WALANG KAHIT NA anong naging bahid ng pagtutol sa mukha ni Gavin nang sabihin iyon ni Bethany. Marahan lang siyang tumango bilang pagsang-ayon sa mga sinabi nito. Hindi niya rin naman ito pwedeng pigilan sa gustong gawin kahit na doon ito nakatira sa bahay niya. Hahayaan niya pa ‘ring gawin niya ang nakasanayan niya, hindi niya ito ikukulong doon.“Okay. Maiba ako may degree ka ba o certificate sa pagtugtog ng mga instrument?” marahang umiling si Bethany, natuto lang siya pero wala siya noon na magpapatunay na magaling talaga siya doon. Ang binibigay niya lang sa music center ay pahapyaw na lesson at dahil magaling siya hindi na siya hinanapan pa ng mga dokumento kaya nanghihinayang din naman siya sa trabaho niyang sinira lang ng dating nobyo. “Nakita kong magaling kang tumugtog lalo na ng piano at gitara, bakit hindi mo ituloy ang iyong pag-aaral at mag-masteral ka?” Bagamat kayang bayaran ng pamilya ni Bethany iyon ay hindi pa rin niya nakuha ang gusto nang dahil sa pagtutol ng mad
MALUTONG NA HALAKHAK ang tanging isinagot ni Albert kay Bethany sa litanya niyang iyon. Para sa lalaki ay imposible na bawiin iyon ng dating nobya kung nakapangako na ito sa kanya. Hindi iyon ugali nito. Sobrang halaga ng mga magulang nito kung kaya naman hindi ito basta tatanggi o magba-back out sa alok niya kung ikakabuti naman iyon ng madrasta at ama. Hindi niya sila hahayaang mapahamak kung kaya naman hindi siya naniniwala sa sinasabi ng dalaga. Baka nagbibiro lang ito o kung hindi naman ay paniguradong may nangyari kung kaya bigla itong kinapitan ng tapang na ‘di niya alam kung saan nanggaling.“Talaga, Bethany? Wala kang anumang pakialam kay Tita Victoria at Tito Benjo? Gusto mo talaga silang makitang nahihirapan? Hindi ka ba nakokonsensya ha? Akala ko ba nakahanda kang gawin ang lahat para sa kanila? Ni ang paghalik nga sa talampakan ko ay kaya mong gawin para sa kanilang dalawa di ba?Anong nangyari? Bakit binabawi mo na? Hindi ka ba natatakot sa maaari kong gawin sa kanila?”
MAKALIPAS ANG TWENTY minutes ay huminto na ang dalang sasakyan ni Albert sa harapan ng detention center. Maingat na pabalagbag niyang ipinarada iyon at taas ang noong bumaba ng sasakyan. Agad na tumambad sa kanyang mga mata ang isang pigura na napapaligiran ng mga tao sa loob ng building. Para itong celebrity. Isinuot niya ang shades na itim habang pasandal na naupo sa unahan ng kanyang sasakyan. Mataman siyang nagmasid sa paligid. Maaaring ito ang mapangahas na abogadong kumuha ng kaso ng ama ni Bethany, gustong makilala at makita ito ni Albert kung karapat-dapat ba iyon ng galit niya. Baka isang pipitsuging abogado lang gaya ni Attorney Hidalgo iyon. Nagtataka rin ang lalaki kung bakit pinalitan pa ‘yun ni Bethany. At least iyon alam niya na kung anong laban ang gagawin nito. Ilang hakbang ang kanyang ginawa upang makita niya lang at masilip ang mukha ng pinagkakaguluhan nila. Nangatog na sa takot ang kanyang dalawang tuhod nang makita kung sino ang abogadong iyon. Napatayo na siya
