NANG MAGISING ANG dalaga kinabukasan ay alas otso na iyon ng umaga. Nkaahawi na ang mga kurtina ng silid kung saan natatanaw na sa labas ang maliwanag na paligid. Bigla siyang umupo sa gilid ng kama kahit hindi pa nakakapag-adjust sa liwanag ang kanyang mga mata nang maalala na wala nga pala siya sa kanyang silid at nanulugan siya sa penthouse ni Gavin. Nakita niya ang malabong imahe ng binata na nakatayo sa harapan ng whole body na salamin. Sinisipat ang kanyang sarili doon. Base sa amoy ng after shower gel nito at tumutulong tubig sa tips ng kanyang buhok ay tapo na itong maligo. Abala ang kanyang mga mata na maayos na itinatali sa leeg ang bagong suot niyang kurbata. Madilim na kulay asul ang plain polo long sleeve shirt ang suot niya na may partner na kulay abong pantalon. Mature at gwapo na naman ito sa mga mata ng dalagang umaga pa lang ay agad busog na.“Good morning, Thanie!” masiglang bati ni Gavin sa kanya nang makita sa gilid ng kanyang mga mata na nagising na ang bisita, “
BAGO LUMABAS NG silid ay naisip din ni Bethany na bagay sa kanya ang off shoulder peach dress na binili ng secretary kahit na minsan lang siya magsuot ng ganong style ng damit. More on fitted jeans siya at saka crop top or mga formal attire dala na rin ng kanyang propesyon bilang guro. Ganun ang klase ng mga pormahan niya. Subalit dahil wala naman siyang dalang damit, alangan namang mag-inarte pa siya at maghanap sa abogado ng papasa sa kanyang panlasa? May hiya pa rin naman siya kahit na mukha siyang mapagsamantala sa paningin ng ibang tao. Dapat niyang ilagay sa tamang lugar ang kanyang kaartehan. Huwag sa araw na iyon, sa ibang araw na lang kapag may karapatan na siyang gawin iyon at hindi na siya pabigat sa ibang taong nasa paligid niya. Marapat na magpasalamat na lang siya kung ano ang ibinibigay sa kanya. Kumbaga ay maging grateful. Abot sa tainga ang ngiti na naupo siya harapan ng abogadong hindi bumibitaw ang tingin sa katawan niya. Bakit? Labas na labas kasi ang ganda ni Beth
WALANG KAHIT NA anong naging bahid ng pagtutol sa mukha ni Gavin nang sabihin iyon ni Bethany. Marahan lang siyang tumango bilang pagsang-ayon sa mga sinabi nito. Hindi niya rin naman ito pwedeng pigilan sa gustong gawin kahit na doon ito nakatira sa bahay niya. Hahayaan niya pa ‘ring gawin niya ang nakasanayan niya, hindi niya ito ikukulong doon.“Okay. Maiba ako may degree ka ba o certificate sa pagtugtog ng mga instrument?” marahang umiling si Bethany, natuto lang siya pero wala siya noon na magpapatunay na magaling talaga siya doon. Ang binibigay niya lang sa music center ay pahapyaw na lesson at dahil magaling siya hindi na siya hinanapan pa ng mga dokumento kaya nanghihinayang din naman siya sa trabaho niyang sinira lang ng dating nobyo. “Nakita kong magaling kang tumugtog lalo na ng piano at gitara, bakit hindi mo ituloy ang iyong pag-aaral at mag-masteral ka?” Bagamat kayang bayaran ng pamilya ni Bethany iyon ay hindi pa rin niya nakuha ang gusto nang dahil sa pagtutol ng mad
MALUTONG NA HALAKHAK ang tanging isinagot ni Albert kay Bethany sa litanya niyang iyon. Para sa lalaki ay imposible na bawiin iyon ng dating nobya kung nakapangako na ito sa kanya. Hindi iyon ugali nito. Sobrang halaga ng mga magulang nito kung kaya naman hindi ito basta tatanggi o magba-back out sa alok niya kung ikakabuti naman iyon ng madrasta at ama. Hindi niya sila hahayaang mapahamak kung kaya naman hindi siya naniniwala sa sinasabi ng dalaga. Baka nagbibiro lang ito o kung hindi naman ay paniguradong may nangyari kung kaya bigla itong kinapitan ng tapang na ‘di niya alam kung saan nanggaling.“Talaga, Bethany? Wala kang anumang pakialam kay Tita Victoria at Tito Benjo? Gusto mo talaga silang makitang nahihirapan? Hindi ka ba nakokonsensya ha? Akala ko ba nakahanda kang gawin ang lahat para sa kanila? Ni ang paghalik nga sa talampakan ko ay kaya mong gawin para sa kanilang dalawa di ba?Anong nangyari? Bakit binabawi mo na? Hindi ka ba natatakot sa maaari kong gawin sa kanila?”
