PILIT NA NAGPUMIGLAS ang Ginang sa mga humahawak sa kanya nang makita niyang pikit-matang tinanggap ni Bethany ang kamay ng demonyong lalake sa mismong harapan niya. Hindi niya maatim na makita ang dalaga na ipinagkanulo ang sarili upang iligtas siya nito. Wala sa sariling pinalo ng Ginang ang ulo niya nang dahil sa katangahan niyang nagawa ngayon. Wala sanang ibang magiging problema silang kakaharapin kung umayos lamang siya at hindi naging padalus-dalos ang naging desisyon sa araw na 'yun.“Bethany? Huwag mong gawin iyan, hija!” sigaw niyang pilit pa ‘ring nag-uumalpas upang pigilan ang dalaga sa gagawin, “Ano ba? Hindi mo ba ako narinig? Halimaw ang lalakeng iyan. Huwag kang magpapaloko sa kanya! Huwag, hija! Pabayaan mo akong maparusahan. Hayaan mo akong makulong!”Hindi siya pinansin ni Bethany na sa mga sandaling iyon ay piniling maging manhid at bingi. Oo, sumagi sa isipan niyang gusto niyang sisihin ang Ginang pero mas pinili niyang huwag na lang isatinig. Ayaw pa rin niyang p
LIHIM NA NAIKUYOM ni Bethany ang kanyang mga kamao, isang salita pa ng lalakeng kaharap niya at parang gusto niya na itong bigwasan. Tuluyan na talagang nawalan ito ng modo. Hindi naman ganun ang trato ng lalake sa kanyang madrasta lalo na noong sila pa. Sobrang galang nito to the point na parang siya pa ang tunay nilang anak kumpara sa kanya. Nagbago lang iyon noong nahalata ng Ginang na panay na ang hingi sa kanya ng pera. Iyong iba pa nga doon ay nagawa niyang ilihim sa sarili niyang pamilya upang hindi maging masaya si Albert sa paningin nila.“Sabihin mo lang sa akin kung mayroon kang kailangan. Gaya ng ating usapan, handa kong ibigay ang lahat. Hintayin mo akong gumaling para mapag-isipan ko kung iaatras ko ba ang kasong nakahain sa iyong ama.”Dumukwang si Albert at mabilis na hahalikan sana sa labi si Bethany ngunit mabilis ang ginawa niyang pag-iwas kaya naman tumama iyon sa kanyang kaliwang pisngi. Asar man sa ginawa ni Bethany ay hindi na iyon pinalaki pa ni Albert na narar
NANG MAKITA NI Albert na naniwala sa kanya agad ang bobitang kasintahan niyang si Briel ay hindi mapigilang gumaan at maging masaya ang mood ng lalake. Kung naging uto-uto noon si Bethany, mas doble ang pagiging uto-uto ng fiance niya ngayon. Mapurol ang utak nito na kahit anong sabihin niya ay agad na sinusunod at pinapaniwalaan. Sumandal si Albert sa headboard ng kama habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Briel. Nasisiyahan siya sa pag-aalala at pag-aalaga ng nobya, pinapakain siya nito at panaka-nakang inaabutan ng tubig at ibinibigay ang lahat ng mga pangangailangan niya. Sobrang alagang-alaga siya ng kasintahan na animo siya ang mundo nito. Ganunpaman, hindi niya pa rin magawang iwaglit sa isipan ang mukha ng dating kasintahang si Bethany. Ayaw nitong lisanin ang malaking bahagi ng isipan niya kahit pa pilitin niyang palitan na iyon ni Briel.“Babe, matulog ka na kaya muna para naman mabilis kang gumaling?” mungkahi at hiling ni Briel na naupo pa sa gilid ng kamang hinihig
