HINDI NAGBIGAY NG kahit anong komento si Bethany kahit pa tumayo na si Albert, ibinaba nito ang hawak na baso ng kanyang alak upang salubungin ang pagdating ng dalaga. Nahawi na ang galit na nakarehistro sa kanyang mukha sa haba ng kaniyang paghihintay kanina dahil ang buong akala niya ay niloko lang siya ni Bethany at pinaasa upang mabilis na makaalis sa lugar. Kung hindi ito darating ngayon kahit lagpas na sa oras ay paniguradong magwawala na ang lalaki. Ngunit ano pa bang aalalahanin niya? Wala na. Nasa harapan na niya ang babaeng hinihintay na dumating.“Na-traffic ka ba papunta dito?” malambing na tanong niyang pilit na pina-sweet ang itsura kagaya ng dati, noong may relasyon pa silang dalawa ng dalaga. “Pasensya na kung napagtaasan kita ng boses kanina. Ikaw naman kasi, Bethany, na-late ka…”Lumambing pa ang boses ng lalaki na ikinakilabot ni Bethany. Kung noon ay kilig na kilig siya sa mga paganito ni Albert, ngayon ay hindi na. Naninindig na ang balahibo niya sa tuwing magigin
MAPANG-AKIT NA INILAPIT ni Albert ang kanyang mukha kay Bethany na sa mga sandaling iyon ay nagtitimping huwag pumalag at mag-walk out sa harapan ng lalaki. Ayaw niyang hawakan siya ni Albert dahil isipin pa lang na ang parehong kamay nito ay ginamit na panghaplos sa ibang babae ay nandidiri na at kumukulo na agad ang dugo niya. Para itong may virus na ayaw niyang mahawahan siya at dumikit sa balat niya. “Albert, ang dami mo pang sinasabi. Bakit hindi natin pag-usapan na ang mga tuntunin sa kasunduan natin? Huwag mo ng patagalin. Mainipin pa naman ako.” “Ah, oo nga pala. Sige, manatili ka rito ngayong gabi at iisa-isahin natin iyon.”Namula ang mga mata ni Bethany sa sobrang inis. Pilit niyang kinalamaya na mapabuga ng apoy. Kailangan niyang magtimpi. Kailangan niyang patuloy kumalma.“Hindi pwede ang gusto mo Albert. Kailangan kong umuwi ngayong gabi. Walang kasama si Tita sa bahay. At isa pa, hanggat hindi mo ibinibigay ang gusto ko ay hindi ko pa rin susundin ang iuutos mo. Ibig
NAMAMANHID ANG BUONG katawan na patuloy na inihakbang ni Bethany ang mga paa palabas ng bakuran ng villa ni Albert. Gusto na niyang makaalis sa tanaw ng paningin ng lalaki. Hindi niya alintana ang buhos ng lumalakas pang ulan na parang dinadamayan siya ng mga sandaling iyon. Nakadagdag pa iyon upang makaramdam ng pag-iisa at kalungkutan ang dalaga. Kung kanina ay ambon-ambon lang iyon, ngayon naman ay totoo na at mas lumaki pa ang mga butil na bumabagsak. Kumikinang ang bawat patak nito sa kalsadang unti-unting nababasa sa tulong ng mga street lights na nagkalat sa tahimik na mahabang na kalye na walang katao-tao. Maingay na humahalik ang suot na high heels ng dalaga sa malamig na kalsada sa patuloy na paglayo niya sa villa. Kuyom ang mga kamao upang huwag sumambulat ang emosyon niyang kanina niya pa tinitimping mag-umalpas sa kanya. Ilang minuto na siyang naglalakad upang humanap ng masasakyan pauwi ng bahay. Nang ilang segundong tumigil ay naramdaman na ng kanyang mga paa ang masa