MAKALIPAS ANG TWENTY minutes ay huminto na ang dalang sasakyan ni Albert sa harapan ng detention center. Maingat na pabalagbag niyang ipinarada iyon at taas ang noong bumaba ng sasakyan. Agad na tumambad sa kanyang mga mata ang isang pigura na napapaligiran ng mga tao sa loob ng building. Para itong celebrity. Isinuot niya ang shades na itim habang pasandal na naupo sa unahan ng kanyang sasakyan. Mataman siyang nagmasid sa paligid. Maaaring ito ang mapangahas na abogadong kumuha ng kaso ng ama ni Bethany, gustong makilala at makita ito ni Albert kung karapat-dapat ba iyon ng galit niya. Baka isang pipitsuging abogado lang gaya ni Attorney Hidalgo iyon. Nagtataka rin ang lalaki kung bakit pinalitan pa ‘yun ni Bethany. At least iyon alam niya na kung anong laban ang gagawin nito. Ilang hakbang ang kanyang ginawa upang makita niya lang at masilip ang mukha ng pinagkakaguluhan nila. Nangatog na sa takot ang kanyang dalawang tuhod nang makita kung sino ang abogadong iyon. Napatayo na siya
GALIT NA INIHAMPAS ni Albert ang isa niyang palad sa katawan ng kotse matapos niyang ibaba ang tawag sa dalaga. Ang buong akala niya ay magtatagumpay na siyang makuha ito ngunit hindi pala. May pumigil na makuha niya ang gusto niya sa babae at hindi niya matanggap na ang future bayaw niya lang ang gagawa noon sa kanya. Halos dumugo na ang kanyang labi sa mariing pagkakakagat niya bunga ng kanyang galit at hinanakit na nararamdaman. Dito niya ibinaling ang lahat ng nararamdaman niya at hindi niya napansin na lumikha na iyon agad ng sugat. Ang sakit-sakit ng puso niya. Mas masakit pa ‘yun sa sugat na gawa ng kutsilyo sa kanyanng tagiliran. Parang wala iyong katapusan eh. “Bethany Guzman!” sambit ni Albert habang nandidilim na ang mga mata habang naiisip ang mukha ng babaeng paniguradong sa mga sandaling iyon ay pinagtatawanan na siya. “Inuubos mo ang pasensya ko. Sinasagad at sinusubukan mo ako kung hanggang saan aabot ang pagtitimpi ko ng mas tumitindi pang galit ko sa’yo! Hintayin mo
HUDYAT IYON UPANG magmadaling umalis na ang Manager sa lugar at iwan si Albert at ang babaeng ibinigay niya sa loob ng silid. Hustler na ginawa ng babae ang trabaho nito sa bar. Ilang buwan na siya sa trabaho kung kaya naman natural na alam niya kung paano paligayahin ang isang lalaki. Nagkusa na siyang yakapin ang leeg ng Albert at halikan iyon upang buhayin ang pagkalalaki ng kanilang customer na sa mga sandaling iyon ay nakabukol na. Nang maging masarap ang mga halik na iyon sa pakiramdam ni Albert ay inihiga na niya ang babae sa sofa. Walang ingat na idinagan niya ang kanyang katawan na hindi niya alam kung paano nagawang hubaran ng babaeng iyon na ang unang tingin niya ay inosente at walang alam sa ganung mga bagay. Nagkamali siya. Kamukha man ito ni Bethany, pagdating sa bagay na iyon ay wala itong nginig at pag-aalinlangan sa kanyang katawan. Maya-maya pa ay napuno na ng ilang mga halinghing at nasasarapang mga malalakas na ungol ang loob ng silid na iyon na pinabantayan pa ng
