NAMAMANHID ANG BUONG katawan na patuloy na inihakbang ni Bethany ang mga paa palabas ng bakuran ng villa ni Albert. Gusto na niyang makaalis sa tanaw ng paningin ng lalaki. Hindi niya alintana ang buhos ng lumalakas pang ulan na parang dinadamayan siya ng mga sandaling iyon. Nakadagdag pa iyon upang makaramdam ng pag-iisa at kalungkutan ang dalaga. Kung kanina ay ambon-ambon lang iyon, ngayon naman ay totoo na at mas lumaki pa ang mga butil na bumabagsak. Kumikinang ang bawat patak nito sa kalsadang unti-unting nababasa sa tulong ng mga street lights na nagkalat sa tahimik na mahabang na kalye na walang katao-tao. Maingay na humahalik ang suot na high heels ng dalaga sa malamig na kalsada sa patuloy na paglayo niya sa villa. Kuyom ang mga kamao upang huwag sumambulat ang emosyon niyang kanina niya pa tinitimping mag-umalpas sa kanya. Ilang minuto na siyang naglalakad upang humanap ng masasakyan pauwi ng bahay. Nang ilang segundong tumigil ay naramdaman na ng kanyang mga paa ang masa
MATAPOS NA MAPAKURAP-KURAP ni Bethany upang siguraduhin niyang hindi lang siya namamalikmata at guni-guni ang imahe ng lalakeng kaharap niya ay bumaba ang tingin niya sa isang palad ni Gavin na inilahad nito sa kanya. Hindi siya gumalaw, nanigas na ang buong katawan niya nang mapagtantong hindi lang dahil sa malikot niyang imahinasyon ang nakikita niya. Hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata. Totoong nasa harapan niya si Gavin. Sa mga sandaling iyon ay gustong itapon ng dalaga ang katawan sa lalaki at magsumbong, ihinga ang lahat ng hinanakit niya at sama ng loob na kinikimkim niya ngunit hindi niya iyon magawa. Naburo pa ang mga mata niya sa kamay nitong nakalahad pa rin na basa na ng ulan.“Poor little thing...” mahinang bulong ni Gavin sabay iling nang mariin habang nakatingin pa rin sa ang malungkot na mga mata nitong puno na ngayon ng awa.Nang hindi pa rin gumalaw si Bethany na ay marahan ng yumukod si Gavin. Ipinahawak ng binata ang tangkay ng payong sa isang kamay ni Bethany
NANGILABOT ANG BUONG kalamnan ni Bethany nang dahil sa madiin at pailalim na paninitig na ibinibigay ni Gavin sa kanya ng mga sandaling iyon. Malagkit na humahagod ang mga mata nito mula sa kanyang ulo pababa ng mga paa na nakakailang na kay Bethany dahil pakiramdam niya ay hubad siya kahit na may suot naman siyang malaking damit nito. Sa halip na mag-reklamo ay ikinapula pa ‘yun ng magkabilang pisngi ni Bethany. Naisip niya kasi ang pinagsaluhan nilang manit na halik kanina habang nasa gitna ng ulan. Hindi niya alam kung patuloy na ba siya ditong nahuhulog o nararamdaman niya lang iyon dahil pakiramdam niya ay mahalaga siya dahil palaging nariyan si Gavin para sa kanya anumang oras na nasa panganib siya at kailangan niya ng tulong. At isa pa, kahit na gumanti siya ng halik hindi dapat ganito ang mga tingin niya. Alam naman ng binatang maiilang siya eh. Oo na, mukha na siyang puno ng kawayang nilagyan ng damit dahil ang laki ng damit nito sa kanya pero para sa kanya ay nakakabastos an