MATAPOS NA MAPAKURAP-KURAP ni Bethany upang siguraduhin niyang hindi lang siya namamalikmata at guni-guni ang imahe ng lalakeng kaharap niya ay bumaba ang tingin niya sa isang palad ni Gavin na inilahad nito sa kanya. Hindi siya gumalaw, nanigas na ang buong katawan niya nang mapagtantong hindi lang dahil sa malikot niyang imahinasyon ang nakikita niya. Hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata. Totoong nasa harapan niya si Gavin. Sa mga sandaling iyon ay gustong itapon ng dalaga ang katawan sa lalaki at magsumbong, ihinga ang lahat ng hinanakit niya at sama ng loob na kinikimkim niya ngunit hindi niya iyon magawa. Naburo pa ang mga mata niya sa kamay nitong nakalahad pa rin na basa na ng ulan.“Poor little thing...” mahinang bulong ni Gavin sabay iling nang mariin habang nakatingin pa rin sa ang malungkot na mga mata nitong puno na ngayon ng awa.Nang hindi pa rin gumalaw si Bethany na ay marahan ng yumukod si Gavin. Ipinahawak ng binata ang tangkay ng payong sa isang kamay ni Bethany
NANGILABOT ANG BUONG kalamnan ni Bethany nang dahil sa madiin at pailalim na paninitig na ibinibigay ni Gavin sa kanya ng mga sandaling iyon. Malagkit na humahagod ang mga mata nito mula sa kanyang ulo pababa ng mga paa na nakakailang na kay Bethany dahil pakiramdam niya ay hubad siya kahit na may suot naman siyang malaking damit nito. Sa halip na mag-reklamo ay ikinapula pa ‘yun ng magkabilang pisngi ni Bethany. Naisip niya kasi ang pinagsaluhan nilang manit na halik kanina habang nasa gitna ng ulan. Hindi niya alam kung patuloy na ba siya ditong nahuhulog o nararamdaman niya lang iyon dahil pakiramdam niya ay mahalaga siya dahil palaging nariyan si Gavin para sa kanya anumang oras na nasa panganib siya at kailangan niya ng tulong. At isa pa, kahit na gumanti siya ng halik hindi dapat ganito ang mga tingin niya. Alam naman ng binatang maiilang siya eh. Oo na, mukha na siyang puno ng kawayang nilagyan ng damit dahil ang laki ng damit nito sa kanya pero para sa kanya ay nakakabastos an
HINDI LANG ANG bagay na iyon ang inaalala ni Bethany dahil paniguradong ngayon pa lang ay iba na ang iniisip ng kanyang madrasta. Sino ba namang matinong babae ang sasama sa isang lalaki para matulog sa iisang bahay? Wala. Unless, may relasyon sila at palagay ang loob sa bawat isa. At hindi ganun ang relasyon nila ni Gavin. Hindi nga nagkamali doon ang dalaga. Ilang beses na napakurap na ang Ginang na tiningnan pang muli ang screen ng hawak niyang cellphone habang kausap si Gavin dahil baka nagkakamali lang ito. Makailang beses din na kinurot ng matanda ang sarili para makaramdam lang ng sakit at malaman niyang hindi nga siya nananaginip. Totoong kausap niya ang pinakasikat na abogado sa buong bansa at ito ang kasama ni Bethany.“Seryoso ka bang ikaw si Attorney Dankworth?” paglilinaw niya pa na may himig ng pag-aalinlangan kasi baka namali lang siya ng dinig sa pangalang sinabi nito, dinadaya lang siya ng pandinig. “Ang future brother-in-law ng tarantadong si Albert?” walang filter p
SA KABILA NG pagod ni Bethany ay hindi siya dalawin ng antok kahit nakalapat na ang kanyang likod sa kama. Nakailang biling na siya sa higaan upang humanap ng komportableng pwesto ngunit wala siyang makuha kahit na ilang beses niyang sinubukan ‘yun. Subalit sa tuwing ipipikit niya ang mga mata ay ginigising siya ng diwa sa pakiramdam na yakap-yakap siya ng matipuno at makisig na mga braso ni Gavin habang naglalakad ito sa gitna ng buhos ng ulan. Hindi lang iyon, dala ng kanyang malikot na imahinasyon ay naririnig niya rin ang nakakakilig na malambing na pagtawag ni Gavin sa kanyang pangalan nang paulit-ulit dahilan upang ang diwa niya ay mas magising pa at itaboy ang antok niya. “Waaah! Ano ba? Patulugin mo naman ako! Patulugin mo ako!” bulalas niyang nagtakip pa ng kumot sa mukha upang itago ang kilig na nakabalandra sa kanyang mukha na tanging siya lang naman ang nakakaramdam at nakakakita, mas naging gwapo pa sa paningin niya si Gavin. Para itong hero niya in shining armor dahil p