GALIT NA INIHAMPAS ni Albert ang isa niyang palad sa katawan ng kotse matapos niyang ibaba ang tawag sa dalaga. Ang buong akala niya ay magtatagumpay na siyang makuha ito ngunit hindi pala. May pumigil na makuha niya ang gusto niya sa babae at hindi niya matanggap na ang future bayaw niya lang ang gagawa noon sa kanya. Halos dumugo na ang kanyang labi sa mariing pagkakakagat niya bunga ng kanyang galit at hinanakit na nararamdaman. Dito niya ibinaling ang lahat ng nararamdaman niya at hindi niya napansin na lumikha na iyon agad ng sugat. Ang sakit-sakit ng puso niya. Mas masakit pa ‘yun sa sugat na gawa ng kutsilyo sa kanyanng tagiliran. Parang wala iyong katapusan eh. “Bethany Guzman!” sambit ni Albert habang nandidilim na ang mga mata habang naiisip ang mukha ng babaeng paniguradong sa mga sandaling iyon ay pinagtatawanan na siya. “Inuubos mo ang pasensya ko. Sinasagad at sinusubukan mo ako kung hanggang saan aabot ang pagtitimpi ko ng mas tumitindi pang galit ko sa’yo! Hintayin mo
HUDYAT IYON UPANG magmadaling umalis na ang Manager sa lugar at iwan si Albert at ang babaeng ibinigay niya sa loob ng silid. Hustler na ginawa ng babae ang trabaho nito sa bar. Ilang buwan na siya sa trabaho kung kaya naman natural na alam niya kung paano paligayahin ang isang lalaki. Nagkusa na siyang yakapin ang leeg ng Albert at halikan iyon upang buhayin ang pagkalalaki ng kanilang customer na sa mga sandaling iyon ay nakabukol na. Nang maging masarap ang mga halik na iyon sa pakiramdam ni Albert ay inihiga na niya ang babae sa sofa. Walang ingat na idinagan niya ang kanyang katawan na hindi niya alam kung paano nagawang hubaran ng babaeng iyon na ang unang tingin niya ay inosente at walang alam sa ganung mga bagay. Nagkamali siya. Kamukha man ito ni Bethany, pagdating sa bagay na iyon ay wala itong nginig at pag-aalinlangan sa kanyang katawan. Maya-maya pa ay napuno na ng ilang mga halinghing at nasasarapang mga malalakas na ungol ang loob ng silid na iyon na pinabantayan pa ng
HILAW NA NGUMITI si Albert na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Mababakas ang rumehistrong takot sa kanyang mukha hindi niya man iyon tahasang sabihin sa nobya. Mabilis na umahon sa kanyang inuupuan ang lalaki na hindi na doon mapakali. Iyon lang ang naging choice niya upang pahapyaw silang iligaw. Ilang beses pa siyang napakurap ng kanyang mga mata upang kalamayin ang sarili at makaisip ng magandang palusot. Malamang pabango ng babae doon sa club ang pabangong naamoy ngayon ni Briel na dumikit sa kanyang katawan. Hinagod niya ang isang kamay sa ulo upang mag-isip ng idadahilan na bibilhin ng nobya niya.“Ah, Babe, pumunta kasi ako ng hospital kanina bago ako magtungo dito. Hindi ko pala nasabi sa’yo ‘no?” sambit niyang nilakipan pa iyon ng paawa niyang emosyon, marahang tumango si Briel. “Pinapalitan ko nga pala ng gasa iyong sugat ko sa tagiliran at pinalinisan ko na rin. S-Siguro sa nurse ang pabangong naamoy mo kasi siya lang naman ang lumapit sa akin kanina. Wala naman a
NGUMITI LANG SI Albert sa kanya at marahang tumango. Ngunit deep inside ay iniisip niyang sana ay huwag na silang mag-abot ng future bayaw niya doon dahil paniguradong masisira na naman ang kanyang araw. Maiisip na naman niya na mas pinapaboran nito ang dati niyang nobya kumpara sa kanya. Ni hindi nito naisip ang kanyang kapakanan, talagang nasa isip na nito na tulungan si Bethany dahil paniguradong may interes ang magiging bayaw sa kanya. Ang isiping iyon ay lalo pang nagpasidhi ng kanyang namumuong galit para sa abogadong ito.“Ayos lang Briel, marami pa namang pagkakataon kung hindi iyon ngayon.”Pagkatapos ng early dinner nila at late afternoon snack na dapat ay lunch nila ay isinama ni Briel sa second floor ng kanilang bahay si Albert. Sinulyapan lang sila ng mag-asawang Dankworth na hindi sumagi na may gagawing kababalaghan ang magkasintahan. Dinala niya ang nobyo doon sa kanyang silid hindi para doon kundi dahil gusto niyang ipakita dito ang silid niya. Hindi naman tumutol si
