NANG MATAPOS AY kapwa hinihingal silang bumagsak ng kama na parang normal na lang ang ginagawa nila. Saglit silang nagtitigan na kapwa kinakapos sa paghinga. Maya-maya pa ay kusa ng nag-iwas ng tingin si Bethany sa binata dala ng pagkahiya Ganun din ang ginawa ni Gavin ngunit maya-maya ay ibinalik niya iyon sa mukha ng dalaga at malalim na tinitigan ang mukha ng katabing dalaga na nasa gilid lang niya. Isiniksik niya pa ang katawan dito na animo ay sobrang ginaw na ginaw kahit nanlilimahid sa pawis.“Thanie, gusto mo ba na bigyan ko si Manang Esperanza ng ilang buwang bakasyon para tayong dalawa lang ang nandito?” makahulugan na tanong ni Gavin sa yakap niyang dalaga, naisip niyang baka dahil sa maid ay nahihiya si Bethany sa kanilang ginagawa. “Hindi iyon makakatanggi kapag sinabi ko sa kanya.”Nilingon na siya ni Bethany. Puno ng pagtataka ang kanyang mga mata. Anong kalokohan na naman ang naiisipan ng abugado? Wala naman siyang sinabi na abala ang katulong nito sa kanila. Pinagsabi
NARAMDAMAN NI BETHANY na bahagyang nainis sa kanya si Gavin sa pagiging makitid ng kanyang pag-iisip about sa damit. Syempre, importante nga pala dito ang magiging dinner party kaya baka kaya nais notong siguraduhing presentable ang magiging ayos at bihis niya dahil kasama siya nito. Marahil ay iniisip din nitong siya na nga ang pinapaboran sa lahat ay siya pa 'tong patuloy na nag-iinarte. Hindi man tahasang aminin iyon ng abugado, kitang-kita niya iyon sa paraan kung paano siya nito tingnan pailalim ng blanko. Hindi rin naman kasi mayaman ang kanilang pamilya, middle class lang iyon at ang layo-layo pa nito sa pagiging mayaman kaya hindi siya sanay na magiging ganun ka-garbo ng bihis. Sa sandaling ito, hindi na maipaliwanag ang nararamdaman ng puso ni Bethany. Memoryado na rin niya na hindi magandang impression kay Gavin ang tumanggi sa anumang binibigay nito pero iyon ang gusto niyang mangyari at gawin. Napakagat na ng labi ang dalaga. Nag-aalangan na siya at baka napasama na siya
NABURO NA ANG mga mata ni Bethany sa mukha ni Gavin sa naging tanong nito. Doon niya naalala na naman ang importansya ng kwintas na iyon na galing sa kanyang yumaong ina. Lihim na ipinangako niya sa kanyang sarili na oras na mag-lugar siya after ng event ay pupuntahan niya ito sa pinagsanglaang pawnshop upang tubusin. Ganunpaman ang kanyang plano ay pinili niyang huwag na iyong sabihin sa abugado. Kakailanganin pa kasi niyang sabihin dito kung ano ang kwento ng kwintas na iyon oras na paniguradong lalamon ng maraming oras. Sa halip ay hinaplos niya ang magkabilang pisngi ng binata. “Male-late ka na kung hindi ka pa aalis ngayon. Akala ko ba ay nagmamadali ka papunta ng office?” Binasa ni Gavin ng laway ang kanyang labi at tinitigang mabuti ang mukha ni Bethany. Iba na naman sa kanya ang dating ng pagiging malambing nito. Nalimutan niya ng hinihintay niya nga pala ang magiging sagot ng dalaga sa kanyang katanungan. Lumambot na ang tingin niya dito na napuno ng pagmamahal.“Oo nga pal
