NANG MAWALA NA sa paningin ni Bethany ang humarurot na sasakyan ni Gavin ay tumalikod na siya at tinungo ang staff area nila upang magpalit na ng uniform niyang pang-server upang ituloy na rin ang kanyang naudlot na trabaho. Nagmatigas at hindi umalis sina Patrick sa restaurant kasama ang kapatid. Hinintay ng dalawa na matapos ang trabaho ni Bethany upang igiit ang kanilang gusto na magpaturo dito si Patricia ng piano.“Pasensya na, puno na talaga ang schedule ko Patrick.”“Kahit isang oras o dalawa, okay na doon si Patricia.”“Hindi nga pwede—”“Ayaw mo ba ng side hustle? Karagdagan din iyon, Bethany.” Noong una ay ayaw niya talagang pumayag sana sa magkapatid ngunit pinagbigyan na rin niya dahil naisip na sayang din naman kasi ang kikitain niya sa pagtuturo niya dito. Hindi lang iyon, malaki ang naging offer ni Patrick na ibabayad sa pagtuturo niya kung kaya ano pa nga bang magagawa niya kung hindi ang tanggapin iyon dahil alipin siya ng pera dahil kailangan niya. Hindi na nagpatum
NALULUHA AT TAHIMIK na nilagyan ni Bethany ng cream ang mga sugat ng Ginang matapos niya iyong linisan. Pagkatapos ay pumunta na rin ng sarili niyang silid upang kumuha ng dalawang libo at ibigay iyon sa Ginang. Hindi niya ito binabawalan niya na magtrabaho dahil nahihiya siya. Ginagawa niya iyon dahil sa kalagayan ng katawan nitong hindi na rin naman mura.“Ito po, allowance natin sa pagkain. Sabihin niyo po sa akin kapag kulang at kapag natanggap ko na ang sahod ko ay bibigyan ko kayo ulit. Magtipid tayo, Tita. Pagkasyahin natin sa ngayon ang kung anong meron tayo. Huwag nating ipilit ang wala at hindi pa pwede. Pwede naman po ‘yun di ba? Kaunting tiis lang po sa ngayon. Kapag nakaluwag na tayo saka natin pagbigyan ang sarili nating bilhin ang mga gusto natin. Sa ngayon po ay higpit sinturon muna tayong dalawa. Sa ganung paraan po tayo makakabangon, Tita.”Magpilit man ay hindi na niya papayagan pa ang Ginang na magtrabaho. Hindi pwedeng pati ito ay magkasakit ng mas malala.“Pasens
KINALAMAY NI BETHANY ang kanyang sarili nang makita niya ang nagulat na reaksyon ni Briel sa ginawa niyang pagsigaw. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib kung kaya naman agad na nakonsensya ang dalaga. Medyo nakaramdam siya ng awa para sa babae sa pagiging masungit niya dito.“Pwede ba Miss Dankworth, huwag mo na akong lalapitan at kakausapin sa hinaharap? Hindi lahat ng nasa paligid mo ay handang makipagkaibigan sa’yo. Wala rin akong pakialam sa lovelife mo. Naiintindihan mo?” gigil na turan ni Bethany na kulang na lang ay ikutan niya ng mga mata si Briel na natulala.Sa pagkagulat doon ay napakurap na si Briel habang nakaawang ang bibig. Hindi pa rin siya makapaniwala, hindi siya sanay na tinatanggihan lalo na ng mga kagaya ni Bethany na hindi naman nila ka-level kaya sobrang nacu-curious talaga siya. Ang lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Kung kaya naman hindi niya wala sa vocabulary niya ang tigilan hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya mula kay Bethany. Hindi siya susuk