HILAW NA NGUMITI si Albert na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Mababakas ang rumehistrong takot sa kanyang mukha hindi niya man iyon tahasang sabihin sa nobya. Mabilis na umahon sa kanyang inuupuan ang lalaki na hindi na doon mapakali. Iyon lang ang naging choice niya upang pahapyaw silang iligaw. Ilang beses pa siyang napakurap ng kanyang mga mata upang kalamayin ang sarili at makaisip ng magandang palusot. Malamang pabango ng babae doon sa club ang pabangong naamoy ngayon ni Briel na dumikit sa kanyang katawan. Hinagod niya ang isang kamay sa ulo upang mag-isip ng idadahilan na bibilhin ng nobya niya.“Ah, Babe, pumunta kasi ako ng hospital kanina bago ako magtungo dito. Hindi ko pala nasabi sa’yo ‘no?” sambit niyang nilakipan pa iyon ng paawa niyang emosyon, marahang tumango si Briel. “Pinapalitan ko nga pala ng gasa iyong sugat ko sa tagiliran at pinalinisan ko na rin. S-Siguro sa nurse ang pabangong naamoy mo kasi siya lang naman ang lumapit sa akin kanina. Wala naman a
NAPAHILOT NA SA kanyang sentido si Gavin matapos na umigting ang kanyang panga.“Sino ang ama ng anak niya? Nakita mo? Babaliin ko talaga ang lahat ng buto ng lalaking iyon na hindi kayang pauwiin ang kapatid ko para panagutan. Tarantado siya! Dalawang taon? Tapos hindi niya nagawang makumbinsi si Briel na magpakita?!” “Hindi ko rin alam. Hindi niya sinabi. Wala kaming nakita doon. Sila lang mag-ina ang nakita namin.” “Iyang kalandian niya! Hindi muna siya nagpakasal bago nag-anak! Talagang magagalit kami! Saka baka mas malala pa sa ex-boyfriend niyong dalawa ang nakuha niya? Dapat pinakilatis niya muna sa amin! Basta na lang siyang bumigay? Oo, liberated siya at halos lumaki sa bansang hindi conservative pero hindi iyon sapat na dahilan para magtago!” Marahas na ginulo na niya ang ulo. Lalo pang naging desidido na malaman ang address ng kapatid niya.“Tingnan mo na. Ngayon pa lang highblood ka na. Paano kapag kaharap mo na siya? Mag-aalboroto ka? Walang kinalaman ang bata sa gulo,
LUMABAS NA MULI si Bethany ng kusina upang sunduin ang kanyang mag-ama. Kinabahan na siya nang makita niyang parang may seryoso silang pinag-uusapan ng kanilang anak. Na-conscious na siya doon dahil sa paninitig na binibigay ng asawa sa kanya ngayon, paniguradong nag-aakusa iyon ng kung ano na hindi niya magawang isatinig. Naiilang na si Bethany. Mukhang may mali. Parang nagsumbong na yata sa ama ang anak kahit na malinaw ang kanilang usapang mag-ina na hindi dapat makarating sa ama niya ang tungkol kay Briel.“Tara na sa kusina nang makakain na tayo ng hapunan.” anyaya ni Bethany sa mag-ama, hindi na gusto ang binibigay na tingin ng kanyang asawa sa kanya. Napakamot siya ng ulo, mukhang may sinumbong na nga ang anak niya sa kay Gavin. “Nakahain na…” dugtong niyang pilit hinagilap ang mata ng anak na biglang naging mailap sa kanya.Hindi nga doon nagkamali si Bethany dahil nang makatulog na ang anak, nagtanong na ang asawa.“Thanie, totoo ba ang sinasabi ng anak mong umiyak ka daw kan
MUNTIK NG MAKALIMUTAN ng dalawa ang tungkol sa mga batang kasama na parehong nakatingin sa kanilang banda dahil sa pag-iyak. Problemado ang mukha ni Gabe na namumula na rin ang mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakatayo na ito at nakababa sa sofa na inuupuan niya kanina.“Gabe, hindi kami nag-aaway ng Tita Briel. Happy lang kami na muling nagkita. Okay? Happy kami.”