NAPAHIMALOS NA NG mukha si Bethany nang maalala na hindi pa siya nakakaligo at ngayon na nga pala ang napag-usapan nila ni Gavin. Masyado siyang nahimbing matulog. Bumawi ang kanyang katawan dahil sa puyat na kanyang inabot ng nagdaang gabi. Paglingon niya sa likod ng secretary ay may mga kasama siya kung kaya naman lalo pa siyang nahiya sa kanyang hitsura. Nalaman niya lang na stylist, make up artists, at ilang employee ng damit na binili ni Gavin na may hawak na hindi kalakihang mga box ang mga iyon nang pahapyaw na silang ipakilala ng secretary. Hindi niya natandaan ang mga pangalan ng mga ito kahit na isa dahil ang isipan niya ay naiwan na kay Gavin. Hindi pala talaga ito nagbibiro sa sinabi niya. Ang buong akala niya pa ay ang secretary lang nito ang pupunta upang i-deliver ang damit na isusuot niya. Siya na ang bahalang mag-ayos ng mukha at ng iba pang kailanga. Full package pala ang kinuha ni Gavin.“T-Tuloy kayo…pasensya na hindi pa ako nakakaligo.” Niluwagan niya na ang pint
BASANG-BASA PA NG tubig ang buhok ni Bethany nang lumabas siya ng silid. Nagmamadali siyang matapos agad na maligo dahil nahihiya sa mga naghihintay sa kanya. Ilang minuto lang ang ginawa niya na hindi normal sa paliligo niya na kung minsan ay tumatagal ng ilang oras. Ni hindi na siya nag-abalang tuyuin pa ang buhok dahil baka kung ano ang masabi ng mga ito sa pagiging matagal niya. Sinuklian lang siya ng ngiti ng secretary na nakaupo sa sofa, ngunit nang makita ang paglabas niya ay umahon na rin ito.“Matalas at magaling talagang mamili ang mga mata mo, Miss Bethany. Marami akong nakitang pagbabago dito sa penthouse ni Attorney Dankworth. Hindi nakakagulat na nabanggit niya sa akin kaninang umaga na maganda ang iyong panlasa sa mga dekorasyon at pangbabaeng mga gamit.”Ang galing maghabi ng mga salita ng secretary n aagad nahulaan ni Bethany. In short magaling itong mangbola. Mabulaklak iyon at agad na mapapaniwala ang sinumang makakarinig. Lihim na kinilig naman doon si Bethany. Mal
NAGKUKUMAHOG NA UMUWI si Gavin alas-siyete ng gabi. Malalaki ang mga hakbang at halos takbuhin niya na ang elevator. Kung pwede nga lang na gumamit siya ng hagdan para makarating lang agad ng penthouse ay ginawa na niya kanina pa. Ang plano niya lang ay magpapalit lang siya ng damit at aalis na rin sila agad ni Bethany ng bahay. Sa elevator pa lang ay kinalas na niya ang suot na necktie at ilang butones ng suot na polo shirt. Pagbukas niya ng pintuan at makita ang dalaga ay parang nabato-balani na doon ang abogadong napaawang ang bibig. Parang biglang nagbago ang plano niya nang makita si Bethany na sa kanya ay matamang naghihintay. Hindi niya na magawang tanggalin ang mga mata niya sa dalaga na ang laki ng pinagbago nang maayusan ito ng pangmalakasan. Parang nakatingin siya ngayon sa ibang tao. Ibang-iba ang aura ni Bethany ng mga sandaling iyon.“Wow! Ikaw na ba iyan, Thanie?!”Mabagal ang naging hakbang niya palapit sa dalaga na napatayo naman nang makita siyang pumasok ng pintuan
MADALING-MADALI NA ANG galaw ng ni Bethany, patungo ng elevator upang makababa na ng penthouse. Panay ang punas niya ng pawis sa kanyang leeg gamit ang tisyu, ganun din sa mukha ni Gavin na panay ang tingin sa pangbisig niyang orasan. Late na sila. Iyon ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan ng abogado ngunit hindi kababakasan ng pag-aalala ang kanyang mukha. Taliwas iyon kay Bethany na ginagapangan na ng hiya ngayon pa lang sa may pa-piging. Kung hindi siya sobrang naging maganda sa paningin ni Gavin, hindi sana nila ito daranasin ngayon. Ganunpaman ay mariin na siyang napakagat sa labi, magiging ipokrita siya kung itatanggi niyang nasiyahan din siya.“Ayan, sabi ko sa’yo eh. Male-late na tayo!” pagsasatinig na ni Bethany habang matamang nakatingin sa binata, “Ang kulit mo naman kasi!” nguso pa niyang mas tumindi pa ang hiya habang naglalaro sa isipan ang kanilang ginawa.Mula sa pangbisig na orasan ay nag-angat si Gavin ng mukha sa kanya. Makahulugan na itong ngumisi sabay hagod m
