BAHAGYANG NAGSALUBONG NA ang mga kilay ni Gavin dahil narinig na naman niya ang pangalan ng taong matagal na niyang kinalimutan. Hindi man niya tahasang sabihin iyon ay agad iyong napansin ng musician. Batid niyang hindi niya dapat pa iyong binanggit, ngunit wala na siyang magagawa. Nasabi na niya dito ang lahat. Nang makita ni Drino ang pagbabago ng kanyang ekspresyon, hindi na siya nagsalita pa tungkol sa anak-anakan niya nasa ibang bansa. Itinikom niya na ang bibig at nang muling magsalita ay iba na ang naging topic nila. Bumalik iyon sa anak niya.“Oras na matagpuan mo siya, ipagbigay alam mo agad sa akin. Ora-orada ay pupuntahan kita kahit nasaang lupalop pa man ako ng mundo. Nakahanda akong puntahan siya kahit na nasa kalagitnaan ako ng concert ko.” dagdag pa nito.“Makakaasa ka, Tito Drino.” NAGHINTAY si Bethany ng halos kalahating oras pero hindi pa rin siya binalikan ni Gavin kung saan siya nito iniwan. Medyo naiinip na samahan pa ng matinding hiya na dumalo siya sa ganoong
UMIGTING NA ANG magkabilang panga ni Albert sa lantarang sinabing iyon ni Bethany sa kanya. Nasupalpal na naman siya dito ng dalaga. Ewan din ba niya sa kanyang sarili na kahit ang dami na nitong masasakit na mga salita ang binibitawan sa kanya, balewala na lang iyon sa lalaki. Nasasaktan siya oo, pero sanay na sanay na siya. Sinubukan naman niyang lumayo sa dalaga, kumbaga ay siya na ang kusang dumistansya mula ng huling usap nila pero parang may magnet ang katawan ni Bethany na paulit-ulit na humihila sa kanya palapit sa babae at hinihigop ang lakas niya. Iyong tipong kahit pa alam niyang naibigay na nito ang katawan sa ibang lalaki na hindi niya nagawang makuha noong sila pa ay wala siyang anumang pakialam doon. Hindi na iyon big deal sa kanya dahil ang tanging gusto niya ay ang muli itong makuha, mapuntang muli ang atensyon nito sa kanya at maging pag-aaring muli niya ang dalaga gaya dati.“Bethany, hindi naman iyon—”“Tama na! Bingi ka ba? Hindi mo pa rin ba maintindihan kung ano
PAGAK NA TUMAWA lang si Gavin. Hindi na niya pinili pang magbigay ng anumang komento. Kilala na siya ng kapatid at isa pa, ayaw na rin niyang pag-usapan nila ang kanyang nakaraan. Matagal na niyang ibinaon iyon sa limot.“Syempre naman, bagay kami. Sure ka ba talagang gusto mo siya para sa akin dahil nakikita mong gusto ko siya o pinipilit mo lang?” banat ni Gavin na muli pang hinarap ang kapatid, mapang-asar na ang ngiting nakapaskil sa kanyang labi. “Ah, baka nagseselos ka sa kanya dahil kausap ngayon ng fiance mo—”“Hindi ako nagseselos, Kuya Gav! Ano ka ba?” mataray nitong irap sa kanya, hindi na gusto ang sinasabi ng kapatid. “Alam ko namang maganda ako sa paningin ni Albert kaya bakit pagdududahan ko siya? Dahil lang sa nakita ko? Hindi ako ganun kababaw Kuya Gav.” anitong muling pahapyaw na sinulyapan na ang dalawang nasa terasa pa rin at magkaharap, “Alam mo Kuya Gav, boto nga ako sa kanya para sa iyo di ba? Baka ikaw ang nagseselos sa fiance ko?”“Weh? Hindi nga?” parang bata
