NAPALINGON NA SIYA sa gilid ng bedside table nang mag-ring ang kanyang cellphone. Nangunot na ang kanyang noo sabay tanong sa isipan kung sino ang tatawag sa kanya ng ganung oras? Sinabihan naman niya ang secretary na anuman ang problema, huwag siyang iistorbohin kung kaya alam niyang hindi iyon ang gagawa ng bagay na ito. Inilagay niya ang stick ng sigarilyo sa pagitan ng labi, pinindot niya na ang answer button at itinapat iyon sa tainga. “Attorney Dankworth, speaking…”“Hi, Attorney Dankworth. Pasensya na kung naistorbo kita ng ganitong oras. Mabuti naman at gising ka pa. Si General Ponce ito. May reklamo kami dito para sa future brother-in-law mo. Kung hindi sa’yo nakakaabala, pwede ka bang pumunta?” mahabang litanya ng pamilyar na boses ng General sa isang police station sa kanilang lugar.Dumilim ang mukha ni Gavin nang marinig kung tungkol saan iyon. Hindi niya alam kung bakit gagawa-gawa ng gulo ang lalaki tapos siya ang aabalahin nito. Hindi maalis sa kanyang isipan na baka
BAKAS ANG INIS sa General na ngumiti si Gavin. Gusto niyang iparamdam sa kanya na hindi pa rin siya nasisiyahan na inistorbo siya at pwersahang pinapunta sa istasyon ng pulis ng mga oras na iyon. Kaagad namang napuna iyon ng General na pinili na lang itikom ang bibig keysa makipaglambutsingan pa sa masama ang loob na abugado.“Nasaan si Albert?” iyon ang naging unang tanong niya pagkapasok pa lang ni Gavin sa loob ng presinto.Taas-noong itinuro ng General ang kung saan nakaupo ang lalaki kay Gavin. “Huwag kang mag-alala, Attorney Dankworth. Ini-istema namin siyang mabuti habang wala ka.” pagpapalakas niya pa na akala mo ay kakagatin iyon ni Gavin, wala naman siyang pakialam kung ano ang gawin nila kay Albert. Dire-diretsong pumasok na sa loob si Gavin. Sa mga sandaling iyon ay buhay na buhay pa ang police station. Walang natutulog sa kanila o nakasubsob sa kanilang mga lamesa. Nakaupo lang sila sa loob at halatang hinihintay ang pagdating ng abugado. Ang lalaking nakalaban naman n
NANGHIHINANG NAPAUPO NA ang lalaki parang ibong pinutulan ng bagwis ang naging hitsura. Hindi siya makapaniwala na kilala ng abugadong iyon ang kanyang ama na kapag nalaman kung ano ang ginagawa niya, paniguradong makakarinig siya ng kung anu-anong sermon mula dito. Hindi lang iyon, baka e-grounded pa siya. “Gusto mo bang subukan ko? Hinahamon mo ba ang kakayahan ko?” Umiling ang lalaki na bakas na sa mukha ng takot. Umangat ang isang gilid ng labi ni Gavin habang nakatingin pa rin sa lalaki. Nilingon niya si Albert na nanatiling tahimik pa rin na nakaupo. Matapos noon ay walang imik na lumabas na ang abugado suot pa rin ang seryoso niyang mukha. Sinalubong siya ng tahimik na paligid na naghahanda na sa panibagong pagbu-bukangliwayway. Abot-tainga na ang mga ngiting hinabol na siya ni General Ponce. “Salamat, Attorney Dankworth! See you next time.”Hindi siya pinansin ni Gavin na dire-diretso lang ang lakad hanggang sa maabot ang sasakyan niya. Bago lumulan ay nagsindi muna siya ng
SA MGA NARINIG ay kulang na lang mahulog ang magkabilang panga ni Gavin sa sobrang pagkainis pa. Anong katangahan ito ni Albert? Tingin niya ba kay Bethany ay isang gamit na maaari niyang bawiin anytime nito gustuhin? “Nahihibang ka na, Albert…” statement ni Gavin na parang siguradong-sigurado siya sa kanyang sinabi. “Isa kang hangal! Hindi ka marunong mag-isip. Sino ngayon ang nahihirapan? Ikaw din naman hindi ba?”Walang humor na malakas ng humagalpak ng tawa ang abugado habang pinagmamasdan pa rin ang reaction ni Albert. Umalingawngaw iyon sa buong paligid na humalo sa mas lumakas na hampas ng mga alon sa malapit na dalampasigan. Ilang sandali lang ay nilamon ng muli ang buong paligid ng katahimikan maliban sa unang ingay kanina sa paligid. Iiling-iling na nameywang na si Gavin na nakatayo pa rin sa harapan ng lalaki. Nakikita niyang paiyak na si Albert kung kaya naman lalo pang tumindi ang galit niya sa lalaki na parang inapi at may karapatan pang taas ang noong humarap ngayon sa
