AWTOMATIKONG UMIRAP SI Bethany kay Gavin nang ibaling nito ang mga mata sa kanya. Gusto niyang ipakita ditong hindi niya gusto ang sinabi niya. Pinapalabas nitong masama siya kahit na di naman totoo. Mahina lang iyong ikinatawa ng abugado. Alam niyang medyo napikon niya ang dalaga. Hindi naman iyon ang intensyon niya, ang gusto niya lang talagang iparating niya sa mga naroroon ay submissive siya sa kanya bilang boyfriend nito. Iyon lang. Subalit naging mali naman ang pagkaintindi doon ni Bethany.“Kailan pa kita pinagbawalang manigarilyo ha?” palihim na asik nito sa kanya sa mahinang tinig.Ngumisi lang si Gavin bilang tugon sa kanya. Alam niyang magre-react doon ang dalaga at hindi nga siya nagkamali. Sinabi lang naman niya iyon para pag-usapan ito at maka-earn ng respeto na nakita niyang wala ni katiting sa mga dating kaklase nila na agad niyang napansin pag-apak pa lang sa lugar. Hindi lingid sa kaalaman niya ang mga nangyayaring pangbu-bully sa kanya lalo na noong Audrey Caballer
PALIHIM NA KINUROT ni Bethany sa tagiliran si Gavin nang walang nakakakita. Sa halip na tumigil ang abugado, mas lalo pa siya nitong inasar nang hawakan nito ang gilid ng ulo niya at kabigin iyon palapit sa kanyang mukha. Walang pakundangan siya nitong hinalikan sa gilid ng kanyang labi. Parang kakapusin na ng hininga si Bethany nang gawin niya iyon. Hindi niya na matagalan ang pagiging sweet ni Gavin. Idagdag pa na nakarinig pa sila ng mahinang mga tili galing sa mga ibang kasama nila sa gathering. Malamang ay dahil iyon sa kalokohang ginawa ni Gavin na lantad sa mata ng halos karamihan sa mga dumalong bisita.“Gavin? Bakit ka ganyan? Sa halip na tumigil ka, mas ginaganahan ka pa ha?” kastigo niya dito. “Hindi ba may usapan tayo?” lamlam ng mga mata nitong nakikiusap sa kanya. “Uwi na tayo, Baby…”Napaawang na ang bibig ni Bethany. Hindi niya alam kung gaano na kapula ang kanyang mukha. Hindi niya malilimutan ang sinabi nito. Parang gusto niyang sampalin ang mukha dahil nang marinig
PARANG DINAANAN NG anghel ang buong paligid ng pagkatapos magsalita ni Gavin ay nanahimik ang lahat na parang tumigil sa pag-inog ang mundo. Marami ang nagkaroon ng hinuha na paniguradong may nalalaman si Gavin Dankworth sa relasyon na mayroon si Audrey at Albert kung kaya naman niya nagawang sabihin ang bagay na iyon. Nagsimulang mag-usap ang mga tao sa kanilang paligid gamit lang ang makahulugan nilang mga sulyap at hindi ang bibig. Walang imik na umahon si Albert sa kanyang upuan upang pagbigyan ang hiling ng magiging bayaw niya. Kung tatanggihan niya iyon mas lalo lang mapapahiya silang dalawa ni Audrey dahil parang inamin nilang pareho silang naduwag sa abugado. Alam ni Albert na iisipin ng mga makakakita na walang alam sa relasyon niya kay Audrey ay pagbibigyan niya ang abugado dahil future siyang brother in law nito. Mabuti na iyong ganun ang isipin nito. Obvious iyon dahil tinawag nga siya nitong bayaw, malamang ay dahil kinikilala na siya nitong parte ng pamilya.“Thanks, Mis
