NAGLUTO SI BETHANY ng apat na putahe ng ulam at ang isa doon ay may sabaw na sopas. Sa amoy pa lang nito ay napakasarap na. Mayroong isang putahe na maanghang ng malalaking mga alimango na ginataan kung saan ay bihasa at sanay si Bethany. Iyon ang kanyang specialty at lahat ng mga nakakain nito ay nagsasabi na walang kasingsarap iyon. Matapos na ihain sa mesa ay tinawag na niya si Gavin matapos na sulyapan ito sa sala. Nanonood pa rin ito.“Gavin? Hindi mo ba ako narinig?” muling ulit ni Bethany nang walang sagot na makuha dito.Dalawang beses pa siyang tinawag ni Bethany bago siya tamad na umahon sa pagkakaupo. Narinig naman ni Gavin ang dalaga, wala lang gusto niya lang talagang maging pabebe dito lalo na at hindi niya maiwasang magselos nang mabasa niya ang ilang sweet na message na palitan ng dalawa noong sila pa. Mali man, walang magawa si Gavin sa nararamdaman niya. Blangko ang mukha ng binata na nang makita ng dalaga ay agad na niyang nahulaan na masama na naman yata ang pakira
“Hmp, anong akala niya siya lang ang may karapatang mang-asar at magtampo? Anong akala niya? Hindi ko rin kayang gawin iyon?” habang lulan ng elevator paakyat ng penthouse ay wika ni Bethany sa sarili, nagawa na niyang ibigay ang pagkain sa mga stray animals. Ini-imagine na niya ang hitsura ng abogado oras na gantihan niya ito. “Kaya ko rin iyon! Makikita niya. Ipaparamdam ko rin ang pinaparanas niya.”Pagbalik ng dalaga sa penthouse ay hindi niya nga pinansin si Gavin kahit na magkanda-bali ang leeg nito kakatingin sa kanya. Dire-diretso siyang pumasok ng kwarto at muli siyang nag-half bath hindi pa man gaanong natutuyo ang kanyang buhok na binasa kanina. Naamoy niya kasi ang sariling pawis na medyo maasim agad. Matapos noon ay tumambay siya sa may lababo ng banyo upang asikasuhin ang skin care routine niya sa bagong products na kanyang susubukang gamitin. Products na mukhang mamahalin. Bagong kilala pa man nila ng abugado ay hindi naging pangit ang pakikitungo ni Gavin sa kanya. Bin
HINDI NA NAG-ABALANG magtanong si Bethany gaya ng bibisitahin ba siya nito sa ibang bansa oras na naroon na siya? Alam niyang imposibleng gagawin iyon ng abugado. Sino naman siya para pag-aksayahan nito ng oras. Paniguradong oras na maipadala na siya nito sa ibang bansa, iyon na ang katapusan ng lahat sa kanila. Paniguradong puputulin na rin nito ang lahat ng paraan ng kanilang communication. Kung ito ang isa sa kanyang tuntunin sa laro nilang dalawa, nakahandang sumunod si Bethany dito. Hindi naman siya taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob.“Hindi pa naman agad-agad, bibilang pa iyon ng buwan o maaaring taon. Depende. Kaya huwag ka na munang maging excited na makaalis sa puder ko. Dito na muna…”Marahil dahil mabait at masunurin si Bethany, kung kaya maganda ang mood ni Gavin. Hinagod niya paikot sa maliit na beywang ng dalaga ang isa niyang palad. Muli pang nasindihan ang init na namamagitan sa kanilang mga katawan.“Now tell me, baby. Bakit kakaiba ang bango mo ngayon? Pin