ITINAPON NA NI Gavin ang kanyang hawak na upos ng sigarilyo sa buhanginan at inapakan na iyon. Inilipad pa ng hangin ang magulo niyang buhok na halos matakpan ang nandidilim niyang paningin kay Albert. Gusto na niyang tapusin ang pakikipag-usap sa lalaki na alam niyang wala naman itong patutunguhan. Ang mahalaga ay makabalik na siya agad ng penthouse. Wala rin namang magbabago kahit bugbugin at pulbusin niya ito. Hinding-hindi pa rin ito magbabago. “Limitado lang ang pasensya ng isang tao, Albert. Dapat na magpasalamat ka na sa kabila ng katarantaduhan mo ay gusto ka pa rin ng kapatid ko. Kung hindi lang siya masasaktan, hahayaan na lang kitang makulong at pagbayaran ang mga kasalanang ginawa mo nang matuto ka naman!”Mahinang natawa doon si Albert na nakabawi na sa mga ginawa sa kanyang pananakit ni Gavin kanina. Naiintindihan na niya kung ano ang kahinaan ni Gavin, iyon ay ang kapatid nitong si Briel. Pihado na titiklop ito at gagawin ang lahat pagdating sa kapatid kahit na ang mag
BUKANG-LIWAYWAY NA NANG makabalik si Gavin sa penthouse. Bitbit ang dalawang box ng pizza na dinaanan niya pa sa kilalang pizza house na siyang request ni Bethany sa kanya kanina. Ang abugado na rin ang namili ng flavor noon. Mas maaga pa sana siyang makakauwi kung wala na siyang dinaanang shop. Maingat niyang binuksan ang pintuan ng penthouse at inilapag ang dalang box ng pizza sa dining table bago patingkayad na humakbang patungo ng silid upang tingnan kung hinihintay pa rin siya ng dalaga. Niyakap siya ng mainit na dilaw na liwanag mula sa bukas na bedside lamp ng kwarto nang buksan niya ang pintuan noon. Nagdagdag iyon ng kaunting init sa malamig na klima mula sa labas ng kanyang bahay. Sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang labi nang makitang mahimbing na ang tulog sa kama ni Bethany. Bagama't maingat ang bawat galaw niya ng pumasok ng silid, nagising pa rin si Bethany na saglit pa lang doon naiidlip nang tangkain niyang lumapit sa gilid ng dalaga upang bigyan ito ng halik. “N-Na
IBINALING NA NI Bethany ang mukha sa pintuan ng banyo kung saan ay bigla niyang iniiwas ang mata ng makita niyang lumabas na doon si Gavin na ang tanging suot lang sa katawan ay ang kulay itim na roba. Nagmistulang mga diamond ang butil ng tubig sa bawat hibla ng kanyang buhok na kumikinang sa tama ng malamlam na liwanag ng ilaw. Muli niyang ibinalik ang kanyang mga mata sa binata. Parang nag-slow motion ang buong paligid nang matamis na ngumiti ito sa kanya nang magtamang muli ang kanilang mga mata. Tipong nagpaiba na ito sa pintig ng kanyang puso na animo ay lalabas na sa kanyang lalamunan. “Akala ko tulog ka na paglabas ko.” nakangising turan ni Gavin na humakbang palapit sa kama. Napabangon na doon si Bethany na para bang nakakita ng bench body model. Nahigit na niya ang kanyang hininga nang maramdaman ang mabilis na paghila ng abugado sa katawan niya upang mapatayo na siya ng kama. Walang anu-ano ay niyakap na siya nito nang mahigpit. Nanunuot sa kanyang ilong ang amoy ng after
