BAKAS ANG INIS sa General na ngumiti si Gavin. Gusto niyang iparamdam sa kanya na hindi pa rin siya nasisiyahan na inistorbo siya at pwersahang pinapunta sa istasyon ng pulis ng mga oras na iyon. Kaagad namang napuna iyon ng General na pinili na lang itikom ang bibig keysa makipaglambutsingan pa sa masama ang loob na abugado.“Nasaan si Albert?” iyon ang naging unang tanong niya pagkapasok pa lang ni Gavin sa loob ng presinto.Taas-noong itinuro ng General ang kung saan nakaupo ang lalaki kay Gavin. “Huwag kang mag-alala, Attorney Dankworth. Ini-istema namin siyang mabuti habang wala ka.” pagpapalakas niya pa na akala mo ay kakagatin iyon ni Gavin, wala naman siyang pakialam kung ano ang gawin nila kay Albert. Dire-diretsong pumasok na sa loob si Gavin. Sa mga sandaling iyon ay buhay na buhay pa ang police station. Walang natutulog sa kanila o nakasubsob sa kanilang mga lamesa. Nakaupo lang sila sa loob at halatang hinihintay ang pagdating ng abugado. Ang lalaking nakalaban naman n
NANGHIHINANG NAPAUPO NA ang lalaki parang ibong pinutulan ng bagwis ang naging hitsura. Hindi siya makapaniwala na kilala ng abugadong iyon ang kanyang ama na kapag nalaman kung ano ang ginagawa niya, paniguradong makakarinig siya ng kung anu-anong sermon mula dito. Hindi lang iyon, baka e-grounded pa siya. “Gusto mo bang subukan ko? Hinahamon mo ba ang kakayahan ko?” Umiling ang lalaki na bakas na sa mukha ng takot. Umangat ang isang gilid ng labi ni Gavin habang nakatingin pa rin sa lalaki. Nilingon niya si Albert na nanatiling tahimik pa rin na nakaupo. Matapos noon ay walang imik na lumabas na ang abugado suot pa rin ang seryoso niyang mukha. Sinalubong siya ng tahimik na paligid na naghahanda na sa panibagong pagbu-bukangliwayway. Abot-tainga na ang mga ngiting hinabol na siya ni General Ponce. “Salamat, Attorney Dankworth! See you next time.”Hindi siya pinansin ni Gavin na dire-diretso lang ang lakad hanggang sa maabot ang sasakyan niya. Bago lumulan ay nagsindi muna siya ng
SA MGA NARINIG ay kulang na lang mahulog ang magkabilang panga ni Gavin sa sobrang pagkainis pa. Anong katangahan ito ni Albert? Tingin niya ba kay Bethany ay isang gamit na maaari niyang bawiin anytime nito gustuhin? “Nahihibang ka na, Albert…” statement ni Gavin na parang siguradong-sigurado siya sa kanyang sinabi. “Isa kang hangal! Hindi ka marunong mag-isip. Sino ngayon ang nahihirapan? Ikaw din naman hindi ba?”Walang humor na malakas ng humagalpak ng tawa ang abugado habang pinagmamasdan pa rin ang reaction ni Albert. Umalingawngaw iyon sa buong paligid na humalo sa mas lumakas na hampas ng mga alon sa malapit na dalampasigan. Ilang sandali lang ay nilamon ng muli ang buong paligid ng katahimikan maliban sa unang ingay kanina sa paligid. Iiling-iling na nameywang na si Gavin na nakatayo pa rin sa harapan ng lalaki. Nakikita niyang paiyak na si Albert kung kaya naman lalo pang tumindi ang galit niya sa lalaki na parang inapi at may karapatan pang taas ang noong humarap ngayon sa
