Lahat ng Kabanata ng The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Kabanata 71 - Kabanata 80

397 Kabanata

Chapter 37.2

LIHIM NA NAIKUYOM ni Bethany ang kanyang mga kamao, isang salita pa ng lalakeng kaharap niya at parang gusto niya na itong bigwasan. Tuluyan na talagang nawalan ito ng modo. Hindi naman ganun ang trato ng lalake sa kanyang madrasta lalo na noong sila pa. Sobrang galang nito to the point na parang siya pa ang tunay nilang anak kumpara sa kanya. Nagbago lang iyon noong nahalata ng Ginang na panay na ang hingi sa kanya ng pera. Iyong iba pa nga doon ay nagawa niyang ilihim sa sarili niyang pamilya upang hindi maging masaya si Albert sa paningin nila.“Sabihin mo lang sa akin kung mayroon kang kailangan. Gaya ng ating usapan, handa kong ibigay ang lahat. Hintayin mo akong gumaling para mapag-isipan ko kung iaatras ko ba ang kasong nakahain sa iyong ama.”Dumukwang si Albert at mabilis na hahalikan sana sa labi si Bethany ngunit mabilis ang ginawa niyang pag-iwas kaya naman tumama iyon sa kanyang kaliwang pisngi. Asar man sa ginawa ni Bethany ay hindi na iyon pinalaki pa ni Albert na narar
Magbasa pa

Chapter 38.1

NANG MAKITA NI Albert na naniwala sa kanya agad ang bobitang kasintahan niyang si Briel ay hindi mapigilang gumaan at maging masaya ang mood ng lalake. Kung naging uto-uto noon si Bethany, mas doble ang pagiging uto-uto ng fiance niya ngayon. Mapurol ang utak nito na kahit anong sabihin niya ay agad na sinusunod at pinapaniwalaan. Sumandal si Albert sa headboard ng kama habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Briel. Nasisiyahan siya sa pag-aalala at pag-aalaga ng nobya, pinapakain siya nito at panaka-nakang inaabutan ng tubig at ibinibigay ang lahat ng mga pangangailangan niya. Sobrang alagang-alaga siya ng kasintahan na animo siya ang mundo nito. Ganunpaman, hindi niya pa rin magawang iwaglit sa isipan ang mukha ng dating kasintahang si Bethany. Ayaw nitong lisanin ang malaking bahagi ng isipan niya kahit pa pilitin niyang palitan na iyon ni Briel.“Babe, matulog ka na kaya muna para naman mabilis kang gumaling?” mungkahi at hiling ni Briel na naupo pa sa gilid ng kamang hinihig
Magbasa pa

Chapter 38.2

LIHIM NA BAHAGYANG nagdilim ang mga mata ni Albert nang narinig ang sinabi ng nobya at marinig ang pangalan nito. Hindi iyon napansin ni Briel dahil niyakap na siya ng lalake bago pa mag-react ng ganun. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagdesisyon si Briel na umalis na rin ng hospital. Gusto niya pa sanang manatili kaya lang ay hindi pwede. Nag-aatubili siyang iwan ang nobyo pero alam niya na hindi gusto ni Albert ang pagiging masyadong clingy niya sa nobyo at sobra ang kapit.“Kung sakaling may kailangan ka ay mag-text ka lang sa akin o ‘di kaya’y tawagan mo ako. Huwag kang mahihiya, Babe. Okay?” paalam ni Briel sa nobyong hindi naman siya pinigilan na umalis.“Hmmn, sige mag-ingat ka pauwi.”Matapos ng mabilis na halik sa labi at ilang minutong yakap ay tuluyan ng lumabas ng silid ang babae sa kanyang silid. Pagkapasok ni Briel sa itim na sasakyan ay hindi mapigilan niyang tawagan ang kapatid dahil hindi siya mapalagay. Wala lang. Hindi siya naniniwala na aksidente ang nangyari sa noby
Magbasa pa

