NGUMITI LANG ANG dalaga sa kinikilalang ina. Ilang saglit pa ay lumakad na sila pabalik sa silid kung saan naroon at panandaliang namamalagi ang ama dala ang binalatan at hinugasan nilang mga prutas ng Ginang na dessert nila. Patuloy silang nag-usap pa sila tungkol sa ibang mga bagay kasama ang ama nang biglang mag-ring ang doorbell at nabulabog sila. Nagkatinginan si Bethany at ang kanyang madrasta ng ilang saglit. Walang pakialam naman doon ang ama ni Bethany na busy sa kinakain. “May inaasahan po ba kayo ngayong bisita, Papa, Tita?” tanong niya dahil baka ilan sa mga kaibigan iyon ng kanyang ama. Sabay na umiling ang dalawa. Walang maisip na nagsabing bibisita sa bahay nila.“Wala naman, pwede bang pakibuksan ng pintuan at tingnan mo kung sino Bethany?”Marahang tumango ang dalaga sa madrasta. “Sige po, ako na…”Tumayo na at tahimik na humakbang patungo ng pintuan si Bethany. Ni wala siyang karampot na kaba habang patungo doon. Parang may multong nakita si Bethany nang makita ku
GUMALAW LANG ANG panga ni Albert ngunit hindi ito nagsalita para sumbatan ang dalaga sa kanyang karahasang ginawa. Nanatili ang gulantang na mga mata sa mukha ng dalagang galaiti na. Hindi niya rin sukat-akalain na kayang gawin iyon sa lalaki.“Matagal na tayong hiwalay!” halos pumutok na ang mga litid niya sa leeg niya. “Nakalimutan mo na bang matagal mo ng pinutol ang koneksyon natin mula ng lokohin mo ako tapos sasabihan mo akong huwag magbago? Nagpapatawa ka ba? Siraulo ka talaga ah!” amba niyang muli ang ng isang palad kay Albert. “Pwes, hindi ka nakakatawa, nakakairita ka! Anong tingin mo sa akin ha? Tau-tauhan mo ba ako?!”Natigilan si Albert, nasaktan ang kanyang gwapong mukha ngunit hindi man lang siya nagalit nang sampalin siya ng dalaga. Sa unang pagkakataon pakiramdam ni Albert ay wala siyang karapatan na magalit kay Bethany. Hindi na malambot ang puso ni Bethany na napagtanto ng lalaki sa araw na iyon. Tuluyan na nga itong nagbago.“Bethany—”“Ano? May amnesia ka ba at hi
MALAKAS NA HUMAGALPAK ng tawa si Bethany sa kasuklam-suklam na linyang kanyang narinig mula sa kaharap niyang lalaki. Tanga ba itong lalaking kaharap niya? Bakit pinagpipilitan niya ang sarili niya sa kanya gayong ayaw niya na naman dito? Alam niya ang relasyong mayroon siya kay Gavin. Hindi niya siya kailangang diktahan at isampal iyon sa kanyang mukha dahil malinaw pa iyon sa tubig ng hot spring. Alam niya ang magiging consequences noon kapag tinuloy-tuloy niya dahil ang imposible na mahalin siya nang tapat ng abugado, pero ni minsan, hindi siya ni Gavin trinatong basura lang at hindi siya nito basta binibigo kung mayroon ng pinangako sa kanya. Kung tutuusin nga, mas dama pa ni Bethany ang pag-aalala ni Gavin kumpara kay Albert noong sila pa. Hindi lang iyon, mayroon din itong isang salita na siyang mas nagpahanga pa sa kanya sa binata. Hindi lang basta pangakong mauuwi sa pagkapako ang mga sinabi nito sa kanya dahil alam niyang tutuparin iyon ni Gavin anuman ang mangyari. At least
HINDI NAKUNTENTO SI Victoria sa naging sagot ng kanyang step-daughter. Saksi siya sa mga kahunghangan nito na isang ngawa lang ni Albert, kaagad na itong bumibigay. Ilang beses niyang pinapanalangin na sana naman ay matauhan na rin ito.“Huwag malambot ang puso mo sa kanya, Bethany. Baka mamaya madala ka na naman ng lalaking iyon sa mga paawa effect niya at magpauto ka na naman sa kanya? Hay naku, ako na ang magsasabi sa’yo. Ginagawa ka niyang tanga. Papayag ka bang gawin na lang niyang palaging tanga at uto-uto niya ha? Huwag naman, hija. Ang ganda-ganda mo eh. Saka, okay ka na diyan kay Gavin, huwag mo ng ipagpalit pa ang matalino at malambing na abugadong iyon sa kupal na Albert na iyon. Maliwanag?”Bago pa makasagot doon si Bethany ay naghuramentado na ang kanyang cellphone sa tawag ng binatang binanggit ng kanyang madrasta ngayon. Malamang naramdaman nitong pinag-uusapan nilang mag-ina ang binata kaya tumatawag na. Tumikhim muna ang dalaga bago iyon sinagot. Ilang minutong tinin
