NARAMDAMAN NI BETHANY na bahagyang nainis sa kanya si Gavin sa pagiging makitid ng kanyang pag-iisip about sa damit. Syempre, importante nga pala dito ang magiging dinner party kaya baka kaya nais notong siguraduhing presentable ang magiging ayos at bihis niya dahil kasama siya nito. Marahil ay iniisip din nitong siya na nga ang pinapaboran sa lahat ay siya pa 'tong patuloy na nag-iinarte. Hindi man tahasang aminin iyon ng abugado, kitang-kita niya iyon sa paraan kung paano siya nito tingnan pailalim ng blanko. Hindi rin naman kasi mayaman ang kanilang pamilya, middle class lang iyon at ang layo-layo pa nito sa pagiging mayaman kaya hindi siya sanay na magiging ganun ka-garbo ng bihis. Sa sandaling ito, hindi na maipaliwanag ang nararamdaman ng puso ni Bethany. Memoryado na rin niya na hindi magandang impression kay Gavin ang tumanggi sa anumang binibigay nito pero iyon ang gusto niyang mangyari at gawin. Napakagat na ng labi ang dalaga. Nag-aalangan na siya at baka napasama na siya
NABURO NA ANG mga mata ni Bethany sa mukha ni Gavin sa naging tanong nito. Doon niya naalala na naman ang importansya ng kwintas na iyon na galing sa kanyang yumaong ina. Lihim na ipinangako niya sa kanyang sarili na oras na mag-lugar siya after ng event ay pupuntahan niya ito sa pinagsanglaang pawnshop upang tubusin. Ganunpaman ang kanyang plano ay pinili niyang huwag na iyong sabihin sa abugado. Kakailanganin pa kasi niyang sabihin dito kung ano ang kwento ng kwintas na iyon oras na paniguradong lalamon ng maraming oras. Sa halip ay hinaplos niya ang magkabilang pisngi ng binata. “Male-late ka na kung hindi ka pa aalis ngayon. Akala ko ba ay nagmamadali ka papunta ng office?” Binasa ni Gavin ng laway ang kanyang labi at tinitigang mabuti ang mukha ni Bethany. Iba na naman sa kanya ang dating ng pagiging malambing nito. Nalimutan niya ng hinihintay niya nga pala ang magiging sagot ng dalaga sa kanyang katanungan. Lumambot na ang tingin niya dito na napuno ng pagmamahal.“Oo nga pal
NAPAHIMALOS NA NG mukha si Bethany nang maalala na hindi pa siya nakakaligo at ngayon na nga pala ang napag-usapan nila ni Gavin. Masyado siyang nahimbing matulog. Bumawi ang kanyang katawan dahil sa puyat na kanyang inabot ng nagdaang gabi. Paglingon niya sa likod ng secretary ay may mga kasama siya kung kaya naman lalo pa siyang nahiya sa kanyang hitsura. Nalaman niya lang na stylist, make up artists, at ilang employee ng damit na binili ni Gavin na may hawak na hindi kalakihang mga box ang mga iyon nang pahapyaw na silang ipakilala ng secretary. Hindi niya natandaan ang mga pangalan ng mga ito kahit na isa dahil ang isipan niya ay naiwan na kay Gavin. Hindi pala talaga ito nagbibiro sa sinabi niya. Ang buong akala niya pa ay ang secretary lang nito ang pupunta upang i-deliver ang damit na isusuot niya. Siya na ang bahalang mag-ayos ng mukha at ng iba pang kailanga. Full package pala ang kinuha ni Gavin.“T-Tuloy kayo…pasensya na hindi pa ako nakakaligo.” Niluwagan niya na ang pint