LIHIM NA BAHAGYANG nagdilim ang mga mata ni Albert nang narinig ang sinabi ng nobya at marinig ang pangalan nito. Hindi iyon napansin ni Briel dahil niyakap na siya ng lalake bago pa mag-react ng ganun. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagdesisyon si Briel na umalis na rin ng hospital. Gusto niya pa sanang manatili kaya lang ay hindi pwede. Nag-aatubili siyang iwan ang nobyo pero alam niya na hindi gusto ni Albert ang pagiging masyadong clingy niya sa nobyo at sobra ang kapit.“Kung sakaling may kailangan ka ay mag-text ka lang sa akin o ‘di kaya’y tawagan mo ako. Huwag kang mahihiya, Babe. Okay?” paalam ni Briel sa nobyong hindi naman siya pinigilan na umalis.“Hmmn, sige mag-ingat ka pauwi.”Matapos ng mabilis na halik sa labi at ilang minutong yakap ay tuluyan ng lumabas ng silid ang babae sa kanyang silid. Pagkapasok ni Briel sa itim na sasakyan ay hindi mapigilan niyang tawagan ang kapatid dahil hindi siya mapalagay. Wala lang. Hindi siya naniniwala na aksidente ang nangyari sa noby
ILANG MINUTONG NAPAKURAP ng kanyang mga mata ang secretary ni Gavin sa hindi na maipaliwanag ang pagkatarantang reaction ng kanyang amo. Iba at malakas ang kutob niya sa hindi mapalagay nitong hitsura. Bagamat marami siyang gustong sabihin at itanong ay hindi na siya nangahas pa na magsabi ng kahit na ano dahil baka barahin lang siya nito. Mukhang kakaiba pa naman ang mode nito ngayon na kung sinong hahara-hara ay hindi nito ‘yun sa-santuhin. Nakipagtitigan din sa kanya si Gavin na napansin ang makahulugang kakaibang paninitig ng secretary at syempre ito ang natalo.“Ano pang hinihintay mo?” may diin na utos ng abogado sa kanya na may paggalaw pa ng kanyang mga kamay nang hindi inaalis ang matalim niyang mga mata, hindi sinasadyang dito niya nabubunton ang init ng ulo. “Gumalaw ka na at anong oras na! Alalahanin mong kailangang makauwi ka na rin agad.”“Ah, o-opo Attorney Dankworth. Aalis na po ako!” nagkukumahog na tugon ng secretary na natataranta na kung alin ang unang gagawin niya
TAMAD NA TAMAD na gumalaw din ang dalaga sa araw na iyon. Sobrang low ng energy niya kahit na pilitin ang sarili ay wala talaga. Animo ay naubos ito sa mga nangyari. Maging ang pag-charge ng kanyang cellphone na bigla na lang namatay ay kinatatamaran niya kung kaya naman nanatili iyong unreachable nang mawalan ng battery. Hanggang sumapit ang panibagong gabi ay nanatili pa rin si Bethany sa kakahilata lang niya sa kama. Ikinatwiran na lang niyang naka-leave siya sa trabaho nang tanungin ng kanyang madrasta kung bakit hindi siya umaalis ng kanilang bahay upang pumasok sa kanyang trabaho.“Nagpalaam po ako sa trabahong hindi muna papasok, Tita.”Hindi na nagkomento ang Ginang. Habang kumakain sila ng hapunan ay maamong nagpaalam si Bethany na aalis saglit sa gabing iyon. Bago lumabas ng silid bago kumain ay chinarge niya na ang cellphone pero hindi ito binuhay.“May pupuntahan nga po pala ako mamaya, Tita. Kailangan ko lang siyang i-meet. Ipinakilala ako ni Rina sa kanya. Ang sabi niya
HINDI NAGBIGAY NG kahit anong komento si Bethany kahit pa tumayo na si Albert, ibinaba nito ang hawak na baso ng kanyang alak upang salubungin ang pagdating ng dalaga. Nahawi na ang galit na nakarehistro sa kanyang mukha sa haba ng kaniyang paghihintay kanina dahil ang buong akala niya ay niloko lang siya ni Bethany at pinaasa upang mabilis na makaalis sa lugar. Kung hindi ito darating ngayon kahit lagpas na sa oras ay paniguradong magwawala na ang lalaki. Ngunit ano pa bang aalalahanin niya? Wala na. Nasa harapan na niya ang babaeng hinihintay na dumating.“Na-traffic ka ba papunta dito?” malambing na tanong niyang pilit na pina-sweet ang itsura kagaya ng dati, noong may relasyon pa silang dalawa ng dalaga. “Pasensya na kung napagtaasan kita ng boses kanina. Ikaw naman kasi, Bethany, na-late ka…”Lumambing pa ang boses ng lalaki na ikinakilabot ni Bethany. Kung noon ay kilig na kilig siya sa mga paganito ni Albert, ngayon ay hindi na. Naninindig na ang balahibo niya sa tuwing magigin
