Share

Chapter 79.2

last update Last Updated: 2024-08-15 23:19:19

PALIHIM NA KINUROT ni Bethany sa tagiliran si Gavin nang walang nakakakita. Sa halip na tumigil ang abugado, mas lalo pa siya nitong inasar nang hawakan nito ang gilid ng ulo niya at kabigin iyon palapit sa kanyang mukha. Walang pakundangan siya nitong hinalikan sa gilid ng kanyang labi. Parang kakapusin na ng hininga si Bethany nang gawin niya iyon. Hindi niya na matagalan ang pagiging sweet ni Gavin. Idagdag pa na nakarinig pa sila ng mahinang mga tili galing sa mga ibang kasama nila sa gathering. Malamang ay dahil iyon sa kalokohang ginawa ni Gavin na lantad sa mata ng halos karamihan sa mga dumalong bisita.

“Gavin? Bakit ka ganyan? Sa halip na tumigil ka, mas ginaganahan ka pa ha?” kastigo niya dito.

“Hindi ba may usapan tayo?” lamlam ng mga mata nitong nakikiusap sa kanya. “Uwi na tayo, Baby…”

Napaawang na ang bibig ni Bethany. Hindi niya alam kung gaano na kapula ang kanyang mukha. Hindi niya malilimutan ang sinabi nito. Parang gusto niyang sampalin ang mukha dahil nang marinig
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (17)
goodnovel comment avatar
Lynkyle Drick
more update please
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
thanks sa pag update author sana more update pa please
goodnovel comment avatar
Evon Hkyd Ortsaced
Im waiting po sa next chapter 80...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 80.1

    PARANG DINAANAN NG anghel ang buong paligid ng pagkatapos magsalita ni Gavin ay nanahimik ang lahat na parang tumigil sa pag-inog ang mundo. Marami ang nagkaroon ng hinuha na paniguradong may nalalaman si Gavin Dankworth sa relasyon na mayroon si Audrey at Albert kung kaya naman niya nagawang sabihin ang bagay na iyon. Nagsimulang mag-usap ang mga tao sa kanilang paligid gamit lang ang makahulugan nilang mga sulyap at hindi ang bibig. Walang imik na umahon si Albert sa kanyang upuan upang pagbigyan ang hiling ng magiging bayaw niya. Kung tatanggihan niya iyon mas lalo lang mapapahiya silang dalawa ni Audrey dahil parang inamin nilang pareho silang naduwag sa abugado. Alam ni Albert na iisipin ng mga makakakita na walang alam sa relasyon niya kay Audrey ay pagbibigyan niya ang abugado dahil future siyang brother in law nito. Mabuti na iyong ganun ang isipin nito. Obvious iyon dahil tinawag nga siya nitong bayaw, malamang ay dahil kinikilala na siya nitong parte ng pamilya.“Thanks, Mis

    Last Updated : 2024-08-16
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 80.2

    HINDI SINAGOT NI Albert ang patutsada ni Gavin. Matapos na uminom ay walang imik na itong bumalik ng upuan niya. Kumukulo ang dugo sa future bayaw niya. Hindi niya mapigilang ikuyom ang mga kamao matapos na itago iyon sa ilalim ng kamesa at ipatong sa mga hita niya. Ilang beses siyang huminga nang malalim upang kalamayin ang kanyang sarili. Ikinangiti lang iyon ng abugado na inubos na rin ang lamang alak ng hawak niyang baso. Unti-unting namula ang dalawang tainga ng binata na hindi nakaligtas sa paningin ni Bethany kung kaya naman pinaupo niya muna ito sa pag-aalalang baka lasing na siya agad. Panay ang ngiti ni Gavin sa mga bumabati sa kanya which is nakakapanibago rin iyon sa dalaga. Hindi ganun ang ugali ni Gavin. Suplado ito. Naisip niya na hindi kaya nalasing ang abugado sa kaunting alak? “Imposible,” mahinang bulong ng dalaga habang naiiling, hindi makapaniwala sa mga iniisip niya. Ang mga babaeng naroroon ay halatang nabighani sa hitsura niya at gustong makausap si Attorney

    Last Updated : 2024-08-17
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 81.1

