BINUKSAN NI ALBERT ang dalawa pang bote ng alak para sa kanyang sarili. Wala siyang planong tumigil lumaklak kahit na alam niya sa kanyang sarili na umiikot na ang paningin niya. Walang makakapigil sa kanya. Gusto niyang lunuyin ang sarili nang sa ganun ay panandalian niyang makalimutan ang lahat ng sakit na dulot ng dati niyang nobya. “Anong kulang sa akin? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Ginawa ko naman ang lahat!”Nang makita niya ang Manager ng club na paparating, itinaas niya lang ang kanyang tingin ng ilang segundo dito. Dinampot niya ang baso ng alak na sinalinan niya kanina ng nabuksang alak upang inumin ito sa iisang lagok. Ni hindi siya ngumiwi nang gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan na tuloy-tuloy bumaba sa kanyang dibdib. Napakalakas niyang uminom, iyon ang tumatakbo sa isipan ng Manager nang makita ang ginawa niya. Parang wala ng epekto iyon sa kanyang katawan na halata namang lasing na. Nang ibaba niya ang basong ni isang patak ay walang laman, maligayang nilagya
MATAPOS NA MAGBAYAD ng kanyang mga nagastos gamit ang card, hahapay-hapay na ang katawan na lumabas na ng VIP room si Albert. Ang tanging nasa isip ng lalaki ng mga sandaling iyon ay ang umuwi na at tama na. Hindi naman na siya pinigilan ng Manager na nauna pang umalis at lumabas sa kanya. Napadaan siya sa VIP room kung nasaan si Lavinia at ang bago nitong customer; ang babaeng kahawig ni Bethany. Bahagyang nakabukas ang pintuan noon kung kaya naman kitang-kita niya ang mga nasa loob. Naitabingi na ni Albert ang kanyang ulo. Ilang beses na sinipat pa ang mga nasa loob ng kwarto. Malinaw na nakita niyang nakakandong sa mga bisig ng isang kilala sa lipunan at anak mayamang lalaki. “Tama ba ang nakikita ko?” Sa mga sandaling iyon ay hinahayaan lang ng babae na halikan siya nito ng marahan. Napakagaling ng lalaking iyon sa paglalaro ng apoy. Nagagawa niyang paungulin ang babaeng karga at yakap sa pamamagitan lang ng mga paghalik nito. Mas naging kamukha pa iyon ni Bethany sa anggulo ng
HINDI NGA DOON nagkamali ang Manager. Kusang tumigil ang dalawa ng wala ng natira pang lakas sa kanila. Ni minsan ay hindi pa naranasan ng lalaki na kalaban ni Albert ang mapahiya sa publiko kung kaya naman kahit na anong pakiusap ng Manager, ayaw nitong makipag-areglo kay Albert na siyang nagpasimuno ng gulo. Hindi nito maitanggi iyon dahil sa malinaw na kuha ng CCTV ng club na iyon.“Maghanda ka ng magtatagal ka sa loob ng selda. Ipapakulong kita! Hindi ka ba nahihiya na nagseselos ka dahil lang sa isang bayarang babae? Dude, natikman na siya ng marami. Nalawayan na siya ng buong bayan! Anong pinagsasabi mo na sa’yo lang siya? Nahihibang ka na ba ha? May tama ka na sa utak!”“Sir, baka naman po pwedeng huwag na natin pang paabutin sa mga pulis—”“Hindi! Kailangan niyang maturuan ng leksyon! Hindi ako magpapa-areglo!” Kahit anong sabihin ng Manager at pigil sa lalaking nakalaban ni Albert, hindi ito mapakiusapan. Tumawag pa rin ito ng pulis para ipadakip ang lalaking walang palag na