KAGAYA NG INAASAHANG, filipino time. Wala pa rin doon ang importanteng bisita. Nakipagkamay ang mga businessman at matataas ang pangalan sa lipunan na lumapit sa binata habang panaka-naka ang tingin sa kasama nitong babae na hindi man lang pinakilala ni Gavin. Hindi naman din iyon dinamdam ni Bethany. Hindi naalis ang paningin ng karamihan sa kanilang dalawa. Kamakailan lang, nabalitaan nila na si Attorney Dankworth ay may kinababaliwan daw na isang babae. Na-curious ang lahat ng kakilala ng binata at gusto nila itong makilala. Ngayong nakita na nila, totoo ngang maganda siya, at napakaamo ng mukha na malamang na dahilan kung bakit siya iniibig ng abogado. “Totoo pala talaga ang tsismis, maganda naman pala talaga ang babae.” “Oo nga, hindi talaga mahihiya si Attorney Dankworth na palaging i-display siya.”Nang patuloy na umikot ang dalawa sa hall upang batiin ni Gavin ang iba pa ay hindi nagpaiwan si Bethany na nakahawak pa rin nang mahigpit sa isang braso ni Gavin. Hindi naman iyon
NAIS SANA NI Briel na mag-offer kay Giovanni na siya na ang mag-aayos ng necktie ito, ngunit bago niya pa magawa ay nagawa ng punahin iyon ng secretary na siya na ‘ring nag-ayos ng necktie ng Gobernador. Nakagat na niya ang labi dahil sa hiyang bumalatay sa kanyang mukha. Sa parteng iyon, masyado naman yata siyang naging ambisyosa. Wala naman silang relasyon, bakit mag-o-offer siya na mag-ayos ng tie? “Hmm, aalis na ba tayo?” tayo na doon ni Briel na inayos na ang suot niyang high heels na sanay siya.Tumango si Giovanni na hindi pa rin tinatanggal ang kanyang mga mata sa mukha ni Briel na mas gumanda sa paningin niya nang magbihis at malapatan ng tamang make up at ayos ng buhok niya.“Ang bilis mo naman. Inaasahan kong paglabas ko ay wala ka pa sa kalahati ng pag-aayos.” muli pang turan ni Giovanni na halatang hindi maka-move on sa ipinamalas na galaw ni Briel, “Interesting, huh...” Mahinang natawa na doon si Briel. Nakita niya kasing parang kumislap ang mga mata ng lalaking kahara
HINDI NA RIN naman nagtagal sina Briel at Giovanni sa sementeryo dahil sa mas naging alinsangan pa ng panahon. Habang naglalakad palabas doon ay hindi sinasadyang hinawakan ng Gobernador ang kanyang isang kamay upang sabay silang maglakad. Napatingin doon si Briel ng ilang segundo ngunit hindi na lang niya iyon pinansin pa at binawi gaya ng unang naisip niya. Nakabuntot pa rin sa kanila ang secretary ni Giovanni na hinid makapaniwala sa mga nakikita niya. Doon napagtanto ng secretary na marahil kaya tinanggihan ng Gobernador na makasama si Paloma ay nang dahil sa bunsong anak iyon ng mga Dankworth. Hindi nagsawa si Giovanni sa babae bagkus ay may nahanap siyang mas interesante sa aktres. Lumabi ang secretary, nagagandahan din naman talaga siya kay Gabriella Dankworth kagaya ng kapatid.“Sumabay ka na sa akin, iyong isa na lang sa mga tauhan ko ang bahala sa sasakyan mong mag-drive.” hindi maintindihan nni Giovanni kung bakit iyon ang naging offer niya, ano ba ang plano niya kay Briel?