ILANG SANDALI PA ay hinayaan na ng dalaga na hilahin siya ng excited na si Manang Esperanza palabas ng silid. Sa pagmamadali pa nga niya ay hindi niya napansin na wala palang saping tsinelas ang kanyang mga paa. Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng katulong na dagliang natigilan sa kanyang ginagawa.“Naku, magsuot ka ng tsinelas Miss Bethany. Hindi iyan magugustuhan ni Attorney oras na makita ka niyang yapak. Baka isipan pa noon na pinapabayaan kita. Sige na, magsuot ka muna ng tsinelas mo.” Hindi siya pinansin ni Bethany na agad na nitong nilagpasan. iyong minsan ay hindi naman siguro masama. Ang pangit lang ay kung lagi niya iyong gagawin at sa harapan mismo ng abugado. Tiyak siyang magrereklamo ito lalo na kung sa iisang kama sila natutulog. Hindi niya na kasi mahintay pa na makita kung ano ang sinasabing regalo ng matanda na galing kay Gavin. Para siyang bumalik sa pagkabata nang banggitin niya iyon. Minsan lang kasi siya nito makatanggap, isa pa sobrang appreciative niyang n
EXCITED NA PINATAY ni Briel ang makina ng dala niyang sasakyan matapos na iparada iyon sa parking ng villa ng kanyang hipag. Nabaling na ang mata niya sa nakaparadang ilang sasakyan na parang medyo pamilyar sa kanyang mga mata ngunit hindi na niya pinag-ukulan pa iyon ng pansin. Nang matanggap niya ang message ng kanyang hipag kanina na nagsasabing masama ang kanyang pakiramdam at hiniling na kung pwede niyang samahan ang pamangkin sa paaralan, wala siyang inaksayang panahon. Taranta na siyang pumunta agad sa villa na kulang na lang ay paliparin niya ang sasakyan agad na makarating lang. Kinailangan pa siyang habulin ng kanyang ina dahil ang buong akala nito ay maglalayas na naman siya uli.“Kina Bethany lang ang punta ko, Mommy.” “Ng ganito kaaga? Bakit naman?” “Hindi ko rin alam.”Minabuti ni Briel na huwag sabihin sa ina ang tunay na dahilan at baka mag-panic ang Ginang. “Babalik din ako mamaya. Sabi lang niya ay kailangan kong pumunta ngayon doon. Babalitaan kita.” Hindi naman
NAMILOG NA ANG mga mata ni Gabe nang marinig ang sinabi ng kanyang Lolo Giovanni. Salit-salitan na niyang tiningnan ang dalawang matandang kanyang kasama na kapwa nagpipigil ng kanilang mga tawa. Unti-unting napawi ang ngiti ni Giovanni. Oo at nakangiti siya ngayon, pero hindi ang kanyang mga mata. Alam ng langit kung gaano na niya kagusto na magtanong sa puntong ito sa pamangkin kung may balita siya kay Briel, pero nagdadalawa ang isip niya dahil baka mamaya ay bigyan iyon ng kakaibang kulay ni Bethany. Hihintayin na lang niya ang tawag ng private investigator na ang huling update sa kanya ay nawala ito sa lugar kung saan niya nahanap at minsang nakita. Hindi niya na rin inalam ang tungkol sa detalyeng iyon lalo pa at biglang nasugod siya ng asawa ng pamangkin at sandaling nagkainitan din sila.“Mommy loves mo rin ang strawberry?” “Yeah, Gabe. Noong nasa tiyan pa kita. Sure ako na ikaw talaga ang may gusto noon at hindi ako.”“Masarap ang strawberry...” Naupo na si Bethany sa harap
BAKAS ANG LUNGKOT sa mukha ni Giovanni sa mga sandaling iyon na tahimik na nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan na naka-park sa harap ng dati nilang apartment ng dating kasintahan. Apartment na noon ay nag-uumapaw sa pagmamahal kung saan ay may sarili silang mundo ni Briel. Hawak pa rin niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang isang hita kung saan ay kakapatay lang ng tawag niya kay Briel. Aaminin niya nang marinig niyang muli ang boses ng babae ay mas sumidhi pa ang nararamdaman niyang pagkamiss sa dating karelasyon. Hindi niya na maapuhap sa kanyang balintataw ang huling imahe nito kung ano sa kanyang isipan. Masyado nang malabo iyon sa tagal at dalawang taon na rin naman ang matuling lumipas. Marahil ay mas gumanda ito, nag-matured gaya niya. Pwede rin naman na mas naging bata o nanatili ang dati niyang magandang mukha two years ago. ‘Nagbago na siya.’ nausal ng kanyang isipan na dati ay isang tawag niya lang ay nagkukumahog na. ‘Sabagay, ako rin naman ang may kasalanan.