MARAHANG HINARAP NI Bethany si Briel ng marinig niya ang huling litanya nito. Nakita niya ang malapad na mga ngiti ng dalaga na puno ng pag-asang pagbibigyan sa kanyang kahilingan. Alam ni Bethany sa kanyang sarili na hindi niya ito pwedeng tahasang tanggihan sa gusto nitong mangyari lalo pa at kapatid ito ni Gavin. Batid niya sa kanyang sarili na dahil gusto niya ang kapatid nitong si Gavin kung kaya naman magiging mapagparaya siya sa anumang hihilingin ng dalaga hindi upang mapalapit dito kundi bilang respeto na rin. Ganunpaman, sa huli si Gavin pa rin naman ang masusunod sa kanilang dalawa. Ang ideyang iyon ay mas nagpahiya pa sa pakiramdam ni Bethany dahil wala siyang palag o kung papalagan niya ito na kagaya ng dati, noong na-kidnap sila malamang maba-badshot siya sa kanya. Wala siyang ibang choice kundi ang lingunin na doon si Gavin upang humingi na dito ng magiging opinyon nito. Saglit na nag-usap ang kanilang mga mata sa tahimik na paraan. Ang akala ni Bethany ay ayos na iyon,
BLANGKO ANG MGA matang sinundan nina Gavin at Bethany ang likod ng musician. Maya-maya pa ay muli silang nagkatinginan. Naisip ng dalaga na wala naman siyang kasalanan, ganunpaman ay pipiliin pa rin niyang humingi ng pasensya kay Gavin. Baka kasi sumobra siya. Ayaw din naman niyang lumawig pa ang kanilang away. Maliit siyang ngumiti ng lumapit na si Gavin sa kanya at bahagya siyang niyakap nito. “I am sorry, Thanie. Na-misunderstood ko lang ang mga nangyari kanina.” bulong na nito sa puno ng tainga niya.Nanlalambot na doon si Bethany, bago pa man siya makahingi ng sorry dito ay nauna na ang binatang gawin iyon.“Sorry din Gavin, kung napagtaasan kita ng boses.” Doon natapos ang kanilang gusot na hindi naman talaga gusot. Naunahan lang ng matinding selos si Gavin. Nagpatuloy ang event at sinigurado ni Gavin na hindi mahihiwalay sa kanyang tabi ang dalaga. Kung saan siya pumunta ay dinadala niya ito. Ayaw niyang ma-out of place ito sa lugar. Hindi naman nagreklamo doon si Bethany na
TINANGGAL NI GAVIN ang suot niyang coat at walang imik na inihagis iyon sa sofa. Saglit na tiningnan niya lang ang kapatid at future bayaw na nasa likuran nila, kapagdaka ay nilingon na niya si Bethany.“Magpapalit lang ako ng damit.”Kumibot-kibot ang bibig ni Gavin, akmang may nais na sabihin sa dalaga ngunit hindi na lang niya iyon itinuloy. Pailalim niya lang tiningnan si Bethany. Kapagdaka ay ibinaling na niya ang kanyang tingin sa dalawa nilang hindi inaasahang bisita. “Maupo kayo,” anyaya niya sa dalawa na itinuro pa ang bakanteng mga upuang sofa. Sa halip na sundin iyon ay hinila ni Briel si Albert upang libutin ang buong living room. “Kuya Gav, nagpalit ka ng mga kurtina? Natatandaan ko ang dilim dito noong huling punta ko. Ang laki ng ipinagbago ng penthouse mo ha? Parang nagkaroon ng buhay.” Ngumisi lang si Gavin na itinaas na itinupi na ang manggas ng long sleeve na suot.“Ang girlfriend ko ang may gustong palitan namin ang mga iyan.” “Wow! Kailan ka pa natutong magin
IYON ANG UNANG beses na nakita ni Albert ang dating nobya sa ganitong scene. Harap-harapan silang nagyayakapan. Naglalambingan ni Gavin, kung kaya naman walang katumbas iyong sakit. Halos magyelo ang kanyang dugo. Napatda ang kanyang mga mata sa babaeng pag-aari niya sana kung hindi niya lang ito nagawan ng masama. Walang pakundangang nakikipaghalikan sa kusina, naisip niya na marahil kung wala silang bisita ng mga sandaling iyon ay paniguradong gumawa na sila ng kababalaghan sa lugar na iyon. Parang niyakap ng lamig ang puso ni Albert. Aaminin niya, sobrang selos na selos siya. Subalit, wala naman siyang karapatan upang ipakita iyon sa kanilang dalawa.“Hmm, p-pasensya na kung naistorbo ko kayo sa inyong ginagawa. Hihingi lang sana ako ng malamig na tubig,” hindi makatingin nang diretsong wika ni Albert sa dalawang bulto na kaharap niya. “N-Nauuhaw na kasi si Briel…”Mabilis na lumapit si Bethany sa fridge, binuksan iyon at kumuha ng dalawang bottled water. Walang imik na ini-abot ni