HINDI NAGALIT SI Gavin kahit pa parang tanga siyang naiwan sa loob ng banyo ni Bethany nang patakbo itong patalilis na umalis upang kausapin ang kaibigan niya. Bahagya siyang ngumiti habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa dalagang dumapa na sa ibabaw ng kama at humarap sa kabialng dereksyon. After ng ilang minuto pa saka tahimik na pumasok ang abugado sa silid para kumuha ng damit at maligo na rin. Sinulyapan lang siya ni Bethany habang ang isipan ay nasa kanyang kausap pa rin. Gayunpaman ay pinanood niyang kumuha ng damit si Gavin at pulutin nito ang kanyang roba. Sumunod pa ang mapanuri niyang mga mata sa binata hanggang makapasok na muli ito sa loob ng banyo. Saka pa lang siya bumalik sa kanyang tamang sarili nang isara na ni Gavin ang pintuan ng banyo. Ayaw na ni Bethany na pag-usapan nila ngayon ni Rina si Albert kung kaya naman minabuti niyang baguhin na lang ang kanilang topic.“Ano pa ang ibang nais mong sabihin sa akin, Rina? Hindi ba ang sabi mo ay may iba ka pang iku-k
WALANG PAKUNDANGAN NA niyakap ni Bethany ang leeg ni Gavin gamit ang kanyang dalawang braso at hinila ang ulo nito palapit sa kanyang mukha. Punong-puno ng halo-halong emosyon ang kanyang mukha. Halos maduling na siya sa lapit ng mukha nito ay hindi niya magawang putulin ang malagkit nilang titigan. Ibang-iba ang pakiramdam ng dalaga ngayon habang nakatitig pa rin sa mukha ng binata. Kumpara sa dati niyang karelasyong si Albert, parang mas makabog ang dagundong niya ng puso kay Gavin.“Kung sa’yo lang ako, ibig bang sabihin noon ay sa akin ka lang din?” matalinhagang tanong ng dalaga, ngumiti pa ito habang hinihintay ang magiging sagot ng binata sa kanya.Sa halip na sumagot ay binigyan lang siya ni Gavin ng ilang segundong halik sa labi na agad din niyang tinanggal nang maramdaman na kakapusin na sila pareho ng hininga.“Ano sa tingin mo, Thanie?” malambing nitong sagot na muling idinikit ang nag-iinit na labi sa bahagyang nakabuka niyang bibig. “Natural na iyon. Pag-aari na natin an
NANATILI ANG MGA mata ni Bethany sa screen ng cellphone ni Rina. Hindi niya mapigilang magngalit ang kanyang mga ngipin. Kung kaharap niya lang sa mga sandaling iyon ang babae ay paniguradong nakatikim na ito sa kanya. Bagay ganitong hindi komportable ang pakiramdam niya tapos dadagdagan pa ng impaktang iyon? Hindi mawala ang gumagapang na galit niya sa puso para kay Audrey. Huwag lang itong magpapakita sa kanya at paniguradong magkakabangga sila. Hindi siya magpapadaig sa babaeng ito matapos nitong sirain ang reputasyon niya. Ang akala pa naman niya ay tapos na sila nito tutal nasira na nito ang kanyang pangalan sa pinagtra-trabahuhan. Hindi ito nakalagpas sa paningin ng kaibigang si Rina. Kinuha ni Rina ang isang kamay ni Bethany at marahan na niyang tinapik-tapik iyon. “Nag-iisip na ako ng paraan para ma-delete ‘yung post ng mga iyon. Huwag kang mag-alala. Ano kaya at pagtatanggalin ko sila sa GC? Ano sa tingin mo? At least mabura natin sila doon?”Mahina ng natawa si Bethany sa n
NGUMITI LANG NG mapait doon si Bethany. Wala siyang pakialam sa mga nasa paligid niya. Ang inaalala niya rin ay kung paano siya haharap kay Gavin gayong may nangyari sa kanila? Hindi niya alam kung anong approach ang gagawin sa binata. Iniisip pa lang niya na tutuksuhin siya nitong walang ay nae-stress na siya agad. Paano siya magiging nasa mood noon kung baha ang mga iniisip niyang mga bagay na kagaya nito ngayon? Ilang beses lang siyang umiling doon.“Tigilan mo nga ako, Rina. Akala ko ba tumigil ka ng manigarilyo? Eh ano iyan?”“Kapag may mga iniisip lang naman ako—”“Hindi ka pa rin tumigil kaya huwag mong sabihin sa akin na totally tumigil ka na roon.” Walang naging sagot doon si Rina. Tinanggap na ni Bethany ang wine glass at sinimulang inumin. Sa sobrang takot ni Rina na malasing si Bethany ay hinablot niya rin ang wine glass nito na nakalahati na agad ang laman. Iyong tipong problemadong-problemado ang kaibigan.“Oh, dahan-dahan lang. Ano bang problema? Madali lang naman bigy