PAGKATAPOS NA PALIHIM na tumaas ang isang kilay ni Gavin kay Albert ay umayos na ng upo ang binata. Ilang sandapa noon ay pa-de kwatro niyang hinarap ang kapatid na babae na mukhang interesado sa bakanteng trabaho na under ng isa sa kanyang negosyo. Nahuhulaan na ng binatang may gustong hilingin si Briel na hindi niya naman tahasang personal na masabi sa kanyang harapan at sa harapan ng nobyo nito.“May kailangan ka ba sa akin, Briel?”Si Gavin na ang kusang nagbukas noon sabay sulyap ng pahapyaw kay Albert. “Kung mayroon nga Kuya Gav, pwede bang mangako kang hindi mo ako bibiguin?” tanong ni Briel sa kapatid na mas pinausli pa ang kanyang nguso habang matamang nakatingin.“Depende sa kung ano ang kailangan at hihilingin mo sa akin.” “Saan depende, Kuya Gav? Sinasabi mo ba ngayong makakaya mo akong biguin ha?”Hindi sumagot si Gavin na mahinang nagkibit lang ng kanyang balikat.“Kuya Gav?!” parang spoiled na bata na naman na bulalas ni Briel habang nakanguso pa rin ito. “Kilala kit
SA TINURANG IYON ni Margie ay hindi na napigilan na malakas ng naihampas ni Giovanni ang kanyang isang palad sa kanyang lamesa. Hindi na magawang makapagtimpi ng kanyang galit sa mga pinagsasabi ng babae sa kanya. Hindi niya makuha kung saan nanggagaling ang galit ng babae sa kanya at nagawa nitong masabi iyon. Hinid man nito kilala kung sino ang kanyang tinutukoy, isa lang ang nasisigurado doon ni Giovanni. Walang sinuman ang magsasalita ng masama patungkol kay Briel at bibintangan ito ng mga bagay na hindi naman niya ginawa. Kamukha niya si Brian, ano pa ang kailangan niyang patunayan? Kamukha ito ng apo niya sa pamangkin. At kahit walang DNA na nangyari, alam niya at nasisiguro niya na anak niya ang bata. Walang sinuman ang makakapagpabago ng katotohanang iyon sa kanya. “Ano bang pakialam mo sa ginagawa ko sa buhay ko, Director Tabora? Ang tagal na natin na natapos. Bakit mo ako hinahabol? Wala kang karapatan na akusahan na hindi ko siya anak! Anak ko ang batang iyon. Anak ko. Nar
NAPASAPO NA SA kanyang noo si Briel. Hindi na niya binawi ang sinabi ng anak at hindi na rin siya nagpaliwanag pa. Malamang narinig na iyon ng lahat ng nasa kabilang linya. Sa lakas ba naman ng usapan ng magpinsan. Patunay nito ay ang malakas nilang pagtawa na hindi na nakaligtas kay Briel. Nagkunwari na lang siyang walang pakialam sa kanila. Kapag mag-explain pa siya, paniguradong hahaba at hahaba pa ang magiging usapan. Isipin pa lang ay pagod na siya.“Daddy, Brian? You mean si Lolo Governor?” litong tanong ni Gabe na tumingin na sa ama at pagkatapos naman ay sa kanyang ina. Naghahanap ito ng kasagutan sa kanyang mga tanong. “Siya ang bumili ng pasalubong para sa akin?”“Hmm, si Daddy…Brian Daddy…” ulit pa ni Brian na nagawa ng makuha ang cellphone sa ina.Mariing nakagat na ni Briel ang kanyang labi. Talaga naman ang mga batang ito, wala talagang malilihim sa kanila.“Wait, Brian, kasama niyo ni Tita Briel si Lolo Governor sa bakasyon?” paglilinaw pa ni Gabe na halatang hindi maka