SA SOBRANG KABA ay hindi na malaman ni Bethany kung ano ang tamang gagawin at matinong iisipin sa mga sandaling iyon. Natatakot siya na nae-excite kung kaya naman hindi niya mapigilang mangatal ang katawan sa patuloy na ginagawa nilang halikan ni Gavin na hindi niya alam kung saan sila dadalhin o hahantong kapag hindi pa nila iyon tinigilan. Namawis na ang mga palad ni Bethany na sign na mas naging kabado pa siya. Sa kabilang banda ay mas lumalim pa ang emosyon ni Gavin na tuluyan nang nilamon ng kanyang init na nararamdaman. Nang pareho na silang nawawala sa sarili nang dahil sa kapusukan ay biglang napadaing ng mahina si Bethany dahilan upang matigilan sa paghalik niya ang binata. Naputol iyon nang ginawang ingay ng dalaga.“Anong problema?” tanong ni Gavin na napasandal na ang noo sa noo ng dalaga, bakas sa kanyang tinig ang sobrang pagkabitin sa pinagsasaluhan nilang sumisidhi pang halik. “M-May paltos ang sakong ko nang dahil sa taas ng takong ng heels na suot ko kanina.” nakok
ILANG MINUTO NA ang lumilipas kung kaya naman ay panay ang buntong-hininga ni Briel habang panaka-naka ang tingin sa unahan ng mahabang pila kung saan siya nakatayo na para bang hindi man lang umuusad. May dala naman siyang payong pero hindi niya kaya ang alinsangan ng panahon. Tumatagaktak na ang pawis sa kanyang mukha na kung magtutuloy-tuloy pa ay baka dehydration ang abutin ng katawan niyang hindi pa rin sanay na mabilad. Kung hindi lang kinulang ang pera niyang dala, hindi sana siya magtitiis na pumila ng mahaba sa lintik na fruit tea stand na iyon para sa batang kasama. Gusto niya kasing mabigyan nito ang batang akay niya at kanina pa nakangiti sa kanya. Nakokonsensya naman siya kung aalis sila sa pila at hindi na iyon itutuloy. Iyon na nga lang ang kasiyahan nito kada lumalabas sila, pagbabawalan niya pa? Hindi niya naman alam bakit humaba ang pila. Last time naman hindi. Lihim niyang sinisi ang mga vlogger na nagpakalat ng balitang masarap ang fruit tea doon. Kung pwede niya l
PARANG NAPAPASONG NAPALAYO si Giovanni kay Briel ngunit hindi ito bumitaw sa hawak nito sa leeg niya. Nanlaki pa ang mga mata ng Governor nang awtomatikong humigpit ang yakap ni Briel sa kanya at idinikit pa ang katawan niya na parang bigla siyang naging lango sa alak. Hindi lang iyon, naramdaman niya ang paglapat ng malambot na labi nito sa balat sa leeg at init ng dampi ng hininga na tila ba may nasindihang apoy sa ibabang parte ng kanyang katawan. Idagdag pa ang kiskis ng malaki nitong hinaharap.“Excuse me, Miss Dankworth?!” marahas na alog niya sa katawan nitong mabilis inilayo upang hindi nito marinig ang mabilis na dagundong ng kanyang puso. “Pinagloloko mo ba ako, Gabriella?!”Ilang beses niyang inalog pa ang katawan ng dalaga na hindi niya alam kung nakatulog ba sa mga bisig niya o ano dahil nakapikit na ang mga mata nito.“Nasaan ba si Giovanni?” naulinigan ng Governor ang boses ng ina na halatang hinahanap na siya. “Nasa silid niya po, Donya Livia…”“Umakyat na? May mga bi