ILANG BESES PA na sinulyapan ni Rina ang kaibigang si Bethany na sa mga sandaling iyon ay nakasubsob pa rin sa kanyang braso at kasalukuyang mahimbing na natutulog pa rin. Iyong tipong kahit na anong lakas ng ingay sa buong paligid ay hindi nito magawang magising ang dalagang nasa dreamland na. Bagkus ay lalo pa itong nahimbing na parang ang maingay na paligid na tila ba parang normal na iyon sa kanyang pandinig. Marahan niyang hinagod ang dibdib dahil sa sobrang kalabog noon. Idagdag pa ang nanunuyo na niyang lalamunan. Pinaliit niya ang boses nang sagutin na niya ang tawag ng abugadong kanina pa kunot na kunot ang noo nang dahil sa tagal sumagot ng dalagang wala sa bahay niya sa pag-uwi niya galing work. “Nasaan ka? Bakit wala ka sa bahay? Bakit hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka pala?” sunod-sunod na tanong ni Gavin na halos hindi na humihinga habang nagtatanong sa kanya.Napatakip pa sa kanyang nakabukang bibig si Rina nang marinig na ang boses ni Gavin mula sa kabilang liny
TINUNGO NI BRIEL Briel ang marangyang sofa na nasa sala ng villa. Pagod ang katawang naupo na siya doon. Iginala niya pa ang paningin sa kabuohan ng kanilang tanggapan na naghuhumiyaw ng karangyaan. May mga painting sa wall noon. Family portrait ng kanilang pamilya. Pakiramdam ni Briel, hindi na sanay ang kanyang mga mata sa ganun kagandang mga bagay. Sa loob lang ng dalawang taon, nasanay na siyang maging kabilang ng low class. Mahina siyang natawa para sa kanyang sarili. Naisip na ngayong nakabalik na siya, makakaya niya pa kayang mabalik ang dating siya kahit nariyan na si Brian? Hindi niya sigurado. Parang ang hirap na ibalik ng dating siya. Paniguradong suportado naman siya ng kanyang kapatid at mga magulang, pero para sa kanya si Brian pa rin ang top priority niya in case na mag-resume sila sa kinagisnan niyang buhay noon. Pakiramdam niya pwede pa naman iyon, kaso nga lang ay parang mahirap na.“Ang weird na ng mindset ko na dati make up, physical appearance, nail arts, weekly d
HUMAPDI NA NAMAN ang mga mata ni Briel sa sinabing iyon ng kapatid. Oo na, mali na talaga ang desisyon niya at ang kapatid niya ang nagpa-realize noon. Ilang saglit na tumigil si Gavin sa may pintuan ng kotse upang lingunin lang ang tahimik at nahihikbi na namang si Briel. Tinitingnan niya ang magiging reaction sa kanyang sinabi ng kapatid.“Pamilya palagi ang unang tutulong sa’yo, Briel. Hindi man iyon ma-apply sa ibang pamilya pero sa pamilya natin, ganun tayo. Di ba? Hindi mo nga kami iniwan ni Thanie noong nalulugmok kami, tapos sa ganito mong problema tatalikuran ka namin? Ano ba ang Kuya mo? Nakalimutan mo rin?”Hindi pa rin nagsalita si Briel dahil baka kapag binuka niya ang bibig niya, sumabay na naman ang kanyang mga luha pababa. Bagay na ayaw niyang mangyari. Bago tuluyang makasakay ng sasakyan ay nagising si Brian at agad na dumapo ang mga mata nito sa mukha ni Gavin. Nanlaki ang mga mata ng bata na bahagyang natakot sa bagong mukha ng may karga sa kanya. Ganunpaman ay hind