MAHINANG NATAWA NA noon si Giovanni na masuyong hinaplos ang buhok ng dalagang nakaunan sa isa sa mga bisig niya. Sabi rin ng binata sa kanyang sarili noon na hindi na siya maghahanap ng iba magmula noong makilala niya ang isang dalaga sa Hongkong at nakuha niya ang pagka-birhen nito nang hindi niya nasisilayan ang mukha. Bagay na hanggang sa sandaling iyon ay pinapahanap niya pa.“Saka hindi lang kayo masarap magmahal, masarap talaga kayo—” Kinailangan ni Giovanni na halikan ang labi ni Briel dahil kapag ganun ang sinasabi nito, labis siyang natu-turn on na naman sa kanya kahit na kakatapos pa lang nila na para bang may magic sa mga salita nito na nagdidikta sa kanyang isipan at naka-direkta sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang, pero may kutob siya na baka si Briel ang babaeng nakuha niya. Though, imposible ang bagay na iyon kahit parang ka-edad niya lang din ang malabong imahe babae sa isipan.“Have you been in Hongkong, Briel?”“Many times.
DAHAN-DAHANG NAUPO SI Briel habang mabilis na ang ragasa ng kanilang nakaraang dalawa sa kanyang isipan na para bang replay ng isang magandang pelikula na malinaw niyang natatandaan. Ang buong akala niya ay hindi na mauulit pa ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila noon sa Baguio pagkatapos ng kasal ng kanyang kapatid kay Bethany. Iyon na ang una at huling tikim niya sa katawan ng Gobernador. Hindi niya makakalimutan ang bawat haplos nito sa kanyang katawan na puno ng nag-aalab na pagsamba. Alam niya sa kanyang sarili na purong pagnanasa lang naman iyon, kung kaya hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit mas nahulog pa siyang lalo sa charm ng lalaki.“Why are you so good?” anas ni Giovanni habang nakasubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib at salit-salitan iyong sinisipsip, nasa ibabaw siya ng Governor upang bigyan ito ng hindi makakalimutang pagniniig na ang goal ni Briel ay hanap-hanapin iyon ng binata. “You are making me lose my sanity.” “Because you are so good too.
NANG MABAKALIK NG mansion mula sa mall sina Briel ay hindi na rin doon nagtagal pa ang pamilya ni Gavin at nagpaalam na aalis na rin sila upang umuwi ng villa. Pinigilan sila ng kanilang mga magulang ngunit sinabi nilang papasyal na lang ulit sila doon kung kinakailangan. Isang mahigpit na yakap ang iniwan ni Bethany kay Briel nang ihatid nila ito sa may pintuan. Matapos na mawala sa kanilang paningin ay pumasok na sila sa loob ng mansion. Hinayaan ni Briel na asikasuhin ng mga magulang ang anak na si Brian na wiling-wili rin naman sa dalawang matanda na mas priority na ang anak niya. “Huwag mong alalahanin ang anak mo, kami na ang bahala sa kanya. Just do what you want. Huwag ka lang lalabas ng mansion upang mag-bar at iinom ng alak.” makahulugang biro na rin ng ama niya.Mahinang natawa si Briel. Wala na sa loob niya ang bagay na iyon. Kumbaga ay graduate na siya sa bagay na iyon. Si Brian na ang top priority niya. Kung sakaling iinom man siya, sa mansion na lang niya iyon gagawin.