HINDI LANG ANG bagay na iyon ang inaalala ni Bethany dahil paniguradong ngayon pa lang ay iba na ang iniisip ng kanyang madrasta. Sino ba namang matinong babae ang sasama sa isang lalaki para matulog sa iisang bahay? Wala. Unless, may relasyon sila at palagay ang loob sa bawat isa. At hindi ganun ang relasyon nila ni Gavin. Hindi nga nagkamali doon ang dalaga. Ilang beses na napakurap na ang Ginang na tiningnan pang muli ang screen ng hawak niyang cellphone habang kausap si Gavin dahil baka nagkakamali lang ito. Makailang beses din na kinurot ng matanda ang sarili para makaramdam lang ng sakit at malaman niyang hindi nga siya nananaginip. Totoong kausap niya ang pinakasikat na abogado sa buong bansa at ito ang kasama ni Bethany.“Seryoso ka bang ikaw si Attorney Dankworth?” paglilinaw niya pa na may himig ng pag-aalinlangan kasi baka namali lang siya ng dinig sa pangalang sinabi nito, dinadaya lang siya ng pandinig. “Ang future brother-in-law ng tarantadong si Albert?” walang filter p
SA KABILA NG pagod ni Bethany ay hindi siya dalawin ng antok kahit nakalapat na ang kanyang likod sa kama. Nakailang biling na siya sa higaan upang humanap ng komportableng pwesto ngunit wala siyang makuha kahit na ilang beses niyang sinubukan ‘yun. Subalit sa tuwing ipipikit niya ang mga mata ay ginigising siya ng diwa sa pakiramdam na yakap-yakap siya ng matipuno at makisig na mga braso ni Gavin habang naglalakad ito sa gitna ng buhos ng ulan. Hindi lang iyon, dala ng kanyang malikot na imahinasyon ay naririnig niya rin ang nakakakilig na malambing na pagtawag ni Gavin sa kanyang pangalan nang paulit-ulit dahilan upang ang diwa niya ay mas magising pa at itaboy ang antok niya. “Waaah! Ano ba? Patulugin mo naman ako! Patulugin mo ako!” bulalas niyang nagtakip pa ng kumot sa mukha upang itago ang kilig na nakabalandra sa kanyang mukha na tanging siya lang naman ang nakakaramdam at nakakakita, mas naging gwapo pa sa paningin niya si Gavin. Para itong hero niya in shining armor dahil p
SA SOBRANG KABA ay hindi na malaman ni Bethany kung ano ang tamang gagawin at matinong iisipin sa mga sandaling iyon. Natatakot siya na nae-excite kung kaya naman hindi niya mapigilang mangatal ang katawan sa patuloy na ginagawa nilang halikan ni Gavin na hindi niya alam kung saan sila dadalhin o hahantong kapag hindi pa nila iyon tinigilan. Namawis na ang mga palad ni Bethany na sign na mas naging kabado pa siya. Sa kabilang banda ay mas lumalim pa ang emosyon ni Gavin na tuluyan nang nilamon ng kanyang init na nararamdaman. Nang pareho na silang nawawala sa sarili nang dahil sa kapusukan ay biglang napadaing ng mahina si Bethany dahilan upang matigilan sa paghalik niya ang binata. Naputol iyon nang ginawang ingay ng dalaga.“Anong problema?” tanong ni Gavin na napasandal na ang noo sa noo ng dalaga, bakas sa kanyang tinig ang sobrang pagkabitin sa pinagsasaluhan nilang sumisidhi pang halik. “M-May paltos ang sakong ko nang dahil sa taas ng takong ng heels na suot ko kanina.” nakok
TUMAYO NA SI Gavin nang matapos niyang lagyan ang kabilang paa ni Bethany. Magaan na niyang tiningnan at nginitian ang dalaga na pumanaog na rin ng kama. Umapak ang mga paa nito sa malamig na sahig ng silid. Walang pakundangan na niyang iniyakap ang dalawa niyang braso sa leeg ng binata. Ang mapangahas niyang galaw na iyon ay ikinagulat nang sobra ni Gavin na nahigit ang hininga nang ilang segundo. Hindi pa nakuntento dito ang dalaga, tumingkayad ito upang subukang abutin ang labi ng binatang bahagyang nakaawang. Parang estatwang hindi makagalaw si Gavin na blangkong tinitigan lang sa mukha ang dalaga at pinagmasdan kung ano ang tangkang gawin nito sa kanya. Kung sasabayan niya ito at paiiralin ang dikta ng nag-iinit niyang katawan, paniguradong kanina niya pa ito sinunggaban. Ang mga tingin namang iyon ni Gavin kay Bethany ay nagpainit ng katawan ng dalaga na panandaliang nawala ang gumagapang na hiya. Para siyang naging ibang tao bigla.“S-Sandali lang, Thanie.” awat niya nang ilang