KASALUKUYANG NASA LOOB na ng kanyang sasakyan si Gavin at nabuhay na rin niya ang makina noon na akmang magmamaneho na paalis ng parking area nang bulabugin siya ng isang tawag. Ang buong akala niya ay si Bethany iyon dahil hindi na ito makapaghintay na makita siya, ngunit nang sipatin niya ay ang kanyang kliyente pala iyon. Pinindot niya ang answer button matapos na bitawan muna ang manibela. Kailangan niyang unahin muna iyon at baka importante ang sasabihin nito sa kanya. “A-Attorney Dankworth, anong g-gagawin ko? Biglang may bagong ebidensya ang kabilang partido na sobrang unfavorable sa akin at magdidiin sa akin...tulungan mo ako, Attorney…” nanginginig na sa takot ang boses ng kliyente niya sa kabilang linya.Marahang hinawakan ni Gavin ang manibela ng kanyang sasakyan. Nahuhulaan na niya kung ano ang maaaring mangyari oras na tama ang sinasabi nito ngayon. Napakunot na ang noo niya sa narinig. Biglang naging seryoso ang kanyang mga mata na nagbabago lang oras na mas na-cha-chal
NATULALA PA SIYA ng ilang minuto hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na lang pala siyang bigla. Walang kumot at nakabalagbag pa ang higa sa kama. Nang tumawag si Rina kinabukasan ay natatarantang napabalikwas ng bangon ang dalaga upang hanapin at sagutin ang naghuhuramentado niyang cellphone gamit ang medyo paos na boses. Natawa na doon si Rina na kung ano na namang kamunduhan ang naiisip bigla ng utak nito nang dahil sa paraan ng pagsagot ng kaibigan niya sa tawag.“Hoy babae, alas-diyes na ng umaga tulog ka pa rin? Aba, buhay prinsesa ka talaga diyan ha? Huhulaan ko, mukhang pinagod ka na naman ni Attorney kagabi kung kaya tinanghali ka ng gising ‘no?” pambungad nitong dinugtungan ng mahina niyang mga hagikhik ng pang-aasar, “Hoy, hinay-hinay lang naman at baka biglang makabuo. Sige ka, mahirap ang hindi planado ha? I mean iyong hindi pa kayo kinakasal muna.” Namula na ang mukha ni Bethany na biglang natauhan na lang doon bigla. Alam niya kung ano ang ipinapahiwatig ng kany
KULANG NA LANG ay umabot ang malapad na ngiti ni Gavin sa kanyang tainga nang bumaling na ito at humarap sa dalaga na parang nabato-balani pa rin sa angking kapogian niya. Hindi pa rin niya inalis ang pagkakasandal ng katawan sa kanyang dalang kotse. Feel na feel pa rin ng binata ang kakaibang kinang sa mga mata ni Bethany ngayon.“Nagulat ba kita, Thanie?” maligaya ang tinig na tanong niya sa dalaga na kumibot-kibot pa ang bibig.Hindi pa rin magawa ng dalagang tanggalin ang mga mata sa abugado. He was so dazzling and handsome. Iyong tipong kahit na nakatayo lang at walang ginagawa ay ang gwapo pa rin nitong tingnan na parang isang modelo. Tumayo si Gavin nang ayos at ilang sandali pa ay naglakad na siya palapit sa dalaga na bigla na lang nahigit ang hinga. Nang makadalawang hakbang na ang binata ay saka pa lang tumingin si Bethany nang mataman sa kanyang mukha.“Pasensya kung nabigo kita kagabi. Urgent lang talaga kasi kaya hindi ako nakauwi. Babawi ako. Hinintay mo ba akong umuwi?