BASANG-BASA PA NG tubig ang buhok ni Bethany nang lumabas siya ng silid. Nagmamadali siyang matapos agad na maligo dahil nahihiya sa mga naghihintay sa kanya. Ilang minuto lang ang ginawa niya na hindi normal sa paliligo niya na kung minsan ay tumatagal ng ilang oras. Ni hindi na siya nag-abalang tuyuin pa ang buhok dahil baka kung ano ang masabi ng mga ito sa pagiging matagal niya. Sinuklian lang siya ng ngiti ng secretary na nakaupo sa sofa, ngunit nang makita ang paglabas niya ay umahon na rin ito.“Matalas at magaling talagang mamili ang mga mata mo, Miss Bethany. Marami akong nakitang pagbabago dito sa penthouse ni Attorney Dankworth. Hindi nakakagulat na nabanggit niya sa akin kaninang umaga na maganda ang iyong panlasa sa mga dekorasyon at pangbabaeng mga gamit.”Ang galing maghabi ng mga salita ng secretary n aagad nahulaan ni Bethany. In short magaling itong mangbola. Mabulaklak iyon at agad na mapapaniwala ang sinumang makakarinig. Lihim na kinilig naman doon si Bethany. Mal
NAGKUKUMAHOG NA UMUWI si Gavin alas-siyete ng gabi. Malalaki ang mga hakbang at halos takbuhin niya na ang elevator. Kung pwede nga lang na gumamit siya ng hagdan para makarating lang agad ng penthouse ay ginawa na niya kanina pa. Ang plano niya lang ay magpapalit lang siya ng damit at aalis na rin sila agad ni Bethany ng bahay. Sa elevator pa lang ay kinalas na niya ang suot na necktie at ilang butones ng suot na polo shirt. Pagbukas niya ng pintuan at makita ang dalaga ay parang nabato-balani na doon ang abogadong napaawang ang bibig. Parang biglang nagbago ang plano niya nang makita si Bethany na sa kanya ay matamang naghihintay. Hindi niya na magawang tanggalin ang mga mata niya sa dalaga na ang laki ng pinagbago nang maayusan ito ng pangmalakasan. Parang nakatingin siya ngayon sa ibang tao. Ibang-iba ang aura ni Bethany ng mga sandaling iyon.“Wow! Ikaw na ba iyan, Thanie?!”Mabagal ang naging hakbang niya palapit sa dalaga na napatayo naman nang makita siyang pumasok ng pintuan
MADALING-MADALI NA ANG galaw ng ni Bethany, patungo ng elevator upang makababa na ng penthouse. Panay ang punas niya ng pawis sa kanyang leeg gamit ang tisyu, ganun din sa mukha ni Gavin na panay ang tingin sa pangbisig niyang orasan. Late na sila. Iyon ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan ng abogado ngunit hindi kababakasan ng pag-aalala ang kanyang mukha. Taliwas iyon kay Bethany na ginagapangan na ng hiya ngayon pa lang sa may pa-piging. Kung hindi siya sobrang naging maganda sa paningin ni Gavin, hindi sana nila ito daranasin ngayon. Ganunpaman ay mariin na siyang napakagat sa labi, magiging ipokrita siya kung itatanggi niyang nasiyahan din siya.“Ayan, sabi ko sa’yo eh. Male-late na tayo!” pagsasatinig na ni Bethany habang matamang nakatingin sa binata, “Ang kulit mo naman kasi!” nguso pa niyang mas tumindi pa ang hiya habang naglalaro sa isipan ang kanilang ginawa.Mula sa pangbisig na orasan ay nag-angat si Gavin ng mukha sa kanya. Makahulugan na itong ngumisi sabay hagod m
KAGAYA NG INAASAHANG, filipino time. Wala pa rin doon ang importanteng bisita. Nakipagkamay ang mga businessman at matataas ang pangalan sa lipunan na lumapit sa binata habang panaka-naka ang tingin sa kasama nitong babae na hindi man lang pinakilala ni Gavin. Hindi naman din iyon dinamdam ni Bethany. Hindi naalis ang paningin ng karamihan sa kanilang dalawa. Kamakailan lang, nabalitaan nila na si Attorney Dankworth ay may kinababaliwan daw na isang babae. Na-curious ang lahat ng kakilala ng binata at gusto nila itong makilala. Ngayong nakita na nila, totoo ngang maganda siya, at napakaamo ng mukha na malamang na dahilan kung bakit siya iniibig ng abogado. “Totoo pala talaga ang tsismis, maganda naman pala talaga ang babae.” “Oo nga, hindi talaga mahihiya si Attorney Dankworth na palaging i-display siya.”Nang patuloy na umikot ang dalawa sa hall upang batiin ni Gavin ang iba pa ay hindi nagpaiwan si Bethany na nakahawak pa rin nang mahigpit sa isang braso ni Gavin. Hindi naman iyon
