SA KABILA NG pagod ni Bethany ay hindi siya dalawin ng antok kahit nakalapat na ang kanyang likod sa kama. Nakailang biling na siya sa higaan upang humanap ng komportableng pwesto ngunit wala siyang makuha kahit na ilang beses niyang sinubukan ‘yun. Subalit sa tuwing ipipikit niya ang mga mata ay ginigising siya ng diwa sa pakiramdam na yakap-yakap siya ng matipuno at makisig na mga braso ni Gavin habang naglalakad ito sa gitna ng buhos ng ulan. Hindi lang iyon, dala ng kanyang malikot na imahinasyon ay naririnig niya rin ang nakakakilig na malambing na pagtawag ni Gavin sa kanyang pangalan nang paulit-ulit dahilan upang ang diwa niya ay mas magising pa at itaboy ang antok niya. “Waaah! Ano ba? Patulugin mo naman ako! Patulugin mo ako!” bulalas niyang nagtakip pa ng kumot sa mukha upang itago ang kilig na nakabalandra sa kanyang mukha na tanging siya lang naman ang nakakaramdam at nakakakita, mas naging gwapo pa sa paningin niya si Gavin. Para itong hero niya in shining armor dahil p
SA SOBRANG KABA ay hindi na malaman ni Bethany kung ano ang tamang gagawin at matinong iisipin sa mga sandaling iyon. Natatakot siya na nae-excite kung kaya naman hindi niya mapigilang mangatal ang katawan sa patuloy na ginagawa nilang halikan ni Gavin na hindi niya alam kung saan sila dadalhin o hahantong kapag hindi pa nila iyon tinigilan. Namawis na ang mga palad ni Bethany na sign na mas naging kabado pa siya. Sa kabilang banda ay mas lumalim pa ang emosyon ni Gavin na tuluyan nang nilamon ng kanyang init na nararamdaman. Nang pareho na silang nawawala sa sarili nang dahil sa kapusukan ay biglang napadaing ng mahina si Bethany dahilan upang matigilan sa paghalik niya ang binata. Naputol iyon nang ginawang ingay ng dalaga.“Anong problema?” tanong ni Gavin na napasandal na ang noo sa noo ng dalaga, bakas sa kanyang tinig ang sobrang pagkabitin sa pinagsasaluhan nilang sumisidhi pang halik. “M-May paltos ang sakong ko nang dahil sa taas ng takong ng heels na suot ko kanina.” nakok
TUMAYO NA SI Gavin nang matapos niyang lagyan ang kabilang paa ni Bethany. Magaan na niyang tiningnan at nginitian ang dalaga na pumanaog na rin ng kama. Umapak ang mga paa nito sa malamig na sahig ng silid. Walang pakundangan na niyang iniyakap ang dalawa niyang braso sa leeg ng binata. Ang mapangahas niyang galaw na iyon ay ikinagulat nang sobra ni Gavin na nahigit ang hininga nang ilang segundo. Hindi pa nakuntento dito ang dalaga, tumingkayad ito upang subukang abutin ang labi ng binatang bahagyang nakaawang. Parang estatwang hindi makagalaw si Gavin na blangkong tinitigan lang sa mukha ang dalaga at pinagmasdan kung ano ang tangkang gawin nito sa kanya. Kung sasabayan niya ito at paiiralin ang dikta ng nag-iinit niyang katawan, paniguradong kanina niya pa ito sinunggaban. Ang mga tingin namang iyon ni Gavin kay Bethany ay nagpainit ng katawan ng dalaga na panandaliang nawala ang gumagapang na hiya. Para siyang naging ibang tao bigla.“S-Sandali lang, Thanie.” awat niya nang ilang