BINUKSAN NA NI Bethany ang pintuan sa gilid niya at walang imik na lumabas na siya doon. Hindi niya nilingon si Gavin na nakahabol ang tingin sa kanyang bawat galaw. Ngumiti na siya nang harapin niyang muli ang mga ito. “Mauuna na rin ako sa loob, dumiretso ka na lang sa banquet hall para hanapin ako mamaya. Mabilis mo naman siguro akong mahahanap.” dagdag ng dalaga upang may patunayan dito na balewala ang kanyang nararamdamang kaba.Ngumiti lang si Gavin, hindi sumagot kung payag ba sa nais na mangyari ng kasama niya. Sumara ang pintuan ng sasakyan. Pinanood ni Bethany na umalis iyon patungo ng parking. Habang nakatingin dito ay bahagya siyang nagsisi, sana pala ay hindi na lang niya iyon sinabi at pumayag na hintayin na lang ang binata sa entrance. Paano kung biglang magbago ang isip nito at takasan siya? Eh ‘di naiwan siya doong mag-isa at buong party na naghihintay, nakanganga.“Hindi naman niya siguro gagawin sa akin ‘yun. Kumalma ka nga Bethany, dami mong worries. Ayan ang naku
MATALIM ANG TINGING nilingon na siya ni Bethany. Hindi na gusto ang sinasabi ng asawa. Ano naman kung Governor ang tiyuhin? Mali pa rin na luhuran ito ng asawa. Hindi porket government officials ay kailangan ng sambahin. Sa tingin nga niya pantay lang sila. Governor lang ito, number one lawyer sa bansa ang asawa niya. Wala silang pagkakaiba at walang mas magaling.“Hindi ba at kakasabi ko lang sa’yo na ako lang ang luluhuran mo?!” halos magbuhol ang mga kilay na pasinggang turan niya dito.Bilang tugon ay niyakap siya ni Gavin nang mahigpit at mabilis na hinalikan sa labi. Tuwang-tuwa ang abogado kapag naaasar niya ang asawa. Lumalaki kasi ang butas ng ilong nito. Hindi lang iyon, parang hindi kumpleto ang araw niya ng ‘di ito nagagalit.“Oo na. Ikaw lang. Ang selosa naman ng asawa ko. Mali, ang possessive mo rin pala.”Sinimangutan siya ni Bethany sabay paikot ng mga mata. Ipinagpatuloy ang pag-scroll sa hawak na cellphone na napunta na sa biography ng kanilang buong angkan na kahit
ILANG ORAS ANG ginugol nila sa sementeryo. Hindi maalis ni Bethany ang kanyang mga mata sa likod ng lalaking nagpakilala niyang kapatid ng ina. Hindi nakaligtas sa kanya ang marahang paggalaw ng magkabilang balikat nito na halatang umiiyak. Isang dipa ang layo nila ng kanyang asawa kay Giovanni na pa-squat na nakaupo sa harapan ng puntod ng ina at kinikilala niyang ama pero naririnig niya ang boses nito na parang kausap ang ina hindi nga lang malinaw kung ano ang mga pinagsasabi nito. Nagsindi ito ng kandila. “Gusto mong lumapit?” alanganing tanong ni Gavin na ikinailing lang ni Bethany. “Hindi na. Moment nilang dalawa ngayon ni Mama pagkaraan ng ilang dekada tapos sasali pa ba ako? Pabayaan na lang natin sila.”“Akala ko kasi gusto mong lumapit.”Muling umiling si Bethany. Aaminin niya na magaan nga ang loob niya sa lalaki ngayong matagal niyang napagmasdan ito. Marahil kanina ay nadala lang siya ng bugso ng damdamin kung kaya naman nailabas niya ang tinatago niyang sama ng ugali.
