabay kibot-kibot ng kanyang labi. Sign iyon na sinasabi niyang tumahimik na ito at ayaw na rin niyang pag-usapan pa ang nakaraan na dapat na nilang kinakalimutan. Baka kapag narinig pa 'yun ni Albert ay isipin nitong hindi pa siya nakaka-move on sa relasy
NAGKAROON NG KATAHIMIKAN sa kabuohan ng hall na parang may anghel na dumaan. Ang mga dating kaklase nila ay may kanya-kanyang ekspresyon na sa mukha. Bethany used to be the campus sweetheart. Sikat siya at gusto ng lahat. Her family was middle-class. Kaya marahil hindi rin inaasahan ng karamihan sa kanila na pagdadaanan niya ang lahat ng mga nangyari sa kanilang pamilya. Ang ilan rin sa kanila ay hindi naniniwala na magagawa niya iyon; ang magpagamit sa matandang hukluban gaya ng kalat na balita sa kanya. Ngunit ngayon na sila mismo ang makakasaksi ay wala ng ibang dahilan para hindi sila maniwala kay Audrey. Isa lang naman ang rason noon, si Albert na kung masama lang ang ugali niya ay siya ay kanina niya pa ipinagsigawan na salarin sa mukha ng mga taong nasa lugar.“Wow, ako pa talaga ang plastic? Concern lang naman ako—”“So stop being concerned kung iyan ang tawag mo sa ginagawa mo. Hindi ko iyan kailangan!”Napawi ang ngiti ni Audrey nang makita kung gaano naging matapang si Beth
AWTOMATIKONG UMIRAP SI Bethany kay Gavin nang ibaling nito ang mga mata sa kanya. Gusto niyang ipakita ditong hindi niya gusto ang sinabi niya. Pinapalabas nitong masama siya kahit na di naman totoo. Mahina lang iyong ikinatawa ng abugado. Alam niyang medyo napikon niya ang dalaga. Hindi naman iyon ang intensyon niya, ang gusto niya lang talagang iparating niya sa mga naroroon ay submissive siya sa kanya bilang boyfriend nito. Iyon lang. Subalit naging mali naman ang pagkaintindi doon ni Bethany.“Kailan pa kita pinagbawalang manigarilyo ha?” palihim na asik nito sa kanya sa mahinang tinig.Ngumisi lang si Gavin bilang tugon sa kanya. Alam niyang magre-react doon ang dalaga at hindi nga siya nagkamali. Sinabi lang naman niya iyon para pag-usapan ito at maka-earn ng respeto na nakita niyang wala ni katiting sa mga dating kaklase nila na agad niyang napansin pag-apak pa lang sa lugar. Hindi lingid sa kaalaman niya ang mga nangyayaring pangbu-bully sa kanya lalo na noong Audrey Caballer
PALIHIM NA KINUROT ni Bethany sa tagiliran si Gavin nang walang nakakakita. Sa halip na tumigil ang abugado, mas lalo pa siya nitong inasar nang hawakan nito ang gilid ng ulo niya at kabigin iyon palapit sa kanyang mukha. Walang pakundangan siya nitong hinalikan sa gilid ng kanyang labi. Parang kakapusin na ng hininga si Bethany nang gawin niya iyon. Hindi niya na matagalan ang pagiging sweet ni Gavin. Idagdag pa na nakarinig pa sila ng mahinang mga tili galing sa mga ibang kasama nila sa gathering. Malamang ay dahil iyon sa kalokohang ginawa ni Gavin na lantad sa mata ng halos karamihan sa mga dumalong bisita.“Gavin? Bakit ka ganyan? Sa halip na tumigil ka, mas ginaganahan ka pa ha?” kastigo niya dito. “Hindi ba may usapan tayo?” lamlam ng mga mata nitong nakikiusap sa kanya. “Uwi na tayo, Baby…”Napaawang na ang bibig ni Bethany. Hindi niya alam kung gaano na kapula ang kanyang mukha. Hindi niya malilimutan ang sinabi nito. Parang gusto niyang sampalin ang mukha dahil nang marinig
HUMALAY SA PALIGID ang matinis na hagikhik ni Brian na nakiliti sa matalas na stubbles ng ama na dumikit sa balat niya nang halikan siya nito. Nagawa pa siyang sabunutan ni Brian sa sobrang kiliti na kanyang nararamdaman, bagay na hindi pinansin ni Giovanni. Itinigil lang niya ang paghalik sa anak nang makitang nakalapit na ang mga magulang ni Briel na bagama’t nakangiti sa kanya ay alam niyang may mga sentemyento at hinaing sa pagiging napakabagal niya. Aminado naman siya doon, subalit may mga bagay lang din naman siyang isinasaalang-alang na tanging ang panganay lang nilang anak na si Gavin ang siyang nakakaalam. Kung siya ang masusunod, matagal na niya sanang nauwi sa bansa ang kanyang mag-ina. Kung gagawin naman niya iyon, ang abogadong si Gavin naman ang tiyak kalaban niya.“Uuwi si Briel ng New Year.” anunsyo ng Ginang na inilahad pa sa kanya ang sofa, ikinatango lang iyon ni Giovanni kahit na mayroon sana siyang reaction kagaya ng bakit sa New Year pa kung pwede namang sa Pask
