PARANG BATANG NAPADILA pa doon si Briel upang patunayan na bata pa nga siyang talaga sa knilang paningin. Mamula-mula na ang mukha nito sa labis na hiya.“Hindi iyon magagawa ni Daddy sa akin dahil narito si Tito Drino, kakampihan niya ako!” mayabang nitong turan na animo ay siguradong-sigurado sa mga sinasabi niya.Muling natawa lang ang Ginang. Hinarap na ang kanilang bisitang natatawa na lang din sa inaastang iyon ng kanilang unica hija. “Sa lahat ng kaibigan ni Gorio, ikaw talaga ang pinaka-paborito nitong si Briel. Mula ng bata pa ‘yan palagi ng nakadikit sa’yo eh. Isama mo na nga iyan sa’yo, Drino.”Nakangiting tumango lang si Alejandrino at binalingan na si Briel. Hindi niya mapigilang makaramdam ng invisible na sakit sa puso. Para iyong tinutusok ng karayom. Bagama't sila ng kanyang asawa ay may isang anak na babae, hindi ito tunay na sa kanila nanggaling ngunit isa lang itong ampon. Kung hindi niya sineryoso at inuna ang kanyang pagpapahalaga sa sarili at ambisyon noon, at h
BUMITAK ANG PAGKADISMAYA sa mukha ng ama ni Gavin nang marinig niya ang sinabi ng anak at ang tangkang pag-alis nito sa kanyang harapan nang ganun-ganun na lang. Pakiramdam niya ay masama ang loob sa kanya ng binatang anak kung kaya naman minabuti na lang nito ang iwasan siya at umalis dito.“Isn't this your home, Gavin? Bakit hindi ka na lang dito matulog at magpahinga? Tulugan mo man lang ang silid mo ditong sobrang tagal na noong huling ginawa mo.” hindi na mapigilan ng amang tumaas ang tono, nakikita niyang sobrang tumataas na ang tingin ng kanyang anak sa sarili nito dahil sa estado nito.Kilala si Gregorio Dankworth na may masamang ugali lalo na kapag may alak na nakasilid na sa katawan. Mahigpit din ito kung minsan. Kung takot si Briel dito at ang kanyang ina, iba si Gavin. Sanay na sanay na siya sa ugali ng ama. Hindi na siya kinikilabutan pa doon kahit na alam niyang anytime ay magagawa siya nitong pagbuhatan ng kamay. Hindi na niya hihintayin pa na mangyari iyon kaya naman a
MALAKAS NA NAPASIGAW silang dalawa nang mag-untog ang kanilang mga noo. Sabay din silang napaupo sa kama habang hinahaplos ang kanilang noo na nagtama kanina. Halatang sobrang inaantok pa ang dalaga ngunit nawala iyon sa nangyari. Bahagya niyang kinagat ang pang-ibabang labi sabay tingin sa binata gamit ang mapungay niyang mga mata. Napangiti pa si Gavin sa hitsura niya parang batang paslit na nabulabog sa mahimbing na pagtulog. Hinawakan na niya ang baba ni Bethany at muling hinalikan ang labi ng dalaga. Lumalim pa iyon nang lumalim dahil hinayaan lang ni Bethany ito sa kung ano ang gustong gawin hanggang si Gavin na ang kusang bumitaw at nahiga sa kama dala ng pagkakapos sa kanyang hininga. “Bakit umuwi ka? Akala ko ba ay may bisita kayo sa bahay niyo at kailangang naroon ka?” harap na ni Bethany kay Gavin. “Nakaalis na siya. Pumunta na ng hotel. Doon siya mag-stay. Nagkaroon lang naman ng family dinner kasama siya tapos kaunting inuman. Napasarap lang ang kwentuhan ng kaunti kaya