MAPANG-AKIT NA INILAPIT ni Albert ang kanyang mukha kay Bethany na sa mga sandaling iyon ay nagtitimping huwag pumalag at mag-walk out sa harapan ng lalaki. Ayaw niyang hawakan siya ni Albert dahil isipin pa lang na ang parehong kamay nito ay ginamit na panghaplos sa ibang babae ay nandidiri na at kumukulo na agad ang dugo niya. Para itong may virus na ayaw niyang mahawahan siya at dumikit sa balat niya. “Albert, ang dami mo pang sinasabi. Bakit hindi natin pag-usapan na ang mga tuntunin sa kasunduan natin? Huwag mo ng patagalin. Mainipin pa naman ako.” “Ah, oo nga pala. Sige, manatili ka rito ngayong gabi at iisa-isahin natin iyon.”Namula ang mga mata ni Bethany sa sobrang inis. Pilit niyang kinalamaya na mapabuga ng apoy. Kailangan niyang magtimpi. Kailangan niyang patuloy kumalma.“Hindi pwede ang gusto mo Albert. Kailangan kong umuwi ngayong gabi. Walang kasama si Tita sa bahay. At isa pa, hanggat hindi mo ibinibigay ang gusto ko ay hindi ko pa rin susundin ang iuutos mo. Ibig
ITO ANG DAHILAN ni Gavin kung bakit ayaw niyang buksan ang usapin sa asawa tungkol doon. Malamang hindi papayag si Bethany dahil ngayon pa lang ay hindi na maipinta ang mukha niya. Ayaw nitong sa bahay lang siya. Gusto niya ang ginagawa niya na pag-aasikaso sa kanyang pangarap na music center. Ayaw din naman ni Gavin na pilitin si Bethany na mamalagi sa mansion dahil sa kagustuhan lang ng ina niya. Saka malamang ay mahihiya itong tanggihan o suwayin ang kagustuhan at kahilingan ng biyenan niya kapag nagkagipitan upang paluguran lang si Mrs. Dankworth.“Hayaan mo po muna naming pag-usapan ng asawa ko ang tungkol dito. Hintayin niyo na lang ang desisyon namin.”“Oo nga naman, hayaan mo sila kung saan nila gustong manirahan.” sabat na ng ama nina Gavin na napansin na ang disgusto sa mata ng kanilang manugang na bagama’t nakangiti ay halatang peke ito na hindi umabot sa mata niya. “Oh, okay. I am just suggesting lang naman.” ani Mrs. Dankworth na hilaw pang nagbigay ng ngiti, “Sorry, mas
NAKAANI NG MALAKAS na tawanan mula sa pamilya ni Gavin nang ikwento ni Bethany kung paano sila na-late ng ilang minuto sa usapan dahil nanguha sila ng bayabas na nadaanan. Proud niya pang inilahad kung paano umakyat doon ang asawa na panay lang ang banta sa kanya ng matatalim na mga tingin na tumigil na siya. Tapos na silang kumain ng lunch at nasa sala na sila. Ginawa niyang panghimagas ang bayabas na ang laman at balat lang naman ang kinakain niya. Binigay niya sa katabing si Briel ang buto noon na walang arteng kinain at hindi tinanggihan ng hipag.“Ginawa ko lang naman po iyon kasi gusto ng baby. Inutusan niya lang ako. Binigyan ng sign na iyon ang gusto niya.” pa-demure pa na pagmamalinis ni Bethany na tuwang-tuwa sa reaction ni Gavin na halatang pissed off na sa kanyang kadaldalan, sa mga tingin nito sa kanya ay parang sinasabi na bakit kailangan pang ikuwento? “Pakiramdam ko hindi po talaga ako makakatulog nang maayos ng ilang gabi oras na hindi ako makahingi ng bayabas at hi
