ILANG SANDALI PA ay hinayaan na ng dalaga na hilahin siya ng excited na si Manang Esperanza palabas ng silid. Sa pagmamadali pa nga niya ay hindi niya napansin na wala palang saping tsinelas ang kanyang mga paa. Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng katulong na dagliang natigilan sa kanyang ginagawa.“Naku, magsuot ka ng tsinelas Miss Bethany. Hindi iyan magugustuhan ni Attorney oras na makita ka niyang yapak. Baka isipan pa noon na pinapabayaan kita. Sige na, magsuot ka muna ng tsinelas mo.” Hindi siya pinansin ni Bethany na agad na nitong nilagpasan. iyong minsan ay hindi naman siguro masama. Ang pangit lang ay kung lagi niya iyong gagawin at sa harapan mismo ng abugado. Tiyak siyang magrereklamo ito lalo na kung sa iisang kama sila natutulog. Hindi niya na kasi mahintay pa na makita kung ano ang sinasabing regalo ng matanda na galing kay Gavin. Para siyang bumalik sa pagkabata nang banggitin niya iyon. Minsan lang kasi siya nito makatanggap, isa pa sobrang appreciative niyang n
PATAKBONG TINUNGO NI Bethany ang silid. Halos liparin niya na iyon upang makuha lang ang kanyang cellphone at masagot. Kinakabahan siya na baka mamatay na ang tawag ni Gavin kung babagal-bagal pa siya at hindi na ito muling tumawag. Kung nasa office ito, mahihiya siyang istorbohin pa ito sa ginagawa. “Gavin!” excited na sagot niya bagamat hinihingal, hindi maitago ang saya sa kanyang tinig. “Natanggap mo na ba ang regalo ko, Thanie? Ano? Nagustuhan mo ba? Ha?” excited din ang tinig ng binata sa kabilang linya, hindi niya na mahintay ang sagot ng dalaga na halata namang sobrang na-touch sa ginawa niya. “Oo, ang ganda! Super. Gustong-gusto ko sila. Patatayuan mo ba raw ako ng music studio sabi ni Manang Esperanza?” Nilakipan pa ni Bethany ng malakas na pagtawa iyon na halata kung gaano siya kaligaya.“Oo, sabihin mo sa kanya linisin ang isa sa mga room at iyon ang gagamitin mo. Ipatanggal niya kamu ang ibang gamit doon at ipalipat sa ibang silid nang malawak ang space. Sabihin mo ay
BAGO MATAPOS ANG pagkain ay naalala bigla ni Bethany na ang director iyon sa music center na dati niyang pinagtatrabahuhan. Umarko na ang kanyang isang kilay nang maalala kung ano ang ginawa nito sa kanya noon, ni hindi nga nito nagawang ipaglaban siya upang huwag matanggal sa kanyang trabaho. Hindi niya alam kung saan ito kumuha ng lakas upang magbigay ng business card at patawagin siya. Okay naman ito sa kanya kung kaya hindi niya kailangang tanggihan din ang invitation kahit pa medyo masama pa rin ang loob niya dito sa nangyari sa kanya noon. Isa pa, curious din si Bethany kung ano ang sasabihin ng babae sa kanya. Baka tungkol iyon sa trabaho. Hindi naman na niya inaasahan na babalik siya doon, mas gusto na niyang manatili sa penthouse ni Gavin kung siya ang masusunod. Ganunpaman ay minabuti na lang niyang tawagan ito upang putulin ang kanyang agam-agam doon. “Miss Guzman, kumusta ka?” sagot ni Miss Gen na halatang inaasahan na ang magiging tawag niya.Napangisi na si Bethany kahi