NANG MAGISING ANG dalaga kinabukasan ay alas otso na iyon ng umaga. Nkaahawi na ang mga kurtina ng silid kung saan natatanaw na sa labas ang maliwanag na paligid. Bigla siyang umupo sa gilid ng kama kahit hindi pa nakakapag-adjust sa liwanag ang kanyang mga mata nang maalala na wala nga pala siya sa kanyang silid at nanulugan siya sa penthouse ni Gavin. Nakita niya ang malabong imahe ng binata na nakatayo sa harapan ng whole body na salamin. Sinisipat ang kanyang sarili doon. Base sa amoy ng after shower gel nito at tumutulong tubig sa tips ng kanyang buhok ay tapo na itong maligo. Abala ang kanyang mga mata na maayos na itinatali sa leeg ang bagong suot niyang kurbata. Madilim na kulay asul ang plain polo long sleeve shirt ang suot niya na may partner na kulay abong pantalon. Mature at gwapo na naman ito sa mga mata ng dalagang umaga pa lang ay agad busog na.“Good morning, Thanie!” masiglang bati ni Gavin sa kanya nang makita sa gilid ng kanyang mga mata na nagising na ang bisita, “
TAHIMIK NA INIHATID ni Briel ang Gobernador sa may pintuan ng kanilang hotel room. Isang yakap at halik pa sa labi ng ilang segundo ang ginawa nito bago tuluyang umalis. Kumain na rin siya ng agahan matapos na makaalis ng lalaki upang samahan ang kanilang anak na si Brian. Hindi na mapawi ang ngiti sa labi ng babae. Dati, pangarap niya lang iyon. Nasa imahinasyon niya lang ang ganitong bagay at pagkakataon. Ni hindi sumagi sa kanyang isipan na isang araw ay matutupad na mabuo silang tatlo. Hindi niya na tuloy mahintay pa na makabalik sila sa Pilipinas at ipilit ni Giovanni ang sinabi sa kanya. Matapos nilang kumain ay wala na silang ginawa mag-ina kundi ang humilata. Nanood lang si Brian ng cartoons na palabas sa TV sa sala samantalang siya ay nakahiga naman sa sofa. Panay scroll sa social media account. Napabangon siyang bigla ng makitang tumatawag ang kapatid niyang si Gavin na marahil ay makikibalita. “Kumusta kayo diyang mag-ina?” Inayos ni Briel ang kanyang hitsura bago binuksa
NANATILING TAHIMIK AT nakatikom ang bibig ni Briel kahit pa alam niyang hinihintay ni Giovanni ang magiging sagot niya. Dahil din sa pananahimik niya ay hindi na mapigilan pa ng Gobernador na kabahan sa kilos ni Briel. Kilala niya ang babae, sasagot ito sa kanyang katanungan. Hindi nito pipiliing manahimik na gaya ng ginagawa niya ngayon.“Lilipat diyan sa tabi mo. Gusto ko yakap tayo habang nag-uusap.” ikot na ni Briel sa gilid ng kama upang magtungo na sa tabi ni Giovanni, tumayo na doon ang Gobernador upang bigyan siya ng daan na mahiga sa tabi ng kanilang anak. “Akala ko naman, lalayasan mo na ako.” natatawa pang sambit ni Giovanni na hindi nilubayan ng tingin si Briel.Tinawanan lang din siya ni Briel ngunit hindi na don nagkomento pa ng iba.“Sigurado ka na ba talaga na gusto mong mag-resign?” lingon na sa kanya ni Briel habang maayos na nahihiga sa kama, tinanggap niya ang laylayan ng comforter na binigay ni Giovanni. “Hindi ka ba na-pe-pressure lang nang dahil sa amin ni Bria