Chapter 39.1

ILANG MINUTONG NAPAKURAP ng kanyang mga mata ang secretary ni Gavin sa hindi na maipaliwanag ang pagkatarantang reaction ng kanyang amo. Iba at malakas ang kutob niya sa hindi mapalagay nitong hitsura. Bagamat marami siyang gustong sabihin at itanong ay hindi na siya nangahas pa na magsabi ng kahit na ano dahil baka barahin lang siya nito. Mukhang kakaiba pa naman ang mode nito ngayon na kung sinong hahara-hara ay hindi nito ‘yun sa-santuhin. Nakipagtitigan din sa kanya si Gavin na napansin ang makahulugang kakaibang paninitig ng secretary at syempre ito ang natalo.“Ano pang hinihintay mo?” may diin na utos ng abogado sa kanya na may paggalaw pa ng kanyang mga kamay nang hindi inaalis ang matalim niyang mga mata, hindi sinasadyang dito niya nabubunton ang init ng ulo. “Gumalaw ka na at anong oras na! Alalahanin mong kailangang makauwi ka na rin agad.”“Ah, o-opo Attorney Dankworth. Aalis na po ako!” nagkukumahog na tugon ng secretary na natataranta na kung alin ang unang gagawin niya
Magbasa pa

Chapter 39.2

TAMAD NA TAMAD na gumalaw din ang dalaga sa araw na iyon. Sobrang low ng energy niya kahit na pilitin ang sarili ay wala talaga. Animo ay naubos ito sa mga nangyari. Maging ang pag-charge ng kanyang cellphone na bigla na lang namatay ay kinatatamaran niya kung kaya naman nanatili iyong unreachable nang mawalan ng battery. Hanggang sumapit ang panibagong gabi ay nanatili pa rin si Bethany sa kakahilata lang niya sa kama. Ikinatwiran na lang niyang naka-leave siya sa trabaho nang tanungin ng kanyang madrasta kung bakit hindi siya umaalis ng kanilang bahay upang pumasok sa kanyang trabaho.“Nagpalaam po ako sa trabahong hindi muna papasok, Tita.”Hindi na nagkomento ang Ginang. Habang kumakain sila ng hapunan ay maamong nagpaalam si Bethany na aalis saglit sa gabing iyon. Bago lumabas ng silid bago kumain ay chinarge niya na ang cellphone pero hindi ito binuhay.“May pupuntahan nga po pala ako mamaya, Tita. Kailangan ko lang siyang i-meet. Ipinakilala ako ni Rina sa kanya. Ang sabi niya
Magbasa pa

Chapter 40.1

HINDI NAGBIGAY NG kahit anong komento si Bethany kahit pa tumayo na si Albert, ibinaba nito ang hawak na baso ng kanyang alak upang salubungin ang pagdating ng dalaga. Nahawi na ang galit na nakarehistro sa kanyang mukha sa haba ng kaniyang paghihintay kanina dahil ang buong akala niya ay niloko lang siya ni Bethany at pinaasa upang mabilis na makaalis sa lugar. Kung hindi ito darating ngayon kahit lagpas na sa oras ay paniguradong magwawala na ang lalaki. Ngunit ano pa bang aalalahanin niya? Wala na. Nasa harapan na niya ang babaeng hinihintay na dumating.“Na-traffic ka ba papunta dito?” malambing na tanong niyang pilit na pina-sweet ang itsura kagaya ng dati, noong may relasyon pa silang dalawa ng dalaga. “Pasensya na kung napagtaasan kita ng boses kanina. Ikaw naman kasi, Bethany, na-late ka…”Lumambing pa ang boses ng lalaki na ikinakilabot ni Bethany. Kung noon ay kilig na kilig siya sa mga paganito ni Albert, ngayon ay hindi na. Naninindig na ang balahibo niya sa tuwing magigin
Magbasa pa

Chapter 40.2

MAPANG-AKIT NA INILAPIT ni Albert ang kanyang mukha kay Bethany na sa mga sandaling iyon ay nagtitimping huwag pumalag at mag-walk out sa harapan ng lalaki. Ayaw niyang hawakan siya ni Albert dahil isipin pa lang na ang parehong kamay nito ay ginamit na panghaplos sa ibang babae ay nandidiri na at kumukulo na agad ang dugo niya. Para itong may virus na ayaw niyang mahawahan siya at dumikit sa balat niya. “Albert, ang dami mo pang sinasabi. Bakit hindi natin pag-usapan na ang mga tuntunin sa kasunduan natin? Huwag mo ng patagalin. Mainipin pa naman ako.” “Ah, oo nga pala. Sige, manatili ka rito ngayong gabi at iisa-isahin natin iyon.”Namula ang mga mata ni Bethany sa sobrang inis. Pilit niyang kinalamaya na mapabuga ng apoy. Kailangan niyang magtimpi. Kailangan niyang patuloy kumalma.“Hindi pwede ang gusto mo Albert. Kailangan kong umuwi ngayong gabi. Walang kasama si Tita sa bahay. At isa pa, hanggat hindi mo ibinibigay ang gusto ko ay hindi ko pa rin susundin ang iuutos mo. Ibig
Magbasa pa

