NAGKUKUMAHOG NA UMUWI si Gavin alas-siyete ng gabi. Malalaki ang mga hakbang at halos takbuhin niya na ang elevator. Kung pwede nga lang na gumamit siya ng hagdan para makarating lang agad ng penthouse ay ginawa na niya kanina pa. Ang plano niya lang ay magpapalit lang siya ng damit at aalis na rin sila agad ni Bethany ng bahay. Sa elevator pa lang ay kinalas na niya ang suot na necktie at ilang butones ng suot na polo shirt. Pagbukas niya ng pintuan at makita ang dalaga ay parang nabato-balani na doon ang abogadong napaawang ang bibig. Parang biglang nagbago ang plano niya nang makita si Bethany na sa kanya ay matamang naghihintay. Hindi niya na magawang tanggalin ang mga mata niya sa dalaga na ang laki ng pinagbago nang maayusan ito ng pangmalakasan. Parang nakatingin siya ngayon sa ibang tao. Ibang-iba ang aura ni Bethany ng mga sandaling iyon.“Wow! Ikaw na ba iyan, Thanie?!”Mabagal ang naging hakbang niya palapit sa dalaga na napatayo naman nang makita siyang pumasok ng pintuan
MADALING-MADALI NA ANG galaw ng ni Bethany, patungo ng elevator upang makababa na ng penthouse. Panay ang punas niya ng pawis sa kanyang leeg gamit ang tisyu, ganun din sa mukha ni Gavin na panay ang tingin sa pangbisig niyang orasan. Late na sila. Iyon ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan ng abogado ngunit hindi kababakasan ng pag-aalala ang kanyang mukha. Taliwas iyon kay Bethany na ginagapangan na ng hiya ngayon pa lang sa may pa-piging. Kung hindi siya sobrang naging maganda sa paningin ni Gavin, hindi sana nila ito daranasin ngayon. Ganunpaman ay mariin na siyang napakagat sa labi, magiging ipokrita siya kung itatanggi niyang nasiyahan din siya.“Ayan, sabi ko sa’yo eh. Male-late na tayo!” pagsasatinig na ni Bethany habang matamang nakatingin sa binata, “Ang kulit mo naman kasi!” nguso pa niyang mas tumindi pa ang hiya habang naglalaro sa isipan ang kanilang ginawa.Mula sa pangbisig na orasan ay nag-angat si Gavin ng mukha sa kanya. Makahulugan na itong ngumisi sabay hagod m
KAGAYA NG INAASAHANG, filipino time. Wala pa rin doon ang importanteng bisita. Nakipagkamay ang mga businessman at matataas ang pangalan sa lipunan na lumapit sa binata habang panaka-naka ang tingin sa kasama nitong babae na hindi man lang pinakilala ni Gavin. Hindi naman din iyon dinamdam ni Bethany. Hindi naalis ang paningin ng karamihan sa kanilang dalawa. Kamakailan lang, nabalitaan nila na si Attorney Dankworth ay may kinababaliwan daw na isang babae. Na-curious ang lahat ng kakilala ng binata at gusto nila itong makilala. Ngayong nakita na nila, totoo ngang maganda siya, at napakaamo ng mukha na malamang na dahilan kung bakit siya iniibig ng abogado. “Totoo pala talaga ang tsismis, maganda naman pala talaga ang babae.” “Oo nga, hindi talaga mahihiya si Attorney Dankworth na palaging i-display siya.”Nang patuloy na umikot ang dalawa sa hall upang batiin ni Gavin ang iba pa ay hindi nagpaiwan si Bethany na nakahawak pa rin nang mahigpit sa isang braso ni Gavin. Hindi naman iyon
NANATILING WALANG KIBO si Bethany. Hindi niya rin kasi alam kung paano ico-comfort ang musician na noon lang naman niya nakita at nakilala. Baka mamaya ay masabihan pa siya nitong feeling close kung magsasalita pa siya ng mga comforting words. Tama na iyong tagapakinig na lang muna habang panaka-naka ang pagmamasid sa paligid. “Iyong anak niya ang ibig niyang sabihin.” bulong ni Gavin na mas nagpagulo sa isipan ni Bethany nang maging klaro sa isipan ang ibinulong ng abogado. Hindi naman iyon nakalagpas sa paningin ng binata. “I'll tell you everything, later.” dagdag ni Gavin na marahang ikinatango lang ng dalaga dahil ayaw naman niyang magbigay dito ng komento.Ilang sandali pang tinitigan ni Alejandrino si Bethany. Kamukha talaga siya ng mga kilay at mata ng dati niyang nobya, eksakto itong kapareho ng taong nasa alaala niya. Umiling siya at inisip na baka na-miss niya ng sobra si Beverly para mag-ilusyon at makita ito sa mukha ng ibang tao. Isa siyang public figure kung kaya hind