NANG MAGISING ANG dalaga kinabukasan ay alas otso na iyon ng umaga. Nkaahawi na ang mga kurtina ng silid kung saan natatanaw na sa labas ang maliwanag na paligid. Bigla siyang umupo sa gilid ng kama kahit hindi pa nakakapag-adjust sa liwanag ang kanyang mga mata nang maalala na wala nga pala siya sa kanyang silid at nanulugan siya sa penthouse ni Gavin. Nakita niya ang malabong imahe ng binata na nakatayo sa harapan ng whole body na salamin. Sinisipat ang kanyang sarili doon. Base sa amoy ng after shower gel nito at tumutulong tubig sa tips ng kanyang buhok ay tapo na itong maligo. Abala ang kanyang mga mata na maayos na itinatali sa leeg ang bagong suot niyang kurbata. Madilim na kulay asul ang plain polo long sleeve shirt ang suot niya na may partner na kulay abong pantalon. Mature at gwapo na naman ito sa mga mata ng dalagang umaga pa lang ay agad busog na.“Good morning, Thanie!” masiglang bati ni Gavin sa kanya nang makita sa gilid ng kanyang mga mata na nagising na ang bisita, “
BAGO LUMABAS NG silid ay naisip din ni Bethany na bagay sa kanya ang off shoulder peach dress na binili ng secretary kahit na minsan lang siya magsuot ng ganong style ng damit. More on fitted jeans siya at saka crop top or mga formal attire dala na rin ng kanyang propesyon bilang guro. Ganun ang klase ng mga pormahan niya. Subalit dahil wala naman siyang dalang damit, alangan namang mag-inarte pa siya at maghanap sa abogado ng papasa sa kanyang panlasa? May hiya pa rin naman siya kahit na mukha siyang mapagsamantala sa paningin ng ibang tao. Dapat niyang ilagay sa tamang lugar ang kanyang kaartehan. Huwag sa araw na iyon, sa ibang araw na lang kapag may karapatan na siyang gawin iyon at hindi na siya pabigat sa ibang taong nasa paligid niya. Marapat na magpasalamat na lang siya kung ano ang ibinibigay sa kanya. Kumbaga ay maging grateful. Abot sa tainga ang ngiti na naupo siya harapan ng abogadong hindi bumibitaw ang tingin sa katawan niya. Bakit? Labas na labas kasi ang ganda ni Beth
WALANG KAHIT NA anong naging bahid ng pagtutol sa mukha ni Gavin nang sabihin iyon ni Bethany. Marahan lang siyang tumango bilang pagsang-ayon sa mga sinabi nito. Hindi niya rin naman ito pwedeng pigilan sa gustong gawin kahit na doon ito nakatira sa bahay niya. Hahayaan niya pa ‘ring gawin niya ang nakasanayan niya, hindi niya ito ikukulong doon.“Okay. Maiba ako may degree ka ba o certificate sa pagtugtog ng mga instrument?” marahang umiling si Bethany, natuto lang siya pero wala siya noon na magpapatunay na magaling talaga siya doon. Ang binibigay niya lang sa music center ay pahapyaw na lesson at dahil magaling siya hindi na siya hinanapan pa ng mga dokumento kaya nanghihinayang din naman siya sa trabaho niyang sinira lang ng dating nobyo. “Nakita kong magaling kang tumugtog lalo na ng piano at gitara, bakit hindi mo ituloy ang iyong pag-aaral at mag-masteral ka?” Bagamat kayang bayaran ng pamilya ni Bethany iyon ay hindi pa rin niya nakuha ang gusto nang dahil sa pagtutol ng mad
MALUTONG NA HALAKHAK ang tanging isinagot ni Albert kay Bethany sa litanya niyang iyon. Para sa lalaki ay imposible na bawiin iyon ng dating nobya kung nakapangako na ito sa kanya. Hindi iyon ugali nito. Sobrang halaga ng mga magulang nito kung kaya naman hindi ito basta tatanggi o magba-back out sa alok niya kung ikakabuti naman iyon ng madrasta at ama. Hindi niya sila hahayaang mapahamak kung kaya naman hindi siya naniniwala sa sinasabi ng dalaga. Baka nagbibiro lang ito o kung hindi naman ay paniguradong may nangyari kung kaya bigla itong kinapitan ng tapang na ‘di niya alam kung saan nanggaling.“Talaga, Bethany? Wala kang anumang pakialam kay Tita Victoria at Tito Benjo? Gusto mo talaga silang makitang nahihirapan? Hindi ka ba nakokonsensya ha? Akala ko ba nakahanda kang gawin ang lahat para sa kanila? Ni ang paghalik nga sa talampakan ko ay kaya mong gawin para sa kanilang dalawa di ba?Anong nangyari? Bakit binabawi mo na? Hindi ka ba natatakot sa maaari kong gawin sa kanila?”