HINDI SINAGOT NI Albert ang patutsada ni Gavin. Matapos na uminom ay walang imik na itong bumalik ng upuan niya. Kumukulo ang dugo sa future bayaw niya. Hindi niya mapigilang ikuyom ang mga kamao matapos na itago iyon sa ilalim ng kamesa at ipatong sa mga hita niya. Ilang beses siyang huminga nang malalim upang kalamayin ang kanyang sarili. Ikinangiti lang iyon ng abugado na inubos na rin ang lamang alak ng hawak niyang baso. Unti-unting namula ang dalawang tainga ng binata na hindi nakaligtas sa paningin ni Bethany kung kaya naman pinaupo niya muna ito sa pag-aalalang baka lasing na siya agad. Panay ang ngiti ni Gavin sa mga bumabati sa kanya which is nakakapanibago rin iyon sa dalaga. Hindi ganun ang ugali ni Gavin. Suplado ito. Naisip niya na hindi kaya nalasing ang abugado sa kaunting alak? “Imposible,” mahinang bulong ng dalaga habang naiiling, hindi makapaniwala sa mga iniisip niya. Ang mga babaeng naroroon ay halatang nabighani sa hitsura niya at gustong makausap si Attorney
NAGING PARANG BINGING-AHAS pa rin si Gavin kahit na malinaw niyang narinig ang mga sinabi ni Audrey. Ayaw niyang bigyan ito ng katiting na atensyon dahil hindi niya naman deserve iyon. Wala namang planong sumuko doon ang babae na inayos pa ang tindig na parang walang nakakahiyang nangyari. Minsan lang siya magkaroon ng pagkakataon kung na magpapansin sa abugado kaya naman hindi niya na iyon sasayangin pa ngayong naririto na. “Kilala ko ang Manager sa Hotel na ito. Alam niyo ba na binigyan niya ako ng malaking discount dahil nga kakilala ko. Akalain niyo iyon? Kaya uminom lang kayo at kumain since may discount tayo. Baka nga may maging sobra pa sa naging ambagan natin dahil sa discount ko.” pagyayabang niya na nais niya lang namang iparinig kay Gavin kung gaano kalawak ng connection niya, nais niyang bigyan siya nito ng katiting na pansin ng dahil sa bagay na iyon. Natural na marami ang namangha nang marinig nila ang sinabi ng babae dahil hindi lahat ay kayang makahingi ng discount k
NILINGON NA SIYA ni Albert gamit ang puno ng pagbabantang mga mata. Umiling-iling na ito. Ang buong akala ng lalaki ay malinaw na dito ang lahat ngunit mukhang hindi. Nagkasundo sila nito na no strings attached. Walang magde-demand. Kung kailan kailanganin ng isa ang katawan marapat na pagbigyan. Hindi malayo sa pagiging bayarang babae ang tingin ni Albert sa kanya. Iyon lang. Wala ng iba dahil may fiance din siya. Nagbulungan na ang ibang nakarinig. Nadismaya na sila kay Audrey dahil ang papansin nito. Kanina lang ay tahasan nitong inaakit si Attorney Dankwork na boyfriend ni Bethany. Medyo nakakaawa na si Audrey. “Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo. Hindi kita kailangan sa buhay ko, Audrey. Alam mo iyan. Alam mo kung ano ka lang sa buhay ko. Ilagay mo sa lugar iyang galaw at salita mo.” lantarang pagtanggi ni Albert na ang buong akala ng lahat ay isa sa mga babae niya si Audrey.Napaluha na doon si Audrey dala ng kalasingan. Sobrang nakakahiya ang eksenang iyon na huli na niyang
MATAPOS NG MAINIT at nakakaubos ng lakas na tagpong iyon sa loob ng sasakyan ay pawisang lumabas doon si Gavin. Gusot na ang plantsado nitong damit at wala na ‘ring suot na necktie. Gulo rin ang buhok nito na kahit ilang beses na ayusin ay mababakas pa rin. Hindi na iyon bago sa kanya at wala siyang pakialam kung mayroong makapuna. Bahagyang nawala ang kanyang kalasingan dahil sa ginawa. Sa loob ng sasakyan ay mabilis din inayos ni Bethany ang kanyang sarili. Natanggal ang manipis niyang suot na make up. Pinunasan lang niya ng tissue ang nabasang mukha niya ng pawis na mula sa mukha ni Gavin.“Thanie, tapos ka na?” sungaw ng ulo ni Gavin na maliit na binuksan ang pintuan ng sasakyan. “Hmm, o-okay na…” “May bottled water diyan sa gilid, inom ka.” Sinunod iyon ni Bethany na hindi makatingin ng deretso sa kanya. Ang ginamit nilang tisyu ay walang hiyang inilagay niya sa loob ng bag. Nakakahiya naman kung maamoy iyon ng driver na maghahatid sa kanila. Habang tinatawagan ng binata si Mr