BAHAGYANG NAGSALUBONG NA ang mga kilay ni Gavin dahil narinig na naman niya ang pangalan ng taong matagal na niyang kinalimutan. Hindi man niya tahasang sabihin iyon ay agad iyong napansin ng musician. Batid niyang hindi niya dapat pa iyong binanggit, ngunit wala na siyang magagawa. Nasabi na niya dito ang lahat. Nang makita ni Drino ang pagbabago ng kanyang ekspresyon, hindi na siya nagsalita pa tungkol sa anak-anakan niya nasa ibang bansa. Itinikom niya na ang bibig at nang muling magsalita ay iba na ang naging topic nila. Bumalik iyon sa anak niya.“Oras na matagpuan mo siya, ipagbigay alam mo agad sa akin. Ora-orada ay pupuntahan kita kahit nasaang lupalop pa man ako ng mundo. Nakahanda akong puntahan siya kahit na nasa kalagitnaan ako ng concert ko.” dagdag pa nito.“Makakaasa ka, Tito Drino.” NAGHINTAY si Bethany ng halos kalahating oras pero hindi pa rin siya binalikan ni Gavin kung saan siya nito iniwan. Medyo naiinip na samahan pa ng matinding hiya na dumalo siya sa ganoong
UMIGTING NA ANG magkabilang panga ni Albert sa lantarang sinabing iyon ni Bethany sa kanya. Nasupalpal na naman siya dito ng dalaga. Ewan din ba niya sa kanyang sarili na kahit ang dami na nitong masasakit na mga salita ang binibitawan sa kanya, balewala na lang iyon sa lalaki. Nasasaktan siya oo, pero sanay na sanay na siya. Sinubukan naman niyang lumayo sa dalaga, kumbaga ay siya na ang kusang dumistansya mula ng huling usap nila pero parang may magnet ang katawan ni Bethany na paulit-ulit na humihila sa kanya palapit sa babae at hinihigop ang lakas niya. Iyong tipong kahit pa alam niyang naibigay na nito ang katawan sa ibang lalaki na hindi niya nagawang makuha noong sila pa ay wala siyang anumang pakialam doon. Hindi na iyon big deal sa kanya dahil ang tanging gusto niya ay ang muli itong makuha, mapuntang muli ang atensyon nito sa kanya at maging pag-aaring muli niya ang dalaga gaya dati.“Bethany, hindi naman iyon—”“Tama na! Bingi ka ba? Hindi mo pa rin ba maintindihan kung ano
PAGAK NA TUMAWA lang si Gavin. Hindi na niya pinili pang magbigay ng anumang komento. Kilala na siya ng kapatid at isa pa, ayaw na rin niyang pag-usapan nila ang kanyang nakaraan. Matagal na niyang ibinaon iyon sa limot.“Syempre naman, bagay kami. Sure ka ba talagang gusto mo siya para sa akin dahil nakikita mong gusto ko siya o pinipilit mo lang?” banat ni Gavin na muli pang hinarap ang kapatid, mapang-asar na ang ngiting nakapaskil sa kanyang labi. “Ah, baka nagseselos ka sa kanya dahil kausap ngayon ng fiance mo—”“Hindi ako nagseselos, Kuya Gav! Ano ka ba?” mataray nitong irap sa kanya, hindi na gusto ang sinasabi ng kapatid. “Alam ko namang maganda ako sa paningin ni Albert kaya bakit pagdududahan ko siya? Dahil lang sa nakita ko? Hindi ako ganun kababaw Kuya Gav.” anitong muling pahapyaw na sinulyapan na ang dalawang nasa terasa pa rin at magkaharap, “Alam mo Kuya Gav, boto nga ako sa kanya para sa iyo di ba? Baka ikaw ang nagseselos sa fiance ko?”“Weh? Hindi nga?” parang bata
MARAHANG HINARAP NI Bethany si Briel ng marinig niya ang huling litanya nito. Nakita niya ang malapad na mga ngiti ng dalaga na puno ng pag-asang pagbibigyan sa kanyang kahilingan. Alam ni Bethany sa kanyang sarili na hindi niya ito pwedeng tahasang tanggihan sa gusto nitong mangyari lalo pa at kapatid ito ni Gavin. Batid niya sa kanyang sarili na dahil gusto niya ang kapatid nitong si Gavin kung kaya naman magiging mapagparaya siya sa anumang hihilingin ng dalaga hindi upang mapalapit dito kundi bilang respeto na rin. Ganunpaman, sa huli si Gavin pa rin naman ang masusunod sa kanilang dalawa. Ang ideyang iyon ay mas nagpahiya pa sa pakiramdam ni Bethany dahil wala siyang palag o kung papalagan niya ito na kagaya ng dati, noong na-kidnap sila malamang maba-badshot siya sa kanya. Wala siyang ibang choice kundi ang lingunin na doon si Gavin upang humingi na dito ng magiging opinyon nito. Saglit na nag-usap ang kanilang mga mata sa tahimik na paraan. Ang akala ni Bethany ay ayos na iyon,