Chapter 41.1

NAMAMANHID ANG BUONG katawan na patuloy na inihakbang ni Bethany ang mga paa palabas ng bakuran ng villa ni Albert. Gusto na niyang makaalis sa tanaw ng paningin ng lalaki. Hindi niya alintana ang buhos ng lumalakas pang ulan na parang dinadamayan siya ng mga sandaling iyon. Nakadagdag pa iyon upang makaramdam ng pag-iisa at kalungkutan ang dalaga. Kung kanina ay ambon-ambon lang iyon, ngayon naman ay totoo na at mas lumaki pa ang mga butil na bumabagsak. Kumikinang ang bawat patak nito sa kalsadang unti-unting nababasa sa tulong ng mga street lights na nagkalat sa tahimik na mahabang na kalye na walang katao-tao. Maingay na humahalik ang suot na high heels ng dalaga sa malamig na kalsada sa patuloy na paglayo niya sa villa. Kuyom ang mga kamao upang huwag sumambulat ang emosyon niyang kanina niya pa tinitimping mag-umalpas sa kanya. Ilang minuto na siyang naglalakad upang humanap ng masasakyan pauwi ng bahay. Nang ilang segundong tumigil ay naramdaman na ng kanyang mga paa ang masa
Magbasa pa

Chapter 41.2

MATAPOS NA MAPAKURAP-KURAP ni Bethany upang siguraduhin niyang hindi lang siya namamalikmata at guni-guni ang imahe ng lalakeng kaharap niya ay bumaba ang tingin niya sa isang palad ni Gavin na inilahad nito sa kanya. Hindi siya gumalaw, nanigas na ang buong katawan niya nang mapagtantong hindi lang dahil sa malikot niyang imahinasyon ang nakikita niya. Hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata. Totoong nasa harapan niya si Gavin. Sa mga sandaling iyon ay gustong itapon ng dalaga ang katawan sa lalaki at magsumbong, ihinga ang lahat ng hinanakit niya at sama ng loob na kinikimkim niya ngunit hindi niya iyon magawa. Naburo pa ang mga mata niya sa kamay nitong nakalahad pa rin na basa na ng ulan.“Poor little thing...” mahinang bulong ni Gavin sabay iling nang mariin habang nakatingin pa rin sa ang malungkot na mga mata nitong puno na ngayon ng awa.Nang hindi pa rin gumalaw si Bethany na ay marahan ng yumukod si Gavin. Ipinahawak ng binata ang tangkay ng payong sa isang kamay ni Bethany
Magbasa pa

Chapter 42.1

NANGILABOT ANG BUONG kalamnan ni Bethany nang dahil sa madiin at pailalim na paninitig na ibinibigay ni Gavin sa kanya ng mga sandaling iyon. Malagkit na humahagod ang mga mata nito mula sa kanyang ulo pababa ng mga paa na nakakailang na kay Bethany dahil pakiramdam niya ay hubad siya kahit na may suot naman siyang malaking damit nito. Sa halip na mag-reklamo ay ikinapula pa ‘yun ng magkabilang pisngi ni Bethany. Naisip niya kasi ang pinagsaluhan nilang manit na halik kanina habang nasa gitna ng ulan. Hindi niya alam kung patuloy na ba siya ditong nahuhulog o nararamdaman niya lang iyon dahil pakiramdam niya ay mahalaga siya dahil palaging nariyan si Gavin para sa kanya anumang oras na nasa panganib siya at kailangan niya ng tulong. At isa pa, kahit na gumanti siya ng halik hindi dapat ganito ang mga tingin niya. Alam naman ng binatang maiilang siya eh. Oo na, mukha na siyang puno ng kawayang nilagyan ng damit dahil ang laki ng damit nito sa kanya pero para sa kanya ay nakakabastos an
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
40
DMCA.com Protection Status