ISANG DIPA ANG layo nila sa bawat isa pero amoy na amoy ni Giovanni ang alak sa hininga ng dalaga na hindi niya alam kung matalas lang ba ang pang-amoy niya o talaga lango ito sa alak. Malakas din itong uminom ng alak, iyon ang na-obserbahan niya kay Briel sa loob ng ilang araw nitong pananatili sa mansion nila bago pa ang kasal ng kanyang pamangkin. Iyon ang isa sa turn off niya sa mga babae. Ayaw niya sa babaeng umiinom ng alak o sa babaeng mahilig pumarty. At sa tingin niya party girl ang babae lalo na sa paraan ng pananamit nito. Sinong matinong babae ang magsusuot ng hanggang kalahati ng hitang skirt sa malamig na lugar? Siya lang ang nakilala niyang babaeng ganun.Napapitlag ang Governor na marahas idinilat ang mata nang mag-preno ang driver. Nais nang mapamura sa pagkaudlot sa nakaraang binabalikan. “What the hell are you doing? Tulog ka na ba?!” “S-Sorry po, Governor Bianchi, may aso pong biglang tumawid ng kalsada.” kabadong wika ng driver na biglang namutla sa hitsura ng G
SINAMANTALA NI GIOVANNI ang komosyong nilikha ng kanyang apo sa pamangkin na si Gabe upang pumuslit sa naturang party. Pabulong na nagpaalam siya sa inang si Donya Livia na may kailangang puntahan ng mga oras na iyon nang sa ganun pagkatapos ng party ay hindi siya nito hanapin. Hindi mawala sa kanyang isipan ang sinabi ni Bethany tungkol kay Briel na lumayas umano ito na dalawang taon na ang nakakalipas. Habang siya kampanteng namumuhay, hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan pala nito. Ang buong akala pa naman ng Governor ay umalis ito ng bansa, iyon ang pagkakaalam ng dalaga sa kanya at syempre iyon din ang sinabi nito noong huling usap nila kaya naman pinaniwalaan niya. Ang kamalian lang niya ay masyado siyang naging kampante at hindi man lang nag-check ng immigration kung totoo bang lumabas nga ito ng bansa. Pinabayaan niya lang ang dalaga dahil ng panahong iyon ay abala na rin siya.‘Nasaan ka, Briel? Nasaan ka ng dalawang taong iyon? Huwag mo sabihing napariwara ka dahil
BOOK 2The Stunning Wife of Governor BianchiGabriella Dankworth and Giovanni Bianchi StoryBLURBSa edad na thirty-five, isang kahibangan para kay Governor Giovanni Bianchi ang makipagrelasyon sa isang babaeng bata sa kanya ng sampung taon. Hindi lang iyon, ang pinakamalalang eskandalo pa dito ay bunsong kapatid ito ng asawa ng kanyang pamangkin. Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa kanya? Mahilig siya sa bata? Hindi lang sa kanya kundi sa pamilya rin ng dalaga. Sobrang nakakahiya kung itutuloy pa ni Giovanni ang nararamdaman para kay Briel. Subalit, paano niya pipigilan ang sarili kung kada makikita niya ang pamilyar at mapanghalinang mukha ni Gabriella Dankworth ay nakakalimutan niya ang malaking agwat ng edad na naghihiwalay sa kanila at ang tanging naiiwan sa malanding utak niya ay ang mga eksena ng gabing nagiging isa ang mga katawan nila? Alam nilang pareho na mali, isang katangahan at kasuklam-suklam sa mata ng karamihan ngunit paano ba nila mapipigilan ang kanilan