    NAGING PARANG BINGING-AHAS pa rin si Gavin kahit na malinaw niyang narinig ang mga sinabi ni Audrey. Ayaw niyang bigyan ito ng katiting na atensyon dahil hindi niya naman deserve iyon. Wala namang planong sumuko doon ang babae na inayos pa ang tindig na parang walang nakakahiyang nangyari. Minsan lang siya magkaroon ng pagkakataon kung na magpapansin sa abugado kaya naman hindi niya na iyon sasayangin pa ngayong naririto na. “Kilala ko ang Manager sa Hotel na ito. Alam niyo ba na binigyan niya ako ng malaking discount dahil nga kakilala ko. Akalain niyo iyon? Kaya uminom lang kayo at kumain since may discount tayo. Baka nga may maging sobra pa sa naging ambagan natin dahil sa discount ko.” pagyayabang niya na nais niya lang namang iparinig kay Gavin kung gaano kalawak ng connection niya, nais niyang bigyan siya nito ng katiting na pansin ng dahil sa bagay na iyon. Natural na marami ang namangha nang marinig nila ang sinabi ng babae dahil hindi lahat ay kayang makahingi ng discount k

    Last Updated : 2024-08-18
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 81.2

    NILINGON NA SIYA ni Albert gamit ang puno ng pagbabantang mga mata. Umiling-iling na ito. Ang buong akala ng lalaki ay malinaw na dito ang lahat ngunit mukhang hindi. Nagkasundo sila nito na no strings attached. Walang magde-demand. Kung kailan kailanganin ng isa ang katawan marapat na pagbigyan. Hindi malayo sa pagiging bayarang babae ang tingin ni Albert sa kanya. Iyon lang. Wala ng iba dahil may fiance din siya. Nagbulungan na ang ibang nakarinig. Nadismaya na sila kay Audrey dahil ang papansin nito. Kanina lang ay tahasan nitong inaakit si Attorney Dankwork na boyfriend ni Bethany. Medyo nakakaawa na si Audrey. “Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo. Hindi kita kailangan sa buhay ko, Audrey. Alam mo iyan. Alam mo kung ano ka lang sa buhay ko. Ilagay mo sa lugar iyang galaw at salita mo.” lantarang pagtanggi ni Albert na ang buong akala ng lahat ay isa sa mga babae niya si Audrey.Napaluha na doon si Audrey dala ng kalasingan. Sobrang nakakahiya ang eksenang iyon na huli na niyang

    Last Updated : 2024-08-18
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 82.1

    MATAPOS NG MAINIT at nakakaubos ng lakas na tagpong iyon sa loob ng sasakyan ay pawisang lumabas doon si Gavin. Gusot na ang plantsado nitong damit at wala na ‘ring suot na necktie. Gulo rin ang buhok nito na kahit ilang beses na ayusin ay mababakas pa rin. Hindi na iyon bago sa kanya at wala siyang pakialam kung mayroong makapuna. Bahagyang nawala ang kanyang kalasingan dahil sa ginawa. Sa loob ng sasakyan ay mabilis din inayos ni Bethany ang kanyang sarili. Natanggal ang manipis niyang suot na make up. Pinunasan lang niya ng tissue ang nabasang mukha niya ng pawis na mula sa mukha ni Gavin.“Thanie, tapos ka na?” sungaw ng ulo ni Gavin na maliit na binuksan ang pintuan ng sasakyan. “Hmm, o-okay na…” “May bottled water diyan sa gilid, inom ka.” Sinunod iyon ni Bethany na hindi makatingin ng deretso sa kanya. Ang ginamit nilang tisyu ay walang hiyang inilagay niya sa loob ng bag. Nakakahiya naman kung maamoy iyon ng driver na maghahatid sa kanila. Habang tinatawagan ng binata si Mr

    Last Updated : 2024-08-18
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 82.2

    BUMANGON NA ANG dalaga, ni hindi na nahiyang lantad na lantad sa mata ni Gavin ang hubad niyang katawan. Ini-on niya ang aircon, sinara ang pintuan at muling bumalik sa higaan. Pasalamat na lang talaga silang walang kasama sa bahay ng sandaling iyon dahil sobrang nakakahiya kung makikita sila.“Nag-enjoy ka ba, Thanie?” yakap ni Gavin sa hubad pa ring katawan ng dalaga, nakatuon na ang mga mata niya sa inosente nitong mukha. Ilang beses niyang tinaniman ng halik ang labi nitong namumula.“Hmm, sobra.” makatotohanang sagot niya, hindi niya kailangang magsinungaling sa abugado.Lumapad pa ang ngisi ni Gavin, proud na proud sa kanyang sarili na nagawa niya itong mapaligaya. “Mamaya ulit, magpapahinga lang ako.” Pinandilatan siya ng mga mata ni Bethany. Ibig sabihin hindi pa sila tapos? Feeling niya maga na siya. “G-Gusto mo pang ulitin?” “Hmm, sabi ko naman sa’yo, susulitin natin ang gabing ito. Pagbigyan mo na ako, bukas babalik na ako ulit sa trabaho kahit Linggo. Mami-miss na nama

