SA MGA NARINIG ay kulang na lang mahulog ang magkabilang panga ni Gavin sa sobrang pagkainis pa. Anong katangahan ito ni Albert? Tingin niya ba kay Bethany ay isang gamit na maaari niyang bawiin anytime nito gustuhin? “Nahihibang ka na, Albert…” statement ni Gavin na parang siguradong-sigurado siya sa kanyang sinabi. “Isa kang hangal! Hindi ka marunong mag-isip. Sino ngayon ang nahihirapan? Ikaw din naman hindi ba?”Walang humor na malakas ng humagalpak ng tawa ang abugado habang pinagmamasdan pa rin ang reaction ni Albert. Umalingawngaw iyon sa buong paligid na humalo sa mas lumakas na hampas ng mga alon sa malapit na dalampasigan. Ilang sandali lang ay nilamon ng muli ang buong paligid ng katahimikan maliban sa unang ingay kanina sa paligid. Iiling-iling na nameywang na si Gavin na nakatayo pa rin sa harapan ng lalaki. Nakikita niyang paiyak na si Albert kung kaya naman lalo pang tumindi ang galit niya sa lalaki na parang inapi at may karapatan pang taas ang noong humarap ngayon sa
ITINAPON NA NI Gavin ang kanyang hawak na upos ng sigarilyo sa buhanginan at inapakan na iyon. Inilipad pa ng hangin ang magulo niyang buhok na halos matakpan ang nandidilim niyang paningin kay Albert. Gusto na niyang tapusin ang pakikipag-usap sa lalaki na alam niyang wala naman itong patutunguhan. Ang mahalaga ay makabalik na siya agad ng penthouse. Wala rin namang magbabago kahit bugbugin at pulbusin niya ito. Hinding-hindi pa rin ito magbabago. “Limitado lang ang pasensya ng isang tao, Albert. Dapat na magpasalamat ka na sa kabila ng katarantaduhan mo ay gusto ka pa rin ng kapatid ko. Kung hindi lang siya masasaktan, hahayaan na lang kitang makulong at pagbayaran ang mga kasalanang ginawa mo nang matuto ka naman!”Mahinang natawa doon si Albert na nakabawi na sa mga ginawa sa kanyang pananakit ni Gavin kanina. Naiintindihan na niya kung ano ang kahinaan ni Gavin, iyon ay ang kapatid nitong si Briel. Pihado na titiklop ito at gagawin ang lahat pagdating sa kapatid kahit na ang mag
BUKANG-LIWAYWAY NA NANG makabalik si Gavin sa penthouse. Bitbit ang dalawang box ng pizza na dinaanan niya pa sa kilalang pizza house na siyang request ni Bethany sa kanya kanina. Ang abugado na rin ang namili ng flavor noon. Mas maaga pa sana siyang makakauwi kung wala na siyang dinaanang shop. Maingat niyang binuksan ang pintuan ng penthouse at inilapag ang dalang box ng pizza sa dining table bago patingkayad na humakbang patungo ng silid upang tingnan kung hinihintay pa rin siya ng dalaga. Niyakap siya ng mainit na dilaw na liwanag mula sa bukas na bedside lamp ng kwarto nang buksan niya ang pintuan noon. Nagdagdag iyon ng kaunting init sa malamig na klima mula sa labas ng kanyang bahay. Sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang labi nang makitang mahimbing na ang tulog sa kama ni Bethany. Bagama't maingat ang bawat galaw niya ng pumasok ng silid, nagising pa rin si Bethany na saglit pa lang doon naiidlip nang tangkain niyang lumapit sa gilid ng dalaga upang bigyan ito ng halik. “N-Na
IBINALING NA NI Bethany ang mukha sa pintuan ng banyo kung saan ay bigla niyang iniiwas ang mata ng makita niyang lumabas na doon si Gavin na ang tanging suot lang sa katawan ay ang kulay itim na roba. Nagmistulang mga diamond ang butil ng tubig sa bawat hibla ng kanyang buhok na kumikinang sa tama ng malamlam na liwanag ng ilaw. Muli niyang ibinalik ang kanyang mga mata sa binata. Parang nag-slow motion ang buong paligid nang matamis na ngumiti ito sa kanya nang magtamang muli ang kanilang mga mata. Tipong nagpaiba na ito sa pintig ng kanyang puso na animo ay lalabas na sa kanyang lalamunan. “Akala ko tulog ka na paglabas ko.” nakangising turan ni Gavin na humakbang palapit sa kama. Napabangon na doon si Bethany na para bang nakakita ng bench body model. Nahigit na niya ang kanyang hininga nang maramdaman ang mabilis na paghila ng abugado sa katawan niya upang mapatayo na siya ng kama. Walang anu-ano ay niyakap na siya nito nang mahigpit. Nanunuot sa kanyang ilong ang amoy ng after