HUMAKBANG NA SI Gabu palapit sa dalawang nakataling babae at inilahad ang hawak na cellphone sa harapan ni Briel matapos na salit-salitan silang tingnan. Ikinatahimik iyon ni Briel. Masamang tiningnan si Gabu na animo babalatan niya ng buhay oras na magkamali ito ng galaw. Napapahiyang tumawa si Gabu sa ginawang pagtitig lang sa kanya ng inaabutan ng cellphone. “Tawagan mo ang fiance mo at sabihin mo sa kanyang maghanda ng twenty million na pantubos sa’yo!” utos niyang ikinamulagat ng mga mata ni Bethany.Kung ganun ang halaga ng babae paano pa kaya siya? Malamang milyon din ang halaga na hihingin sa pamilya niya. Saan noon kukuha ang madrasta? Patong-patong nga ang problema nila. “Sabihin mo rin sa kanya na huwag siyang magkakamaling ipaalam ang lahat ng ito sa mga pulis. Kung gagawin niya iyon, hindi kami mangingiming dalhin kayo sa bingit ng kamatayan!” Mariing itinikom ni Briel ang kanyang bibig habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha. Bahagyang nilingon si Bethany sa li
ILANG SANDALI AY nakarating na sa napag-usapang lokasyon na sinabi ng mga kidnapper si Albert. Ilang minuto siyang nanatili muna sa loob ng sasakyan. Natatakot siya pero kailangan niyang gawin iyon. Naisip niya na sana pala ay isinama na lang niya ang kapatid ng fiancee at pinanatili na lang niya sa loob ng sasakyan. Mukhang delikado yata ang pinasok niyang iyon. Sa labas pa lang kasi ng warehouse ay nag-aabang na ang ilan sa mga tauhan na mukhang halang ang mga kaluluwa. Pagkatapos ng ilan pang minuto ay malakas ang loob ng lalakeng bumaba na ng sasakyan kahit na medyo dinadaga ang kanyang dibdib dahil naisip bigla na baka hindi tumupad ang mga kidnapper na ibigay ang fiancee niya after na makuha nila ang pera. Ganun pa man ay pinili niyang maging matapang para ma-ipakitang deserve niya si Briel. Iyon lang naman ang tanging habol niya kaya pumunta. Ang magpakitang gilas na rin sa pamilya ng mga Dankworth. “Nasaan siya? Kailangan ko muna siyang makita bago ko ibigay ang perang hinihi
NANG MARINIG IYON ay unti-unting gumuho ang mundo ni Bethany. Imposibleng mag-aksaya ang dating nobyo ng ganung halaga. Gusto pa nga nitong kunin ang lahat ng ari-arian nila. Gusto nitong makita siya at ang pamilya niyang gumagapang sa lusak, iyon pa kayang pag-aksayahan siya? Ang naging sagot nito sa lider ang nagpapatunay sa dalaga na tama nga ang kanyang iniisip. Never itong maaawa sa kanya.“Hindi ko siya kilala,” malamig na sagot ni Albert, kahit pa may bumubulong sa kanyang tainga magkaroon ng awa sa dating nobya kahit ngayon lang. Hindi niya pag-aaksaya’han ito ng pera. “Gawin niyo na lang ang gusto niyong gawin sa kanya. Wala rin akong ganong halaga para ipantubos sa babaeng ngayon ko lang naman nakita.” dugtong pa nito dito.Oras na gawin iyon ni Albert ay natatakot siya na paghinalaan ni Gavin na may natitira pang pagtingin sa babae. Alam niyang alam nito na dati niya itong kasintahan. Ayaw niyang isipin nitong niloloko niya ang kapatid nitong babae. Kapag nangyari iyon ay
NARAMDAMAN NA LANG ni Bethany ang pag-angat ng katawan niya sa maruming sahig ng abandonadong warehouse. Sa kabila ng panghihina ay naamoy niya pa ang pamilyar na pabangong gamit ni Gavin nang makalapit na ito sa kanya. Dala ng panghihina ay bumagsak siya sa mga bisig ng binata at habang naroon ay naramdaman niyang safe na safe siya. Nang i-angat niya ang nanlalabong mga mata ay natanaw niya ang papalayong imahe ng abandonado at maruming warehouse kung saan nagbigay sa kanya ng kakaibang takot. Unti-unting nakaramdam ang dalaga ng kaginhawahan nang marinig ang malakas na pintig ng puso ni Gavin kasabay ang malalaking hakbang nito papalayo sa lugar. Unti-unting kumalma ang panginginig ng katawan ng dalaga sa sobrang takot sa mga dumukot sa kanila ni Briel. Hindi niya na lubos ma-imagine kung ano na ang sinapit niya kung hindi dumating si Gavin para iligtas siya. Nakahinga na siya doon nang mas maluwag kung kaya naman unti-unting sumara na ang mga mata niya.“A-Attorney Dankworth…” samb