HINUBAD NA NI Gavin ang kanyang suot na coat at wala ng ano pa mang tanong na lumabas sa kanyang bibig. Tahimik na muli siyang pumasok sa loob ng apartment na ikinadilat na ng mga mata ni Briel. Ilang segundo ang lumipas bago matauhan ang babae at napatanong kung ano ang gagawin sa loob ng kanyang kapatid. Base sa action nito at reaction, nataranta na si Briel doon. Hinabol niya ito at tama nga ang hinala niyang ang anak niya ang pakay ng kapatid. Nadatnan niya kasing nakabalot na si Brian sa coat nitong hinubad at yakap na rin niya ito sa kanyang bisig. Gustong magsisigaw ni Briel pero kapag ginawa niya iyon, magigising niya ang bata.. “Anong ginagawa mo, Kuya Gav!” sigaw niya pero pigil na pigil ang kanyang boses at sa tingin niya lang pinapakita na galit siya para hindi magulat ang anak. “Ibalik mo siya sa kama, baka magising siya!”Hindi pa si Briel nakuntento doon nang makitang parang walang narinig ang kapatid niya. Hinawakan niya ito sa braso upang magmakaawa lang dito na ibab
“Hindi mo ako mauuto, Gabriella. Oras na pumayag ako at iwan kita dito ngayon, malamang pagbalik ko dito ay lumayas ka na. Saan na naman kita hahanapin noon? Hindi mo alam na sa dami ng problema ko, nitong mga nakaraan na sinabayan mo pa talaga—”“Kaya nga sinasabihan kita na huwag ng makialam sa problema ko di ba? Kayo lang naman ng asawa mo ang mahilig pakialaman ang buhay ko. Tahimik na ako dito eh. Huwag niyo ng guluhin. Ayos lang ako. Hindi mo ba maintindihan na ayos lang ako?!”Bago pa makasagot si Gavin ay narinig na nila ang malakas na iyak ni Brian. Sabay silang napatinging dalawa sa kwarto na para bang nakalimutan nilang may bata silang kasama at tulog dahil sa lakas at wagas na mga sigawan nilang magkapatid. Walang pagpipilian ay mabilis ng lumapit si Briel sa kama na nasa loob ng maliit na silid na kurtina lang ang sara ng pinto. Walang sariling dahon ng pintuan iyon na lalong ikinalaki ng mga mata ni Gavin. Sinundan siya doon ni Gavin. Natagpuan na lang nito na tinatapik
HINDI LANG SA puso niya tumatagos ang mga sinabi ng kanyang Kuya Gav lalo na at usapan iyon tungkol sa kanilang mga anak. Marahil nga ay duwag siya at makasarili siya sa paningin ng ibang taong nakakakita sa kanya, pero mahal niya ang anak. Kung gaano kamahal ng kanyang Kuya ang anak nitong si Gabe, ganundin ang katumbas na pagmamahal niya para kay Brian. Magkaiba lang sila ng paraan na pinaparanas na pagmamahal sa kani-kanilang mga supling. Iniisip lang din naman niya ang kapakanan nito sa hinaharap dahil alam niya sa sarili niya na siya lang din naman ang mag-isang magtataguyod dito. Walang katuwang.Mali bang pangarapin niya ang simpleng buhay? Malayo sa gulo. Malayo sa lahat. Hindi naman siguro kalabisan kung ganun ang piliin niyang buhay nila.“Ano bang mali na narito kami? Hindi porket lumaki ako sa mayamang pamilya ay dapat na ganundin siya Kuya Gav. Ang mahalaga ay hindi ko naman—”“Makasarili ka kung ganun! Makasarili ang mindset mo! Bilang magulang hindi dapat ganyan Gabrie
PUNO NG AWANG humagod na ang mga mata ni Gavin sa nakatayo sa harapan niyang bulto ng kapatid na si Briel. Namutla pa doon ang babae na sa mga sandaling iyon ay alam niyang wala na siyang ligtas. Kung tatakbo siya o makikipagtitigan sa kapatid. Hindi niya malaman alinman sa dalawa. Ang tanging sigurado siya ay kailangan niyang magpaliwanag. Kung madaling kausap ang hipag niyang si Bethany, mahirap makipag-deal sa kapatid niyang dating abogado. Kahit alam niyang mahal na mahal siya nito at lahat ng gusto niya ay binibigay nito, iba iyong ngayon. Ang isipin iyon ay lalo para na doong itinulos ang babae lalo pa nang suyurin na ng nag-iisang kapatid niya ang hitsurang mayroon siya ngayon na base sa reaction ni Gavin ay alam ni Briel na hindi ito gusto ng kanyang kapatid. Ilang beses na ibinuka ni Briel ang kanyang bibig ngunit sa huli ay hindi niya magawang makapagsalita. Dumaan kasi sa mga mata ni Gavin ang pinaghalong sakit at awa na hindi nakaligtas sa mga mata ni Briel. Makailang bes
