All Chapters of The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Chapter 61 - Chapter 70

396 Chapters

Chapter 32.2

MAHINA PANG PAULIT-ULIT na napamura si Rina na panay ikot sa ere ang mga mata. Bakas pa rin ang matinding galit sa kanyang mukha na animo ay siya ang inapi ng babaeng labis na kinakainisan ng kaibigan niya.“Naku, malamang kayo pa ni Albert noon kinakalantari na niyan ang boyfriend mo dahil ang akala niya mayaman ang gagong mahirap pa noon sa daga. Jusko, hindi na nahiya ang gaga sa balat niya!” sagad pa rin sa buto ang galit ni Rina sa babae na parang siya ang nakaranas dito ng panloloko, “Hindi ko lang nabanggit sa’yo pero ilang beses daw silang nakita ng asawa ko na lumabas ng hotel noon. Anong gagawin nila sa hotel aber? Maglalaro ng jack en poy? Hindi ko na lang sinabi sa’yo dahil wala naman kaming ebidensya. Eh, that time sobrang mahal mo siya at bulag na bulag ka sa pagmamahal mo sa kanya. Mamaya niyan ako pa ang awayin mo dahil iniisip mong sinisiraan ko ang boyfriend mo.” “Hayaan mo na. Magiging masaya na siguro siya ngayong nakuha na niya ang gusto. Isaksak niya sa baga ni
Read more

Chapter 33.1

ILANG SANDALI PA ang hinintay ni Bethany para kumalma ang kaibigan niyang sobrang gigil na gigil pa rin ang awra sa ex-boyfriend niya. Sa reaction nito ay parang siya ang niloko at ginawan ng masama. Laking pasalamat niya na may kaibigan siyang ganito. Muli silang naupo upang ipagpatuloy ang naudlot na pagkain. Galit din naman siya, sobrang nanggigigil nga siya pero pinapairal na lang niya ang pagiging professional at mabuting tao. Hindi siya pwedeng maging padalos-dalos ang galaw lalo pa at may mga naiipit sa sitwasyong ‘yun na kanyang kinakaharap. Kung siya lang at hindi damay ang kanyang ama, baka mas malala pa ang naging pagwawala niya at ganti kumpara sa kaibigan niyang si Rina. Kaso nga lang ay hindi. Hindi ganun kadali ang sitwasyong kinasasadlakan niya kung kaya hindi siya pwedeng magwala.“Mula ngayon, sa sarili ko na lang itutuon ang atensyon ko. Kailangan kong makahanap ng ibang trabaho upang magpatuloy sa buhay. Walang ibang mangyayari sa akin kung magpapalamon ako sa gali
Read more

Chapter 33.2

MALAPAD PANG NAPANGISI si Albert habang nakaupo sa kanyang swivel chair ng dahil sa narinig niyang tanong ni Bethany mula sa kabilang linya. Tinatanong ba talaga siya ng babae kung ano ang gusto niya? Iniikot niya ang kanyang upuan. Humarap siya sa bintana ng opisina kung saan ay tanaw niya ang labas ng makulimlim na kalangitan. “Alam mo kung ano ang gusto ko, Bethany.” sagot niyang nasa labi pa rin ang kakaibang ngisi, “Ikaw. Ang katawan mo. Iyan ang gusto ko.” Hindi sumagot doon ng ilang minuto ang dalaga na kung kaharap lang ang dating nobyo ng mga sandaling iyon ay malamang ay nahambalos na niya ito nang kung anong mahawakan niya dahil asar na asar na siya.“Subukan mong magmakaawa sa akin ngayon, Bethany. Malay mo naman maawa ako sa’yo? Huwag kang mag-alala, do-doblehin ko ang balik ng lahat ng nawala sa’yo ng dahil sa katigasan ng ulo mo. Mas magiging buhay prinsesa ka kumpara sa dati. Masaya naman tayo dati eh, bakit hindi natin balikan ang panahong iyon?” himok pa ni Albert
Read more