ILANG BESES NA tinangka ni Gavin na mag-explain sa doctor dahil batid niyang na-misunderstood siya ng lalake, baka mamaya ay makarating pa iyon sa kanyang ina. Ngunit sa bandang huli ay itinikom na lang niya ang kanyang bibig. Ganundin naman ang iisipin niya kesyo magpaliwanag siya o hindi. Iba pa rina ng iisipin ng mga taong nakapaligid sa kanila. Masasayang lang ang laway niya kakapaliwanag. Muling sinulyapan niya si Bethany na bagamat may malay pa rin ay kapansin-pansin ang panghihina ng kanyang katawan. Nawala na ang takot sa kanyang puso. Iniisip niya na safe na ito tutal ay nasa hospital na rin naman sila. Hindi niya na kailangang mag-alala kung ano ang maaaring mangyari dito.“Babalik ako, Bethany.” paalam niya sa dalaga kahit na hindi niya alam kung maiintindihan siya nito. “Pupunta lang ako ng nurse station para mag-fill up ng details mo nang ma-admit ka na. Pupuntahan kita dito kung may kailangan akong itanong. Narinig mo naman ang mga sinabi ng doctor kung ano ang kailanga
NAKAANI NG MALAKAS na tawanan mula sa pamilya ni Gavin nang ikwento ni Bethany kung paano sila na-late ng ilang minuto sa usapan dahil nanguha sila ng bayabas na nadaanan. Proud niya pang inilahad kung paano umakyat doon ang asawa na panay lang ang banta sa kanya ng matatalim na mga tingin na tumigil na siya. Tapos na silang kumain ng lunch at nasa sala na sila. Ginawa niyang panghimagas ang bayabas na ang laman at balat lang naman ang kinakain niya. Binigay niya sa katabing si Briel ang buto noon na walang arteng kinain at hindi tinanggihan ng hipag.“Ginawa ko lang naman po iyon kasi gusto ng baby. Inutusan niya lang ako. Binigyan ng sign na iyon ang gusto niya.” pa-demure pa na pagmamalinis ni Bethany na tuwang-tuwa sa reaction ni Gavin na halatang pissed off na sa kanyang kadaldalan, sa mga tingin nito sa kanya ay parang sinasabi na bakit kailangan pang ikuwento? “Pakiramdam ko hindi po talaga ako makakatulog nang maayos ng ilang gabi oras na hindi ako makahingi ng bayabas at hi
NANG SUMAPIT ANG weekend ay nagtungo na sila ng mansion ng mga Dankworth upang paunlakan ang hiling ng ina ni Gavin na magtungo sila doon na itinaong weekend para narito ang lahat ng kapamilya. Ang buong akala ni Gavin ay magiging smooth na ang biyahe nila patungo ng mansion, ngunit bago nila sapitin ang gate noon ay pinatigil ni Bethany ang sasakyan sa gilid ng kalsada na ang tinutumbok ay ang mansion na nila. Blangko niyang sinundan ng tingin ang asawa na nagkukumahog na bumaba ng sasakyan na parang may tinatanaw. Tiningnan niya ang biyenan sa likod na bahagi ng sasakyan na nagtataka rin.“Thanie? Ano bang problema?” Hindi siya pinansin ni Bethany na may tinatanaw sa kabilang bakod na pader na naghihiwalay sa kalsada at property sa loob noon. Bumaba na si Gavin ng sasakyan nang hindi pa rin siya sagutin ng asawa na animo walang naririnig sa mga tawag niya.“Mrs. Dankworth—” “Gavin, tingnan mo. Ang daming hinog na bayabas. Gusto ko noon!” kumikinang ang mga matang turo ni Bethany s