MALAKAS NA TUMAWA lang si Briel, halata sa kanyang mukha na ayaw pa rin niyang magkuwento ng tungkol sa bagay na iyon ngayon kahit na sa matalik niyang kaibigan. Wala lang, parang nasanay na siyang hindi na ito binabalikan. Pakiramdam niya rin ay parang kahapon lang siya umalis ng Pilipinas. Ni wala na nga siyang balita ngayon kay Giovanni. Ni hindi na rin naman ito nagparamdam pa sa kanya kung kaya bakit pag-aaksayahan niya pa ito ng panahon? Anong gagawin niya? Siya na naman ang mauuna at gagawa ng hakbang? No way! Never na niyang gagawin ang bagay na iyon. Natuto na siyang pahalagahan ang kanyang sarili. Isa pa, kung mahalaga sila ni Brian kay Giovanni, hindi nito patatagalin na hindi sila makitang mag-ina. Ibang-iba talaga ang ugali ni Giovanni sa kapatid niya. Malayo.“Paano ba nakakabuo ng anak ang dalawang tao? Syempre nag-sex kaming dalawa!” irap ni Briel na pumaparada na. Nakaani na siya agad ng isang kurot sa tagiliran mula kay Farrah na pulang-pula ang buong mukha. Nang-aa
NOONG UNA AY naninirahan sina Briel sa tahanan ng ama ng kanyang hipag na sina Mr. Conley, ngunit hindi nagtagal matapos ang isang buwan niyang pagtra-trabaho ay pinayagan na rin siya ng mag-asawa na bumukod ngunit malapit lang din naman iyon sa kanilang bahay. Laking pasasalamat ni Briel na hindi siya itinuturing na iba ng mag-asawa bagkus ay parang naging anak na siya ng mga ito dahil sa paraan ng kanilang pag-aasikaso sa kanilang mag-ina.“Sigurado ka ba talagang kaya mo na, Briel?” tanong ni Estellita na asawa ni Alejandrino sa araw na sinabi niyang may nahanap na siyang kanilang titirhan na mag-ina, “Tandaan mo na palaging bukas ang pintuan ng tahanang ito sa inyong mag-ina. Para ko na ‘ring apo itong si Brian…at para ka na rin naming anak ni Drino.” malambing nitong litanya. “Opo, Tita. Kaya na namin ni Brian na bumukod. Papasyal-pasyal na lang po kami dito kapag wala akong trabaho o kung gusto niyo po ay pwede rin naman po kayong magtungo sa tahanan namin. Ilang blocks lang an
NAG-APPLY SA ISANG sikat na kumpanya ng clothing line si Briel bilang isang designer, isang Linggo matapos nilang makarating ng Canada. Hindi naman siya doon nabigo dahil sa mga credentials niya at talento ay agad siyang tinanggap kahit pa inamin niya sa kanila na mayroon siyang anak. Umano ay hindi naman magiging sagabal o balakid sa kanyang trabaho ang kanyang kasamang anak. At dahil sa naging matunog na pangalan niya online na nadadawit sa Gobernador na hindi nakaligtas sa kanyang kaalaman na kumalat online ay inasahan na ni Briel na mahihirapan siya at mabu-bully kahit nasa ibang bansa siya, ngunit kabaliktaran naman noon ang nangyari. Dalawang palad siyang tinanggap ng kompanya na malaking bagay na pinagpapasalamat niya. Tahimik na pinanood niya rin ang naging press conference ni Giovanni pagkaraan ng ilang araw na aaminin niyang sobrang nasaktan siya. Nakikita niya na hindi pa talaga handa ang Gobernador na manindigan sa kanilang mag-ina, kung kaya naman hindi niya na iyon ipip
NANG MARINIG IYON ay napaahon na si Gavin sa kanyang inuupuan. Kakarating pa lang niya ng mansion at kasalukuyang nagtatanggal pa lang siya ng suot niyang medyas. Mukhang nagising na sa pagkakatulog sa kahibangan ang Gobernador kung kailan mas lumaki pa ang problema niya. Ganunpaman ay willing naman si Gavin na tulungan pa rin ito dahil batid niyang para rin iyon sa kapakanan ng kanyang kapatid na si Briel at hindi kung para rin kanino iyon.“Okay? Buo na ba ang desisyon mo, Governor Bianchi? Ipapakulong ko ang babaeng iyon. Makukulong siya. Kaya mo?”Napabuga ng usok ng sigarilyo si Giovanni na sa mga sandaling iyon ay halos wala pang maayos na tulog. Sinubukan niyang tawagan ang pamangkin ngunit hindi nito sinasagot. Na-lowbat na lang ang cellphone niya, walang nangyari. Ni hindi ito tumawag pabalik upang mag-reached out kung ano ang kanyang kailangan. At dahil bagong anak pa lang ito ay hindi na rin niya naman kinulit pa. Doon siya mas lalong napaisip lalo na pagbalik niya ng kanil
