BATID NI BETHANY na gusto niya si Gavin, ngunit ayaw niyang maging padalos-dalos na umamin ng nararamdaman. Maaari kasing gusto niya ito bilang pasasalamat lang at pagtanaw ng utang na loob sa ginawa nitong pagtulong sa kanya at pagsagip noong mga panahon na kailangan niya ng masasandalan. Isa pa, hindi rin siya naniniwala na kusang nagustuhan siya ng binata nang walang paliwanag kagaya ng love at first sight na tinatawag ng karamihan. Ang hirap nitong paniwalaan lalo pa at nakita niya kung paano siya nito pagpantasyahan noong unang beses na nagkita sila na walang karga ng alak ang kanilang katawan at isipan. Hindi iyon matatawag na pagmamahal kundi pagnanasa. Paniguradong katawan niya lang ang habol nito kung kaya naman sinasabi nitong gusto siya. Gusto nito ang katawan niya, hindi mismong siya at ang katauhan niya. At saka pinatuloy lang naman siya nito sa kanyang bahay bilang kabayaran sa pagtulong na ginagawa nito at hindi dahil gusto nilang tumira sa iisang bahay dahil mahal nila
SA HABA NG naging litanya ni Gavin ay walang masagot doon si Bethany. Bukod sa hindi niya alam ang dapat na sabihin at reaction, hindi pa rin siya makapaniwala na ang seryoso ni Gavin habang sinasabi iyon. Ang lawak din ng pang-unawa nito kumpara sa iba. Marahil ay dahil sa agwat ng kanilang edad kung kaya ganun ang pagtrato nito sa kanya at mga nagiging problema niya.“Bakit ang bait mo sa akin, Gavin?” “Kailangan pa bang itanong iyan?” balik-tanong nito na bahagyang pinisil ang tungki ng kanyang ilong, hindi pa rin napapawi ang ngiti sa labi niya. “Ilang beses mo pa ba gustong marinig na gusto kita?”Bilang sagot ay niyakap na lang ng dalaga ang beywang nito at sumandal sa katawan ni Gavin. Ibinigay niya dito ang buong lakas niya na walang arteng tinanggap naman at sinalo ng binatang amaze na amaze pa rin sa mukha nito. Mukhang hindi na niya magagawang makawala pa sa pagkagusto niya sa dalaga.“Antok ka na ba?” “Hmm, slight…”Kulang na lang ay mapairit sa kilig ang dalaga nang wal
HAWAK ANG ISANG kamay ay inihatid siya ni Bethany sa may pintuan ng penthouse nang paalis na siya matapos nilang kumain ng agahan. Nang muli siyang halikan ni Gavin sa labi ay walang kiyemeng pinulupot na ng dalaga ang dalawang kamay niya sa leeg nito upang mangunyapit doon ng ilang minuto. Ang aksyong iyon ay mahinang ikinatawa ni Gavin. Sobrang namamangha pa siya sa dalaga.“Mag-iingat ka, Gavin.” “Hmm, salamat…”Bago tuluyang umalis ay isang madiing halik pa ang iniwan ni Gavin sa labi ng dalaga na hindi na maintindihan ang sobrang pamumula ng mukha. Hiyang-hiya na siya sa mga sandaling iyon. Alam niya kasing lihim na pinapanood sila ni Manang Esperanza mula sa malayo at paniguradong at katakot-takot na namang pang-aasar ang aabutin niya dito oras na makaalis na ang binata. Parang gusto na lang niya tuloy magkulong sa silid buong araw upang maiwasan niya ang panunukso ng babae.“Sige na, aalis na talaga ako. Kung pwede lang hindi ako pumasok ngayon para makasama ka ay gagawin ko,