NANATILING WALANG KIBO si Bethany. Hindi niya rin kasi alam kung paano ico-comfort ang musician na noon lang naman niya nakita at nakilala. Baka mamaya ay masabihan pa siya nitong feeling close kung magsasalita pa siya ng mga comforting words. Tama na iyong tagapakinig na lang muna habang panaka-naka ang pagmamasid sa paligid. “Iyong anak niya ang ibig niyang sabihin.” bulong ni Gavin na mas nagpagulo sa isipan ni Bethany nang maging klaro sa isipan ang ibinulong ng abogado. Hindi naman iyon nakalagpas sa paningin ng binata. “I'll tell you everything, later.” dagdag ni Gavin na marahang ikinatango lang ng dalaga dahil ayaw naman niyang magbigay dito ng komento.Ilang sandali pang tinitigan ni Alejandrino si Bethany. Kamukha talaga siya ng mga kilay at mata ng dati niyang nobya, eksakto itong kapareho ng taong nasa alaala niya. Umiling siya at inisip na baka na-miss niya ng sobra si Beverly para mag-ilusyon at makita ito sa mukha ng ibang tao. Isa siyang public figure kung kaya hind
ILANG ARAW LANG ang lumipas pagkabalik ng mag-asawa nang magbalik sila sa trabaho. Gaya ng inaasahan tambak ang mga trabaho na sumalubong kay Gavin kung kaya naman panay ang kanyang overtime. Ganun pa rin naman kay Bethany na inunang mamigay ng mga souvenirs nila. At dahil panay ang overtime ng asawa, madalas na siya ang nagpupunta sa opisina niya upang sabay na silang umuwi. Nalulungkot siya kapag mag-isa siya sa penthouse. Nawili na kasi si Victoria sa Baguio. Pinili nitong doon na mamalagi. Mukhang nakalimutan na yata siya at higit sa lahat gusto na nito ang klima sa naturang lugar. Hindi naman siya pinilit ni Bethany na bumaba. Masaya nga siyang nalilibang dito ang madrasta.“Tita Victoria, miss na kita…”“Miss na rin naman kita hija, kailan ka ba aakyat dito?” “Hindi ko pa alam, busy pa kami ni Gavin sa trabaho.” “Pag-akyat mo dito sasama ako pababa at magbabakasyon diyan sa inyo.”Napanguso na si Bethany. Mukhang nabaliktad. Ang Baguio dapat ang bakasyunan nila ng Ginang, ngun
NAPAAWANG NA ANG labi ni Gavin sa balagbag na naging sagot ng asawa. Sa mga sandaling iyon ay parang gusto na lang niyang bitbitin ito at dalhin sa kwarto upang paulit-ulit na parusahan, kaso nga lang ay siya pa rin naman ang matatalo sa parusang iyon. Sa halip kasi na masaktan ang asawa, baka mas masiyahan at mas masarapan sa gagawin niya. Sa naiisip ay hindi niya tuloy mapigilang kagatin ang labi. “Ano? Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?” hamon ni Bethany nang makita ang ibang tingin nito. “Para kang nanghuhubad sa isipan mo ah?”Umiling si Gavin na binasa na ang labi. Nananatili pa rin siyang nakatingin sa asawa na nakangisi na. “Paparusahan mo ba ako sa paglilihim ko sa’yo?” Muling umiling si Gavin. Gusto ng humalakhak sa malakas na pang-amoy ng asawa. “Ayos lang naman sa akin—” Tinalikuran na siya ni Gavin dahil baka hindi na naman niya mapigilan ang kanyang sarili. Hinabol siya ni Bethany habang humahalay ang malakas nitong halakhak. Sinundan siya nito kung saan siya