BUMANGON NA ANG dalaga, ni hindi na nahiyang lantad na lantad sa mata ni Gavin ang hubad niyang katawan. Ini-on niya ang aircon, sinara ang pintuan at muling bumalik sa higaan. Pasalamat na lang talaga silang walang kasama sa bahay ng sandaling iyon dahil sobrang nakakahiya kung makikita sila.“Nag-enjoy ka ba, Thanie?” yakap ni Gavin sa hubad pa ring katawan ng dalaga, nakatuon na ang mga mata niya sa inosente nitong mukha. Ilang beses niyang tinaniman ng halik ang labi nitong namumula.“Hmm, sobra.” makatotohanang sagot niya, hindi niya kailangang magsinungaling sa abugado.Lumapad pa ang ngisi ni Gavin, proud na proud sa kanyang sarili na nagawa niya itong mapaligaya. “Mamaya ulit, magpapahinga lang ako.” Pinandilatan siya ng mga mata ni Bethany. Ibig sabihin hindi pa sila tapos? Feeling niya maga na siya. “G-Gusto mo pang ulitin?” “Hmm, sabi ko naman sa’yo, susulitin natin ang gabing ito. Pagbigyan mo na ako, bukas babalik na ako ulit sa trabaho kahit Linggo. Mami-miss na nama
SOMEHOW AY NA-MISS rin naman ni Briel na asikasuhin siya at alagaan ng ganun ng Gobernador. Iba ang pag-aalalang ibinibigay nito sa kanya na batid niyang puno ng pagmamahal. Damang-dama niya. Marahil ay kaya sobrang minahal niya pa ito kumpara ng pagmamahal niya noon sa dati niyang fiance. Magiging ipokrita siya kung hindi niya aaminin ito ngayon sa kanyang sarili. Pahapyaw siyang tiningnan ni Briel nang marinig ang huling litanya na kanyang sinabi. Parang pinapalabas ni Giovanni na patay na patay siya dito.“Tigilan mo nga ako!” angil niya na muli pang ikinatawa nang mahina ng Gobernador.“Kumain ka habang nagbabasa.” Naupo na si Giovanni sa kanyang harapan at hindi pinansin ang pagtataray niya. Hindi rin ito naupo sa kanyang tabi na unang inaasahan ni Briel na medyo nagbigay sa kanya ng karampot na kahihiyan. Ibinalik ni Briel ang paningin sa papel na hawak kahit na wala pa rin siya doong maintindihan. Kumagat na siya sa apple na nakatusok sa tinidor. Lumambot ang puso doon ni Giov
NAG-INIT PA ANG mukha ni Briel na kulang na lang ay hilingin na sana ay bumuka na lang ang lupa na tinatapakan nila at biglang lamunin siya upang makaiwas sa sobrang kahihiyang nararamdaman. Kanina ay umuusok ang bunbunan niya at galit na galit siya sa Gobernador, ngayon naman ay bigla na lang naglaho iyon nang dahil lang sa isang dampi ng halik? Hindi siya makapaniwala! Ganun na ba siya kabilis mauto? Bakit ba lagi siyang ipinagkakanulo ng kanyang katawan? Palaging may sariling desisyon kahit ayaw niya.“Halika na sa loob, may mga documents akong kailangang ipakita at ipabasa sa’yo. Gusto kong hingin ang opinyon mo at kung ano ang masasabi mo.” malambing na hila at saad ng Gobernador na kinagat ang labi.Nagpahila naman si Briel na hindi na inintindi kung ano ang ibig sabihin doon ng Gobernador. Tututol pa ba siya eh nagawa na naman nitong tunawin ang galit niya? Naiwan ang kanyang isipan sa saglit na halik na kanilang pinagsaluhan na para bang iyon ang pinakamagandang bagay na nangy