BUMALIK NA SA sala ang mag-ama matapos ng ilang minutong lamunin sila ng katahimikan. Wala ng sinuman sa kanila ang nais na magdagdag pa ng topic ng kanilang usapan. Iba na ang expression ng mukha ni Mr. Dankworth kumpara kanina. Maaliwalas na iyon na tila ba natanggap na niya ang kapalaran ng bunsong anak. Naliwanagan na rin siya sa ibig iparating ng panganay niyang anak. Naisip niya na may punto nga ito. Kailangan nilang hanapan ng solusyon ang problema at iyon ay ang harapin ang panig ng pamilya Bianchi. Hindi ang lumikha ng panibagong suliranin at gulo na magpapalala ng kanilang sitwasyon. Sinubukan niyang lumapit kay Brian na ayaw namang lumapit dahil sa trauma nito kanina.“Ayan, Gorio. Ayaw ng sumama sa’yo, paano ba naman ang lakas ng boses mo kanina.” ang Ginang na mahinang natawa sa reaction ni Brian na ganun na lang ang tanggi sa Lolo nito.Ginugol ng pamilya ang kwentuhan ng mga nangyari sa buhay ni Briel. Walang gatol na inamin niya kung ano ang nangyari sa kanya. Kung paa
NATIGILAN NG ILANG sandali doon si Mr. Dankworth upang mag-isip. Muli pa siyang nagpatuloy sa paroo’t-parito na para bang kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay maiibsan ang problemang kanyang iniisip sa bunsong anak.“Tayo ngang pamilya niya ay hindi siya nakita. Siya pa kaya? Mali nilang pareho at sa tingin ko kailangan nilang mag-usap tungkol sa bata. Kahit para na lang sa bata at hindi sa kanila. Pwede nilang gawin ang bagay na iyon, di ba? Magkasundo na lang sila kung ano ang mabuti nilang gawin sa binuo nilang responsibilidad na magkasama.”“Hindi. Hindi ako papayag na makikipag-usap pa si Briel sa kanya. Halata namang wala siyang interest sa kapatid mo! Bakit ipagtutulakan pa natin siya sa kanya? Kaya natin buhayin ang kapatid mo at ang anak niya. Ibig sabihin lang noon sa loob ng dalawang taong iyon, ni piso o kaunting suporta ay walang nakuha ang kapatid mo sa kanya.” matigas na katwiran ni Mr. Dankworth na nagpaiba ng hilatsa ng mukha ni Gavin, parang ang unfair naman ng ama
ILANG SANDALI PANG pinagmasdan ni Briel ang mukha ng kanyang ama na nakatingin sa kanya nang mataman. Tinatantiya kung ang ipinapakita ba nito sa kanya ay ang tunay nitong nararamdaman o nagbabalat-kayo lang. Habang magkahinang ang kanilang mga mata ay napakaraming gustong ipaliwanag ni Briel sa ama kaya lang ay hindi niya magawang isatinig iyon. Tila ba mayroong pwersang pumipigil sa kanya. Naisip na rin ni Briel na hindi iyon ang tamang panahon para doon. Kahit na gusto niyang magsalita, umuurong ang dila niya kapag gagawin na.“Maiwan ko muna kayo. Pupunta lang ako ng study room.” paalam ni Mr. Dankworth na bakas ang bigat na pakiramdam sa kanyang magkabilang balikat bagamat hindi na galit ang emosyong nakabalandra sa mukha niya.Sinundan lang ng pares ng kanilang mga mata ang likod ng padre de pamilya na lingid sa kaalaman ng lahat na sobrang bagsak at gulo ng kanyang isipan ng mga sandaling iyon nang dahil sa nangyari sa bunsong anak. Nang mawala na ito sa kanilang paningin ay mu