NANG MARAMDAMAN NI Gavin ang ginagawang paninitig ni Bethany sa kanya ay napilitan siyang mag-angat ng tingin sa dalaga. Natagpuan niya ang mga mata nitong matamang nakatuon sa kanya. Alam niyang gustong-gusto nito ang hitsura niya at sa oras na ito ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting dignidad bilang lalaki. Hindi pwersadong kinurot niya ang isang pisngi ng mukha ng dalaga dala ng panggigil niya dito. Napakurap naman si Bethany na tila ginising siya nito sa realidad ng buhay. “Bakit tulala ka diyan? Nagwa-gwapuhan ka na naman sa akin ‘no?” namumula ang magkabilang tainga na turan ng binata, umangat pa ang gilid ng labi ng abugado. “O baka naman may iba kang gustong gawin sa akin ngayon?” pilyo pa nitong turan na ngumisi pa na parang sa aso, ikinapula naman iyon ng mukha ni Bethany. Umiwas na ng tingin sa abugado. “Bakit hindi ka naglakas-loob na tumingin sa akin kanina noong naliligo ako? Libreng-libre lang...” kindat pa nitong may ibang kahulugan.Nang sabihin ito ni Gavi
ILANG ARAW NA rin ang nakakalipas nang ma-discharge na sa hospital ang ama ng dalaga at nakabalik na ulit sila ng madrasta ni Bethany sa dati nilang bahay. Hindi na sa maliit na apartment kung saan medyo may kalayuan sa lugar. Ilang beses ni Bethany sinubukan na ilayo sila sa lugar kung saan out of reach ni Albert, ngunit napag-isip ni Bethany na bakit niya pa gagawin iyon? Wala naman silang kasalanan para magtago. Isa pa, kakampi na niya si Gavin Dankworth. At dahil wala doon si Bethany at nasa penthouse ni Gavin tumutuloy, hindi na napigilan ng ama ng dalaga na magtanong na ng tungkol dito sa kanyang asawa. “Victoria, ilang araw ko ng napapansin na hindi umuuwi si Bethany. May hindi ba ako alam na nangyari habang hindi niyo ako kasama, ha?”Natigilan ang Ginang sa kanyang ginagawa. Hindi niya alam kung tama ba niyang sabihin iyon sa asawa gayong alam niyang maaaring makadagdag iyon ng stress dito.“B-Benjo, busy lang sa trabaho ang anak mo. Huwag mo siyang alalahanin.”Walang maga
NGUMITI LANG ANG dalaga sa kinikilalang ina. Ilang saglit pa ay lumakad na sila pabalik sa silid kung saan naroon at panandaliang namamalagi ang ama dala ang binalatan at hinugasan nilang mga prutas ng Ginang na dessert nila. Patuloy silang nag-usap pa sila tungkol sa ibang mga bagay kasama ang ama nang biglang mag-ring ang doorbell at nabulabog sila. Nagkatinginan si Bethany at ang kanyang madrasta ng ilang saglit. Walang pakialam naman doon ang ama ni Bethany na busy sa kinakain. “May inaasahan po ba kayo ngayong bisita, Papa, Tita?” tanong niya dahil baka ilan sa mga kaibigan iyon ng kanyang ama. Sabay na umiling ang dalawa. Walang maisip na nagsabing bibisita sa bahay nila.“Wala naman, pwede bang pakibuksan ng pintuan at tingnan mo kung sino Bethany?”Marahang tumango ang dalaga sa madrasta. “Sige po, ako na…”Tumayo na at tahimik na humakbang patungo ng pintuan si Bethany. Ni wala siyang karampot na kaba habang patungo doon. Parang may multong nakita si Bethany nang makita ku
GUMALAW LANG ANG panga ni Albert ngunit hindi ito nagsalita para sumbatan ang dalaga sa kanyang karahasang ginawa. Nanatili ang gulantang na mga mata sa mukha ng dalagang galaiti na. Hindi niya rin sukat-akalain na kayang gawin iyon sa lalaki.“Matagal na tayong hiwalay!” halos pumutok na ang mga litid niya sa leeg niya. “Nakalimutan mo na bang matagal mo ng pinutol ang koneksyon natin mula ng lokohin mo ako tapos sasabihan mo akong huwag magbago? Nagpapatawa ka ba? Siraulo ka talaga ah!” amba niyang muli ang ng isang palad kay Albert. “Pwes, hindi ka nakakatawa, nakakairita ka! Anong tingin mo sa akin ha? Tau-tauhan mo ba ako?!”Natigilan si Albert, nasaktan ang kanyang gwapong mukha ngunit hindi man lang siya nagalit nang sampalin siya ng dalaga. Sa unang pagkakataon pakiramdam ni Albert ay wala siyang karapatan na magalit kay Bethany. Hindi na malambot ang puso ni Bethany na napagtanto ng lalaki sa araw na iyon. Tuluyan na nga itong nagbago.“Bethany—”“Ano? May amnesia ka ba at hi