NANG MGA SANDALING iyon ay ilang minuto pa lang na kakatapos lang ulit magniig nina Gavin at Bethany. Pandalas pa ang paghingal ng dalaga, mababakas na sa mukha niya ang pagod ngunit kay Gavin ay parang hindi pa rin iyon sapat. Napagod man siya ngunit ilang minuto lang ay wala na iyon kaagad. Inalikon na ng binata ang kanyang isang braso sa beywang ng dalaga na marahang ipinikit na ang mga mata habang ninanamnam ang malakas na pagtibok ng kanyang private part. Ipinatong pa nito ang baba sa balikat ng dalaga matapos na ilang beses halikan ang pisngi nitong may bakas pa ng ilang butil ng kanilang pawis. Hindi na matagalan pa iyon ni Bethany.“Tama na ang yakap at halik, Gavin. Lumayo ka sa akin. Ang lagkit ko. Hindi ako makakatulog ng ganito. Maliligo ako.” anunsyo pa ni Bethany sa pag-aakalang tatantanan siya ng binata oras na sabihin niya ang bagay na iyon.Lumawak pa ang mga ngiti ni Gavin. Sobrang na-a-amaze na siya sa reaksyong ipinapakita nito sa kanya. “Sige, sabay na tayo?” kw
NAPALINGON NA SIYA sa gilid ng bedside table nang mag-ring ang kanyang cellphone. Nangunot na ang kanyang noo sabay tanong sa isipan kung sino ang tatawag sa kanya ng ganung oras? Sinabihan naman niya ang secretary na anuman ang problema, huwag siyang iistorbohin kung kaya alam niyang hindi iyon ang gagawa ng bagay na ito. Inilagay niya ang stick ng sigarilyo sa pagitan ng labi, pinindot niya na ang answer button at itinapat iyon sa tainga. “Attorney Dankworth, speaking…”“Hi, Attorney Dankworth. Pasensya na kung naistorbo kita ng ganitong oras. Mabuti naman at gising ka pa. Si General Ponce ito. May reklamo kami dito para sa future brother-in-law mo. Kung hindi sa’yo nakakaabala, pwede ka bang pumunta?” mahabang litanya ng pamilyar na boses ng General sa isang police station sa kanilang lugar.Dumilim ang mukha ni Gavin nang marinig kung tungkol saan iyon. Hindi niya alam kung bakit gagawa-gawa ng gulo ang lalaki tapos siya ang aabalahin nito. Hindi maalis sa kanyang isipan na baka
BAKAS ANG INIS sa General na ngumiti si Gavin. Gusto niyang iparamdam sa kanya na hindi pa rin siya nasisiyahan na inistorbo siya at pwersahang pinapunta sa istasyon ng pulis ng mga oras na iyon. Kaagad namang napuna iyon ng General na pinili na lang itikom ang bibig keysa makipaglambutsingan pa sa masama ang loob na abugado.“Nasaan si Albert?” iyon ang naging unang tanong niya pagkapasok pa lang ni Gavin sa loob ng presinto.Taas-noong itinuro ng General ang kung saan nakaupo ang lalaki kay Gavin. “Huwag kang mag-alala, Attorney Dankworth. Ini-istema namin siyang mabuti habang wala ka.” pagpapalakas niya pa na akala mo ay kakagatin iyon ni Gavin, wala naman siyang pakialam kung ano ang gawin nila kay Albert. Dire-diretsong pumasok na sa loob si Gavin. Sa mga sandaling iyon ay buhay na buhay pa ang police station. Walang natutulog sa kanila o nakasubsob sa kanilang mga lamesa. Nakaupo lang sila sa loob at halatang hinihintay ang pagdating ng abugado. Ang lalaking nakalaban naman n
NANGHIHINANG NAPAUPO NA ang lalaki parang ibong pinutulan ng bagwis ang naging hitsura. Hindi siya makapaniwala na kilala ng abugadong iyon ang kanyang ama na kapag nalaman kung ano ang ginagawa niya, paniguradong makakarinig siya ng kung anu-anong sermon mula dito. Hindi lang iyon, baka e-grounded pa siya. “Gusto mo bang subukan ko? Hinahamon mo ba ang kakayahan ko?” Umiling ang lalaki na bakas na sa mukha ng takot. Umangat ang isang gilid ng labi ni Gavin habang nakatingin pa rin sa lalaki. Nilingon niya si Albert na nanatiling tahimik pa rin na nakaupo. Matapos noon ay walang imik na lumabas na ang abugado suot pa rin ang seryoso niyang mukha. Sinalubong siya ng tahimik na paligid na naghahanda na sa panibagong pagbu-bukangliwayway. Abot-tainga na ang mga ngiting hinabol na siya ni General Ponce. “Salamat, Attorney Dankworth! See you next time.”Hindi siya pinansin ni Gavin na dire-diretso lang ang lakad hanggang sa maabot ang sasakyan niya. Bago lumulan ay nagsindi muna siya ng