PAGKATAPOS NIYANG MALIGO ay nahiga na si Giovanni sa kama sa pag-asang makakatulog na siya agad. Ilang beses niyang tiningnan ang larawan ni Briel sa kanyang cellphone bago niya ipikit ang mga mata. Pakiramdam niya mula nang may nangyari sa kanila ay hindi niya na kayang gumalaw pa ng babae dahil sa isipan niya ay nagtataksil siya kay Gabrielle. Nagtataksil kahit na alam naman niya sa kanyang sarili na wala silang relasyon. Nasa tamang hulog pa ba ang isip niya? Ganun siya binaliw ng isang Gabriella Dankworth.“You need to stop this fantasy, Giovanni. Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakakilala sa iyo? Ng kanyang pamilya? Ng pamilya mo? Siguradong may comment sila. Saka sigurado ka na gusto mo ang spoiled brat na iyon ng mga Dankworth? Liberated din iyon, kaya nga siya magaling sa kama. Alam na alam niya kung paano niya papaligayahin ang biktima niya. Hindi mo alam kung ila na rin ang nakatalik niya.”Sinubukan niyang lasunin ang isipan ng mga bagay na negatibo patungkol kay B
BINUHAY NA NI Giovanni ang makina ng kanyang sasakyan upang lisanin na ang lugar at bumalik na ng hotel suite. Kagaya ng kanyang inaasahan na magiging reaction ng mga tinakasan niya, naabutan niya ang mga bodyguard at ang kanyang secretary na hagas na hagas at sobrang nag-aalala sa pagkawala niya. Ang akala nila ay kung saan na siya pumunta. Ni hindi nila magawang tawagan ang phone niyang iniwan dito. Nakahinga lang sila nang maluwag ng makita nila ang pagbabalik ng Gobernador sa loob ng hotel suite. “Bakit mag-isa kang lumabas, Governor Bianchi? Paano kung may ibang nangyari sa’yo?” Tahimik na naupo sa sofa si Giovanni. Kung kanina ay mukhang pagod siya, ngayon ay pagod na pagod na ang hitsura niya. Marahil ay nang dahil iyon sa pag–iisip na ginawa niya habang papauwi tungkol kay Briel at doon sa babae na matagal na niyang hinahanap. Hindi niya makuha kung bakit pamilyar ang dalawa. “Wala namang masamang nangyari kung kaya kumalma ka na. Mabilis ka niyang tatanda.” mahinang sambit
NAKIPAGLABAN PA NG titigan si Briel kay Giovanni na hindi pa rin napapalis ang matingkad na ngiti sa kanyang labi. Hindi niya alam kung ano ang sumilid sa kanyang isipan ng sandaling iyon para mas titigan pa ang mukha ng Gobernador. Habang tumatagal mas lalo pang nagiging magandang lalaki ito sa kanya.‘Crush mo lang siya oo, pero ang mas lumalim doon hindi na pwede! Gumising ka nga, Gabriella!’Nailang na si Giovanni sa paninitig na ginagawa sa kanya ng kapatid ng asawa ng kanyang pamangkin. Siya na ang unang nagbawi doon at ibinaling na ang sa iba. Alam na alam niya ang mga titig na iyon ng isang babae. Maraming babae na ang ginawa iyon sa kanya kung kaya naman hindi na iyon bago pa sa kanya. Ang isipin na may pagnanasa sa kanya ang bunsong anak ng mga Dankworth, parang kinikilabutan siya.“It's getting late, Gabriella. I'll take you home. Baka rin hinahanap ka na ng mga magulang mo sa inyo.”Wala ng mukha si Briel para magsalita pa at mangatwiran upang manatili pa sa lugar dahil na
KIBIT-BALIKAT NA INIIWAS ni Briel ang kanyang mga mata kay Giovanni na hindi na niya matagalan. Para siyang napapaso ng mga titig nito kahit na malamang ay siya lang naman ang nag-iisip ng bagay na iyon. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa mga salita na sa panlasa niya ay masarap iyon. Masyadong malayo ang agwat ng edad nila kaya hindi na ito kataka-taka na hindi pasado sa panlasa ng Gobernador ang inuming iyon. Ayaw naman niyang maging bastos na para bang pinapamukha niya sa lalaki ang edad. Sa ibang pagkakataon, ni-realtalk na niya ito ngunit hindi niya kaya. Ayaw niyang mawalan siya ng respeto sa kanya at saulain ang sagot. Sumugat na sa kakaibang ngiti ang labi ni Briel nang harapin na ni Giovanni ang kanyang secretary na kinuha na ang atensyon niya habang may tinuturo ito sa hawak na cellphone.“May mga bisita po kayo, Governor Bianchi. Nag-send ng message. Papapasukin ko pa po ba o re-schedule?” alanganin nitong tanong na bahagyang sumulyap kay Briel gamit ang gilid ng mg