MALAKAS NA HUMAGALPAK ng tawa si Bethany sa kasuklam-suklam na linyang kanyang narinig mula sa kaharap niyang lalaki. Tanga ba itong lalaking kaharap niya? Bakit pinagpipilitan niya ang sarili niya sa kanya gayong ayaw niya na naman dito? Alam niya ang relasyong mayroon siya kay Gavin. Hindi niya siya kailangang diktahan at isampal iyon sa kanyang mukha dahil malinaw pa iyon sa tubig ng hot spring. Alam niya ang magiging consequences noon kapag tinuloy-tuloy niya dahil ang imposible na mahalin siya nang tapat ng abugado, pero ni minsan, hindi siya ni Gavin trinatong basura lang at hindi siya nito basta binibigo kung mayroon ng pinangako sa kanya. Kung tutuusin nga, mas dama pa ni Bethany ang pag-aalala ni Gavin kumpara kay Albert noong sila pa. Hindi lang iyon, mayroon din itong isang salita na siyang mas nagpahanga pa sa kanya sa binata. Hindi lang basta pangakong mauuwi sa pagkapako ang mga sinabi nito sa kanya dahil alam niyang tutuparin iyon ni Gavin anuman ang mangyari. At least
MATALIM ANG TINGING nilingon na siya ni Bethany. Hindi na gusto ang sinasabi ng asawa. Ano naman kung Governor ang tiyuhin? Mali pa rin na luhuran ito ng asawa. Hindi porket government officials ay kailangan ng sambahin. Sa tingin nga niya pantay lang sila. Governor lang ito, number one lawyer sa bansa ang asawa niya. Wala silang pagkakaiba at walang mas magaling.“Hindi ba at kakasabi ko lang sa’yo na ako lang ang luluhuran mo?!” halos magbuhol ang mga kilay na pasinggang turan niya dito.Bilang tugon ay niyakap siya ni Gavin nang mahigpit at mabilis na hinalikan sa labi. Tuwang-tuwa ang abogado kapag naaasar niya ang asawa. Lumalaki kasi ang butas ng ilong nito. Hindi lang iyon, parang hindi kumpleto ang araw niya ng ‘di ito nagagalit.“Oo na. Ikaw lang. Ang selosa naman ng asawa ko. Mali, ang possessive mo rin pala.”Sinimangutan siya ni Bethany sabay paikot ng mga mata. Ipinagpatuloy ang pag-scroll sa hawak na cellphone na napunta na sa biography ng kanilang buong angkan na kahit
ILANG ORAS ANG ginugol nila sa sementeryo. Hindi maalis ni Bethany ang kanyang mga mata sa likod ng lalaking nagpakilala niyang kapatid ng ina. Hindi nakaligtas sa kanya ang marahang paggalaw ng magkabilang balikat nito na halatang umiiyak. Isang dipa ang layo nila ng kanyang asawa kay Giovanni na pa-squat na nakaupo sa harapan ng puntod ng ina at kinikilala niyang ama pero naririnig niya ang boses nito na parang kausap ang ina hindi nga lang malinaw kung ano ang mga pinagsasabi nito. Nagsindi ito ng kandila. “Gusto mong lumapit?” alanganing tanong ni Gavin na ikinailing lang ni Bethany. “Hindi na. Moment nilang dalawa ngayon ni Mama pagkaraan ng ilang dekada tapos sasali pa ba ako? Pabayaan na lang natin sila.”“Akala ko kasi gusto mong lumapit.”Muling umiling si Bethany. Aaminin niya na magaan nga ang loob niya sa lalaki ngayong matagal niyang napagmasdan ito. Marahil kanina ay nadala lang siya ng bugso ng damdamin kung kaya naman nailabas niya ang tinatago niyang sama ng ugali.