MULI PANG NAPAHILOT ng kanyang sentido si Giovanni habang ang mga mata niya ay nananatili pa rin kay Margie. Hangga’t maaari ayaw na niyang palawigin pa ang kanilang problema. Tama na sa kanya ang nasabi niya na ang lahat. Hindi na kailangan pang kung saan-saan sila mapunta habang inaayos ang kanilang naging problema.“Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Tito. Just file the case, ako na ang bahala sa iba pang mga kailangan. Kung kinakailangan ay hahalungkatin ko ang buong pagkatao niya. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang lahat ng kasalanan niya.” dagdag pa ni Gavin na nababasa na ang pagdadalawa ng isip ni Giovanni ng dahil sa pananahimik nito.Bagama’t narinig naman ito nang malinaw ni Giovanni ay hindi pa rin siya nagsalita. Tinitimbang niya ang sitwasyon. Hindi nila kailangang umabot doon. Kapag ginawa nila iyon mas lalo lang lalala ang lahat at mas sasama pa si Margie. Kawawa rin naman iyong babae. May pinagsamahan sila kung kaya parang ayaw niyang umabot sila doon. Sa p
HINDI PA MAN iyon kinukumpirma ni Giovanni na siya nga ay marahas ng napatayo si Margie mula sa kanyang kinauupuan. Ang mga mata ng babae ay nakabaling na kay Giovanni na para bang hinihingan niya ito ng paliwanag. Hindi siya makapaniwala nang makita niyang bahagyang mamula ang pisngi ni Giovanni na para bang kinikilig ito sa tanong kahit pa masyado na iyong personal. Kung hindi iyon totoo, malamang ay itinanggi na niya ang katanungan. Mali pa pala siya na ang buong akala niya in laws lang ang relasyon na mayroon si Giovanni at ang spoiled brat na kapatid ng asawa naman ng pamangkin ng Gobernador na si Bethany Guzman; si Gavin Dankworth na isang abogado. Naisip ni Margie na kaya marahil inilihim iyon ni Giovanni at ayaw pang ipaalam ay dahil nga naman isang malaking eskandalo at kahihiyan iyon ng kani-kanilang pamilya, kahit pa walang mali kung magmamahalan sila. Bukod sa agwat din ng kanilang edad, ang relasyon din na mayroon at namamagitan sa kanilang dalawa ng asawa nitong pamangki
NAGKASALUBONG NA ANG mga kilay ni Giovanni dahil awtomatiko ng napaharap sa banda niya ang mga camera ng mga journalist na kanina lang ay naka-focus pa ang buong atensyon kay Margie. Kulang na lang ay mapakamot sa kanyang ulo ang Gobernador nang dahil sa panibagong usok ng isyu na muli pang sinindihan ni Margie. Bingyan pa nitong panibagong cravings ang ang mga media na naroroon. Ngumisi pa ang babae dahil napagtagumpayan nitong pagtakpan ang kasamaang ginawa niya kay Giovanni. Ganun kabilis na naibaling ni Margie ang atensyon ng lahat mula sa babae patungong muli kay Giovanni na ang buong akala ay matatapos na doon ang lahat. Lihim na naikuyom na ng Gobernador ang kanyang mga kamay. Sobrang pagtitimpi na ang kanyang ginagawa huwag lang siyang sumabog dito.“Bakit ba ayaw mong ilabas ang tungkol sa mag-ina mo? Nagsisinungaling lang ba ako? Patunayan mo. Hindi ba at ito ang totoo? Patunayan mo, Governor Bianchi. Sige, itanggi mo pa sila…” lantarang hamon pa rin sa kanya ni Margie.Kumi
MAKAILANG BESES NG NAPAHILOT na sa kanyang sentido si Giovanni nang makitang nakarehistro ang pangalan ng kanyang pamangkin sa screen ng cellphone niya. Sumasabay pa talaga ito sa problema niya. Sa halip na sagutin ay pinatay niya na ang tawag dahil hindi rin naman sila magkakaintindihan ni Bethany sa ginagawang malakas na pagngawa ni Margie na akala mo ay kinakatay na baboy. Paulit-ulit nitong sinasabi na wala siyang kasalanan at marapat lang na hayaan niya. Hindi na natapos ang babae doon kahit pa namamalat na ang boses ng dahil dito.“Pinatayan ako ni Tito ng tawag,” hindi makapaniwalang turan ni Bethany na hinarap na ang asawa na kakarating lang ng mansion ng sandaling iyon. Ipinahaba pa niya ang kanyang mga nguso dito.Hilaw na natawa na si Gavin. Ilang beses na umiling. Hindi na rin malaman pa kung ano pa ang gusto nito.“Hayaan mo na siya. Huwag mong sabihin ang tungkol kay Briel. Hayaan natin siyang maghanap sa mag-ina kung saang lupalop na ng mundo naroon.” “Baka kasi busy ri