MAKALIPAS ANG TWENTY minutes ay huminto na ang dalang sasakyan ni Albert sa harapan ng detention center. Maingat na pabalagbag niyang ipinarada iyon at taas ang noong bumaba ng sasakyan. Agad na tumambad sa kanyang mga mata ang isang pigura na napapaligiran ng mga tao sa loob ng building. Para itong celebrity. Isinuot niya ang shades na itim habang pasandal na naupo sa unahan ng kanyang sasakyan. Mataman siyang nagmasid sa paligid. Maaaring ito ang mapangahas na abogadong kumuha ng kaso ng ama ni Bethany, gustong makilala at makita ito ni Albert kung karapat-dapat ba iyon ng galit niya. Baka isang pipitsuging abogado lang gaya ni Attorney Hidalgo iyon. Nagtataka rin ang lalaki kung bakit pinalitan pa ‘yun ni Bethany. At least iyon alam niya na kung anong laban ang gagawin nito. Ilang hakbang ang kanyang ginawa upang makita niya lang at masilip ang mukha ng pinagkakaguluhan nila. Nangatog na sa takot ang kanyang dalawang tuhod nang makita kung sino ang abogadong iyon. Napatayo na siya
HINDI NA MAPIGILAN ni Briel ang kiligin sa mga sinabi ni Giovanni. Hindi lang iyon, sa paraan ng pagtitig nito sa kanya parang siya ang mundo nito. Ganitong-ganito ang mga titig nito sa kanya noon. Punong-puno iyon ng pagmamahal.“Ako na ang mauuna.” ani pa ni Giovanni na kinuha na ang cellphone at biglang kumuha ng larawan nilang pamilya.Saglit na may kinutingting iyon sa kanyang cellphone. Nagbigay na iyon ng kakaibang kaba kay Briel na nakatitig na kay Giovanni habang higit niya ang kanyang hinga. Namilog pa ang mga mata niya nang may tumawag at sagutin iyon. “Mama?” Parang mahihimatay na si Briel sa isiping ang kinuha nitong larawan ay sinend niya sa kausap ng ina ng sandaling ito. “Hmm, kasama ko nga sila dito sa Italy.” sagot ng Gobernador na binalingan na ng tingin si Briel na biglang namutla na.Matulin na dumaan ang mga araw na negosyo ang inaasikaso ni Giovanni. Matapos nilang kumain ng unang dinner sa labas ay hindi na iyon naulit dahil na madalas na gabing-gabi na siya
HINDI NAPAPALIS ANG mga ngiting nilapitan na ni Giovanni si Briel upang yakapin lang ito at aluin. Sunod-sunod pang pumatak ang mga luha ng babae sa kanyang nalaman na hindi na matagalan ni Giovanni na makita. Buhat si Brian sa kanyang mga bisig ay pinunas na niya gamit ang laylayan ng kanyang suot na damit. Hindi magawang alisin ang mga mata kay Briel na para bang pinagmalupitan ito kung kaya naman umiiyak. Nagkatunog na ang tawa ng Gobernador na bahagyang napailing nang makitang kinagat na ni Briel ang labi upang pigilan na mas mapahikbi.“Masaya ka ba ngayon kaya ka umiiyak o malungkot dahil wala ka sa Pilipinas ng mga sandaling ito?”Hindi sumagot si Briel bagkus ay yumakap lang siya sa katawan ni Giovanni at sinubsob na ang mukha sa tagiliran nito. Masaya siya. Sa sobrang saya nga niya hindi na niya mapigilan pa ang mapaluha doon.“Mommy? Bakit ka iyak?” inosenteng tanong na ni Brian na itinuro pa ang sarili niyang mga mata.“Tahan na, Gabriella, nagtatanong na si Brian kung baki