PINAUNLAKAN NGA NI Mr. Bianchi ang paanyaya ng tanghalian kahit na wala sa kanyang vocabulary sa buhay na kung saan-saang bahay mangangainan. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan upang ma-explain ang kanyang sarili. Wala sa plano niyang tumalikod at takasan ang lahat at kumuha pa ng ibang araw. Anuman ang mangyari ngayon, kailangan niyang panindigan iyon. Napahiya na siya sa harap ng mag-amang Dankworth, lulubus-lubusin niya na iyon na mangyari sa araw na iyon. Pagdating nila sa kitchen ng mansion ay tapos na sina Mrs. Dankworth, Victoria at Briel na kumain na agad namang nabaling ang paningin sa padre de pamilya na kabuntot ang hindi pamilyar na bulto ng isang lalaki. Samantalang may pagkain pa ang pinggan na pag-aari ni Bethany na halatang hindi pa tapos nang dahil sa curiosity. Gaya ng inaasahan ay nagulat sila sa pagdadala ni Mr. Dankworth sa bisita sa kanilang kusina. Bagay na hindi nito ginagawa dati at noon lang nangyari. Palaging off limit lang sila at sa office lang ng mat
BATID NI GAVIN na hindi niya ito maaawat lalo pa ay may ugali itong kakaiba ngayong nasa kasagsagan pa ng paglilihi niya kung kaya naman nilingon na niya ang kanyang ama na nagkibit lang ng balikat at halatang ayaw makialam sa kanila. Humihingi siya ng tulong dito, pero wala siyang aasahan. Sinubukan niyang hawakan ito sa beywang just in case na biglang maging bayolente si Bethany.“Anong sinabi mo sa asawa ko para lumuhod siya sa iyong harapan nang ganun-ganun lang? Hindi mo ba siya kilala? Siya ang number one na abogado sa bansa. Wala pa siyang kasong napapatalo ni minsan.” pagmamalaki ni Bethany na ikinapula na ng tainga ni Gavin, hindi siya sanay na pinagmamalaki siya ng ganun ng kanyang asawa. “Narinig mo? Magaling din siyang negosyante. Mahal ko siya at mahal na mahal niya ako, kaya bakit kailangang lumuhod siya sa’yo na…” sinipat na naman siya ni Bethany mula ulo hanggang paa, sa panahong ito ay hindi pa rin alam ni Bethany kung sino ang kanyang kaharap dito. “Tiyuhin ko? Kamag
GULANTANG NA SABAY-SABAY na napalingon ang tatlong pares ng mga matang nasa loob ng silid na iyon sa may pintuan kung saan nakapameywang na nakatayo si Bethany. Bakas sa kanyang gulat na mukha ang biglaang kawala ng galit. Natatarantang tumayo na si Mr. Dankworth sa hitsurang iyon ng kanyang manugang, gayundin si Mr. Bianchi na titig na titig na sa mukha ng pamangkin niyang hinahanap. Hindi niya mapigilang suyurin ang mukha nito na para siyang nananalamin sa mukha ng kanyang kapatid kahit na sa larawan niya lang ito madalas na makita dahil masyado pa siyang bata. Hindi niya naisip na makikita niya ang pamangkin doon ngayon, ang buong akala niya ay hindi ito kasama ng kanyang asawa dito dahil sa huling research niya busy ito palagi sa kanyang music center. Ilang beses siyang napakurap ng kanyang mga mata upang siguraduhin kung tama ba ang kanyang nakikita ngayon. Naroon nga ito sa kanyang harapan. Mababakas sa kanyang hitsura na may dugong Bianchi na taglay. Sa paraan ng pananalita nit