HABANG NAKATITIG SA mukha ng asawa ay sunod-sunod na nahulog ang mga luha ni Bethany. Hindi niya mapigilan iyon. Ayan na naman siya sa bigla-biglang pagiging iyakin. Nang makita naman iyon ni Gavin ay mahigpit na siya nitong niyakap. Mabilis na humagod ang kanyang isang kamay sa likod nito at kapagdaka ay hinalikan niya ang ulo ng asawa. Tama nga ang hinala niya na nataranta lang si Bethany kanina kaya nakapag-desisyon ito ng ganun. Nauunawaan niya naman ito, pero gaya ng sinabi niya. Wala na siyang pakialam pa kay Nancy, natuto na siya sa mga nangyari noon na hinding-hindi na niya uulitin. Patuloy na humikbi si Bethany kahit na ilang beses siyang masuyong hinalikan ni Gavin sa labi upang patahanin. Kitang-kita niya na sobrang mahal talaga siya ng asawa niya sa pamamagitan ng mga titig.“Akala ko kasi…akala ko—” “Maraming nagkakamali sa maling akala, Thanie. Tahan na, tama na ang iyak, please?” nahihirapang pakiusap ni Gavin, “Kalimutan na lang nating pinag-usapan natin ngayon ang tu
MABILIS NA LUMINGON si Gavin sa kanya na tila nahimasmasan sa malakas niyang pagtawag sa pangalan niya. Para siyang ibinalik sa realidad na hindi siya pwedeng umiyak na makikita ng asawa at baka kung ano ang isipin nito sa kanya. Ngumiti siya ngunit hindi man lang iyon umabot sa kanyang mga mata. Ginantihan siya ng ngiti ni Bethany. Asawa niya ito at kilala niya na kung may mali sa kanyang reaction sa mukha. Hindi nakaligtas sa mala-mata ng lawing paningin ni Bethany ang pamumula ng mukha ni Gavin lalo na ang mga mata na para bang umiyak iyon. Syempre naman, iiyak ito dahil ex-girlfriend nito ang nawala. Kung siya ba iiyak kapag si Albert kunwari ang nagpaalam? Hindi ang sagot niya. Oo, malulungkot siya pero hindi niya ito iiyakan. “Kakagising mo lang ba, Thanie?” pilit ni Gavin na pinasigla ang boses niya sa tanong. “Tara na, at kumain na tayo ng breakfast.”Hindi sumagot si Bethany na malalaki na ang ginawang hakbang at tinawid ang pagitan nilang mag-asawa. Habang ginagawa iyon ng
UMAHON NA SA kama si Bethany at lumapit pa sa asawa upang kumbinsihin ito na pumayag sa gusto niya. Malambing na siyang sumakay sa likod ni Gavin na mabilis naman na kinuha ang dalawang braso niya upang paupuin lang si Bethany sa kanyang kandungan. Awtomatiko namang yumakap ang isang braso ni Bethany sa leeg ng asawa at siya na ang kusang humalik sa labi nito. May multo na ng ngiti sa labi ni Gavin sa pagiging extra sweet ng kanyang asawa makuha lang ang extension honeymoon na gusto niya. Pinapungay pa ng babae ang kanyang mga mata, nagbabakasakali na nang dahil doon ay madala niya si Gavin at bumigay. Binasa naman ni Gavin ang kanyang labi habang nakatingin pa rin sa mukha ng asawa. Kaunti na lang ay bibigay na siya. Nasa plano naman na niya iyon, gusto lang talaga niyang magmakaawa ang asawa. Ayon sa plano niya, isang buwan sila doon at hindi niya pa iyon sinasabi sa asawa. “Sigurado akong matagal itong mauulit. Busy ka na. Busy na rin ako. Saka, lolobo na noon ang tiyan ko, Attorn
KASABAY NG PAGHIHIWALAY ng mga hita ni Bethany nang hawakan ni Gavin ang kanyang gitna ay naghiwalay din ang kanyang labi nang marahang pasukin na ng kanyang asawa ang lagusan niyang kanina pa basa. Kusang sumara ang mga mata ni Bethany upang mas damhin ang init ng mga sandaling iyon na pinagsasaluhan nila ngayon ng kanyang asawa. Kasabay ng marahan nitong tantiyadong indayog at galaw sa kanyang ibabaw ay kumawala mula sa kanyang labi ang maingay niyang mga ungol na pumuno sa apat na sulok ng silid. Bagay na tuluyang nagpawala na rin sa wisyo ni Gavin na patuloy na ginaganahan na angkinin ang kanyang nagliliyab na katawan. Gigil man ay pinili niyang maging maingat at kalmado dahil ayaw niyang masaktan ang anak nilang hindi pa nakakalabas. Patuloy sa pagliyad ng katawan niya si Bethany, hindi na alam kung saan ihahawak ang mga kamay at isusuling ang paningin. Para siyang nagdedeliryo gayong hindi naman iyon ang unang beses na gagawin nila ang bagay na iyon. Sobrang init, iyon ang tangi