NAGING BINGING-AHAS SI Giovanni sa kanyang mga katanungan na para bang wala itong narinig. Hindi na rin naman niya ito kinulit pa dahil paniguradong maiinis lang siya. Hinayaan ni Briel na lamunin sila ng nakakabinging katahimikan. Hinga nilang dalawa at panaka-nakang mahinang ingay ng makina ng kotse ang kanyang naririnig. Pasimpleng nililingon niya ang Gobernador kapag hindi nakatingin sa kanya upang punahin ang mga pagbabago nito sa mga araw na hindi niya nakita. Bumagal na ang takbo ng sasakyan dahilan upang mapatingin sa labas ng bintana si Briel. Pamilyar sa kanya ang lugar. Sa lumang apartment na binili nito sa Bulacan sila pumunta. Anong gusto nitong mangyari? Magbalik-tanaw sila ng magkasama? Napairap na lang sa kawalan si Briel kahit na medyo may kaunting excitement at sakit din sa kanyang puso.“Bakit mo ako dito dinala? Anong plano mo? Akala mo makukuha mo ang atensyon ko kapag dinala mo ako dito? Anong tingin mo sa akin? Basta-basta mo na lang makukuha nang dahil sa pagan
GUSTONG LUMUNDAG NG puso ni Briel s agalak nang marinig niya ang pinagsamang selos at galit sa tinig ni Giovanni. Ganunpaman ay hindi siya kumibo. Napatanong na rin sa sarili. Bakit nga ba ginagawa niya ito? Bakit siya nakikipag-date sa hindi niya gusto gayong hindi naman niya kailangan ng lalaki sa buhay niya? Iisa lang ang sagot niya, nang dahil iyon sa Gobernador. Gusto niyang makita nito na kaya niyang magmahal ng ibang lalaki bukod dito. Sino bang niloloko niya? Sarili lang din naman niya. Sa tingin niya maatim niyang magpakasal sa lalaking iyon nang walang anumang pagmamahal? Hindi siya ganun ka-desperada at kababaw na aabot pa sa puntong iyon ng kanyang buhay. Tama, nahihibang siya. Bumabalik ang pagiging childish niya. Kaya niyang mabuhay ng walang lalaki. Saka kilala na rin ni Brian ang ama niya. Ano pa ang kailangan niyang patunayan? Wala. Bored lang siya. Nagre-rebelde sa ginagawa ni Giovanni.“Bakit hindi ka makasagot, Gabriella?” Walang anu-ano ay ibinigay ni Giovanni
PAHAPYAW NA TININGNAN ni Briel ang sasakyan ng Gobernador sa hindi kalayuan. Puno ng pag-asa na sinunanda ni Giovanni ang kanyang mga mata na bumaling doon. Kung tutuusin ay may choice naman si Briel na tumanggi, pero ewan niya ba kung bakit alipin na naman siya ng sarili na kahit ayaw ng utak niya ay padabog na ang mga paang nagsimula siyang maglakad patungo ng sasakyan. Sumunod naman agad si Giovanni sa kanya. Pagkasara ng pintuan ay agad na siyang hinarap ni Briel. Nakahalukipkip na ang mga braso nito at base sa ipinupukol na tingin ay gusto na niyang sabihin ni Giovanni kung ano ang pakay nito.“Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung saan ako nanggaling ngayong gabi?” subok niya sa pasensya nito, gusto pa niyang makita kung paano ito magselos at mairita kada babanggitin niya ang ka-date niya.Lantad sa mga mata ni Briel ang dumaang selos at galit sa mukha ni Giovanni na kaagad din na nawala. Mabilis lang iyong naglaho na para bang wala naman itong pakialam kung makipag-date siya
NAMUMULA ANG MAGKABILANG pisngi nang lumabas si Briel at ang kanyang ka-date ng restaurant kung saan sila nagkasundo nitong kumain ng dinner. Alas-nuwebe na iyon ng gabi. Nagtatawanan pa ang dalawa habang lumululan ng sasakyan na parang siyang-siya sa kung ano ang pinag-uusapan. Humigpit ang hawak ni Giovanni sa cellphone na kanyang tangan. Kanina niya pa tinatawagan si Briel sa numero nito at social media account ngunit hindi nito sinasagot iyon. Deadma. Tipong parang hindi nito iyon nakikita. Kinailangan niya pang tawagan ang pamangkin niyang si Bethany para lang malaman kung nasaan ang babae ng sandaling iyon. Batid niyang nagtatampo ito pero hindi sapat na dahilan iyon para makipag-date ito at sumama sa ibang lalaki. Ano na lang pala iyong nangyari sa kanila sa mansion? Wala lang? Hindi kasama sa bilang? Tawag lang ng laman? Batid niyang mahal pa siya nito. Sa mga paghalik nito. Nag-explain naman na siyang busy siya kaya hindi niya nasagot ang message at tawag nito. Aminado rin si