BUMALIK SIYA NG swivel chair, panay ang buntong-hininga na naupo at magaang isinandal ang likod sa backrest noon upang subukang e-relax ang sarili. Ipinikit niya ang mga mata upang makapag-isip ng tama. Nasa balintataw niya pa rin ang mukha ni Bethany. Ngayong wala na ito sa kanyang tabi, parang nais niyang ibalik na lang ang panahon na siya pa ang laman ng puso ng babae. Sa mundo pa niya umiikot ang lahat. Siya pa ang mahal nitong lalaki. Iyong tipong hindi niy Bethany makakayang wala siya sa kanyang tabi. Kung pwede niya lang ibalik ang oras ay gagawin niya.“Kung pwede lang sana…” mahinang usal niya habang nakapikit pa rin ang mga mata.Naistorbo siya ng mahinang katok sa pintuan na ilang sandali pa ay agad na bumukas. Iniluwa noon ang secretary niya na pagdilat ng mga mata niya ay ang problemadong mukha agad nito ang bumungad.“Sir, sorry po sa istorbo pero mayroon po ngayong problema sa isa sa mga shopping mall na binili niyo sa panimula ng taong ito.” anitong nag-aalangan ang ti
BUMALING SA KABILANG direksyon ng kama si Albert. Kinuha niya ang mobile phone at binuksan ang private album doon na tanging siya lang ang makakapagbukas dahil sa naka-lock. May natira pa siyang nag-iisang larawan ni Bethany na hindi niya magawang burahin kahit na ilang beses niyang tinangka. Nangyari ito dalawa o tatlong taon na ang nakakaraan. Hindi niya makalimutan ang gabing iyon kung saan ay nag-overtime siya hanggang hatinggabi. Ilan lamang iyon sa mga gabing late na siyang umuuwi. Palagi siyang ipinaghahanda ni Bethany ng pagkain para pagbalik niya ay kakain na lang siya. Ganun siya nito kamahal kahit pagod ang dalaga sa kanyang trabaho. Nagagawa pa nitong gawin iyon. Nang gabing iyon, kahit na ang tagal niyang umuwi ay hinintay pa rin siya ng dalaga. Nakatulog na lang ito at lahat sa paghihintay ay hindi siya umalis hangga't wala siya. Umuwi man siyang pagod na pagod ng gabing iyon, lumambot ang kanyang puso nang maabutan niya ang nobyang nakatulog na sa paghihintay sa kanya.
SINUBUKAN NI BETHANY na makabalik ng penthouse ni Gavin bago mag-alas-singko ng hapon. Alas-siyete pa naman ang kadalasang uwi ng binata mula sa kanyang trabaho kung kaya naman minabuti ng dalagang magluto na siya ng hapunan nila matapos niyang makapagpahinga ng ilang minuto. Kagaya ng nakasanayan niya, matapos magluto ay nag-shower na siya para mamaya ay hindi na niya gagawin. Dahil good mood ang babae ng araw na iyon ay isinalang niya ang mga pinamili niyang damit sa washing upang labhan nang hindi makati oras na gamitin. Hindi naman siya ignorante sa bagay na iyon. Nang matapos na iyon ay inilagay niya na ito sa hanger matapos na plantsahin. Marami na siyang nagawa at hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Pakanta-kanta pa ng mahina ang dalaga habang inilalagay iyon sa malaking wardrobe ni Gavin. Halos lumuwa na doon ang mga mata ni Bethany nang makita na naman niya ang marami nitong damit na naka-hanger lang doon at hindi pa halos nito nagagamit. Napanguso pa siya nang maal
HINDI NAMAN UMALMA doon si Manang Esperanza, bagkus ay natuwa pa nga ang matanda dahil sa nakikita niyang labis na malasakit sa mga mata ng dalaga sa amo niya. Hindi niya iyon nakikita sa ibang mga babaeng minsan ng dinala doon na halatang pera lang ang habol, kaya naman botong-boto siya kay Bethany na maging kabiyak ni Gavin.“Sige, hija. Ako na ang bahala. Dadamihan ko ang lulutuin na para kay Attorney naman ang iba.”“Maraming salamat po, Manang Esperanza.”Bumalik si Bethany sa silid at kumuha ng dalawang tindig ng damit ni Gavin sa kanyang closet. Nilagyan niya rin iyon ng undergarments gaya ng socks, handkerchiefs at neckties para isama niyang dalhin sa office nito. Kumuha siya ng malinis na bag ng abugado sa lalagyan upang isang bitbitan lang. Sa isip niya ay hindi naman siguro ito magagalit na pinakialaman niya ang mga gamit ng abugado. Nagmamalasakit lang siya sa kanya at saka para rin naman iyon sa binata. Humaplos ang mga daliri niya sa tela ng damit nitong nasa loob ng clo