SA KABILANG BANDA, sinulit nina Bethany at Gavin ang kanilang unang gabi sa isla. Matapos na maligo sa pool ay naglagi na sila sa silid kung saan paulit-ulit na pinawi ang pananabik sa katawan ng bawat isa. Kinaumagahan, pagbukas ni Bethany ng kanyang cellphone ay agad na siyang binaha ng tawag at message ng kaibigan niyang si Rina. May mga message din si Miss Gen ng pagbati sa kanya na nakalimutan niya na sa dami ng kanyang mga iniisip at naging problema. May mga message din ng magulang at employee ng music center dahil malamang nalaman na nila dahil sa patuloy na pagkalat noon online. Invested na invested ang mga tao gayong hindi naman sila mga artista. Ipinagkibit na lang ng balikat iyon ni Bethany na kakadilat lang ng mga mata. Minabuti na tawagan na ang kaibigan.“Rina—” “Hoy, babae! Ano ito? Bakit hindi ako invited? Nakakatampo ka ah! Nagpakasal kayo sa Baguio ng wala man lang pasabi? Bethany naman, bestfriend mo ako ah? Hindi na ba tayo magkaibigan?!” agad na putak na nito pag
ILANG SEGUNDO NA tinitigan ni Mr. Conley ang mukha ni Nancy. Hinahanap kung totoo ba ang kanyang mga sinabi. Bakas sa mga mata ng matanda na hindi siya makapaniwala. Imposible. Saksi siya sa bagamat may malalang sakit na ito ay masama pa rin ang ugali nito. Duda siya sa hiling nito na alam niyang hinding-hindi pagbibigyan ni Bethany. Kinamumuhian niya si Nancy. Kahit pa yata manikluhod siya, hindi nito pagbibigyan ang kanyang pakiusap ng ganun lang kadali. Sa laki ng kasalanan ni Nancy sa kanya na ang iba ay nang dahil sa tulong niya, ngayon pa lang pakiramdam niya ay mabibigo ang kahilingan ni Nancy.“Para ano? Para konsensyahin mo siya? Para gamitin mo ang nalalapit mong pamamahinga?” hindi napigilan na itanong ni Mr. Coley, “Para i-stress mo siya? Nang paulit-ulit? Hindi ako papayag!” mariin na dugtong ng ama, ilang beses na iniiling ang kanyang ulo upang sabihin na hindi nito pagbibigyan ang kanyang gusto. “Sobra-sobra na ang sakit na binigay mo sa kanya dahil makasarili ka. Huwag
BUMILIS ANG TIBOK ng puso ni Nancy habang nagsimula ng malunod ang kanyang mga mata sa labas ng maraming luha nang makita ang article ng kasal ng dati niyang nobyo at ni Bethany. Noon pa man ay alam niya ng kasal na ang dalawa pero ang makitang pareho silang nakangiti habang magkahawak ng kamay at magkatitigan, hindi niya mapigiling makaramdam ng labis na sakit sa kanyang puso. Siya dapat iyon at hindi ang ibang babae. Siya dapat iyon kung naging matino lang siya at hindi naghanap ng iba. Marahan niyang hinimas ang halos ay buto at balat na niyang dibdib. Patuloy iyong nagbigay ng walang katumbas na sakit. Mas masakit pa iyon sa kanyang lalamunan tuwing masusuka siya at hindi kinakaya ng katawan ang gamot. Unti-unti ng nagkaroon ng tunog ang kanyang mga hikbi. “What’s wrong with you, Nancy?” si Mr. Conley na napatayo na mula sa kanyang inuupuan.Siya ang bantay nito ng mga sandaling iyon habang may inaasikaso sa labas ang kanyang asawa. Hindi niya magawang iwan ang anak-anakan sa gan