ITINAPON NA NI Gavin ang kanyang hawak na upos ng sigarilyo sa buhanginan at inapakan na iyon. Inilipad pa ng hangin ang magulo niyang buhok na halos matakpan ang nandidilim niyang paningin kay Albert. Gusto na niyang tapusin ang pakikipag-usap sa lalaki na alam niyang wala naman itong patutunguhan. Ang mahalaga ay makabalik na siya agad ng penthouse. Wala rin namang magbabago kahit bugbugin at pulbusin niya ito. Hinding-hindi pa rin ito magbabago. “Limitado lang ang pasensya ng isang tao, Albert. Dapat na magpasalamat ka na sa kabila ng katarantaduhan mo ay gusto ka pa rin ng kapatid ko. Kung hindi lang siya masasaktan, hahayaan na lang kitang makulong at pagbayaran ang mga kasalanang ginawa mo nang matuto ka naman!”Mahinang natawa doon si Albert na nakabawi na sa mga ginawa sa kanyang pananakit ni Gavin kanina. Naiintindihan na niya kung ano ang kahinaan ni Gavin, iyon ay ang kapatid nitong si Briel. Pihado na titiklop ito at gagawin ang lahat pagdating sa kapatid kahit na ang mag
BUKANG-LIWAYWAY NA NANG makabalik si Gavin sa penthouse. Bitbit ang dalawang box ng pizza na dinaanan niya pa sa kilalang pizza house na siyang request ni Bethany sa kanya kanina. Ang abugado na rin ang namili ng flavor noon. Mas maaga pa sana siyang makakauwi kung wala na siyang dinaanang shop. Maingat niyang binuksan ang pintuan ng penthouse at inilapag ang dalang box ng pizza sa dining table bago patingkayad na humakbang patungo ng silid upang tingnan kung hinihintay pa rin siya ng dalaga. Niyakap siya ng mainit na dilaw na liwanag mula sa bukas na bedside lamp ng kwarto nang buksan niya ang pintuan noon. Nagdagdag iyon ng kaunting init sa malamig na klima mula sa labas ng kanyang bahay. Sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang labi nang makitang mahimbing na ang tulog sa kama ni Bethany. Bagama't maingat ang bawat galaw niya ng pumasok ng silid, nagising pa rin si Bethany na saglit pa lang doon naiidlip nang tangkain niyang lumapit sa gilid ng dalaga upang bigyan ito ng halik. “N-Na
IBINALING NA NI Bethany ang mukha sa pintuan ng banyo kung saan ay bigla niyang iniiwas ang mata ng makita niyang lumabas na doon si Gavin na ang tanging suot lang sa katawan ay ang kulay itim na roba. Nagmistulang mga diamond ang butil ng tubig sa bawat hibla ng kanyang buhok na kumikinang sa tama ng malamlam na liwanag ng ilaw. Muli niyang ibinalik ang kanyang mga mata sa binata. Parang nag-slow motion ang buong paligid nang matamis na ngumiti ito sa kanya nang magtamang muli ang kanilang mga mata. Tipong nagpaiba na ito sa pintig ng kanyang puso na animo ay lalabas na sa kanyang lalamunan. “Akala ko tulog ka na paglabas ko.” nakangising turan ni Gavin na humakbang palapit sa kama. Napabangon na doon si Bethany na para bang nakakita ng bench body model. Nahigit na niya ang kanyang hininga nang maramdaman ang mabilis na paghila ng abugado sa katawan niya upang mapatayo na siya ng kama. Walang anu-ano ay niyakap na siya nito nang mahigpit. Nanunuot sa kanyang ilong ang amoy ng after
ILANG SANDALI PA ay hinayaan na ng dalaga na hilahin siya ng excited na si Manang Esperanza palabas ng silid. Sa pagmamadali pa nga niya ay hindi niya napansin na wala palang saping tsinelas ang kanyang mga paa. Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng katulong na dagliang natigilan sa kanyang ginagawa.“Naku, magsuot ka ng tsinelas Miss Bethany. Hindi iyan magugustuhan ni Attorney oras na makita ka niyang yapak. Baka isipan pa noon na pinapabayaan kita. Sige na, magsuot ka muna ng tsinelas mo.” Hindi siya pinansin ni Bethany na agad na nitong nilagpasan. iyong minsan ay hindi naman siguro masama. Ang pangit lang ay kung lagi niya iyong gagawin at sa harapan mismo ng abugado. Tiyak siyang magrereklamo ito lalo na kung sa iisang kama sila natutulog. Hindi niya na kasi mahintay pa na makita kung ano ang sinasabing regalo ng matanda na galing kay Gavin. Para siyang bumalik sa pagkabata nang banggitin niya iyon. Minsan lang kasi siya nito makatanggap, isa pa sobrang appreciative niyang n