“Eh ‘di ba kasama mo siyang nag-attend ng class reunion niyo? Parang bombang sumabog ang naging balitang iyon.” prangkang sagot ng babae na ngumiti pa ngunit hindi man lang iyon umabot sa mata niya, gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ng dalaga. “Bethany, lahat ng mga magulang na iyon ay mga matatalino at hindi basta-basta. Ngayon gusto nilang matanggal si Audrey dahil nais nilang makaani ng pabor mismo kay Attorney Dankworth at iyon ay sa pamamagitan mo.”Hindi iyon pinansin ni Bethany. Nahuhulaan na niya kung ano ang sunod nitong sasabihin. Hindi nga siya dito nagkamali nang muling magsalita si Miss Gen, natumbok niya agad ang gusto ng babaeng ito.“Hindi ko sila maintindihan kung ano ang gusto. Ngayon ay magkadaop ang palad silang nakikiusap na palitan si Miss Caballer at hilingin sa iyo na turuan mong muli ang kanilang mga anak.”Napangisi na doon si Bethany. Halatang hilaw iyon at matabang. Hindi niya malilimutan na noon ay ganundin ang ginawa sa kanila ng mga ito
UMAYOS NG PWESTO at tumagilid pa si Gavin para mahalikan niya pa ng mas maayos ang dalaga. Sa sobrang intense nga noon ay nagawa niyang pasunurin si Bethany nang walang kahirap-hirap sa loob lang ng isang iglap. Kagaya ng nakagawian ng dalaga, niyakap niya ang leeg ni Gavin at hinayaan itong malalim na halikan pa siya. Iyong tipong parang mawawala na siya sa kanyang tamang katinuan kung hindi pa nito iyon titigilan. Dama na rin kasi niya ang pag-response ng kanyang katawan. Pagkatapos ng ilang minutong tumagal nilang halikan ay ini-angat na ni Gavin ang mukha upang bahagyang ilayo sa mukha ni Bethany na pulang-pula.“Paano ako papasok kung ayaw mo naman akong pagbuksan?” anas niyang pinalamlam pa ang mga mata, hindi lang iyon bahagyang dinilaan pa niya ang labi at binasa-basa ng laway.Kung tutuusin ay simpleng salita lang iyon pero double meaning ang dating nito kay Bethany. Dahil tuluyan nang nawala ang hiya ng dalaga, pinatulan niya ang pang-aalaska ng abugado. Sinagot niya iyon ng
BUO ANG LOOB na itinuloy ni Gavin iyon. Ginalingan pa ang pagsipsip sa ibabang labi nito with feelings na hindi naman nakaligtas sa pandama ng dalagang kaagad ditong tumugon. Nang sa wakas ay marahan niyang idiniin ang katawan ni Bethany sa malamig na pader ng silid, bahagyang umungol doon ang dalaga na para bang hindi niya na kinakaya ang pressure ng marubdob na halikan nilang dalawa ng abugado. Medyo nagising ang diwa doon ni Bethany nang maramdaman na kinagat ni Gavin ang kanyang labi dala ng sobrang panggigigil nito na halatang tuluyan ng natatangay sa bandang dako pa roon. Masuyong sumandal na siya sa balikat ni Gavin na bahagyang kinagat-kagat niya pa ang kanyang labi. “Huwag natin gawin ang bagay na iyon dito, G-Gavin…” puno ito ng pakiusap na sambit niya dala ng pag-aalala na baka masagi nila ang mga gamit na kanyang pinamili, sayang naman kung masisira lang.Bumaba ang tingin ni Gavin sa mukha nito na puno ng emosyon. Binasa kung ano ba talaga ang nais.“Bakit ayaw mo dito?”