    Last Updated : 2024-08-18
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 83.1

    DAHAN-DAHAN NG NAPATAYO si Lavinia ngunit hindi siya agad lumabas ng VIP room, pinagmasdan niya lang mabuti ang lalaki na nananatiling nakaupo pa rin sa sofa. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan na pagsalitaan doon ang lalaki. Tinakpan na ni Albert ang kanyang mga mata gamit ang kanyang isang braso upang itago ang mukha. Nahihiya siya sa kanyang mga sinabi. Halatang sobrang baliw siya kay Bethany. Nang maramdaman na hindi pa rin umaalis ang bayarang babae sa silid na iyon ay masama na niya itong tiningnan matapos na alisin ang takip ng kanyang mga mata. Pinanlisikan na niya ng tingin ang babaeng halos ay mapaigtad na.“Bingi ka ba? Hindi ba ang sabi ko ay lumabas ka na! Ano pang hinihintay mo? Lumayas ka sa harapan ko!” muling sigaw niyang kulang na lang ay mapatid ang litid sa kanyang leeg, “Hindi ka marunong makinig!”Naburo pa ang mga mata ni Lavinia sa kanya na naging lagpas-lagpasan lang sa kanyang tai

    Last Updated : 2024-08-19
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 83.2

    BINUKSAN NI ALBERT ang dalawa pang bote ng alak para sa kanyang sarili. Wala siyang planong tumigil lumaklak kahit na alam niya sa kanyang sarili na umiikot na ang paningin niya. Walang makakapigil sa kanya. Gusto niyang lunuyin ang sarili nang sa ganun ay panandalian niyang makalimutan ang lahat ng sakit na dulot ng dati niyang nobya. “Anong kulang sa akin? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Ginawa ko naman ang lahat!”Nang makita niya ang Manager ng club na paparating, itinaas niya lang ang kanyang tingin ng ilang segundo dito. Dinampot niya ang baso ng alak na sinalinan niya kanina ng nabuksang alak upang inumin ito sa iisang lagok. Ni hindi siya ngumiwi nang gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan na tuloy-tuloy bumaba sa kanyang dibdib. Napakalakas niyang uminom, iyon ang tumatakbo sa isipan ng Manager nang makita ang ginawa niya. Parang wala ng epekto iyon sa kanyang katawan na halata namang lasing na. Nang ibaba niya ang basong ni isang patak ay walang laman, maligayang nilagya

    Last Updated : 2024-08-20

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 33.4

    NAIS SANA NI Briel na mag-offer kay Giovanni na siya na ang mag-aayos ng necktie ito, ngunit bago niya pa magawa ay nagawa ng punahin iyon ng secretary na siya na ‘ring nag-ayos ng necktie ng Gobernador. Nakagat na niya ang labi dahil sa hiyang bumalatay sa kanyang mukha. Sa parteng iyon, masyado naman yata siyang naging ambisyosa. Wala naman silang relasyon, bakit mag-o-offer siya na mag-ayos ng tie? “Hmm, aalis na ba tayo?” tayo na doon ni Briel na inayos na ang suot niyang high heels na sanay siya.Tumango si Giovanni na hindi pa rin tinatanggal ang kanyang mga mata sa mukha ni Briel na mas gumanda sa paningin niya nang magbihis at malapatan ng tamang make up at ayos ng buhok niya.“Ang bilis mo naman. Inaasahan kong paglabas ko ay wala ka pa sa kalahati ng pag-aayos.” muli pang turan ni Giovanni na halatang hindi maka-move on sa ipinamalas na galaw ni Briel, “Interesting, huh...” Mahinang natawa na doon si Briel. Nakita niya kasing parang kumislap ang mga mata ng lalaking kahara

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 33.3

    HINDI NA RIN naman nagtagal sina Briel at Giovanni sa sementeryo dahil sa mas naging alinsangan pa ng panahon. Habang naglalakad palabas doon ay hindi sinasadyang hinawakan ng Gobernador ang kanyang isang kamay upang sabay silang maglakad. Napatingin doon si Briel ng ilang segundo ngunit hindi na lang niya iyon pinansin pa at binawi gaya ng unang naisip niya. Nakabuntot pa rin sa kanila ang secretary ni Giovanni na hinid makapaniwala sa mga nakikita niya. Doon napagtanto ng secretary na marahil kaya tinanggihan ng Gobernador na makasama si Paloma ay nang dahil sa bunsong anak iyon ng mga Dankworth. Hindi nagsawa si Giovanni sa babae bagkus ay may nahanap siyang mas interesante sa aktres. Lumabi ang secretary, nagagandahan din naman talaga siya kay Gabriella Dankworth kagaya ng kapatid.“Sumabay ka na sa akin, iyong isa na lang sa mga tauhan ko ang bahala sa sasakyan mong mag-drive.” hindi maintindihan nni Giovanni kung bakit iyon ang naging offer niya, ano ba ang plano niya kay Briel?