“Pero umiiyak kayo ni Tita Briel, Mommy. Lumuluha. Happy pa rin po ba kapag umiiyak?”Sabay silang nagpunas ng luha habang natatawa sa tanong ni Gabe. Bumalik si Bethany sa sofa at kinarga na ang anak. Hinaplos naman sa ulo ang anak ni Briel na ilang sandali pa ay nilapitan na rin ng kanyang ina upang kargahin na rin. Sa bandang huli ay hindi pa rin si Briel nakumbinsi ng hipag na sumama sa kanilang mag-ina pauwi ng villa. Pinanindigan ni Briel na hindi sila sasama sa kanila.“Pangako, hindi ko sasabihin sa Kuya mo na nakita kita. Kayong mag-ina dito. Pero ibigay mo sa akin ang phone number mo para kapag nagaw
HUMIGPIT PA ANG hawak ni Briel sa tangkay ng eco bag kung saan natanggal niya na ang lahat ng mga pinamili sa narinig niyang kuryusong tanong ng hipag. Iyong iba nga doon ay inaayos na lang niya sa tamang mga lalagyan nila nang paulit-ulit upang magkunwari na busy siya at hindi na matanong. Useless lang kung itatanggi pa niya sa hipag ang lahat-lahat gayong buking na rin naman siya nito. Ano pang itatago niya? “Hmm, nalaman ko lang na buntis ako pagkatapos naming maghiwalay. Hindi niya rin alam na may isang Brian sa buhay namin at wala akong planong ipaalam dahil hindi niya rin naman ako pakakasalan. Okay na ako na kaming mag-ina lang, Bethany. Ayos na rin ako sa ganitong set up namin.”Saglit na natahimik ang hipag ni Briel sa sagot niya. Ni hindi na ito nagsalita na tumagal ng ilang minuto. Nag-iisip marahil ng sasabihin sa kanya. Nahiling niya rin na sana huwag na itong umalma. Ngunit mali siya nang muli itong magpahayag ng saloobin na hindi na nagugustuhan pa rito ni Briel.“Bri
HINDI PINANSIN NI Briel ang nakita niyang sakit na dumaan na naman sa mata ng hipag. Awa? Lungkot? Pagkagulat na ganun na siya? Hindi niya mahulaan at wala siyang pakialam pansinin. Another nakakagulat nga naman iyon ulit. Dati wala siyang pakialam sa mga leftover na pagkain, pero ngayon para makatipid ay inuulam pa nila ang tira-tira lang kasi okay pa naman at para hindi na rin masayang. Nababawasan ang savings niya tapos ay walang pumapasok.“Sige, sama na lang kami ni Gabe sa tinutuluyan niyo ngayon.”Kinuha ni Briel ang anak sa hipag at binitbit ng muli ang kanyang mga dala. Sinubukan pa ni Bethany na tulungan si Briel na ganun na lang ang pagtanggi. Dumaan pa ang sakit sa mukha ng hipag sa ginawang iyon ni Briel na ang tanging gusto lang naman ay ang tulungan siyang pagaanin ang dala niyang mga pinamili sa palengke kanina.“Kaya ko, dalawang taon ko ng ginagawa ito.” tawa niya pa upang pagaanin ang kanilang pagitan ni Bethany.“Briel…”“Please, Bethany. Hindi mo kailangang maawa
NAPAPALATAK NA SI Briel nang makitang napapahiya na ang hipag sa inaasta ng pamangkin niya ngayon, napakamaldita talaga. Ang isipin na mana ito sa kanyang Kuya Gav ay parang gusto niya ng pagtaasan ang mag-ina ng kilay. Kumibot-kibot naman ang bibig ni Bethany sa tanong ng anak, halatang pilit kinakalma ang sarili. Para bang ilang minuto pa itong nawala sa kanyang sarili na napatingin na ulit sa mukha ni Briel na nakatingin sa kanya.“Saka ko na sa’yo ipapaliwanag, Gabe. Basta Tita mo siya kaya dapat Tita ang tawag mo sa kanya anak.” malumanay pa nitong saad, pilit na kinokonekta ang mga mata sa batang parang malaki pa rin ang pagdududa.“Kapatid mo ba siya Mommy o kapatid siya ni Daddy para maging Tita ko? Yes or no lang naman, Mommy.” Bahagyang natawa si Briel na salit-salitan na ang tingin sa mag-ina. Positibo nga siyang mana ang pamangkin sa kanyang Kuya Gav sa kagaspangan ng ugali. Galing talaga ito sa genes ng kapatid. Hindi ba sila magkamukha ng Kuya niya? Walang makikitang si