PINAUNLAKAN NGA NI Mr. Bianchi ang paanyaya ng tanghalian kahit na wala sa kanyang vocabulary sa buhay na kung saan-saang bahay mangangainan. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan upang ma-explain ang kanyang sarili. Wala sa plano niyang tumalikod at takasan ang lahat at kumuha pa ng ibang araw. Anuman ang mangyari ngayon, kailangan niyang panindigan iyon. Napahiya na siya sa harap ng mag-amang Dankworth, lulubus-lubusin niya na iyon na mangyari sa araw na iyon. Pagdating nila sa kitchen ng mansion ay tapos na sina Mrs. Dankworth, Victoria at Briel na kumain na agad namang nabaling ang paningin sa padre de pamilya na kabuntot ang hindi pamilyar na bulto ng isang lalaki. Samantalang may pagkain pa ang pinggan na pag-aari ni Bethany na halatang hindi pa tapos nang dahil sa curiosity. Gaya ng inaasahan ay nagulat sila sa pagdadala ni Mr. Dankworth sa bisita sa kanilang kusina. Bagay na hindi nito ginagawa dati at noon lang nangyari. Palaging off limit lang sila at sa office lang ng mat
BATID NI GAVIN na hindi niya ito maaawat lalo pa ay may ugali itong kakaiba ngayong nasa kasagsagan pa ng paglilihi niya kung kaya naman nilingon na niya ang kanyang ama na nagkibit lang ng balikat at halatang ayaw makialam sa kanila. Humihingi siya ng tulong dito, pero wala siyang aasahan. Sinubukan niyang hawakan ito sa beywang just in case na biglang maging bayolente si Bethany.“Anong sinabi mo sa asawa ko para lumuhod siya sa iyong harapan nang ganun-ganun lang? Hindi mo ba siya kilala? Siya ang number one na abogado sa bansa. Wala pa siyang kasong napapatalo ni minsan.” pagmamalaki ni Bethany na ikinapula na ng tainga ni Gavin, hindi siya sanay na pinagmamalaki siya ng ganun ng kanyang asawa. “Narinig mo? Magaling din siyang negosyante. Mahal ko siya at mahal na mahal niya ako, kaya bakit kailangang lumuhod siya sa’yo na…” sinipat na naman siya ni Bethany mula ulo hanggang paa, sa panahong ito ay hindi pa rin alam ni Bethany kung sino ang kanyang kaharap dito. “Tiyuhin ko? Kamag
GULANTANG NA SABAY-SABAY na napalingon ang tatlong pares ng mga matang nasa loob ng silid na iyon sa may pintuan kung saan nakapameywang na nakatayo si Bethany. Bakas sa kanyang gulat na mukha ang biglaang kawala ng galit. Natatarantang tumayo na si Mr. Dankworth sa hitsurang iyon ng kanyang manugang, gayundin si Mr. Bianchi na titig na titig na sa mukha ng pamangkin niyang hinahanap. Hindi niya mapigilang suyurin ang mukha nito na para siyang nananalamin sa mukha ng kanyang kapatid kahit na sa larawan niya lang ito madalas na makita dahil masyado pa siyang bata. Hindi niya naisip na makikita niya ang pamangkin doon ngayon, ang buong akala niya ay hindi ito kasama ng kanyang asawa dito dahil sa huling research niya busy ito palagi sa kanyang music center. Ilang beses siyang napakurap ng kanyang mga mata upang siguraduhin kung tama ba ang kanyang nakikita ngayon. Naroon nga ito sa kanyang harapan. Mababakas sa kanyang hitsura na may dugong Bianchi na taglay. Sa paraan ng pananalita nit