SA SINAGOT SA kanya ni Briel ay tila nagbigay iyon ng karapatan kay Giovanni na itulak pasandal ng pader ang katawan ng babae na hindi naman na siya pinahirapan pa. Inilagay na niya ang isang kamay nito sa itaas ng ulo ni Briel at isinalikop doon ang isa pa niyang palad. Habang patuloy na hinahalikan si Briel na isa’t-isa na ang hinga ay gumagalaw naman ang isa niyang palad upang hubaran ang katawan ng babae na parang isdang tinanggal sa tubig. Nang dahil iyon sa tensyon at excitement na patuloy na nararamdaman. Hindi na nagreklamo si Briel na parang nilalagnat na sa taas ng temperatura ng kanyang katawan. Maya-maya pa ay napuno na ng mahina nilang mga ungol ang loob ng pantry. Mga ungol na nasasarapan sa kung anumang ginagawa nila. Hindi na nila nagawa pang pumasok ng silid sa pag-aalalang baka magising nila si Brian. Tiyak kasing parang lumilindol na naman ang kama. Hindi lang iyon, parang dinaanan iyon ng bagyo lalo pa at pareho silang sabik na sabik ng Gobernador sa bawat isa. Hin
SINAMANTALA ANG PAGKAKATAONG iyon ni Giovanni na agad ng hinuli si Briel upang kanyang yakapin habang hindi pa ito nakakakilos sa yakap ng kanilang anak na si Brian. Sa kabila ng mga pandidilat ni Briel bilang protesta ay hindi siya pinakawalan ng Gobernador na animo ay nanalo na sa laban nilang dalawa. Kalaunan ay bumagsak silang tatlo sa ibabaw ng kama kaagapay ng munting halakhak ni Brian na tuwang-tuwa ng nasa ibabaw ni Briel habang nakayakap pa rin naman si Giovanni kay Briel. Salit-salitan ang tingin niya sa mga magulang gamit ang kumikislap na mga mata. Hindi naman magawang bulyawan ni Briel si Giovanni dahil panigurado na iisipin ng anak na siya ang kanyang sinisigawan at hindi ang ama ng anak. Madamdamin pa naman ang bata at napakaiyakin kung kaya ingat na ingat si Briel na mapaiyak na naman. “Bitaw…” mahina niyang sambit na sapat lang upang marinig ni Giovanni. Sa halip na sundin siya nito ay humigpit pa lalo ang yakap ni Giovanni sa kanya na inamoy-amoy na ang buhok niyan
HINDI NAGING MADALI para kay Briel ang naging biyahe nilang mag-ina nang dahil sa haba ng oras noon. Nandiyan ang nag-aalboroto na ang anak kahit na komportable naman sila sa upuan. Gusto na nitong bumaba o may nais gawin na hindi masabi sa kanyang ina. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na hindi na lang sila sumabay pa kay Giovanni papunta nng Italy. Ganunpaman, bilang sanay na sa mahirap na sitwasyon, na-handle niya ang anak hanggang sa makalapag sila sa dayuhang bansa at makarating sa hotel kung saan sila naka-booked. Patang-pata ang katawan niya na para bang binugbog nang napakahabang biyaheng iyon, na kahit ang mga tawag ni Giovanni nang paulit-ulit sa kanya ay hindi niya magawang masagot dahil tulog siya at hindi man lang iyon narinig kahit malakas sa lalim ng kanyang tulog. Tulog silang dalawa ni Brian nang tunguhin ng Gobernador ang hotel kung nasaan na sila dahil hindi na nakatiis. Napuno ng kung anu-anong isipin ang utak kahit pa alam nitong nakarating sila nang maayos sa h
NAPUTOL LANG ANG kanilang usapan ng makatanggap ng message si Giovanni mula kay Briel. Dali-dali niyang pinatay ang tawag kay Margie. Noon pa lang ay kabado na siya. Alam niyang sinubukan siya ni Briel na tawagan pero in another call siya. Hindi naman ito nanghingi ng paliwanag sa kanya kung kaya hindi na lang din niya sinabi upang hindi ito bigyan ng isipin. Mamaya sumama na naman ang loob nito bago pa sila makaalis ng bansa. “Hindi ka na ba, busy?” “Hindi na. Pahiga na ako.” tugon niya kahit ang totoo ay bigla siyang napalabas ng veranda upang lumanghap ng sariwang hangin nang dahil sa sakit ng ulo na binibigay ni Margie, “Ikaw? Tapos ka na bang mag-impake?” pag-iiba niya ng usapan na binaling na kay Briel.“Hmm, nakahiga na rin kami ni Brian. Gusto mo kaming makita?” Nararamdaman ni Briel na medyo balisa ang boses ni Giovanni ngunit hindi na niya ito pinuna, baka lang kasi pagod ito sa kanyang mga inasikaso kung kaya ganun ang timbre. “Sure. Wait lang, gagamit lang ako ng banyo