ILANG SANDALI PA ay hinayaan na ng dalaga na hilahin siya ng excited na si Manang Esperanza palabas ng silid. Sa pagmamadali pa nga niya ay hindi niya napansin na wala palang saping tsinelas ang kanyang mga paa. Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng katulong na dagliang natigilan sa kanyang ginagawa.“Naku, magsuot ka ng tsinelas Miss Bethany. Hindi iyan magugustuhan ni Attorney oras na makita ka niyang yapak. Baka isipan pa noon na pinapabayaan kita. Sige na, magsuot ka muna ng tsinelas mo.” Hindi siya pinansin ni Bethany na agad na nitong nilagpasan. iyong minsan ay hindi naman siguro masama. Ang pangit lang ay kung lagi niya iyong gagawin at sa harapan mismo ng abugado. Tiyak siyang magrereklamo ito lalo na kung sa iisang kama sila natutulog. Hindi niya na kasi mahintay pa na makita kung ano ang sinasabing regalo ng matanda na galing kay Gavin. Para siyang bumalik sa pagkabata nang banggitin niya iyon. Minsan lang kasi siya nito makatanggap, isa pa sobrang appreciative niyang n
PATAKBONG TINUNGO NI Bethany ang silid. Halos liparin niya na iyon upang makuha lang ang kanyang cellphone at masagot. Kinakabahan siya na baka mamatay na ang tawag ni Gavin kung babagal-bagal pa siya at hindi na ito muling tumawag. Kung nasa office ito, mahihiya siyang istorbohin pa ito sa ginagawa. “Gavin!” excited na sagot niya bagamat hinihingal, hindi maitago ang saya sa kanyang tinig. “Natanggap mo na ba ang regalo ko, Thanie? Ano? Nagustuhan mo ba? Ha?” excited din ang tinig ng binata sa kabilang linya, hindi niya na mahintay ang sagot ng dalaga na halata namang sobrang na-touch sa ginawa niya. “Oo, ang ganda! Super. Gustong-gusto ko sila. Patatayuan mo ba raw ako ng music studio sabi ni Manang Esperanza?” Nilakipan pa ni Bethany ng malakas na pagtawa iyon na halata kung gaano siya kaligaya.“Oo, sabihin mo sa kanya linisin ang isa sa mga room at iyon ang gagamitin mo. Ipatanggal niya kamu ang ibang gamit doon at ipalipat sa ibang silid nang malawak ang space. Sabihin mo ay
BAGO MATAPOS ANG pagkain ay naalala bigla ni Bethany na ang director iyon sa music center na dati niyang pinagtatrabahuhan. Umarko na ang kanyang isang kilay nang maalala kung ano ang ginawa nito sa kanya noon, ni hindi nga nito nagawang ipaglaban siya upang huwag matanggal sa kanyang trabaho. Hindi niya alam kung saan ito kumuha ng lakas upang magbigay ng business card at patawagin siya. Okay naman ito sa kanya kung kaya hindi niya kailangang tanggihan din ang invitation kahit pa medyo masama pa rin ang loob niya dito sa nangyari sa kanya noon. Isa pa, curious din si Bethany kung ano ang sasabihin ng babae sa kanya. Baka tungkol iyon sa trabaho. Hindi naman na niya inaasahan na babalik siya doon, mas gusto na niyang manatili sa penthouse ni Gavin kung siya ang masusunod. Ganunpaman ay minabuti na lang niyang tawagan ito upang putulin ang kanyang agam-agam doon. “Miss Guzman, kumusta ka?” sagot ni Miss Gen na halatang inaasahan na ang magiging tawag niya.Napangisi na si Bethany kahi
“Eh ‘di ba kasama mo siyang nag-attend ng class reunion niyo? Parang bombang sumabog ang naging balitang iyon.” prangkang sagot ng babae na ngumiti pa ngunit hindi man lang iyon umabot sa mata niya, gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ng dalaga. “Bethany, lahat ng mga magulang na iyon ay mga matatalino at hindi basta-basta. Ngayon gusto nilang matanggal si Audrey dahil nais nilang makaani ng pabor mismo kay Attorney Dankworth at iyon ay sa pamamagitan mo.”Hindi iyon pinansin ni Bethany. Nahuhulaan na niya kung ano ang sunod nitong sasabihin. Hindi nga siya dito nagkamali nang muling magsalita si Miss Gen, natumbok niya agad ang gusto ng babaeng ito.“Hindi ko sila maintindihan kung ano ang gusto. Ngayon ay magkadaop ang palad silang nakikiusap na palitan si Miss Caballer at hilingin sa iyo na turuan mong muli ang kanilang mga anak.”Napangisi na doon si Bethany. Halatang hilaw iyon at matabang. Hindi niya malilimutan na noon ay ganundin ang ginawa sa kanila ng mga ito