NANG SUMAPIT ANG weekend ay nagtungo na sila ng mansion ng mga Dankworth upang paunlakan ang hiling ng ina ni Gavin na magtungo sila doon na itinaong weekend para narito ang lahat ng kapamilya. Ang buong akala ni Gavin ay magiging smooth na ang biyahe nila patungo ng mansion, ngunit bago nila sapitin ang gate noon ay pinatigil ni Bethany ang sasakyan sa gilid ng kalsada na ang tinutumbok ay ang mansion na nila. Blangko niyang sinundan ng tingin ang asawa na nagkukumahog na bumaba ng sasakyan na parang may tinatanaw. Tiningnan niya ang biyenan sa likod na bahagi ng sasakyan na nagtataka rin.“Thanie? Ano bang problema?” Hindi siya pinansin ni Bethany na may tinatanaw sa kabilang bakod na pader na naghihiwalay sa kalsada at property sa loob noon. Bumaba na si Gavin ng sasakyan nang hindi pa rin siya sagutin ng asawa na animo walang naririnig sa mga tawag niya.“Mrs. Dankworth—” “Gavin, tingnan mo. Ang daming hinog na bayabas. Gusto ko noon!” kumikinang ang mga matang turo ni Bethany s
TINALIKURAN NA SIYA ni Bethany na nagtalukbong na ng kumot at mas lumakas pa ang iyak. Napakamot na lang si Gavin sa kanyang ulo nang dahil sa inasal ng asawa. Napahawak na ang isang kamay sa beywang at napatingala sa kisame na para bang kinakausap ang sarili na habaan pa ang pasensya sa naglilihing asawa para hindi sila mag-away. Pinanindigan nga ni Bethany ang sinabi kung kaya naman ang ending pareho silang puyat magdamag. Kaya rin magmula noon ang lahat ng hilingin ng asawa ay walang pag-aalinlangang binibigay ni Gavin kahit na ano pa iyon. Ayaw niya ng maulit iyong nangyari noon dahil sobrang puyat na puyat siya at ang sikip din ng kanyang dibdib noon.“Oo nga, naku kunsumisyon na kunsumisyon tayo sa kanya noon.” natatawang sang-ayon ni Victoria sa manugang na naalala na rin ang gabing iyon, kinuwento kasi ni Gavin sa agahan ang nangyari na kahit na hindi ikwento naririnig ito ni Victoria na umiiyak. “Ibigay na lang natin ang hilig at nais nang hindi maligalig. Ganyan talaga hijo
MABILIS NA NIYAKAP siya ni Bethany upang takpan ang bibig nang marinig niya ang karugtong na sasabihin niya. Napangisi na si Gavin na kalaunan ay humalakhak ng malakas. Bigla siyang na-excited. Ngayon lang din kasi sila ng asawa niya nakapag-usap ng mga pinagdaanan nila lalo na kung paano sila unang nagkita. Nakita niyang ang sandaling iyon ay ayaw palang balikan na ng asawa. Tinanggal ni Gavin ang pagkakatakip ng palad ni Bethany sa bibig niya. Naroroon pa rin ang multo ng ngisi sa labi. Pinanliitan niya ng mga mata si Bethany na namumula na ang mukha.“Mrs. Dankworth, bakit ayaw mong balikan ang gabing iyon? Hmm? Aminin mo, na-love at first sight ka ba sa akin noon?” Dumuwal si Bethany na hindi niya naman sinasadya. Ikinalaki iyon ng mga mata ni Gavin na parang nasaling ang ego. Nakalimutan na buntis nga pala ang asawang kausap niya kung kaya possible na maduwal talaga ito anumang oras.“Ah, nakakasuka pala ang gabing iyon kaya pala niyakap mo ako nang mahigpit tapos—” “Napagkama
ILANG ARAW PA ang pinalipas ng mag-asawa bago sila nagpasyang muling bumalik ng kanilang mga trabaho. Tambak man ang gawain ni Gavin sa kanyang opisina at ang mga kliyente ng kaso na naghihintay sa kanyang pagbabalik ay hindi niya iyon inuna hanggang sa ang ama na mismo ni Gavin ang nakiusap na kailangan niya ng bumalik ng office. “Sapat na siguro ang pahinga mo, Gavin. Kailangan mo ng bumalik at hindi ko kayang hawakan ang kumpanya mo.”Ang tinutukoy ni Mr. Dankworth ay ang sariling kumpanya ng anak na pansamantalang ipinagkatiwala sa kanya hindi ang mismong kumpanya ng kanilang pamilya. Sinalo niya iyon nang mapag-alamang nasa Australia ang anak niya.“Dad–”“Pwede mong ayusin ang lahat ng mga kinakaharap mong problema habang nagtatrabaho ka. Hindi naman siguro mamasamain iyon ng iyong asawa. Saka, may kasama naman siya ang madrasta niya di ba? May ilang problema ang kumpanya mo at sumasakit na ang ulo ko kung paano ko ito hahanapan ng solusyon. Ikaw lang ang makakaayos nito.” Nap