BAHAGYANG NATIGILAN SA tanong niya si Giovanni. Ang buong akala ng Gobernador ay nasagot na niya ang tanong ni Briel kanina kaya nagtataka siya na bumalik sila doon ngayon. Nilingon na niya ang kanyang secretary na natigilan na rin sa pagkain sa tahasan na sinabing iyon ni Briel sa kanya. Halata na ito ang nais sumagot ni Giovanni. Iyon ang bagay na nabasa ni Briel kaya nilingon na niya rin ang secretary ng lalaki. “Ahm, Miss Dankworth bukod kasi sa pagod na ngayong araw si Governor Bianchi sa mga meetings niya, isinasaalang-alang din niya ang estado niya sa lipunan. Hindi naman siguro lingid sa'yo iyon di ba? Hindi pwedeng palagi siyang kumain sa labas. Pwede naman kung sakali, pero kailangan na i-set muna natin. Siguraduhin na magiging safe ang paligid. High profile si Governor Bianchi at hindi pwede na kung saan-saan lang siya kakain o pupunta kung kailan niya gustuhin. Sana ay maintindihan mo ang bagay na iyon.”Tumango-tango si Briel at binitawan na ang hawak niyang kubyertos. H
SA MAY ELEVATOR na sila nag-abot ni Giovanni. Dahil sa kalutangan ni Briel, pagmamadali at excitement ay basta na lang din siya lumulan doon dahil nasa loob na sila at napapalibutan pa ng mga bodyguard niya ang Gobernador. Hindi malaman ni Briel kung ganun ba talaga ang hitsura ng mga bodyguard ng lalaki pero nailang na siya sa kanila nang minsan niyang tingnan sila. Nang sumara ang pintuan at muntik siyang mapasubsob sa pader, mabilis siyang hinila ni Giovanni sa braso upang huwag siyang mapahamak doon. Parang nagising ang diwa ni Briel na patulog-tulog nang dahil sa biglaang paghawak niya sa braso niya.“Careful…” mahina lang iyon pero halos mapunit na ang labi ni Briel sa kanyang sobrang saya at kilig. Tumikhim si Briel upang klaruhin ang kanyang boses. Gusto niya lang may linawin kay Giovanni. Ngayong nakalulan na sila ng elevator na paakyat at hindi naman pababa, gusto niyang may itanong sa Gobernador.“Bahagi ba ng hotel na ito ang restaurant na sinasabi mo? Bakit paakyat tayo
NANATILING NAKAUPO LANG si Giovanni at ayaw na tumayo kahit pa tinawag na siya ni Briel. Tandang-tanda niya ang panahong iyon na wala pa siyang nararamdaman para sa bunso ng mga Dankworth. Mahinang natawa pa ang Gobernador nang maalala iyon hanggang sa nanliit ang kanyang mga mata. Para kasing tutang inabandona ito ng may-ari at nanghihingi ng atensyon sa kanya. Napilitan tuloy siya noong tumayo para dito. Walang imik na lumapit na sa kanilang table at tiningan na ng masama doon si Albert. Si Albert na sinuyod ang kabuohan ni Giovanni na para bang sa ibang planeta siya nanggaling at sumulpot.“Hmm, hija narito ka pala...” approach ni Giovanni dahil wala pa rin talaga siyang masabi sa babae.Napaungot na si Briel nang marinig ang boses ni Giovanni. Biglang yumabang din ang kanyang mga mata. Para tuloy gusto na lang niyang yumakap sa bulto ng katawan ng Gobernador at isumbong ang mga maling ginawa ni Albert sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ang komportable niya talaga sa kanya kahit