TAHIMIK NA INIHATID ni Briel ang Gobernador sa may pintuan ng kanilang hotel room. Isang yakap at halik pa sa labi ng ilang segundo ang ginawa nito bago tuluyang umalis. Kumain na rin siya ng agahan matapos na makaalis ng lalaki upang samahan ang kanilang anak na si Brian. Hindi na mapawi ang ngiti sa labi ng babae. Dati, pangarap niya lang iyon. Nasa imahinasyon niya lang ang ganitong bagay at pagkakataon. Ni hindi sumagi sa kanyang isipan na isang araw ay matutupad na mabuo silang tatlo. Hindi niya na tuloy mahintay pa na makabalik sila sa Pilipinas at ipilit ni Giovanni ang sinabi sa kanya. Matapos nilang kumain ay wala na silang ginawa mag-ina kundi ang humilata. Nanood lang si Brian ng cartoons na palabas sa TV sa sala samantalang siya ay nakahiga naman sa sofa. Panay scroll sa social media account. Napabangon siyang bigla ng makitang tumatawag ang kapatid niyang si Gavin na marahil ay makikibalita. “Kumusta kayo diyang mag-ina?” Inayos ni Briel ang kanyang hitsura bago binuksa
NANATILING TAHIMIK AT nakatikom ang bibig ni Briel kahit pa alam niyang hinihintay ni Giovanni ang magiging sagot niya. Dahil din sa pananahimik niya ay hindi na mapigilan pa ng Gobernador na kabahan sa kilos ni Briel. Kilala niya ang babae, sasagot ito sa kanyang katanungan. Hindi nito pipiliing manahimik na gaya ng ginagawa niya ngayon.“Lilipat diyan sa tabi mo. Gusto ko yakap tayo habang nag-uusap.” ikot na ni Briel sa gilid ng kama upang magtungo na sa tabi ni Giovanni, tumayo na doon ang Gobernador upang bigyan siya ng daan na mahiga sa tabi ng kanilang anak. “Akala ko naman, lalayasan mo na ako.” natatawa pang sambit ni Giovanni na hindi nilubayan ng tingin si Briel.Tinawanan lang din siya ni Briel ngunit hindi na don nagkomento pa ng iba.“Sigurado ka na ba talaga na gusto mong mag-resign?” lingon na sa kanya ni Briel habang maayos na nahihiga sa kama, tinanggap niya ang laylayan ng comforter na binigay ni Giovanni. “Hindi ka ba na-pe-pressure lang nang dahil sa amin ni Bria
SA SINAGOT SA kanya ni Briel ay tila nagbigay iyon ng karapatan kay Giovanni na itulak pasandal ng pader ang katawan ng babae na hindi naman na siya pinahirapan pa. Inilagay na niya ang isang kamay nito sa itaas ng ulo ni Briel at isinalikop doon ang isa pa niyang palad. Habang patuloy na hinahalikan si Briel na isa’t-isa na ang hinga ay gumagalaw naman ang isa niyang palad upang hubaran ang katawan ng babae na parang isdang tinanggal sa tubig. Nang dahil iyon sa tensyon at excitement na patuloy na nararamdaman. Hindi na nagreklamo si Briel na parang nilalagnat na sa taas ng temperatura ng kanyang katawan. Maya-maya pa ay napuno na ng mahina nilang mga ungol ang loob ng pantry. Mga ungol na nasasarapan sa kung anumang ginagawa nila. Hindi na nila nagawa pang pumasok ng silid sa pag-aalalang baka magising nila si Brian. Tiyak kasing parang lumilindol na naman ang kama. Hindi lang iyon, parang dinaanan iyon ng bagyo lalo pa at pareho silang sabik na sabik ng Gobernador sa bawat isa. Hin
SINAMANTALA ANG PAGKAKATAONG iyon ni Giovanni na agad ng hinuli si Briel upang kanyang yakapin habang hindi pa ito nakakakilos sa yakap ng kanilang anak na si Brian. Sa kabila ng mga pandidilat ni Briel bilang protesta ay hindi siya pinakawalan ng Gobernador na animo ay nanalo na sa laban nilang dalawa. Kalaunan ay bumagsak silang tatlo sa ibabaw ng kama kaagapay ng munting halakhak ni Brian na tuwang-tuwa ng nasa ibabaw ni Briel habang nakayakap pa rin naman si Giovanni kay Briel. Salit-salitan ang tingin niya sa mga magulang gamit ang kumikislap na mga mata. Hindi naman magawang bulyawan ni Briel si Giovanni dahil panigurado na iisipin ng anak na siya ang kanyang sinisigawan at hindi ang ama ng anak. Madamdamin pa naman ang bata at napakaiyakin kung kaya ingat na ingat si Briel na mapaiyak na naman. “Bitaw…” mahina niyang sambit na sapat lang upang marinig ni Giovanni. Sa halip na sundin siya nito ay humigpit pa lalo ang yakap ni Giovanni sa kanya na inamoy-amoy na ang buhok niyan