SUBALIT HIGIT PA doon ang ibinigay ng maykapal sa kanya, kay Gavin pa lang ay sobra-sobra na ito sa kung anong lihim na hinihiling niya noon. Ang tanging panalangin na lang niya ng mga sandaling iyon ay sana panghabangbuhay na ang lahat ng ito dahil gustong-gusto niya talaga ang binatang makasama.“Walang anuman, Gavin. Maraming salamat din sa lahat ng ibinibigay at pinaparanas mo sa aking magagandang bagay. Sobrang thankful ako na palagi kang nandiyan para sa akin. Hindi mo ako iniiwan.” tugon niya dito dahilan upang yakapin siyang muli ni Gavin nang sobrang higpit. “Para sa lahat ng iyon ay hindi sapat ang salitang salamat lang…” “You deserve it, Baby…” bulong ni Gavin sa kanyang tainga, humigpit ang yakap sa katawan ng dalaga. “Deserve mo ang mga bagay na nakukuha mo. Deserve mo iyon, Thanie…”Sa narinig ay hindi mapigilan ni Bethany na mamula ang mga mata. Sa mga bisig lang talaga ni Gavin niya nararamdaman ang maging safe at masaya. Sa yakap lang ng abogado ito nakukuha.“Kaya h
DUMIRETSO NG KUSINA si Briel matapos na batiin ang ama na tumango lang naman sa kanya. Muling binalikan ang kanyang mga narinig. Kung hindi ang kanyang kapatid ang may gawa noon kay Albert, ang Gobernador ba ang may gawa noon? Hindi niya makalimutan ang mga banta ni Giovanni kay Albert. Bigla tuloy nais niyang makita si Giovanni upang siguraduhin kung ito nga ba ang may gawa noon. Gumayak na siya matapos na uminom ng tubig. Ni hindi siya kumain ng agahan at nag-drive na patungo sa hotel kung saan naka-check in ang Gobernador. Hindi niya alam kung ano ang mga sasabihin niya kapag nagkita na sila, malamang magugulat itong naroroon na naman siya. Ganunpaman, hindi pa rin siya dito nagpapigil. “Bahala na mamaya kung ano ang idadahilan ko, basta gusto ko siyang makita…” Ilang beses na siyang nakapunta doon kung kaya naman dire-diretso na siya sa elevator. Ni hindi na rin siya sinita ng nasa front desk dahil mukhang nakilala na siya. Pagdating niya sa harap ng pintuan ng suite ay makailan
HINDI NA TUMUTOL PA doon si Briel dahil why not? Gusto lang nitong siguraduhin na ligtas siyang makakauwi. Hinayaan niyang ito na ang magdesisyon tutal hindi rin naman siya mananalo kahit pa subukan niyang kaya naman niyang harapin si Albert kung sakaling hihintayin siya nito kung nasaan ang kanyang sasakyan naka-park ngayon. Hahaba lang ang kanilang magiging usapan. Pagbibigyan na lang niya ito. “Paki-imbestigahan ang Albert Montoya na iyan!” mariing utos ni Giovanni sa kanyang secretary na dinig na dinig ni Briel nang makapasok na sila ng suite, hindi niya inaasahan na hindi pa pala sila tapos doon. “Kung sakaling mayroon kang baho na makita, ilabas niyo. Kailangan niyang maturuan ng leksyon. Siya na nga ang may kasalanan at nakasakit ng iba, siya pa talaga ang may ganang magmatapang? Tingnan natin kung hanggang saan siya aabot ngayon! Imposible na wala kayong mahahanap na baho ng lalaking iyon!” Hindi na magawang kumalma ni Giovanni lalo pa nang marinig niya ang mga sinabi nito k