SA MGA NARINIG ay kulang na lang mahulog ang magkabilang panga ni Gavin sa sobrang pagkainis pa. Anong katangahan ito ni Albert? Tingin niya ba kay Bethany ay isang gamit na maaari niyang bawiin anytime nito gustuhin? “Nahihibang ka na, Albert…” statement ni Gavin na parang siguradong-sigurado siya sa kanyang sinabi. “Isa kang hangal! Hindi ka marunong mag-isip. Sino ngayon ang nahihirapan? Ikaw din naman hindi ba?”Walang humor na malakas ng humagalpak ng tawa ang abugado habang pinagmamasdan pa rin ang reaction ni Albert. Umalingawngaw iyon sa buong paligid na humalo sa mas lumakas na hampas ng mga alon sa malapit na dalampasigan. Ilang sandali lang ay nilamon ng muli ang buong paligid ng katahimikan maliban sa unang ingay kanina sa paligid. Iiling-iling na nameywang na si Gavin na nakatayo pa rin sa harapan ng lalaki. Nakikita niyang paiyak na si Albert kung kaya naman lalo pang tumindi ang galit niya sa lalaki na parang inapi at may karapatan pang taas ang noong humarap ngayon sa
ANG MASAYANG SIMULA ng araw na iyon para kina Gavin at Bethany na agad ng naging komportable sa harapan ni Donya Livia ay naging kabaligtaran naman para sa tiyuhin ng babaeng si Giovanni. Delubyo ito. Bigla iyong naging stressful para sa Governor na nang mula sa kung saan at kasabay ng pagputok ng araw sa kalangitan ay sumabog din ang balita online na may babaeng lihim na dinala ito umano sa strawberry farm sa alanganing oras ng mismong araw na iyon. Sari-saring speculation at assumption ang kanyang natamo na agad din namang umabot sa kanya na naistorbo sa mahimbing na pagtulog. Una iyong kumalat online, may nagbahagi pa ng picture na blinurred ang larawan ni Gavin at Bethany, siya lang ang malinaw.“Gov? Ano pong action ang gagawin natin?” natatarantang tanong ng kanyang secretary sa kabilang linya. “Kailangan niyo pong magbigay ng agarang explanation para masabi. Tiyak na gagamitin ito ng kalaban mo upang muling dungisan ang pangalan mo. Hindi ba nila nakita ang asawa ng pamangkin m
MAGKATABING NAKATAYO SINA Giovanni at Gavin sa gilid ng strawberry farm at matamang pinapanood si Bethany na halos umabot ang mga ngiti sa kanyang mga tainga habang nasa loob ng strawberry farm at naghahanap ng strawberry na kanyang nais na kainin. Napapailing na lang ang Governor ng lalawigan sa asta ng kanyang pamangkin. Mababakas sa kanilang bawat kilos na ginaw na ginaw silang dalawa kahit na makapal na jacket na ang suot nila, samantalang si Bethany ay ayon at chill-chill lang na akala mo ay normal na madaling araw iyon ng pamimitas ng strawberry at pamamasyal sa naturang lugar. May ilang mga tauhan ni Giovanni ang nakasunod dito upang bigyan siya ng tanglaw gamit ang dala nilang flashlight. Noong una ay ayaw ni Bethany na magpasama kahit na kanino ngunit nang makitang halos mabulag siya sa dilim ng paligid ay pumayag na sa suggestion ng kanyang tiyuhin. Nakasukbit sa kaliwa niyang braso ang isang maliit na basket kung saan niya ilalagay ang makukuha niyang bunga ng strawberry. S