TINALIKURAN NA SIYA ni Bethany na nagtalukbong na ng kumot at mas lumakas pa ang iyak. Napakamot na lang si Gavin sa kanyang ulo nang dahil sa inasal ng asawa. Napahawak na ang isang kamay sa beywang at napatingala sa kisame na para bang kinakausap ang sarili na habaan pa ang pasensya sa naglilihing asawa para hindi sila mag-away. Pinanindigan nga ni Bethany ang sinabi kung kaya naman ang ending pareho silang puyat magdamag. Kaya rin magmula noon ang lahat ng hilingin ng asawa ay walang pag-aalinlangang binibigay ni Gavin kahit na ano pa iyon. Ayaw niya ng maulit iyong nangyari noon dahil sobrang puyat na puyat siya at ang sikip din ng kanyang dibdib noon.“Oo nga, naku kunsumisyon na kunsumisyon tayo sa kanya noon.” natatawang sang-ayon ni Victoria sa manugang na naalala na rin ang gabing iyon, kinuwento kasi ni Gavin sa agahan ang nangyari na kahit na hindi ikwento naririnig ito ni Victoria na umiiyak. “Ibigay na lang natin ang hilig at nais nang hindi maligalig. Ganyan talaga hijo
MABILIS NA NIYAKAP siya ni Bethany upang takpan ang bibig nang marinig niya ang karugtong na sasabihin niya. Napangisi na si Gavin na kalaunan ay humalakhak ng malakas. Bigla siyang na-excited. Ngayon lang din kasi sila ng asawa niya nakapag-usap ng mga pinagdaanan nila lalo na kung paano sila unang nagkita. Nakita niyang ang sandaling iyon ay ayaw palang balikan na ng asawa. Tinanggal ni Gavin ang pagkakatakip ng palad ni Bethany sa bibig niya. Naroroon pa rin ang multo ng ngisi sa labi. Pinanliitan niya ng mga mata si Bethany na namumula na ang mukha.“Mrs. Dankworth, bakit ayaw mong balikan ang gabing iyon? Hmm? Aminin mo, na-love at first sight ka ba sa akin noon?” Dumuwal si Bethany na hindi niya naman sinasadya. Ikinalaki iyon ng mga mata ni Gavin na parang nasaling ang ego. Nakalimutan na buntis nga pala ang asawang kausap niya kung kaya possible na maduwal talaga ito anumang oras.“Ah, nakakasuka pala ang gabing iyon kaya pala niyakap mo ako nang mahigpit tapos—” “Napagkama
ILANG ARAW PA ang pinalipas ng mag-asawa bago sila nagpasyang muling bumalik ng kanilang mga trabaho. Tambak man ang gawain ni Gavin sa kanyang opisina at ang mga kliyente ng kaso na naghihintay sa kanyang pagbabalik ay hindi niya iyon inuna hanggang sa ang ama na mismo ni Gavin ang nakiusap na kailangan niya ng bumalik ng office. “Sapat na siguro ang pahinga mo, Gavin. Kailangan mo ng bumalik at hindi ko kayang hawakan ang kumpanya mo.”Ang tinutukoy ni Mr. Dankworth ay ang sariling kumpanya ng anak na pansamantalang ipinagkatiwala sa kanya hindi ang mismong kumpanya ng kanilang pamilya. Sinalo niya iyon nang mapag-alamang nasa Australia ang anak niya.“Dad–”“Pwede mong ayusin ang lahat ng mga kinakaharap mong problema habang nagtatrabaho ka. Hindi naman siguro mamasamain iyon ng iyong asawa. Saka, may kasama naman siya ang madrasta niya di ba? May ilang problema ang kumpanya mo at sumasakit na ang ulo ko kung paano ko ito hahanapan ng solusyon. Ikaw lang ang makakaayos nito.” Nap
SINALUBONG SILA NI Manang Esperanza na abot sa tainga ang mga ngiti sa labi. Tinulungan na silang ipasok ang dala nilang maleta sa loob ng penthouse. Dinala lang niya iyon sa may sala at kapagdaka ay muling humarap. Bakas pa rin ang giliw nito sa mukha at muling nagsalita sa mas masigla nitong tinig.“Welcome back, Attorney and Miss Bethany!”“Hi, Manang Esperanza…” yakap dito ni Bethany, pilit na winawaglit ang pagbigat ng pakiramdam.Si Manang Esperanza na rin mismo ang gumiya kay Victoria patungo sa silid na kanyang o-okupahin matapos na yumakap kay Bethany. Habang nasa Australia pa sila ay pinalinis na iyon ni Gavin sa matanda kung kaya naman pag-uwi nila ay wala na ang mga naiwang kalat dito. Naroon na rin ang ibang mga gamit ni Victoria na ipinakuha na sa bahay nila bago pa man sila makauwi ng bansa. Inabot ni Gavin ang kamay ni Bethany at mabagal nilang sinundang mag-asawa sina Victoria na patungo na ng silid. Sinulyapan lang ni Bethany ang asawa. Mapagpaubaya at tahimik na nag