NAGPALIT SILANG DALAWA ng upuan. Tahimik na nagmaneho si Briel ng sasakyan na panaka-naka ang lihim na sulyap sa kanyang kasama. Pinakinggan niya ang pakiusap ni Giovanni na dahan-dahan lang pero kung siya ang masusunod, gusto niyang paharurutin ang sasakyan at doon ibuhos ang mga frustrations. Ngunit baka ma-badshot naman siya lalo dito oras na gawin niya ang bagay na ipinagbawal nito sa kanya. Naghihintay na ang secretary ng Gobernador sa parking lot ng hotel. Nang tumigil ang sasakyan ay siya na rin mismo ang nagbukas ng pintuan noon, nagulat siya nang makitang si Briel ang driver ngunit agad niyang naintindihan ang sitwasyon kung bakit nang maamoy niya na ang alak sa hininga ng Gobernador.“Pasensya na Miss Dankworth, ginawa ka pa talagang driver ni Governor Bianchi…” Ngumiti lang si Briel at tumango. Lalo pang umipekto ang alak na ininom ni Giovanni sa event. Naramdaman niya iyon nang pagbaba niya ng sasakyan ay pa-ekis-ekis na ang mga binti niya.“Pwede bang mabilis na samahan
MULI PA SIYANG natigilan nang muling angkinin ni Giovanni ang kanyang mas nag-init na mga labi at mas naging sabik. Naging marubdob ang palitan ng kanilang halik. Nanghihina na ang mga tuhod doon ni Briel kung kaya naman kinailangan niyang mangunyapit na sa leeg ng Gobernador upang huwag tuluyang mapaluhod at humandusay sa harapan ng lalaki. Sa ginawa namang iyon ni Briel ay mas humigpit pa ang yakap ni Giovanni sa katawan ng babae na agad na din doong nagliyab. Kulang na lang ay hubaran niya na ito upang magawa lang ang kanyang binabalak. Alam na alam ni Briel kung ano ang nais ng kanyang katawan. Uhaw din ito at gutom kagaya ng lalaking kahalikan niya. Bagama't nakakahiya man iyon ay hindi magagawang itanggi ito ng kanyang mga galaw na akala mo ay napakatagal ng panahong natitigang. Gusto niya ang Gobernador. Attracted siya sa panlabas na anyo ni Giovanni. Gustong-gusto niya ang lalaki kung kaya naman wala siyang ibang dahilan upang hadlangan ang ginagawa nito at hindi iyon pagbigya
NILINGON NA SIYA ni Giovanni gamit ang gilid ng mga mata. Naramdaman niya ang pagsunod ni Briel at hindi na rin naman niya pinuna dahil sa kanyang isip ay baka gagamit din ito ng banyo. Hinintay lang siya nito sa labas ng banyo. Prenteng nakasandal ang likod sa pader na parang siya ang lalaki sa kanilang dalawa. Gustong matawa na doon ng Gobernador na bahagyang umi-epekto na ang alak sa katawan niya.“Dahil ba ikaw ang pinaka-successful sa kanila?” usisa pa ni Briel na nasa Gobernador ang mga mata.“Hindi naman sa ganun. Marahil ay dahil minsan lang nila ako makasama sa mga ganitong event kaya mataas ang tingin nila sa akin. Mga successful din naman sila gaya ko. Hindi nga lang gaanong kilala.”Tumango lang si Briel sa kanya. Mukhang wala na siyang ibang sasabihin pa dahil naubusan na. “Hindi ka ba gagamit ng banyo?” pag-iiba ni Giovanni ng usapan nang makitang pinagtitinginan sila dito.“Gagamit.”Hinawakan siya ni Giovanni sa kamay at hinila na patungo ng women bathroom. Nagtaka na
NATAWA ANG LALAKI sa naging tugon ni Giovanni. May bahid ng pagdududa sa kanyang mga mata na hindi nakalagpas sa paningin ng Gobernador ngunit hindi niya pinansin. Ganunpaman ay hindi na lang siya nagbigay ng anumang komento. Gaya ng dati, alam naman niyang hindi pa rin sila mananalo sa kanya.“Hindi kita niloloko, Jack. Hindi ba at may kapatid ang abogadong iyon? Siya ang babaeng iyon. Siya ang bunsong kapatid ni Attorney Gavin Dankworth.” giit pa rin ni Giovanni na may bahid na ng pagkapikon. Nabaling na ang tingin ng ibang mga naroroon sa kanila sa lakas ng boses ni Giovanni sa pagsasabi noon. Intensyon niya talagang lakasan ang boses niya para hindi na siya mag-e-explain pa sa ibang naroroon. Kwelang hinawakan ni Giovanni ang ulo ni Briel na para bang ipinapakitang bata pa ito sa mga kaibigan. Iyong tipong walang anumang namamagitan sa kanila which is totoo naman kahit na may nangyaring iba.“Huwag nga kayong mag-isip ng masama, masyado pa siyang bata.” kagat niya sa labi sa pagk