PATAKBONG TINUNGO NI Bethany ang silid. Halos liparin niya na iyon upang makuha lang ang kanyang cellphone at masagot. Kinakabahan siya na baka mamatay na ang tawag ni Gavin kung babagal-bagal pa siya at hindi na ito muling tumawag. Kung nasa office ito, mahihiya siyang istorbohin pa ito sa ginagawa. “Gavin!” excited na sagot niya bagamat hinihingal, hindi maitago ang saya sa kanyang tinig. “Natanggap mo na ba ang regalo ko, Thanie? Ano? Nagustuhan mo ba? Ha?” excited din ang tinig ng binata sa kabilang linya, hindi niya na mahintay ang sagot ng dalaga na halata namang sobrang na-touch sa ginawa niya. “Oo, ang ganda! Super. Gustong-gusto ko sila. Patatayuan mo ba raw ako ng music studio sabi ni Manang Esperanza?” Nilakipan pa ni Bethany ng malakas na pagtawa iyon na halata kung gaano siya kaligaya.“Oo, sabihin mo sa kanya linisin ang isa sa mga room at iyon ang gagamitin mo. Ipatanggal niya kamu ang ibang gamit doon at ipalipat sa ibang silid nang malawak ang space. Sabihin mo ay
BUMILIS ANG TIBOK ng puso ni Nancy habang nagsimula ng malunod ang kanyang mga mata sa labas ng maraming luha nang makita ang article ng kasal ng dati niyang nobyo at ni Bethany. Noon pa man ay alam niya ng kasal na ang dalawa pero ang makitang pareho silang nakangiti habang magkahawak ng kamay at magkatitigan, hindi niya mapigiling makaramdam ng labis na sakit sa kanyang puso. Siya dapat iyon at hindi ang ibang babae. Siya dapat iyon kung naging matino lang siya at hindi naghanap ng iba. Marahan niyang hinimas ang halos ay buto at balat na niyang dibdib. Patuloy iyong nagbigay ng walang katumbas na sakit. Mas masakit pa iyon sa kanyang lalamunan tuwing masusuka siya at hindi kinakaya ng katawan ang gamot. Unti-unti ng nagkaroon ng tunog ang kanyang mga hikbi. “What’s wrong with you, Nancy?” si Mr. Conley na napatayo na mula sa kanyang inuupuan.Siya ang bantay nito ng mga sandaling iyon habang may inaasikaso sa labas ang kanyang asawa. Hindi niya magawang iwan ang anak-anakan sa gan
PAGKATAPOS NG KASAL nina Gavin at Bethany ay gaya ng inaasahan parang apoy na kumalat sa tigang na kagubatan ang balita ng kasal at siya ang nawawalang panganay na apo ng mga Bianchi. Pamangkin ng Governor ng Benguet. Sinakop noon ang buong online entertainment na kung saan-saan pa umabot dahil sa mga shared post dahil nga naman malaman ang balitang iyon lalo na sa Northern Luzon. Nag-trending pa iyon dahil sa bigating katauhan din ni Gavin na marami ang nanghinayang na may asawa na pala ang abogado. Naka-provide na rin ang lahat ng mga kailangan. Pinatay ng mag-asawa ang kanilang cellphone para sa mahalagang araw na iyon sa kanilang buhay. Ayaw nilang magpa-istorbo. Hindi muna papansinin kung ano ang hahantungan ng balitang iyon na pinasabog ng pamilya Bianchi. Ayaw pa nilang makibalita at hinayaan ang kanilang sarili na mag-enjoy kasama ng kanilang mga bisita. Wala silang lihitimong plano sa magiging honeymoon, bukod pa doon ay maraming trabaho ding naghihintay sa kanila sa Maynila.
