NOON AY HINDI pa nalalaman at napagninilayan ni Bethany ang tunay na kulay ng lalakeng kanyang labis na minamahal. Isa lang siyang inosente at hangal sa pag-ibig na babae ng mga panahong iyon. Babaeng baliw na baliw sa mga matatamis na pangakong binitawan sa kanya ni Albert, isa na doon ay ang pangako na papakasalan siya nito diumano sa takdang panahon kapag naging okay na sa kanila ang lahat. Kapag muli na silang nakabangon at wala ng kahit anong problemang kinakaharap ang pamilya nila. Bagay na agad na sinang-ayunan ni Bethany, paniwalang-paniwala sa mga binitawan nitong huwad na pangako. “Bubuo tayo ng sarili nating pamilya, ilang anak ba ang gusto mo Bethany?” “Tatlo, Albert.” sagot ni Bethany na kumikinang sa saya ang mga mata na dulot ng pag-uusap nilang iyon na tungkol sa magiging future. “Okay na ako sa tatlo. Hindi na tayo doon mahihirapan na palakihin sila.”Akala niya ay mahal din siya ng lalake kagaya ng nararamdaman niya, ngunit ginagamit lang pala siya nito mula sa sim
Magbasa pa