NAIS SANA NI Briel na mag-offer kay Giovanni na siya na ang mag-aayos ng necktie ito, ngunit bago niya pa magawa ay nagawa ng punahin iyon ng secretary na siya na ‘ring nag-ayos ng necktie ng Gobernador. Nakagat na niya ang labi dahil sa hiyang bumalatay sa kanyang mukha. Sa parteng iyon, masyado naman yata siyang naging ambisyosa. Wala naman silang relasyon, bakit mag-o-offer siya na mag-ayos ng tie? “Hmm, aalis na ba tayo?” tayo na doon ni Briel na inayos na ang suot niyang high heels na sanay siya.Tumango si Giovanni na hindi pa rin tinatanggal ang kanyang mga mata sa mukha ni Briel na mas gumanda sa paningin niya nang magbihis at malapatan ng tamang make up at ayos ng buhok niya.“Ang bilis mo naman. Inaasahan kong paglabas ko ay wala ka pa sa kalahati ng pag-aayos.” muli pang turan ni Giovanni na halatang hindi maka-move on sa ipinamalas na galaw ni Briel, “Interesting, huh...” Mahinang natawa na doon si Briel. Nakita niya kasing parang kumislap ang mga mata ng lalaking kahara
HINDI NA RIN naman nagtagal sina Briel at Giovanni sa sementeryo dahil sa mas naging alinsangan pa ng panahon. Habang naglalakad palabas doon ay hindi sinasadyang hinawakan ng Gobernador ang kanyang isang kamay upang sabay silang maglakad. Napatingin doon si Briel ng ilang segundo ngunit hindi na lang niya iyon pinansin pa at binawi gaya ng unang naisip niya. Nakabuntot pa rin sa kanila ang secretary ni Giovanni na hinid makapaniwala sa mga nakikita niya. Doon napagtanto ng secretary na marahil kaya tinanggihan ng Gobernador na makasama si Paloma ay nang dahil sa bunsong anak iyon ng mga Dankworth. Hindi nagsawa si Giovanni sa babae bagkus ay may nahanap siyang mas interesante sa aktres. Lumabi ang secretary, nagagandahan din naman talaga siya kay Gabriella Dankworth kagaya ng kapatid.“Sumabay ka na sa akin, iyong isa na lang sa mga tauhan ko ang bahala sa sasakyan mong mag-drive.” hindi maintindihan nni Giovanni kung bakit iyon ang naging offer niya, ano ba ang plano niya kay Briel?
PAGKATAPOS NIYANG MALIGO ay nahiga na si Giovanni sa kama sa pag-asang makakatulog na siya agad. Ilang beses niyang tiningnan ang larawan ni Briel sa kanyang cellphone bago niya ipikit ang mga mata. Pakiramdam niya mula nang may nangyari sa kanila ay hindi niya na kayang gumalaw pa ng babae dahil sa isipan niya ay nagtataksil siya kay Gabrielle. Nagtataksil kahit na alam naman niya sa kanyang sarili na wala silang relasyon. Nasa tamang hulog pa ba ang isip niya? Ganun siya binaliw ng isang Gabriella Dankworth.“You need to stop this fantasy, Giovanni. Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakakilala sa iyo? Ng kanyang pamilya? Ng pamilya mo? Siguradong may comment sila. Saka sigurado ka na gusto mo ang spoiled brat na iyon ng mga Dankworth? Liberated din iyon, kaya nga siya magaling sa kama. Alam na alam niya kung paano niya papaligayahin ang biktima niya. Hindi mo alam kung ila na rin ang nakatalik niya.”Sinubukan niyang lasunin ang isipan ng mga bagay na negatibo patungkol kay B