KUMIBOT-KIBOT PA ang bibig ni Bethany sa bawat hakbang ng kanyang mga paa pasulong kung nasaan si Gavin matamang naghihintay sa kanyang paglapit. Hindi na nga niya maintindihan at maramdaman ang wedding song nilang dalawa na pareho nilang maging instrumental. Favorite niyang kanta iyon na mas nakadagdag pa sa baha ng kanyang umaapaw na mga emosyon. Dapat masaya siya, dapat nakangiti siya, dapat hindi siya umiiyak na para bang impyerno ang buhay na naghihintay sa kanya sa unahan sa piling nito. Hindi na nagkomento pa si Giovanni sa naging katwiran niya. Ang usapan nila ng Lola Livia niya at ng tiyo na after na matapos ng kasal ay ilalabas nila ang article na isa siyang Bianchi kasama ng mga pictures ng wedding nila ni Gavin. Mula doon ay magiging klaro na ang kumalat na article sa kanyang tiyuhin na siya ang nawawalang pamangkin ng mga Bianchi at hindi siya nito babae. Isa na lang ang pro-problemahin ng tiyuhin na mahinang nagpatawa kay Bethany nang maalala ang suggestion ni Gavin na g
GAYA NG INAASAHAN ni Gavin na magiging reaction ng asawa ay nagbago ang hilatsa ng mukha ni Bethany nang marinig ang kanyang sinabi na tila ba nakalimutan niya na kung sino ba ang tunay niyang ama. Ngunit ngayong pinaalala iyon ng asawa, muling nagbalik sa kanya na mayroon nga pala siyang i-responsableng ama na si Mr. Conley.“Kailan mo siya kakausapin?” puno ng pag-iingat ang tono na tanong pa ni Gavin, “Don’t get me wrong Baby, hindi ko sinasabi na kabatiin mo na siya agad. Gusto ko lang talaga malaman kung may plano ka at kailan. Bothered lang ako kasi syempre anuman ang mangyari, ama mo pa rin siya.” Wala siyang planong kausapin pa ito. Iyon ang pinangako noon ni Bethany sa kanyang sarili. Wala itong kwenta. Hindi dapat na kilalanin niyang ama lalo na sa kabila ng mga ginawa nito para lang pasakitan siya at paboran ang di kadugo.“Wala na akong planong kausapin siya.” firm na sagot ni Bethany na hindi kinukurap ang mga mata.Napakurap naman doon si Gavin. Solido kasi ang tono n
NAKANGITI SIYANG TINITIGAN ni Bethany. Pakiramdam niya ay seryoso ang hipag sa mga sinasabi niya. Iba rin kasi ang aura ng mukha nito. Masaya. Kinikilig. Iyong tipong gaya niya kung mag-react noon kapag nahuhuli niyan ang mata ni Gavin. Hindi nalalayo ang edad nila. Matanda lang ito sa kanya ng isang taon kung kaya naman nauunawaan niya talaga kung ano ang nararamdaman niya. Ilang sandali pa ay hindi maiwasan ni Bethany na biglang ma-guilty, hindi niya kasi ito nagawang warningan noon kay Albert pero pangako niya babawi siya dito ngayon. Babawi siya sa sunod nitong lovelife lalo kung isa sa pinsan niya. “Oo naman. Pwedeng-pwede na. Landi all you want, Briel.” suporta sa kanya ni Bethany upang mas dagdagan pa ang inis na nakalarawan sa mukha ng asawa, na biglang napabitaw ng yakap sa kanya. Tutol ang mga mata nito sa pangungunsinti niyang ginagawa kay Briel nang harapan. “So sino sa mga pinsan ko ang target mo, Briel?” ngisi pa ni Bethany na ngumuso na sa umpukan ng halos mga single n
LINGID SA KAALAMAN ni Briel ay isa si Gavin sa humadlang na lumabas ang kapatid dahil alam niyang magba-bar hopping lang ito na maaaring magpahamak sa dalaga sa hindi kilalang lugar. Narinig niya na papayagan na ito dapat ng kanilang mga magulang pero nagbigay siya ng opinyon kung kaya naman sa bandang huli, mariin na tinutulan iyon ng kanilang ina. Hindi iyon ang tamang panahon para gumawa ang kapatid ng eskandalo. Saka sa sobrang liberated nito baka kung saan lang humantong ang paglabas niya. “Anong akala mo sa akin magkaka-amnesia? Tutal ayaw niyo akong palabasin, pwede bang ipahiram mo naman sa akin ang hipag ko ngayon? Palagi mo na nga siyang kasama eh! Napaka-clingy mo. Linta ka ba sa past life mo Kuya Gav?” bira pa ni Briel na nginisihan ang kapatid na halatang hindi na iyon nagustuhan.Sinamaan na siya ng tingin ni Gavin dahil sa kanyang mga sinabi. Natatawa lang naman silang pinanood ni Bethany. Iba talaga kapag mayroong kapatid. Bagay na wala siya kaya ang tingin niya talag