SINALUBONG SILA NI Manang Esperanza na abot sa tainga ang mga ngiti sa labi. Tinulungan na silang ipasok ang dala nilang maleta sa loob ng penthouse. Dinala lang niya iyon sa may sala at kapagdaka ay muling humarap. Bakas pa rin ang giliw nito sa mukha at muling nagsalita sa mas masigla nitong tinig.“Welcome back, Attorney and Miss Bethany!”“Hi, Manang Esperanza…” yakap dito ni Bethany, pilit na winawaglit ang pagbigat ng pakiramdam.Si Manang Esperanza na rin mismo ang gumiya kay Victoria patungo sa silid na kanyang o-okupahin matapos na yumakap kay Bethany. Habang nasa Australia pa sila ay pinalinis na iyon ni Gavin sa matanda kung kaya naman pag-uwi nila ay wala na ang mga naiwang kalat dito. Naroon na rin ang ibang mga gamit ni Victoria na ipinakuha na sa bahay nila bago pa man sila makauwi ng bansa. Inabot ni Gavin ang kamay ni Bethany at mabagal nilang sinundang mag-asawa sina Victoria na patungo na ng silid. Sinulyapan lang ni Bethany ang asawa. Mapagpaubaya at tahimik na nag
NAISIN MAN NI Mrs. Dankworth na sa mansion nila padiretsuhin ang mag-asawa upang doon na lang muna mamalagi kaso ay hindi naman iyon pinahintulutan ni Gavin na mangyari dahil alam niyang mahaba ang kanilang naging byahe at kailangan nilang magpahinga ng kanyang asawa upang makabawi ng lakas. Hindi lang iyon. Bakas na sa mga mata ng asawa ang pagod at malamang ay hindi nito magagawang tanggihan ang kagustuhan ng kanyang ina kung ito ang kakausapin kung kaya naman siya na ang magde-desisyon para sa kanila. Uuwi muna sila ng penthouse. Saka na lang sila pupunta ng kanilang mansion.“Sa sunod na lang Mommy, maglalaan na lang kami ng oras at panahon ni Thanie para bumisita sa mansion. Huwag po muna ngayon. Please?” pakiusap ni Gavin na nilingon na ang asawang yakap pa rin ni Briel na animo hindi nagkaroon ng katiting na galit ang kapatid sa kanyang asawa, nakikita pa rin niya na medyo ilang si Bethany kay Briel ngunit saglit lang naman iyon. “Magpapahinga muna kami ng asawa ko.”“Ganun ba
ANG ISANG LINGGO na extension ng pananatili ng mag-asawa sa Australia ay ginugol nila sa pamamasyal at paggalugad sa mga lugar na puntahan ng mga turista sa lugar. Pinuntahan nila ang mga lugar na nakita online ni Bethany kasama ang madrastang si Victoria. Ganundin ang mga restaurant kung saan ay may mga biglaang cravings siya. Sinigurado nilang masusulit ang lahat ng oras na inilalagi nila sa bansa. Wala namang naging reklamo si Gavin na kahit mababakas ang pagod sa mukha ay sunud-sunuran sa lahat ng gusto ng kanyang asawa. Ang makita itong masaya habang namamasyal sila at nakukuha nito ang gusto ay walang katumbas na halaga para sa abogado. Ang makita ni Gavin ang mga ngiti nitong unti-unting nagkakaroon ng buhay ay napakalaking bagay para sa kanya. Nagawa nitong mapanatag ang loob niya. “Sayang 'no, hindi na ako ngayon makakabisita kay Miss Gen na isa sa mga goals ko kung kaya ako umalis ng bansa.” pagsasatinig ni Bethany habang ang kanyang mga mata ay nasa labas ng kanilang eropl