ILANG MINUTO NA ang lumilipas kung kaya naman ay panay ang buntong-hininga ni Briel habang panaka-naka ang tingin sa unahan ng mahabang pila kung saan siya nakatayo na para bang hindi man lang umuusad. May dala naman siyang payong pero hindi niya kaya ang alinsangan ng panahon. Tumatagaktak na ang pawis sa kanyang mukha na kung magtutuloy-tuloy pa ay baka dehydration ang abutin ng katawan niyang hindi pa rin sanay na mabilad. Kung hindi lang kinulang ang pera niyang dala, hindi sana siya magtitiis na pumila ng mahaba sa lintik na fruit tea stand na iyon para sa batang kasama. Gusto niya kasing mabigyan nito ang batang akay niya at kanina pa nakangiti sa kanya. Nakokonsensya naman siya kung aalis sila sa pila at hindi na iyon itutuloy. Iyon na nga lang ang kasiyahan nito kada lumalabas sila, pagbabawalan niya pa? Hindi niya naman alam bakit humaba ang pila. Last time naman hindi. Lihim niyang sinisi ang mga vlogger na nagpakalat ng balitang masarap ang fruit tea doon. Kung pwede niya l
PARANG NAPAPASONG NAPALAYO si Giovanni kay Briel ngunit hindi ito bumitaw sa hawak nito sa leeg niya. Nanlaki pa ang mga mata ng Governor nang awtomatikong humigpit ang yakap ni Briel sa kanya at idinikit pa ang katawan niya na parang bigla siyang naging lango sa alak. Hindi lang iyon, naramdaman niya ang paglapat ng malambot na labi nito sa balat sa leeg at init ng dampi ng hininga na tila ba may nasindihang apoy sa ibabang parte ng kanyang katawan. Idagdag pa ang kiskis ng malaki nitong hinaharap.“Excuse me, Miss Dankworth?!” marahas na alog niya sa katawan nitong mabilis inilayo upang hindi nito marinig ang mabilis na dagundong ng kanyang puso. “Pinagloloko mo ba ako, Gabriella?!”Ilang beses niyang inalog pa ang katawan ng dalaga na hindi niya alam kung nakatulog ba sa mga bisig niya o ano dahil nakapikit na ang mga mata nito.“Nasaan ba si Giovanni?” naulinigan ng Governor ang boses ng ina na halatang hinahanap na siya. “Nasa silid niya po, Donya Livia…”“Umakyat na? May mga bi
ISANG DIPA ANG layo nila sa bawat isa pero amoy na amoy ni Giovanni ang alak sa hininga ng dalaga na hindi niya alam kung matalas lang ba ang pang-amoy niya o talaga lango ito sa alak. Malakas din itong uminom ng alak, iyon ang na-obserbahan niya kay Briel sa loob ng ilang araw nitong pananatili sa mansion nila bago pa ang kasal ng kanyang pamangkin. Iyon ang isa sa turn off niya sa mga babae. Ayaw niya sa babaeng umiinom ng alak o sa babaeng mahilig pumarty. At sa tingin niya party girl ang babae lalo na sa paraan ng pananamit nito. Sinong matinong babae ang magsusuot ng hanggang kalahati ng hitang skirt sa malamig na lugar? Siya lang ang nakilala niyang babaeng ganun.Napapitlag ang Governor na marahas idinilat ang mata nang mag-preno ang driver. Nais nang mapamura sa pagkaudlot sa nakaraang binabalikan. “What the hell are you doing? Tulog ka na ba?!” “S-Sorry po, Governor Bianchi, may aso pong biglang tumawid ng kalsada.” kabadong wika ng driver na biglang namutla sa hitsura ng G