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 33.2

    PAGKATAPOS NIYANG MALIGO ay nahiga na si Giovanni sa kama sa pag-asang makakatulog na siya agad. Ilang beses niyang tiningnan ang larawan ni Briel sa kanyang cellphone bago niya ipikit ang mga mata. Pakiramdam niya mula nang may nangyari sa kanila ay hindi niya na kayang gumalaw pa ng babae dahil sa isipan niya ay nagtataksil siya kay Gabrielle. Nagtataksil kahit na alam naman niya sa kanyang sarili na wala silang relasyon. Nasa tamang hulog pa ba ang isip niya? Ganun siya binaliw ng isang Gabriella Dankworth.“You need to stop this fantasy, Giovanni. Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakakilala sa iyo? Ng kanyang pamilya? Ng pamilya mo? Siguradong may comment sila. Saka sigurado ka na gusto mo ang spoiled brat na iyon ng mga Dankworth? Liberated din iyon, kaya nga siya magaling sa kama. Alam na alam niya kung paano niya papaligayahin ang biktima niya. Hindi mo alam kung ila na rin ang nakatalik niya.”Sinubukan niyang lasunin ang isipan ng mga bagay na negatibo patungkol kay B

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 33.1

    BINUHAY NA NI Giovanni ang makina ng kanyang sasakyan upang lisanin na ang lugar at bumalik na ng hotel suite. Kagaya ng kanyang inaasahan na magiging reaction ng mga tinakasan niya, naabutan niya ang mga bodyguard at ang kanyang secretary na hagas na hagas at sobrang nag-aalala sa pagkawala niya. Ang akala nila ay kung saan na siya pumunta. Ni hindi nila magawang tawagan ang phone niyang iniwan dito. Nakahinga lang sila nang maluwag ng makita nila ang pagbabalik ng Gobernador sa loob ng hotel suite. “Bakit mag-isa kang lumabas, Governor Bianchi? Paano kung may ibang nangyari sa’yo?” Tahimik na naupo sa sofa si Giovanni. Kung kanina ay mukhang pagod siya, ngayon ay pagod na pagod na ang hitsura niya. Marahil ay nang dahil iyon sa pag–iisip na ginawa niya habang papauwi tungkol kay Briel at doon sa babae na matagal na niyang hinahanap. Hindi niya makuha kung bakit pamilyar ang dalawa. “Wala namang masamang nangyari kung kaya kumalma ka na. Mabilis ka niyang tatanda.” mahinang sambit

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 32.4

    NAKIPAGLABAN PA NG titigan si Briel kay Giovanni na hindi pa rin napapalis ang matingkad na ngiti sa kanyang labi. Hindi niya alam kung ano ang sumilid sa kanyang isipan ng sandaling iyon para mas titigan pa ang mukha ng Gobernador. Habang tumatagal mas lalo pang nagiging magandang lalaki ito sa kanya.‘Crush mo lang siya oo, pero ang mas lumalim doon hindi na pwede! Gumising ka nga, Gabriella!’Nailang na si Giovanni sa paninitig na ginagawa sa kanya ng kapatid ng asawa ng kanyang pamangkin. Siya na ang unang nagbawi doon at ibinaling na ang sa iba. Alam na alam niya ang mga titig na iyon ng isang babae. Maraming babae na ang ginawa iyon sa kanya kung kaya naman hindi na iyon bago pa sa kanya. Ang isipin na may pagnanasa sa kanya ang bunsong anak ng mga Dankworth, parang kinikilabutan siya.“It's getting late, Gabriella. I'll take you home. Baka rin hinahanap ka na ng mga magulang mo sa inyo.”Wala ng mukha si Briel para magsalita pa at mangatwiran upang manatili pa sa lugar dahil na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 32.3