NAUMID NA MULI ang dila ni Giovanni. Bukod sa naguguluhan ay hindi niya rin napaghandaan ang sunod-sunod na mga katanungan ni Gavin. May malinaw na sagot na siya ngunit napakarami pa niyang kinukunsidera. Kaya nga kailangan talaga nilang mag-usap ni Briel ukol dito, na hindi niya naman alam kung kailan din iyon mangyayari.“Sabihin mo ng maaga para naman makapaghanap kami ng mga lalaking ipipila sa kapatid ko para maging blind date at kalaunan ay potential husband niya. Pumayag na rin naman doon si Briel.” subok ni Gavin na galitin ang Gobernador para naman gumalaw na ito. Blind date? Bakit makikipag-blind date si Briel gayong may nangyari sa kanilang dalawa ng nagdaang gabi? Potential husband? Paano naman siya kung ganun?“Blind date? Pumayag siyang makipag-blind date?”“Hmm, maganda ang kapatid ko kaya panigurado na maraming pipili para maka-blind date niya. Hindi mo naman kailangang mag-alala o mapilitan ang sarili mong panindigan siya. Tungkol naman kay Brian, hindi niya naman si
NAPAAYOS NA NG upo si Briel nang marinig niya ang ingay ng pamangkin niyang si Gabe na pababa na ng hagdan. Saglit niyang nilingon at nakita niyang kasunod na nito ang mga magulang. Pilit niyang iwinaglit ang anumang galit niya kay Margie kahit na mukhang wala naman talaga silang masamang ginagawa ni Giovanni. Hula lang niya iyon. Sa imahinasyon niya lang dahil aminin niya man o hindi, nilalamon siya ng matinding selos nang makiya niya ito. “Ang bisita? Tulog pa?” unang tanong ng Ginang nang maabutan silang mag-ina na nasa kusina.“Nakaalis na, Mommy.” hindi lumilingon na sagot ni Briel kaya hindi niya nakita ang pagkunot nito ng noo patungkol sa kanyang mga sinabi. Napalingon na ito sa kanyang asawa na puno ng pagtataka na roon ang mga mata.“Umalis na? Ang aga niya naman. Saan ang punta? Pinakain mo man lang ba bago siya umalis?”Sa dami ng tanong ng ina ay iisang linya lang ang naging sagot doon ni Briel na hindi pa rin nililingon ang ina niya.“May meeting pa raw na pupuntahan.”
MABAGAL NA MAGKASUNOD at walang lingon-likod na lumabas ang dalawa ng kusina. Hindi na pinigilan pa ng Gobernador si Briel sa nais nitong gawin. Gusto niya rin na makausap ang babae bago man lang siya umalis. Nahihiya lang niyang banggitin iyon at buksan kanina habang kumakain dahil may ibang mga taong makakarinig sa kanila. Nauuna si Briel kung kaya naman tanaw na tanaw ni Giovanni ang maliit na likod nito. Hindi niya inalis ang tingin niya sa babae. Lumihis lang iyon saglit dito at tumama sa mukha ng babae nang makalabas na sila ng pintuan at lumingon sa kanya si Briel upang harapin na siya. Maliit na ngumiti ang babae. Gusto lang talaga niyang ihatid sa labas si Giovanni. “Maraming salamat sa pag-aasikaso, Briel—”“Hmm, mag-ingat ka sa pupuntahan mo…” putol ni Briel sa mga sasabihin pa sana rito ng Gobernador. Muling hinarap ni Briel ang mga sasakyan na naghihintay kay Giovanni na nakaparada sa parking lot ng kanilang mansion. Napag-alaman niya na ang ilan sa mga tauhan niya ay