NATATAWA NG PINAGBIGYAN ang anak ni Giovanni na mga ilang minuto lang naman niyang niyakap. Bago isauli kay Briel ay muling yumakap ang Gobernador sa babae na maging ang kanyang katawan ay tila ba ayaw na rin ditong mapahiwalay pa. Kinuha na ni Briel si Brian, ngunit sa halip na ibigay ni Giovanni ay muli siya nitong ninakawan ng halik na hindi na napigilan ni Briel na matawa nang mahina nang dahil doon. Tila ba hindi pa naging sapat para sa Gobernador ang mga gabi at araw na maiinit nilang pinagsaluhan sa Italy.“I love you, both!” pahabol pa ni Giovanni na bahagyang namula na ang mga mata na parang maiiyak.Tango lang ang naging tugon ni Briel sa sinabi nito. Ewan ba niya kung bakit pa siya nahihiya. Marahil ay dahil nakababa na sila ng sasakyan at ayaw niyang iparinig sa guard nila na sabihin na mahal niya ang lalaki. Dati naman wala siyang hiya-hiya. Ngayon na lang din iyon. Kumaway lang sila ni Brian gamit ang kamay ng anak niya. Bagama’t nakangiti si Giovanni nang paalis na ang
HINDI PA SUMISIKAT ang araw kinabukasan ay nasa airport na sina Briel at Giovanni. Naroon na rin ang secretary nito at ang mga invisible na bodyguard. Panay ang sulyap ni Briel sa Gobernador habang karga si Brian. Gusto niyang magtanong ngunit palagi siyang inuunahan ng pag-aalinlangan na ayaw niyang manghimasok at makialam kung anuman ang kanyang kinakaharap na suliranin. Kung may tiwala sa kanya si Giovanni, paniguradong sasabihin nito kung ano ang problemang mayroon siya. Iyon na lang ang kanyang pinanghahawakan kung kaya naman pinili na lang niya ang manahimik at huwag ng bomoses pa.“Let's go, Briel…” giya ni Giovanni sa kanya nang magsimulang magpapasok na ng eroplano. Walang imik at puno pa rin ng pakiramdam na sumunod si Briel sa gustong mangyari ni Giovanni. Kinuha nito sa kanya si Brian at ito na ang nagkarga. Pagkatapos noon ay hinawakan nito ang kanyang isang palad. Wala pa rin siyang imik na sumunod. Habang lulan ng eroplano ay nagawang makalimutan ni Briel ang maaaring
PAAKYAT NA SANA ang Gobernador, pabalik ng kanyang hotel suite nang may mahagip ang mga mata niya na pamilyar na bulto ng katawan sa lobby ng hotel kung saan siya naka-check in. Napatigil pa siya sa paghakbang nang medyo malakas na at mataas ang boses ng bultong iyon kung kaya naman naagaw nito ang wala sanang pakialam na pansin.“I am sorry Miss, we do not provide other guest details, especially if you are not expected to come by the guest.” sagot ng receptionist na pilit nakikipagtalo sa babae kung saan naburo na ang mga mata ni Giovanni ng sandaling iyon.“How many times do I have to tell you that it's okay? I want to surprise him. Why does he have to know? Is there a surprise that someone knows already?” patuloy na pakikipagtalo ng babae na iginiit ang gusto niya, “I'm his girlfriend!”Parang itinulos na si Giovanni sa kanyang kinatatayuan. Hindi malaman kung lalapitan niya ito o hindi at aakyat na lang upang puntahan sina Briel? Paano kung mapilit nito ang receptionist? Mag-aabot
HINDI NA MAPIGILAN ni Briel ang kiligin sa mga sinabi ni Giovanni. Hindi lang iyon, sa paraan ng pagtitig nito sa kanya parang siya ang mundo nito. Ganitong-ganito ang mga titig nito sa kanya noon. Punong-puno iyon ng pagmamahal.“Ako na ang mauuna.” ani pa ni Giovanni na kinuha na ang cellphone at biglang kumuha ng larawan nilang pamilya.Saglit na may kinutingting iyon sa kanyang cellphone. Nagbigay na iyon ng kakaibang kaba kay Briel na nakatitig na kay Giovanni habang higit niya ang kanyang hinga. Namilog pa ang mga mata niya nang may tumawag at sagutin iyon. “Mama?” Parang mahihimatay na si Briel sa isiping ang kinuha nitong larawan ay sinend niya sa kausap ng ina ng sandaling ito. “Hmm, kasama ko nga sila dito sa Italy.” sagot ng Gobernador na binalingan na ng tingin si Briel na biglang namutla na.Matulin na dumaan ang mga araw na negosyo ang inaasikaso ni Giovanni. Matapos nilang kumain ng unang dinner sa labas ay hindi na iyon naulit dahil na madalas na gabing-gabi na siya