NAPAHILOT NA SA kanyang sentido si Gavin matapos na umigting ang kanyang panga.“Sino ang ama ng anak niya? Nakita mo? Babaliin ko talaga ang lahat ng buto ng lalaking iyon na hindi kayang pauwiin ang kapatid ko para panagutan. Tarantado siya! Dalawang taon? Tapos hindi niya nagawang makumbinsi si Briel na magpakita?!” “Hindi ko rin alam. Hindi niya sinabi. Wala kaming nakita doon. Sila lang mag-ina ang nakita namin.” “Iyang kalandian niya! Hindi muna siya nagpakasal bago nag-anak! Talagang magagalit kami! Saka baka mas malala pa sa ex-boyfriend niyong dalawa ang nakuha niya? Dapat pinakilatis niya muna sa amin! Basta na lang siyang bumigay? Oo, liberated siya at halos lumaki sa bansang hindi conservative pero hindi iyon sapat na dahilan para magtago!” Marahas na ginulo na niya ang ulo. Lalo pang naging desidido na malaman ang address ng kapatid niya.“Tingnan mo na. Ngayon pa lang highblood ka na. Paano kapag kaharap mo na siya? Mag-aalboroto ka? Walang kinalaman ang bata sa gulo,
LUMABAS NA MULI si Bethany ng kusina upang sunduin ang kanyang mag-ama. Kinabahan na siya nang makita niyang parang may seryoso silang pinag-uusapan ng kanilang anak. Na-conscious na siya doon dahil sa paninitig na binibigay ng asawa sa kanya ngayon, paniguradong nag-aakusa iyon ng kung ano na hindi niya magawang isatinig. Naiilang na si Bethany. Mukhang may mali. Parang nagsumbong na yata sa ama ang anak kahit na malinaw ang kanilang usapang mag-ina na hindi dapat makarating sa ama niya ang tungkol kay Briel.“Tara na sa kusina nang makakain na tayo ng hapunan.” anyaya ni Bethany sa mag-ama, hindi na gusto ang binibigay na tingin ng kanyang asawa sa kanya. Napakamot siya ng ulo, mukhang may sinumbong na nga ang anak niya sa kay Gavin. “Nakahain na…” dugtong niyang pilit hinagilap ang mata ng anak na biglang naging mailap sa kanya.Hindi nga doon nagkamali si Bethany dahil nang makatulog na ang anak, nagtanong na ang asawa.“Thanie, totoo ba ang sinasabi ng anak mong umiyak ka daw kan
MUNTIK NG MAKALIMUTAN ng dalawa ang tungkol sa mga batang kasama na parehong nakatingin sa kanilang banda dahil sa pag-iyak. Problemado ang mukha ni Gabe na namumula na rin ang mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakatayo na ito at nakababa sa sofa na inuupuan niya kanina.“Gabe, hindi kami nag-aaway ng Tita Briel. Happy lang kami na muling nagkita. Okay? Happy kami.”“Pero umiiyak kayo ni Tita Briel, Mommy. Lumuluha. Happy pa rin po ba kapag umiiyak?”Sabay silang nagpunas ng luha habang natatawa sa tanong ni Gabe. Bumalik si Bethany sa sofa at kinarga na ang anak. Hinaplos naman sa ulo ang anak ni Briel na ilang sandali pa ay nilapitan na rin ng kanyang ina upang kargahin na rin. Sa bandang huli ay hindi pa rin si Briel nakumbinsi ng hipag na sumama sa kanilang mag-ina pauwi ng villa. Pinanindigan ni Briel na hindi sila sasama sa kanila.“Pangako, hindi ko sasabihin sa Kuya mo na nakita kita. Kayong mag-ina dito. Pero ibigay mo sa akin ang phone number mo para kapag nagaw