NAISIN MAN NI Mrs. Dankworth na sa mansion nila padiretsuhin ang mag-asawa upang doon na lang muna mamalagi kaso ay hindi naman iyon pinahintulutan ni Gavin na mangyari dahil alam niyang mahaba ang kanilang naging byahe at kailangan nilang magpahinga ng kanyang asawa upang makabawi ng lakas. Hindi lang iyon. Bakas na sa mga mata ng asawa ang pagod at malamang ay hindi nito magagawang tanggihan ang kagustuhan ng kanyang ina kung ito ang kakausapin kung kaya naman siya na ang magde-desisyon para sa kanila. Uuwi muna sila ng penthouse. Saka na lang sila pupunta ng kanilang mansion.“Sa sunod na lang Mommy, maglalaan na lang kami ng oras at panahon ni Thanie para bumisita sa mansion. Huwag po muna ngayon. Please?” pakiusap ni Gavin na nilingon na ang asawang yakap pa rin ni Briel na animo hindi nagkaroon ng katiting na galit ang kapatid sa kanyang asawa, nakikita pa rin niya na medyo ilang si Bethany kay Briel ngunit saglit lang naman iyon. “Magpapahinga muna kami ng asawa ko.”“Ganun ba
ANG ISANG LINGGO na extension ng pananatili ng mag-asawa sa Australia ay ginugol nila sa pamamasyal at paggalugad sa mga lugar na puntahan ng mga turista sa lugar. Pinuntahan nila ang mga lugar na nakita online ni Bethany kasama ang madrastang si Victoria. Ganundin ang mga restaurant kung saan ay may mga biglaang cravings siya. Sinigurado nilang masusulit ang lahat ng oras na inilalagi nila sa bansa. Wala namang naging reklamo si Gavin na kahit mababakas ang pagod sa mukha ay sunud-sunuran sa lahat ng gusto ng kanyang asawa. Ang makita itong masaya habang namamasyal sila at nakukuha nito ang gusto ay walang katumbas na halaga para sa abogado. Ang makita ni Gavin ang mga ngiti nitong unti-unting nagkakaroon ng buhay ay napakalaking bagay para sa kanya. Nagawa nitong mapanatag ang loob niya. “Sayang 'no, hindi na ako ngayon makakabisita kay Miss Gen na isa sa mga goals ko kung kaya ako umalis ng bansa.” pagsasatinig ni Bethany habang ang kanyang mga mata ay nasa labas ng kanilang eropl
NAMULA PA ANG mukha ni Bethany na para bang hindi sila mag-asawa ni Gavin ng mga sandaling iyon. Medyo awkward kasi ang dating ng kanilang pinag-uusapan kahit na silang dalawa lang naman ang naroroon. Parang hindi normal ang topic na iyon sa kanilang mag-asawa. Binabalot pa ng kahihiyan ang buong katawan ni Bethany kahit na wala naman na siyang itatago pa sa lalaki. Marahil ay dahil hindi naman nila noon napag-uusapan ang ganung bagay. Hinuli pa ni Gavin ang kanyang mga mata upang tingnan ang reaction niya. Natatawa na rin ito ngayon sa kanya.“Dapat gentle lang daw.” dugtong pa ni Gavin na tuwang-tuwa na sa mukha ng asawa. Napalabi na si Bethany, pilit pinigilan ang sariling matawa sa salitang mga ginamit ng asawa. Ang buong akala niya ay makakaya niyang pigilan iyon ngunit sa bandang huli ay tuluyan na siyang humagalpak. Hindi na napigilan ang sarili.“Ang bastos naman ng bibig mo, Gavin!” pandidilat niya ng mga mata habang pulang-pula na ang mukha, kung pwede lang itago iyon sa il