Chapter 34.1

NAMUMUTLA HABANG NATITIGILAN na doon si Audrey na animo nakakita ng demonyo sa katauhan ni Albert. Ilang beses niyang sinalat-salat ang mahapdi niyang sugat sa kanyang noo at lalo pa siyang namutla nang makita ang sarili niyang dugo sa palad. Agad kasing kumapit iyon sa kanyang kamay; ang pulang mainit na likido sa sarili niyang sugat. Medyo nakaramdam siya ng hilo sa tanawing iyon. Hindi pa rin nagpakita ng kahit na katiting na awa si Albert sa babae. Hindi pa doon nakuntento ang lalake at muling sinugod si Audrey na umiigting pa rin ang panga. Muling hinawakan ang buhok ng babae at pilit na iniharap sa kanya.“A-Albert…” mahinang tawag nito sa kanya na puno ng pakiusap ang boses, nagmamakaawa.“Ano masakit ba ha? Talagang masasaktan ka sa pagiging pakialamera mo sa mga desisyon ko! Hindi lang din ito ang makukuha mo kapag hindi mo tinigilan ang pagmamagaling mo! Alam mo ba kung ano ang kaya kong gawin sa pakikialam mo sa akin? Marami! Ang iba doon ay alam kong hindi mo magugustuhan
Read more

Chapter 34.2

SA KABILANG BANDA, pansamantalang itinago muna ni Bethany ang katotohanan na siya ay wala ng trabaho sa madrasta. Napakaraming nangyari sa bahay at buhay nila kamakailan lang, at ayaw niyang mag-alala pa ito kung kaya naman kailangan niyang maging maingat na huwag ditong makaabot ang nangyari sa kanya sa music center. Tiyak na magiging dagdag stress iyon sa Ginang at syempre sa kanya. Kinagabihan ay hindi makatulog ng maayos ang dalaga dahil patuloy niyang iniisip ang mangyayari sa hinaharap. Ginugulo siya noon at hindi niya alam kung ano ang kanyang maaaring gwin. Litong-lito siya. Hindi niya mahanapan ng katiting na pag-asa ang problemang hindi na yata nabawasan bagkus ay patuloy na nadadagdagan. Bagamat nakapikit ang kanyang mga mata, kung saan-saan naman naglalakbay ang kanyang diwa. Bandang ala-una ng madaling araw nang makatanggap siya ng tawag mula kay Gavin ngunit hindi niya iyon sinagot. Sa halip ay nagpadala siya na lang siya ng message na dahilan ng hindi pagsagot.Bethany
Read more

Chapter 35.1

NANGANGATOG MAN ANG mga tuhod ay pinilit na tumayo si Bethany upang gumawa ng paraan para malaman nila ang totoong nangyari. Kailangan niyang gumawa ng paraan upang makita nila ang ama sa araw na iyon para malaman nila ang totoong nangyari sa kanya sa loob noon. Hindi pa rin sila naniniwalang dalawa na tatangkaing mamatay ng ama. Ang ayos pa nga ng usap nilang dalawa noong bumisita siya sa kulungan. Malamang ay may kung anong nangyari. Maaaring planado rin iyon. At ang bagay na iyon ang kailangan niyang malaman kaya dapat makita ‘to.“Tinangka niyang magpatiwakal, hija. Ayon ang sabi sa akin sa tawag bilang guardian niya at contact in case of emergency. Siguro dahil ayaw niya tayong nakikitang nahihirapan kung kaya naman sinubukan niyang magpatiwakal at kunin na lang ang sariling buhay para matapos na ang paghihirap nating lahat..” umiiyak na patuloy ng Ginang na bahagya ng nahimasmasan ang sarili sa pagkabiglang naramdaman niya nang makarating sa kanya ang naturang balita, “Bethany,
Read more

Chapter 35.2

TILA TINUSOK NG pinong karayom ​​ang puso ni Bethany sa sinabing iyon ni Attorney Hidalgo. Bakit ganito ang reaction nito? Bakit parang ayaw na rin nitong hawakan ang kaso ng ama? Patuloy ang naging kirot sa puso niya habang iniisip na baka umatras ang abogado dahil sa kumplikadong nangyayari hindi pa man iyon nagsisimulang dinggin sa korte.“Hindi niyo po ba kayang ipaglaban ang kaso? Tapatin niyo po ako Attorney. Kaya niyo ba ako itinataboy kay Attorney Dankworth?” inosenteng puno ng sama ng loob na tanong niyang naiiyak na roon.“Hindi naman sa ganun hija pero sa tingin ko ay interesado na rin dito si Gavin. Ilang araw lang noong kunin niya ang details ng kaso ng Papa mo sa akin upang pasadahan niya raw. Alam mo na, baka kapag kinausap mo siya ay pumayag na siya. Huwag mong sabihin sa kanya na sinabi ko sa’yo dahil ang bilin niya ay huwag na huwag kong babanggitin sa’yo.”Biglang naalala ni Bethany ang sinabi ni Gavin sa kanya na may sasabihin ito. Iyon ba iyon? Ayaw niyang umasa a
Read more