NANG MATAPOS AY kapwa hinihingal silang bumagsak ng kama na parang normal na lang ang ginagawa nila. Saglit silang nagtitigan na kapwa kinakapos sa paghinga. Maya-maya pa ay kusa ng nag-iwas ng tingin si Bethany sa binata dala ng pagkahiya Ganun din ang ginawa ni Gavin ngunit maya-maya ay ibinalik niya iyon sa mukha ng dalaga at malalim na tinitigan ang mukha ng katabing dalaga na nasa gilid lang niya. Isiniksik niya pa ang katawan dito na animo ay sobrang ginaw na ginaw kahit nanlilimahid sa pawis.“Thanie, gusto mo ba na bigyan ko si Manang Esperanza ng ilang buwang bakasyon para tayong dalawa lang ang nandito?” makahulugan na tanong ni Gavin sa yakap niyang dalaga, naisip niyang baka dahil sa maid ay nahihiya si Bethany sa kanilang ginagawa. “Hindi iyon makakatanggi kapag sinabi ko sa kanya.”Nilingon na siya ni Bethany. Puno ng pagtataka ang kanyang mga mata. Anong kalokohan na naman ang naiisipan ng abugado? Wala naman siyang sinabi na abala ang katulong nito sa kanila. Pinagsabi
NARAMDAMAN NI BETHANY na bahagyang nainis sa kanya si Gavin sa pagiging makitid ng kanyang pag-iisip about sa damit. Syempre, importante nga pala dito ang magiging dinner party kaya baka kaya nais notong siguraduhing presentable ang magiging ayos at bihis niya dahil kasama siya nito. Marahil ay iniisip din nitong siya na nga ang pinapaboran sa lahat ay siya pa 'tong patuloy na nag-iinarte. Hindi man tahasang aminin iyon ng abugado, kitang-kita niya iyon sa paraan kung paano siya nito tingnan pailalim ng blanko. Hindi rin naman kasi mayaman ang kanilang pamilya, middle class lang iyon at ang layo-layo pa nito sa pagiging mayaman kaya hindi siya sanay na magiging ganun ka-garbo ng bihis. Sa sandaling ito, hindi na maipaliwanag ang nararamdaman ng puso ni Bethany. Memoryado na rin niya na hindi magandang impression kay Gavin ang tumanggi sa anumang binibigay nito pero iyon ang gusto niyang mangyari at gawin. Napakagat na ng labi ang dalaga. Nag-aalangan na siya at baka napasama na siya
HINDI MAGAWANG MAKAPAGSALITA ni Gavin lalo na nang makita ang mukha ni Bethany na may halo-halong emosyon. Hindi na mapigilan na mangilid na ang mga luha nito sa mata. Namula pa lalo ang magkabila niyang pisngi. Ilang beses niyang binuksan ang bibig upang sagutin ang katanungan ng nobya ngunit ibang salita ang lumabas dito.“Hey, Thanie? Ayaw mo ba? Hindi mo gusto? Masyado bang maliit ang diamond?”Ilang beses na umiling si Bethany. Hindi iyon ang problema niya.“Natatakot na ako sa sobrang kasiyahan na binibigay mo, Gavin. Baka mamaya ‘yung kapalit nito ay—” “Sssh, wala kang dapat na ipag-alala.” harang na niya ng hintuturo sa bibig ng nobya upang matigilan lang itong magsalita pa, “Walang masamang mangyayari upang nakawin ang kaligayahan natin dalawa, Thanie. Huwag kang mag-isip ng ganyan at magpapaniwala sa mga walang kwentang bagay. Mga lumang kasabihan lang naman iyan.”Ikinulong na ni Gavin sa kanyang mga bisig si Bethany upang pakalmahin na ito. Basang-basa niya kasi ang takot
HUMANTONG ANG DALAWA sa penthouse na sa halip na magtungo sila sa kung saan para lang mag-date. Hanggang hapon ay nakayakap lang sa nobya si Gavin na para bang hindi nito kayang mapawi ang mga pananabik niya. Ilang beses nilang inangkin ang makulay na mundo ng pagtatalik hanggang sa makatulog nang dahil sa labis na pagod. Nang magising si Bethany ay papalubog na ang haring araw. Ang maputlang ginintuang sinag noon ay walang pakundangang pumapasok sa kabuohan ng master bedroom dahil sa nakahawing kurtina nito. Nanatiling nakahiga sa kama si Bethany. Natatamad na igalaw pa ang katawan. “Gising ka na?” untag ng malalim na boses ni Gavin na parang noon lang nagkaroon ng kausap. Napaangat ng mga mata si Bethany at hinanap kung nasaan ang nakapwesto ang nobyo. Natagpuan niya itong nakatayo sa gilid ng kama sa kabila niyang banda. Kinailangan niya pang tumagilid paharap doon upang makita na ito nang maayos. Sa hitsura ni Gavin ay nakaligo na ito at nakapagpalit na rin ng bagong damit na t-