HUMALAKHAK LANG SI Gavin at hindi pinansin ang pang-aalaska ng kanyang secretary. Kinuha niya ang bag ng breakfast habang halos mapunit ang labi sa malapad na mga ngiti. Napapikit pa siya nang buksan iyon at manuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pagkain. Habang kumakain ay iniisip niya ang imahe ni Bethany na inihahanda ang mga ‘yun para sa kanya. Bigla niya itong na-miss. Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya pwedeng magpadala sa nararamdaman. Kailangan niyang matapos muna ang lahat ng trabaho bago siya umuwi. Hindi niya pwedeng abandonahin iyon. Maiintindihan naman iyon ng dalaga. Bagay na nagbibigay pa sa kanya ng sipag at sigla habang kinakain iyon.“Ano ang lasa ng pagkaing inihanda sa’yo na puno ng pagmamahal, Attorney?” walang anu-ano ay tanong ng secretary niya na kanina pa siya lihim na pinagmamasdan mula sa inu-upuan niyang sofa.“Syempre, masarap. Nakakabusog.” patol sa kanya ni Gavin na patuloy lang sa pagkain, ni hindi nito inalok ang secretary na takam na takam sa
TAHIMIK NA LUMABAS sa kusina si Bethany nang mabawi ang pustora na alam niyang ipinagtataka na ng madrasta, upang tumungo sa kanyang silid at mag-ready na. Naiwan niya sina Victoria at Gavin sa loob ng kusina. Hinugasan ni Gavin ang kanyang kamay at muli pang inayos ang nakatupi niyang manggas ng polo shirt. Komportable pa rin siya kahit na tinititigan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa.“Mama, ibabalik ko rin po dito ang anak niyo bago ang hapunan. Sa weekend po ay iinvite ko kayo sa bahay para pag-usapan ang plano naming kasal kasama ng mga parents ko. Makikipag-communicate na lang ako kung paano.”Hindi na maitago pa ang saya sa mukha ni Victoria nang marinig niya iyon. Halata niya sa mga mata ng kaharap na abogado na desidido na talagang lumagay sila sa tahimik. Hindi na rin naman sila mga bata kaya bakit hahadlangan?“Hindi ka ba nabibigla, hijo? Hindi sa tutol ako. Ayaw mo bang patagalin muna ang relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin ay gusto mo na ba talagang lumagay sa tahimi
BINUHAT NA NI Gavin ang juice at uhaw na uminom doon. Nakalahati niya ang laman nito. Matapos iyon ay ini-angat na niya ang mga mata sa problemado pa ‘ring si Victoria. Naiimbyerna ito sa bumabaha pa nilang kusina dahil sa tubo. “Gaano po ba kalala ang sira, Mama? Pwede ko bang makita? Baka kaya ko ng ayusin.”Nabaling na ang paningin ng tatlo sa binata. Sabay-sabay silang umiling, maging si Benjo at lalong-lalo na si Bethany.“Huwag na Gavin, tinawagan ko naman na ang management. Paniguradong papunta na sila. Mababasa ka. Baha na sa kusina namin.” harang agad ni Bethany sa nais gawin ng nobyo, ayaw niyang pati iyon ay iasa pa nila sa fiance niya.“Baha na? Naku, mas lalong kailangang ayusin na iyon agad.”Tumayo ang abogado at tinungo na ang kusina habang itinutupi ang manggas ng suot niyang polo. Napatayo na rin doon si Bethany at Victoria na may pagkataranta. Makahulugan na lang tumingin si Bethany sa ama habang naiiling. Sinundan na kasi ni Victoria si Gavin patungong kusina na a