Chapter 36.1

BLANGKO AT WALANG kahit na anong lamang emosyon ang mga mata ni Bethany nang lingunin niya si Albert. Ang lalakeng minahal niya noon. Hindi ganito ang pagkakakilala niya sa kanya. Dismayado siyang umiling matapos na lumunok ng laway. Ipinakita niya kay Albert kung gaano siya nadidismaya sa ugaling mayroon siya. Nais niyang ipakita dito na alam niya ang kanyang mga ginagawa, hindi lingid ang plano ng lalake. Parang hindi niya na ito kilala, naging masahol pa sa demonyo ang ugali.“Grabe ka naman, Albert, grabe ka na!” tanging nasambit niya nang maalala niya kung paano siya nito ipatanggal sa trabaho nang nagdaang araw, “Sa lahat ng mga kabutihang ginawa ko sa’yo noon at sa pamilya mo, ganito pa ang naging ganti mo? Ha? Ganito ang naging sukli mo?” malat na ang boses ni Bethany sa sobrang sama ng kanyang loob. “Ano bang naging kasalanan ng pamilya ko sa’yo para ganito’hin mo kami?!”Hindi talaga ng dalaga makuha ang dahilan kung paano naging malupit ng ganun ang dating nobyo. Naiintindi
Read more

Chapter 36.2

NAKAKALOKONG NGUMISI PA si Albert kay Bethany na lalong nagpakulo ng dugo ng dalaga. Punong-puno na siya sa kanya. Pinipigilan niya lamang ang sarili dahil baka siya ang tuluyang makapatay sa lalake.“Sa ginagawa mong ito, hindi ka mapapatawad ni Briel—”“Talaga ba? Subukan mo nga. Sa tingin mo hindi niya ako kayang patawarin? Gaya mo lang din siya noon, patay na patay sa akin at handang gawin ang lahat. Sa tingin mo tutulungan ka rin ng future brother in law ko na si Gavin?” malutong pa itong hhumalakhak, “Nagkakamali ka. Mahalaga pa rin sa kanya ang kasiyahan ng kapatid niya kumpara sa’yo. Kaano-ano ka ba niya? Wala kang bilang, Bethany.”Sa pagbanggit sa pangalan ni Gavin ay mas sumakit ang sugat ni Albert hindi niya lang iyon ipinakita dahil gusto niyang pagtakpan ang katotohanang alam niyang nagkakapuwang na ang dating nobya sa buhay ng magiging bayaw niya. Naiinis pa siyang lalo dahil alam niyang unti-unting nagkakagusto sa abogado si Bethany na kapag hindi nasupil ay maaaring m
Read more

Chapter 37.1

PILIT NA NAGPUMIGLAS ang Ginang sa mga humahawak sa kanya nang makita niyang pikit-matang tinanggap ni Bethany ang kamay ng demonyong lalake sa mismong harapan niya. Hindi niya maatim na makita ang dalaga na ipinagkanulo ang sarili upang iligtas siya nito. Wala sa sariling pinalo ng Ginang ang ulo niya nang dahil sa katangahan niyang nagawa ngayon. Wala sanang ibang magiging problema silang kakaharapin kung umayos lamang siya at hindi naging padalus-dalos ang naging desisyon sa araw na 'yun.“Bethany? Huwag mong gawin iyan, hija!” sigaw niyang pilit pa ‘ring nag-uumalpas upang pigilan ang dalaga sa gagawin, “Ano ba? Hindi mo ba ako narinig? Halimaw ang lalakeng iyan. Huwag kang magpapaloko sa kanya! Huwag, hija! Pabayaan mo akong maparusahan. Hayaan mo akong makulong!”Hindi siya pinansin ni Bethany na sa mga sandaling iyon ay piniling maging manhid at bingi. Oo, sumagi sa isipan niyang gusto niyang sisihin ang Ginang pero mas pinili niyang huwag na lang isatinig. Ayaw pa rin niyang p
Read more
PREV
1
...
56789
...
40
DMCA.com Protection Status