TAHIMIK NA LUMABAS sa kusina si Bethany nang mabawi ang pustora na alam niyang ipinagtataka na ng madrasta, upang tumungo sa kanyang silid at mag-ready na. Naiwan niya sina Victoria at Gavin sa loob ng kusina. Hinugasan ni Gavin ang kanyang kamay at muli pang inayos ang nakatupi niyang manggas ng polo shirt. Komportable pa rin siya kahit na tinititigan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa.“Mama, ibabalik ko rin po dito ang anak niyo bago ang hapunan. Sa weekend po ay iinvite ko kayo sa bahay para pag-usapan ang plano naming kasal kasama ng mga parents ko. Makikipag-communicate na lang ako kung paano.”Hindi na maitago pa ang saya sa mukha ni Victoria nang marinig niya iyon. Halata niya sa mga mata ng kaharap na abogado na desidido na talagang lumagay sila sa tahimik. Hindi na rin naman sila mga bata kaya bakit hahadlangan?“Hindi ka ba nabibigla, hijo? Hindi sa tutol ako. Ayaw mo bang patagalin muna ang relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin ay gusto mo na ba talagang lumagay sa tahimi
BINUHAT NA NI Gavin ang juice at uhaw na uminom doon. Nakalahati niya ang laman nito. Matapos iyon ay ini-angat na niya ang mga mata sa problemado pa ‘ring si Victoria. Naiimbyerna ito sa bumabaha pa nilang kusina dahil sa tubo. “Gaano po ba kalala ang sira, Mama? Pwede ko bang makita? Baka kaya ko ng ayusin.”Nabaling na ang paningin ng tatlo sa binata. Sabay-sabay silang umiling, maging si Benjo at lalong-lalo na si Bethany.“Huwag na Gavin, tinawagan ko naman na ang management. Paniguradong papunta na sila. Mababasa ka. Baha na sa kusina namin.” harang agad ni Bethany sa nais gawin ng nobyo, ayaw niyang pati iyon ay iasa pa nila sa fiance niya.“Baha na? Naku, mas lalong kailangang ayusin na iyon agad.”Tumayo ang abogado at tinungo na ang kusina habang itinutupi ang manggas ng suot niyang polo. Napatayo na rin doon si Bethany at Victoria na may pagkataranta. Makahulugan na lang tumingin si Bethany sa ama habang naiiling. Sinundan na kasi ni Victoria si Gavin patungong kusina na a
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. “Hay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!” bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, “Pinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!”Bago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.“Akala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!” anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. “Sorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.” hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.“Ayos lang naman po, Manang Esperanza…” nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni
ILANG ARAW BAGO matapos ang taong iyon nang magkaroon ng year end banquet ang music center nina Bethany sa hiling na rin ng mga employee at ng mga kasalukuyang investors nito. Si Miss Gen ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangan noon at dadaluhan na lang iyon ng dalaga. Ilan sa mga bisita ay mga kilalang negosyante na pilit kinukuha ni Miss Gen ang atensyon para maging investors ng center. Hindi naman sobrang rangya ng naturang party. Banquet style lang iyon at mayroong oras din hanggang kailan.“Sigurado ka na ayaw mong sumama sa banquet ng music center, Gavin? As my fiancé welcome kang dumalo at makisalamuha. Sumama ka na. Huwag ka ng mahiya. Hindi rin naman matagal iyon.”Pang-ilang aya na iyon ni Bethany sa nobyo. Syempre proud siya na i-display ang binata bilang fiancé niya at iyabang sa mga naroroon kung sasama ito. Hindi na lang kasi basta boyfriend niya ang abogado, soon to be husband niya na rin ito. Sino bang babae ang hindi mapa-proud doon? Nabingwit niya ang binata.“Hind