NAG-IYAKAN SILA NG matanda nang dahil sa sinabing iyon. Sa sobrang baha ng emosyon ni Bethany na naipon, kinailangan pang ipasundo ang asawa niyang si Gavin sa ibaba sa isa sa mga caregiver. Si Gavin na nang marinig na umiiyak ang asawa ay halos mamuti ang talampakan sa paglalakad makarating lang agad kung nasaan si Bethany. Mahigpit niya itong niyakap nang makarating siya sa silid. Hindi niya kailangang tanungin kung bakit, malamang dala iyon ng nakaraan nitong muling nabuksan habang maligayang sinasariwa nilang mag-Lola sa naturang kwarto.“Mabigat pa ba ngayon ang puso mo, Mrs. Dankworth?”Umiling si Bethany na mahigpit pa rin ang yakap ni Gavin na para bang dahil doon ay maiibsan ang sakit na nararamdaman nito. Magkaharap na nakaupo silang dalawa sa gilid ng kama ng silid. “Kung ganun ay magaan na ba?”Tumango si Bethany habang namumula ang mga mata at ang mukha niya. Iniwan na sila nina Donya Livia na naging emosyonal na din kagaya ng apo at kinailangan na ‘ring dalhin ng mga ca
SINULYAPAN NI BETHANY ang asawa at tama nga ang matanda. Masayang kahalubilo na naman ng ibang grupo ng mga pinsan niya si Gavin na kung makatawa ay akala mo matagal na silang nakakahalubilo at nakkaasama. Naroon pa rin ang Tito Giovanni niya sa tabi nito. Kagaya ng pangako ay hindi siya iniiwanan. Nagtatawanan pa sila na para bang matagal na magkakakilala. At dahil naroon sa tabi ng asawa niya ang tiyuhin ipinalagay na lang ni Bethany ang loob na tama ang Lola Livia niya na wala siyang dapat na kahit na anong ipag-alala sa kanya. Huminga na siya nang malalim.“Oo nga naman, hija. Hayaan mo na siyang mag-enjoy. Magtatabi rin naman kayong matulog niyan mamaya kapag napagod at nagsawa na siya.” si Victoria na nauna ng nagpaalam kay Donya Livia na kung pwede ba siyang mauna ng magpahinga sa kanila dahil pagod siya sa biyahe kaya naman kasama nila ito papasok ng mansion at patungo ng silid. “Ano? Tayo na sa loob.” si Donya Livia na hinawakan na siyang muli sa isa niyang palad na parang b
NADOBLE ANG PRESSURE na nararamdaman doon ni Bethany. Kung gaano kadaling tanggihan ng pamilya ni Gavin nang ungkatin ang tungkol sa kasal ay siya namang hirap tanggihan ng pamilya ng kanyang ina. Para bang napaka-big deal noon sa kanila. Naisip ni Bethany na marahil ay dahil apo siya ng mga Bianchi, umiiwas lang din sila sa mga isyu dito. Hindi lang iyon, baka nang dahil din doon ay madungisan ang pangalan nila at reputasyon na halatang matagal na nilang inaalagan ng mahabang panahon sa Norte.“Kakausapin ko po muna ang asawa ko, Donya Livia—”“Anong Donya Livia? Ngayon pa lang ay kailangan mo ng simulan na tawagin akong Lola, Bethany.” agad na saway sa kanya ng matandang hindi nagustuhan ang pagtawag niya dito ng pormal, medyo nahihiya.Hilaw na ngumiti si Bethany. Hindi niya alam kung agad niya ma-a-adapt iyon na hindi naman siya sanay sa ganun kaso nga lang ay kailangan niyang subukan. Normal naman iyon at saka kapag ganun ang tawag niya parang hindi pa niya nagagawang tanggapin a
ALANGANIN PA DOON si Bethany pero binigyan siya ni Gavin ng tingin na tama ang tiyo niya na ayos lang siyang pakawalan kasama sila. Unti-unti ay binitawan niya ito at hinayaang makihalubilo sa mga kamag-anak niya na nagsisimula ng uminom ang iba. Tama nga sila, marami palang nakakakilala doon sa kanyang asawa na agad na sinalubong at nilapitan lalo na ng mga kalalakihan na pinsan niya. Nag-alala lang siya sa wala. Hindi siya umalis sa tabi ni Donya Livia at Victoria na panay ang kwento tungkol sa ina niya noong kabataan pa nito. Nasa kay Gavin man ang kanyang mga mata ay nasa matanda naman ang tainga niya. “Gusto mo bang makita ang silid ng Mama mo?” maya-maya ay tanong ng matandang Donya na maliit pa siyang binigyan ng ngiti, “Hindi namin iyon ginalaw o binago kaya may kalumaan. Pinapalinis lang namin araw-araw. Kung gusto mo rin, pwede kayong matulog na mag-asawa doon mismo sa kama niya, hija...”Excited na tumango si Bethany. Isa rin iyon sa ina-anticipate niyang mangyayari ngayon