ANG PLANONG TATLONG araw na pananatili nina Bethany at Gavin sa Baguio ay nadagdagan pa dahil kinailangan nilang panindigan ang pangako sa tiyuhin ni Bethany na magpapakasal nga agad silang mag-asawa dahil sa double purpose noon. Intimate wedding lang ang gaganapin na ang majority ng mga bisita ay mga relatives lang ng dalawang pamilya. Hindi naman hinadlangan iyon ni Victoria na nang malaman ay agad na pumayag at ibinigay kay Bethany ang magiging desisyon. “Kung sa tingin mo ay makakabuti sa lahat, bakit hindi niyo nga gawin naman agad? Sa tingin ko naman ay mauunawaan ng Papa Benjo mo kung bakit kailangan itong gawin.”“Maraming salamat po, Tita Victoria.”“No, hija. Hindi mo kailangang paulit-ulit na magpasalamat sa akin. Deserve mong maging masaya dahil kapag masaya ka, mas masaya kami ng iyong Papa kahit na wala na siya.”Isang yakap na mahigpit ang ginawa ni Bethany sa Ginang. Napaka-supportive nito pagdating sa kanya mula noon hanggang sa puntong iyon ng kanyang buhay. Bagay n
ANG MASAYANG SIMULA ng araw na iyon para kina Gavin at Bethany na agad ng naging komportable sa harapan ni Donya Livia ay naging kabaligtaran naman para sa tiyuhin ng babaeng si Giovanni. Delubyo ito. Bigla iyong naging stressful para sa Governor na nang mula sa kung saan at kasabay ng pagputok ng araw sa kalangitan ay sumabog din ang balita online na may babaeng lihim na dinala ito umano sa strawberry farm sa alanganing oras ng mismong araw na iyon. Sari-saring speculation at assumption ang kanyang natamo na agad din namang umabot sa kanya na naistorbo sa mahimbing na pagtulog. Una iyong kumalat online, may nagbahagi pa ng picture na blinurred ang larawan ni Gavin at Bethany, siya lang ang malinaw.“Gov? Ano pong action ang gagawin natin?” natatarantang tanong ng kanyang secretary sa kabilang linya. “Kailangan niyo pong magbigay ng agarang explanation para masabi. Tiyak na gagamitin ito ng kalaban mo upang muling dungisan ang pangalan mo. Hindi ba nila nakita ang asawa ng pamangkin m
MAGKATABING NAKATAYO SINA Giovanni at Gavin sa gilid ng strawberry farm at matamang pinapanood si Bethany na halos umabot ang mga ngiti sa kanyang mga tainga habang nasa loob ng strawberry farm at naghahanap ng strawberry na kanyang nais na kainin. Napapailing na lang ang Governor ng lalawigan sa asta ng kanyang pamangkin. Mababakas sa kanilang bawat kilos na ginaw na ginaw silang dalawa kahit na makapal na jacket na ang suot nila, samantalang si Bethany ay ayon at chill-chill lang na akala mo ay normal na madaling araw iyon ng pamimitas ng strawberry at pamamasyal sa naturang lugar. May ilang mga tauhan ni Giovanni ang nakasunod dito upang bigyan siya ng tanglaw gamit ang dala nilang flashlight. Noong una ay ayaw ni Bethany na magpasama kahit na kanino ngunit nang makitang halos mabulag siya sa dilim ng paligid ay pumayag na sa suggestion ng kanyang tiyuhin. Nakasukbit sa kaliwa niyang braso ang isang maliit na basket kung saan niya ilalagay ang makukuha niyang bunga ng strawberry. S