MALALIM ANG INIISIP na kung saan-saan na napunta ay sinundan ni Gavin ang hakbang ng ama. Mabibigat ang bawat yapak niya. Kung noon madali lang niyang nakapalagayan ng loob ang akala niya ay ama nitong si Benjo Guzman, hindi niya alam ngayon kung ano ang ugaling mayroon ang makakaharap nila na hindi niya magawang mapaghandaan dahil wala naman siyang alam. Marami na agad ang gumugulo sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon. Excited na hindi ang kanyang nararamdaman. Bakit siya ang hahanapin nito at hindi ang mismong pamangkin nitong si Bethany? Alam ba nitong naroon sila ngayon sa mansion? Paano kung maging balakid ito sa kanila ngayon? “Anong pangalan niya, Daddy?” “Giovanni Bianchi.” Pangalan pa lang ay agad ng binalot ng kilabot ang kalamnan ni Gavin. Parang ang powerful naman ng pangalan nito. “Bunsong anak siya ng mga Bianchi, kapatid ng tunay na ina ng asawa mo.” bigay pa niya ng impormasyon sa anak. Kumabog pa ang puso ni Gavin sa kanyang narinig. “Hindi pa siya gaanong ma
NAGING MAGAAN ANG mga sumunod na araw kina Bethany at Gavin na nagawa ng makapag-adjust sa kanilang araw-araw na pamumuhay bilang mag-asawa. Hindi na rin sila naiilang na kasama na nila sa buhay si Victoria na minsan ay tinatamad na sumama kay Bethany sa music center. Nang sumapit ang weekend ay muli silang nagtungo ng mansion ng mga Dankworth upang gugulin doon ang maghapon. Habang nasa kalagitnaan sila ng kwentuhan at kanilang pagkain ng tanghalian ay tumawag ang guard mula sa gate ng mansion upang ipaalam na may bisita raw ang kanilang pamilya at si Attorney Gavin Dankworth mismo ang siyang hinahanap ng mga ito. Natigilan ang buong pamilya ang kanilang pagkain. “Sino raw sila?” tanong ni Mr. Dankworth na siyang may hawak ng telepono na binigay ng maid.Saglit na tumahimik ang kabilang linya upang tanungin ng guard kung sino iyon.“Si Mr. Giovanni Bianchi raw po sila.” Makahulugang lumipad ang mga mata ni Mr. Dankworth kay Gavin na natigilan na rin sa pagkain at hinihintay na sabi
DALA NG MALALANG frustration at matinding gulat sa mga narinig ay muling nagwala doon si Nancy na itinutulak na ang ama palayo sa kanya habang malakas na humahagulgol ng iyak. Kamuntikan na nitong mabunot ang karayom na naman ng dextrose na nakabaon sa isa niyang kamay. Hustong dating naman ni Estellita sa silid na kasunod na ang doctor kaya nakita ang tagpong iyon. Tinabig niya palayo si Mr. Conley malapit sa kama ni Nancy na sa mga sandaling iyon ay patuloy pa ‘ring nagwawala habang galit na galit. Niyakap niya si Nancy na nang makita ang ina ay mas lalo pang umatungal ng iyak at kaawa-awa. “Ano ka ba naman Drino? Anong ginagawa mo sa anak natin?!” gamit ang nanlilisik na mga mata ay malakas na sigaw niya. Nilingon na siya ni Mr. Conley.“Wala akong masamang ginagawa—”“Alam mong kakagising lang niya mula sa coma tapos sinasaktan mo agad ang damdamin niya! Ano ba naman Drino? Wala ka bang pakiramdam? Nagbabawi pa ang katawan ng anak mo! Hindi mo ba nakikitang ang hina niya pa?!” p
MALAKAS NA PUMALAHAW ng iyak si Nancy nang hindi sagutin ng kanyang ama ang tanong niya. Ibang-iba na rin ang paraan ng mga tingin nito sa kanya na hindi niya maarok. Tipong parang walang pakialam. Pakiramdam niya ay hindi na siya mahalaga o ang kahit na anong pinagsasabi niya. Gulatang na salit-salitang napatingin naman si Estellita sa kanyang mag-ama. Nakabalatay na ang awa sa anak. Iyon din ang naging dahilan upang lumabas ng silid ang Ginang para tumawag na ng doctor na biglang nataranta sa naging reaction ni Nancy sa pagdating ng ama. Naiwan si Mr. Conley ay Nancy sa loob ng kanyang silid. “Nancy, kalma...” “Kasalanan ng Bethany na iyon kung bakit mas lumala pa ang sakit ko, Daddy!” may diin na sumbong nito ng paninisi na para bang ito ang nagbigay ng sakit sa kanya at dahilan kung bakit siya nakaratay dito. “It’s her fault! Kung hindi siya dito sumugod, kung hindi siya pumunta at nagwawala, hindi naman lalala—” Humigpit pa nang humigpit ang yakap ni Mr. Conley sa manipis niya