HUMIHIMIG-HIMIG PA NG isang sikat na kanta si Briel habang nag-iimpake ng kanilang mga gamit at damit na dadalhing mag-ina sa bakasyon sa Italy. Dalawang wala pang lamang malaking maleta ang nakalatag sa ibabaw ng kama kung saan ay maingat na inilalagay ni Briel ang kanilang mga gamit na dadalhin. Nasa tabi noon si Brian na nilalaro ang robot na bagong bigay ng kanyang ama. Panaka-naka ang tingin ng inosenteng mata nito sa ginagawa ng ina. Hindi pa rin napawi ang ngiti doon ni Briel na hindi na mahintay ang bakasyon nila.“Brian, dadalhin ba natin ang toys na iyan?” Marahang tumango si Brian. “Alright, sa hand carry na lang.” Sinigurado ni Briel na wala siya doong makakalimutan kaya naman nilalagyan niya ng check ang mga naka-lista niyang gamit once na nailagay na iyon sa loob ng maleta. “Good for two weeks na ang mga damit na dadalhin natin para naman hindi na tayo namo-mroblema.” aniya pa kay Brian na animo ay maiintindihan ang sinasabi niya dito. Patapos na siya sa mga iyon n
HINDI DOON UMILING si Giovanni upang itanggi at pabulaanan ang masamang kutob at bintang ni Briel sa kanya. Para sa kanya ay mabuti na rin iyon ang isipin ni Briel nang mabilis nitong matanggap ang lahat. Lumabas man siyang masama sa paningin nito, hindi niya iyon papabulaanan. Oo, masasaktan niya ang nobya pero iyon lang ang alam niyang dahilan upang hindi niya ito magawang mapahamak sa hinaharap. Higit na mas masaklap ang bagay na iyon kung mangyayari. Higit na hindi niya magagawang labanan pa. Pareho silang mapapahamak. Pareho silang mawawala sa tamang katinuan. Pareho silang mahihirapan. “Sa sunod, huwag mo na akong hihintayin na pumunta dito dahil busy akong tao at hindi rin ako darating.” sa halip ay sambit ni Giovanni na mas bumasag pa sa pusong durog na durog na ni Gabriella. Gusto na naman ni Briel tanungin kung bakit, ngunit hindi pa nga nito nagagawang sagutin ang una niyang mga katanungan. Naisip niya na ayaw na nito kung kaya ganun ang ginagawa sa kanya. Maraming dahila
SA HALIP NA sumugod sa club nang dahil sa nalaman niya sa tawag ay minabuti ni Briel na magtungo ng apartment. Ewan ba niya, umaasa siyang baka magawi doon ang nobyo pagkatapos niyang magsaya. Baka kasi kapag pumunta siya doon ay magaya sa dati na mapahiya na naman siya. Ayaw naman niyang pwersahin si Giovanni na sabihin na kasintahan siya, lalo pa ngayong may hindi sila pagkakaunawaan. Siya na lang ang pilit na uunawa sa kasintahan na para rin naman sa kanila. Titiisin na lang niya muna ang lahat.“Kapag hindi siya dumating, eh, 'di uuwi ako ng mansion namin kagaya ng ginagawa ko dati. Maliit na bagay lang.” higa na ni Briel sa sofa na mabigat ang pakiramdam lalo na sa may bandang dibdib niya. Nakatulugan na lang ni Briel ang paghihintay kung kaya naman pagdating ni Giovanni doon ang buong akala niya ay walang tao. Nakapatay ang mga ilaw na sinadyang gawin ni Briel. Sa kusina lang ang bukas noon na hindi gaanong kita sa bandang sala. Pagbukas niya ng main switch sa sala ay tumambad