    KIBIT-BALIKAT NA INIIWAS ni Briel ang kanyang mga mata kay Giovanni na hindi na niya matagalan. Para siyang napapaso ng mga titig nito kahit na malamang ay siya lang naman ang nag-iisip ng bagay na iyon. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa mga salita na sa panlasa niya ay masarap iyon. Masyadong malayo ang agwat ng edad nila kaya hindi na ito kataka-taka na hindi pasado sa panlasa ng Gobernador ang inuming iyon. Ayaw naman niyang maging bastos na para bang pinapamukha niya sa lalaki ang edad. Sa ibang pagkakataon, ni-realtalk na niya ito ngunit hindi niya kaya. Ayaw niyang mawalan siya ng respeto sa kanya at saulain ang sagot. Sumugat na sa kakaibang ngiti ang labi ni Briel nang harapin na ni Giovanni ang kanyang secretary na kinuha na ang atensyon niya habang may tinuturo ito sa hawak na cellphone.“May mga bisita po kayo, Governor Bianchi. Nag-send ng message. Papapasukin ko pa po ba o re-schedule?” alanganin nitong tanong na bahagyang sumulyap kay Briel gamit ang gilid ng mg

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 32.2

    BAHAGYANG NATIGILAN SA tanong niya si Giovanni. Ang buong akala ng Gobernador ay nasagot na niya ang tanong ni Briel kanina kaya nagtataka siya na bumalik sila doon ngayon. Nilingon na niya ang kanyang secretary na natigilan na rin sa pagkain sa tahasan na sinabing iyon ni Briel sa kanya. Halata na ito ang nais sumagot ni Giovanni. Iyon ang bagay na nabasa ni Briel kaya nilingon na niya rin ang secretary ng lalaki. “Ahm, Miss Dankworth bukod kasi sa pagod na ngayong araw si Governor Bianchi sa mga meetings niya, isinasaalang-alang din niya ang estado niya sa lipunan. Hindi naman siguro lingid sa'yo iyon di ba? Hindi pwedeng palagi siyang kumain sa labas. Pwede naman kung sakali, pero kailangan na i-set muna natin. Siguraduhin na magiging safe ang paligid. High profile si Governor Bianchi at hindi pwede na kung saan-saan lang siya kakain o pupunta kung kailan niya gustuhin. Sana ay maintindihan mo ang bagay na iyon.”Tumango-tango si Briel at binitawan na ang hawak niyang kubyertos. H

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 32.1

    SA MAY ELEVATOR na sila nag-abot ni Giovanni. Dahil sa kalutangan ni Briel, pagmamadali at excitement ay basta na lang din siya lumulan doon dahil nasa loob na sila at napapalibutan pa ng mga bodyguard niya ang Gobernador. Hindi malaman ni Briel kung ganun ba talaga ang hitsura ng mga bodyguard ng lalaki pero nailang na siya sa kanila nang minsan niyang tingnan sila. Nang sumara ang pintuan at muntik siyang mapasubsob sa pader, mabilis siyang hinila ni Giovanni sa braso upang huwag siyang mapahamak doon. Parang nagising ang diwa ni Briel na patulog-tulog nang dahil sa biglaang paghawak niya sa braso niya.“Careful…” mahina lang iyon pero halos mapunit na ang labi ni Briel sa kanyang sobrang saya at kilig. Tumikhim si Briel upang klaruhin ang kanyang boses. Gusto niya lang may linawin kay Giovanni. Ngayong nakalulan na sila ng elevator na paakyat at hindi naman pababa, gusto niyang may itanong sa Gobernador.“Bahagi ba ng hotel na ito ang restaurant na sinasabi mo? Bakit paakyat tayo

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 31.4

    NANATILING NAKAUPO LANG si Giovanni at ayaw na tumayo kahit pa tinawag na siya ni Briel. Tandang-tanda niya ang panahong iyon na wala pa siyang nararamdaman para sa bunso ng mga Dankworth. Mahinang natawa pa ang Gobernador nang maalala iyon hanggang sa nanliit ang kanyang mga mata. Para kasing tutang inabandona ito ng may-ari at nanghihingi ng atensyon sa kanya. Napilitan tuloy siya noong tumayo para dito. Walang imik na lumapit na sa kanilang table at tiningan na ng masama doon si Albert. Si Albert na sinuyod ang kabuohan ni Giovanni na para bang sa ibang planeta siya nanggaling at sumulpot.“Hmm, hija narito ka pala...” approach ni Giovanni dahil wala pa rin talaga siyang masabi sa babae.Napaungot na si Briel nang marinig ang boses ni Giovanni. Biglang yumabang din ang kanyang mga mata. Para tuloy gusto na lang niyang yumakap sa bulto ng katawan ng Gobernador at isumbong ang mga maling ginawa ni Albert sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ang komportable niya talaga sa kanya kahit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status