HINDI NAPAPALIS ANG mga ngiting nilapitan na ni Giovanni si Briel upang yakapin lang ito at aluin. Sunod-sunod pang pumatak ang mga luha ng babae sa kanyang nalaman na hindi na matagalan ni Giovanni na makita. Buhat si Brian sa kanyang mga bisig ay pinunas na niya gamit ang laylayan ng kanyang suot na damit. Hindi magawang alisin ang mga mata kay Briel na para bang pinagmalupitan ito kung kaya naman umiiyak. Nagkatunog na ang tawa ng Gobernador na bahagyang napailing nang makitang kinagat na ni Briel ang labi upang pigilan na mas mapahikbi.“Masaya ka ba ngayon kaya ka umiiyak o malungkot dahil wala ka sa Pilipinas ng mga sandaling ito?”Hindi sumagot si Briel bagkus ay yumakap lang siya sa katawan ni Giovanni at sinubsob na ang mukha sa tagiliran nito. Masaya siya. Sa sobrang saya nga niya hindi na niya mapigilan pa ang mapaluha doon.“Mommy? Bakit ka iyak?” inosenteng tanong na ni Brian na itinuro pa ang sarili niyang mga mata.“Tahan na, Gabriella, nagtatanong na si Brian kung baki
TAHIMIK NA INIHATID ni Briel ang Gobernador sa may pintuan ng kanilang hotel room. Isang yakap at halik pa sa labi ng ilang segundo ang ginawa nito bago tuluyang umalis. Kumain na rin siya ng agahan matapos na makaalis ng lalaki upang samahan ang kanilang anak na si Brian. Hindi na mapawi ang ngiti sa labi ng babae. Dati, pangarap niya lang iyon. Nasa imahinasyon niya lang ang ganitong bagay at pagkakataon. Ni hindi sumagi sa kanyang isipan na isang araw ay matutupad na mabuo silang tatlo. Hindi niya na tuloy mahintay pa na makabalik sila sa Pilipinas at ipilit ni Giovanni ang sinabi sa kanya. Matapos nilang kumain ay wala na silang ginawa mag-ina kundi ang humilata. Nanood lang si Brian ng cartoons na palabas sa TV sa sala samantalang siya ay nakahiga naman sa sofa. Panay scroll sa social media account. Napabangon siyang bigla ng makitang tumatawag ang kapatid niyang si Gavin na marahil ay makikibalita. “Kumusta kayo diyang mag-ina?” Inayos ni Briel ang kanyang hitsura bago binuksa
NANATILING TAHIMIK AT nakatikom ang bibig ni Briel kahit pa alam niyang hinihintay ni Giovanni ang magiging sagot niya. Dahil din sa pananahimik niya ay hindi na mapigilan pa ng Gobernador na kabahan sa kilos ni Briel. Kilala niya ang babae, sasagot ito sa kanyang katanungan. Hindi nito pipiliing manahimik na gaya ng ginagawa niya ngayon.“Lilipat diyan sa tabi mo. Gusto ko yakap tayo habang nag-uusap.” ikot na ni Briel sa gilid ng kama upang magtungo na sa tabi ni Giovanni, tumayo na doon ang Gobernador upang bigyan siya ng daan na mahiga sa tabi ng kanilang anak. “Akala ko naman, lalayasan mo na ako.” natatawa pang sambit ni Giovanni na hindi nilubayan ng tingin si Briel.Tinawanan lang din siya ni Briel ngunit hindi na don nagkomento pa ng iba.“Sigurado ka na ba talaga na gusto mong mag-resign?” lingon na sa kanya ni Briel habang maayos na nahihiga sa kama, tinanggap niya ang laylayan ng comforter na binigay ni Giovanni. “Hindi ka ba na-pe-pressure lang nang dahil sa amin ni Bria