NAKANGITING NAGPAALAM SA mga ka-trabaho niya si Bethany pagsapit ng alas-diyes. Closing siya. Ibig sabihin isa siya sa mga magsasara ng restaurant na staff. Nagtatawanan at sabay-sabay pa silang lumabas at sabay-sabay din sila halos napaatras nang magsimulang bumagsak ang marahang patak ng ulan. Ang iba pa sa kanila ay napairit dahil hindi napaghandaan ang masungit na panahon. Kanya-kanya silang kuha ng mga payong niyang dala.“Mauuna na kami, Bethany. Ingat ka pauwi ha?” kaway sa kanya ng mga kasama na halatang nagmamadali ng makaalis sa lugar.“S-Sige, kayo rin.”“Wala kang dalang payong?” “Wala eh, pero ayos lang. Titila rin naman siguro iyan.”“Naku, paano kung oras ang dumaan?”“Sige na, lakad na ako na ang bahala sa sarili ko. See you bukas, bye!” Tumango lang si Bethany. Pinanood na silang nagsimula na doong humakbang patungo sa kabilang direksyon dahil doon halos ang way ng mga katrabaho, siya lang ang nag-iisang naiiba. Kung sakali na doon din ang rota niya malamang ay maki
Magbasa pa