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. “Hay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!” bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, “Pinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!”Bago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.“Akala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!” anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. “Sorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.” hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.“Ayos lang naman po, Manang Esperanza…” nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni
ILANG ARAW BAGO matapos ang taong iyon nang magkaroon ng year end banquet ang music center nina Bethany sa hiling na rin ng mga employee at ng mga kasalukuyang investors nito. Si Miss Gen ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangan noon at dadaluhan na lang iyon ng dalaga. Ilan sa mga bisita ay mga kilalang negosyante na pilit kinukuha ni Miss Gen ang atensyon para maging investors ng center. Hindi naman sobrang rangya ng naturang party. Banquet style lang iyon at mayroong oras din hanggang kailan.“Sigurado ka na ayaw mong sumama sa banquet ng music center, Gavin? As my fiancé welcome kang dumalo at makisalamuha. Sumama ka na. Huwag ka ng mahiya. Hindi rin naman matagal iyon.”Pang-ilang aya na iyon ni Bethany sa nobyo. Syempre proud siya na i-display ang binata bilang fiancé niya at iyabang sa mga naroroon kung sasama ito. Hindi na lang kasi basta boyfriend niya ang abogado, soon to be husband niya na rin ito. Sino bang babae ang hindi mapa-proud doon? Nabingwit niya ang binata.“Hind
HALOS MAPABUNGHALIT NA ng tawa si Gavin nang muli niyang ilingon ang mukha sa may passenger seat ng kanyang sasakyan. Sa mga tingin ni Bethany ay animo papatayin na siya nito o lalamunin nang buo. Puno iyon ng pagbabanta na panay ang irap sa kanya. Nakahalukipkip pa ang dalaga upang ipakita na hindi siya natutuwa. Naiipit kasi sila ngayon sa matinding traffic na lingid sa kaalaman nila ay may aksidente sa bandang unahan kung kaya naman usad pagong sila. “Wala na, nilamon na ng malalaking bituka ko iyong maliliit. Gutom na gutom na ako!”“Thanie? Patience please? Wala namang may gusto na maipit tayo sa traffic—”“Bakit hindi mo sinabi sa aking malayo pala? Sana naghanap na lang ako ng ibang resto na mas malapit!” reklamo nitong parang kasalanan ni Gavin ang mga nangyari, “Sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ha?”“Baby, anong sinadya?” gagap niya sa isang kamay ng dalaga ngunit matigas ito at ayaw ipahawak iyon sa kanya, “Hindi mo kasi ako pintapos na magsalita kanina. Hinila mo ako
NAGPALINGA-LINGA SA PALIGID nila si Gavin na may nahihiyang mukha habang panay ang abot ng yakap niyang tisyu sa nobya na nakaupo pa rin. Tipong wala pa itong planong tumayo mula sa kanilang kinauupuan kahit na nag-aalisan na ang mga kasabayan nilang nanood ng movie. Tapos na ang palabas, at base sa reaction ng ng dalaga ay sobra itong na-touch sa naging ending ng movie. Naiintindihan naman ni Gavin iyon dahil hindi lang naman ito ang umiyak, marami sa mga nanood pero naka-move on naman agad. Ang hindi niya maintindihan ay ang nobya na sobrang affected pa rin na animo siya iyong bida. Isa pa, happy ending naman iyon kaya walang nakakaiyak para sa kanya. Isa pa ito sa hindi niya maintindihan.“Thanie, ano bang nakakaiyak? Happy ending naman siya di ba? They live happily ever after pagkatapos ng mga pinagdaanan.”maamo ang tinig na tanong ni Gavin na bahagyang hinagod ang likod nito.Nag-angat na ng mukha niya si Bethany. Napilitan si Gavin na tulungan ito sa baha ng mga luha sa kanyang