HINDI NAGING MADALI para kay Briel ang naging biyahe nilang mag-ina nang dahil sa haba ng oras noon. Nandiyan ang nag-aalboroto na ang anak kahit na komportable naman sila sa upuan. Gusto na nitong bumaba o may nais gawin na hindi masabi sa kanyang ina. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na hindi na lang sila sumabay pa kay Giovanni papunta nng Italy. Ganunpaman, bilang sanay na sa mahirap na sitwasyon, na-handle niya ang anak hanggang sa makalapag sila sa dayuhang bansa at makarating sa hotel kung saan sila naka-booked. Patang-pata ang katawan niya na para bang binugbog nang napakahabang biyaheng iyon, na kahit ang mga tawag ni Giovanni nang paulit-ulit sa kanya ay hindi niya magawang masagot dahil tulog siya at hindi man lang iyon narinig kahit malakas sa lalim ng kanyang tulog. Tulog silang dalawa ni Brian nang tunguhin ng Gobernador ang hotel kung nasaan na sila dahil hindi na nakatiis. Napuno ng kung anu-anong isipin ang utak kahit pa alam nitong nakarating sila nang maayos sa h
NAPUTOL LANG ANG kanilang usapan ng makatanggap ng message si Giovanni mula kay Briel. Dali-dali niyang pinatay ang tawag kay Margie. Noon pa lang ay kabado na siya. Alam niyang sinubukan siya ni Briel na tawagan pero in another call siya. Hindi naman ito nanghingi ng paliwanag sa kanya kung kaya hindi na lang din niya sinabi upang hindi ito bigyan ng isipin. Mamaya sumama na naman ang loob nito bago pa sila makaalis ng bansa. “Hindi ka na ba, busy?” “Hindi na. Pahiga na ako.” tugon niya kahit ang totoo ay bigla siyang napalabas ng veranda upang lumanghap ng sariwang hangin nang dahil sa sakit ng ulo na binibigay ni Margie, “Ikaw? Tapos ka na bang mag-impake?” pag-iiba niya ng usapan na binaling na kay Briel.“Hmm, nakahiga na rin kami ni Brian. Gusto mo kaming makita?” Nararamdaman ni Briel na medyo balisa ang boses ni Giovanni ngunit hindi na niya ito pinuna, baka lang kasi pagod ito sa kanyang mga inasikaso kung kaya ganun ang timbre. “Sure. Wait lang, gagamit lang ako ng banyo
HUMIHIMIG-HIMIG PA NG isang sikat na kanta si Briel habang nag-iimpake ng kanilang mga gamit at damit na dadalhing mag-ina sa bakasyon sa Italy. Dalawang wala pang lamang malaking maleta ang nakalatag sa ibabaw ng kama kung saan ay maingat na inilalagay ni Briel ang kanilang mga gamit na dadalhin. Nasa tabi noon si Brian na nilalaro ang robot na bagong bigay ng kanyang ama. Panaka-naka ang tingin ng inosenteng mata nito sa ginagawa ng ina. Hindi pa rin napawi ang ngiti doon ni Briel na hindi na mahintay ang bakasyon nila.“Brian, dadalhin ba natin ang toys na iyan?” Marahang tumango si Brian. “Alright, sa hand carry na lang.” Sinigurado ni Briel na wala siya doong makakalimutan kaya naman nilalagyan niya ng check ang mga naka-lista niyang gamit once na nailagay na iyon sa loob ng maleta. “Good for two weeks na ang mga damit na dadalhin natin para naman hindi na tayo namo-mroblema.” aniya pa kay Brian na animo ay maiintindihan ang sinasabi niya dito. Patapos na siya sa mga iyon n