NAPASINGHAP SI BETHANY nang mahigpit na siya nitong yakapin na nabitawan pa ang hawak na tungkod. Kinailangan pa tuloy itong muling alalayan ng mga caregivers na nagulat na naman sa ginawa ng matanda. Binitawan naman ni Giovanni ang kamay ng pamangkin nang sa ganun ay makayakap din sa kanyang Lola, kung saan ang bigat ng katawan ng matanda ay naituon na kay Bethany na unang-una ay hindi alam kung ano ang dapat na reaksyon niya.“Tama nga ang Tito Gio mo, kamukhang-kamukha mo ang Mama mo!” bulalas pa ng matanda na hinawakan na ang kanyang isang pisngi ng magaspang at kulubot nitong palad dala ng sobrang katandaan, “Kamukha mo ang anak ko…”Hindi magawang makapagsalita ni Bethany kahit na sa kaibuturan ng kanyang puso ay ang dami na niyang gustong sabihin sa matanda. Nasa Manila pa lang ay ready na siyang makipagkita sa kanila pero mukhang hindi pa rin ready ang emosyon niya na dahil hindi niya alam kung ano ang dapat na ipakita sa kanila. Ngunit marahil dala ng sitwasyon at ng batang n
TINANGGIHAN NILANG MAG-ASAWA ang alok na chopper ng mga Bianchi. Minabuti nila na gumamit na lang ng sasakyan kahit pa medyo malayo ang biyahe mula sa Manila. Iyon ang unang travel ng mag-asawa kung kaya naman gusto nilang lubusin na. Lima hanggang anim na oras ang itatagal ng biyahe, depende pa sa haba ng traffic na madadaanan nila at sa bagal ng pagmamaneho ng kanilang isasamang driver. Ayaw man sumama ni Victoria ay pinilit nilang bumuntot ang Ginang na sa bandang huli ay walang nagawa nang dahil sa pamimilit ni Bethany sa kanya. Katwiran ni Bethany, hindi siya pupunta sa mansion ng mga Bianchi kung hindi nila ito makakasama At dahil mahal siya ni Victoria, napilitang sumama ang matanda kahit pa may agam-agam pa ng pag-aalinlangan sa kanyang puso.“Natatakot ka ba sa Lola Livia ko, Tita?” kibot na ng labi ni Bethany dahil wala siyang ibang maisip na paraan para tumanggi itong sumama sa kanya, kahit saan kaya niya itong kaladkarin at hindi siya pinapabayaang mag-isa.“Bakit naman si
MATALIM ANG TINGING nilingon na siya ni Bethany. Hindi na gusto ang sinasabi ng asawa. Ano naman kung Governor ang tiyuhin? Mali pa rin na luhuran ito ng asawa. Hindi porket government officials ay kailangan ng sambahin. Sa tingin nga niya pantay lang sila. Governor lang ito, number one lawyer sa bansa ang asawa niya. Wala silang pagkakaiba at walang mas magaling.“Hindi ba at kakasabi ko lang sa’yo na ako lang ang luluhuran mo?!” halos magbuhol ang mga kilay na pasinggang turan niya dito.Bilang tugon ay niyakap siya ni Gavin nang mahigpit at mabilis na hinalikan sa labi. Tuwang-tuwa ang abogado kapag naaasar niya ang asawa. Lumalaki kasi ang butas ng ilong nito. Hindi lang iyon, parang hindi kumpleto ang araw niya ng ‘di ito nagagalit.“Oo na. Ikaw lang. Ang selosa naman ng asawa ko. Mali, ang possessive mo rin pala.”Sinimangutan siya ni Bethany sabay paikot ng mga mata. Ipinagpatuloy ang pag-scroll sa hawak na cellphone na napunta na sa biography ng kanilang buong angkan na kahit