MALALIM ANG INIISIP na kung saan-saan na napunta ay sinundan ni Gavin ang hakbang ng ama. Mabibigat ang bawat yapak niya. Kung noon madali lang niyang nakapalagayan ng loob ang akala niya ay ama nitong si Benjo Guzman, hindi niya alam ngayon kung ano ang ugaling mayroon ang makakaharap nila na hindi niya magawang mapaghandaan dahil wala naman siyang alam. Marami na agad ang gumugulo sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon. Excited na hindi ang kanyang nararamdaman. Bakit siya ang hahanapin nito at hindi ang mismong pamangkin nitong si Bethany? Alam ba nitong naroon sila ngayon sa mansion? Paano kung maging balakid ito sa kanila ngayon? “Anong pangalan niya, Daddy?” “Giovanni Bianchi.” Pangalan pa lang ay agad ng binalot ng kilabot ang kalamnan ni Gavin. Parang ang powerful naman ng pangalan nito. “Bunsong anak siya ng mga Bianchi, kapatid ng tunay na ina ng asawa mo.” bigay pa niya ng impormasyon sa anak. Kumabog pa ang puso ni Gavin sa kanyang narinig. “Hindi pa siya gaanong ma
NAGING MAGAAN ANG mga sumunod na araw kina Bethany at Gavin na nagawa ng makapag-adjust sa kanilang araw-araw na pamumuhay bilang mag-asawa. Hindi na rin sila naiilang na kasama na nila sa buhay si Victoria na minsan ay tinatamad na sumama kay Bethany sa music center. Nang sumapit ang weekend ay muli silang nagtungo ng mansion ng mga Dankworth upang gugulin doon ang maghapon. Habang nasa kalagitnaan sila ng kwentuhan at kanilang pagkain ng tanghalian ay tumawag ang guard mula sa gate ng mansion upang ipaalam na may bisita raw ang kanilang pamilya at si Attorney Gavin Dankworth mismo ang siyang hinahanap ng mga ito. Natigilan ang buong pamilya ang kanilang pagkain. “Sino raw sila?” tanong ni Mr. Dankworth na siyang may hawak ng telepono na binigay ng maid.Saglit na tumahimik ang kabilang linya upang tanungin ng guard kung sino iyon.“Si Mr. Giovanni Bianchi raw po sila.” Makahulugang lumipad ang mga mata ni Mr. Dankworth kay Gavin na natigilan na rin sa pagkain at hinihintay na sabi
DALA NG MALALANG frustration at matinding gulat sa mga narinig ay muling nagwala doon si Nancy na itinutulak na ang ama palayo sa kanya habang malakas na humahagulgol ng iyak. Kamuntikan na nitong mabunot ang karayom na naman ng dextrose na nakabaon sa isa niyang kamay. Hustong dating naman ni Estellita sa silid na kasunod na ang doctor kaya nakita ang tagpong iyon. Tinabig niya palayo si Mr. Conley malapit sa kama ni Nancy na sa mga sandaling iyon ay patuloy pa ‘ring nagwawala habang galit na galit. Niyakap niya si Nancy na nang makita ang ina ay mas lalo pang umatungal ng iyak at kaawa-awa. “Ano ka ba naman Drino? Anong ginagawa mo sa anak natin?!” gamit ang nanlilisik na mga mata ay malakas na sigaw niya. Nilingon na siya ni Mr. Conley.“Wala akong masamang ginagawa—”“Alam mong kakagising lang niya mula sa coma tapos sinasaktan mo agad ang damdamin niya! Ano ba naman Drino? Wala ka bang pakiramdam? Nagbabawi pa ang katawan ng anak mo! Hindi mo ba nakikitang ang hina niya pa?!” p
MALAKAS NA PUMALAHAW ng iyak si Nancy nang hindi sagutin ng kanyang ama ang tanong niya. Ibang-iba na rin ang paraan ng mga tingin nito sa kanya na hindi niya maarok. Tipong parang walang pakialam. Pakiramdam niya ay hindi na siya mahalaga o ang kahit na anong pinagsasabi niya. Gulatang na salit-salitang napatingin naman si Estellita sa kanyang mag-ama. Nakabalatay na ang awa sa anak. Iyon din ang naging dahilan upang lumabas ng silid ang Ginang para tumawag na ng doctor na biglang nataranta sa naging reaction ni Nancy sa pagdating ng ama. Naiwan si Mr. Conley ay Nancy sa loob ng kanyang silid. “Nancy, kalma...” “Kasalanan ng Bethany na iyon kung bakit mas lumala pa ang sakit ko, Daddy!” may diin na sumbong nito ng paninisi na para bang ito ang nagbigay ng sakit sa kanya at dahilan kung bakit siya nakaratay dito. “It’s her fault! Kung hindi siya dito sumugod, kung hindi siya pumunta at nagwawala, hindi naman lalala—” Humigpit pa nang humigpit ang yakap ni Mr. Conley sa manipis niya