HINDI AKMA SA okasyon pero ganun na lang ang gulat ni Bethany sa sinabi ng asawa. Ang tagal niya ng nakauwi pero ngayon niya lang ito nabanggit. Nakokonsensya tuloy siya na ngayon pa niya ito napansing wala ang presensya.“Ano? Bakit niya naman gagawin iyon?” Medyo nakaramdam pa ng pagkakonsensya pa si Bethany dahil hindi niya ito nabanggit sa asawa. Kinukumusta niya ito kay Gavin, pero hindi siya ang literal na nagre-reached out sa hipag. Ni hindi niya nga ito natawagan dati eh at nagui-guilty siya dahil noong nasa hospital siya, nagawa pa siya nitong bantayan kahit na tinakasan niya pa ito dati. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi niyo pa rin ba siya nahahanap hanggang ngayon? Anong taon na?” “Thanie, problemado na tayo noon sa buhay natin iisipin pa ba natin siya? Malaki na siya. Alam na niya ang tama at mali. Saka kung gusto niyang umuwi, palagi namang bukas ang tahanan namin sa kanya. Hayaan mo na ng matuto.”“Matuto? Gavin, Gabriella is your only sister. Noong may problema
NANG SUMUNOD NA weekend ay nagpasya ang pamilya Dankworth at Bianchi na magkaroon ng banquet sa mansion ng mga Dankworth. Disguise na family dinner iyon pero lingid sa kaalaman ni Bethany ay pupunta ang lahat ng kapamilya niya doon upang e-surprise siya. Hindi lang iyon, maging ang kanyang ama na si Mr. Conley ay umuwi pa ng bansa kasama ang kanyang asawa na kalaunan ay tinanggap na rin si Bethany bilang anak ng kanyang asawa. “Bakit kailangan pang naka-dress? Hindi ba at normal family dinner lang naman natin iyon kina Mommy at Daddy? Baka naman pagtawanan nila ako na ganito ang ayos ko ngayon, Gavin? Napakabonggan naman yata ng pa-dress.” “Hindi porket sa loob lang iyon ng mansion gaganapin ay hindi ka na mag-aayos, Thanie.” Sa halip na makipagtalo ay sinunod na lang ni Bethany ang gusto ng kanyang asawa. Isa pa, twinning sila ni Gabe na sadyang ipinasadya pa ni Gavin. Iyon ang unang beses nilang gagawin iyon ng anak kung kaya naman pareho silang excited na magkita. Matapos na ayu
MULA SA GABING iyon kung saan nasabi na ni Gavin ang lahat sa asawa ay unti-unti silang umayos at bumalik sa normal na pamumuhay. Habang abala si Bethany na ubusin ang oras niya sa anak, unti-unti rin na bumabalik sa trabaho si Gavin hindi bilang abogado dahil mula ng mag-retiro ay wala na siyang planong bumalik pa. Isa na siya ngayong full time businessman na ini-expand ang negosyo sa Asia. May mga business trips, pero sa lahat ng iyon ay sinasama niya ang kanyang mag-ina upang maibsan ang kanyang pag-aalala kapag nasa malayo siya. Nagagawa niyang pagsabayin ang pamilya at negosyo nila.“Kailan mo ba kami papayagang umakyat ng Baguio? Baka magtampo na sina Tita Victoria, Lola Livia at si Tito Giovanni niyan sa akin. Ilang buwan na ako sa bansa tapos hindi man lang ako nagpapakita sa kanila.”“Hindi sila magtatampo. Alam naman nilang sinasama ko kayo ni Gabe sa mga business trips ko.”“So kailan nga, Gavin?”“After natin makipag-dinner sa mga magulang ko.”Nanlaki ang mga mata ni Beth
PAGKALIPAS NG KALAHATING oras ay tumigil ang sasakyan ni Gavin sa isang kilalang high end kindergarten sa lugar. Sabay na lumabas sina Gavin at Bethany sa loob ng sasakyan upang kunin ang anak nila sa likod. Si Gabe na sa sandaling iyon ay malawak na nakangisi. Iniisip ng bata na ito na ang pagkakataong matagal niya ng pangarap; mabuo sila at makita iyon ng lahat ng mga kaklase niya. Tumatalon-talon pa ang munting mga paa habang hawak ng ama at ina ang tig-isang munting palad habang papasok sila ng gate ng paaralan kung saan napapatingin ang ibang nakakakita sa kanila.“Teacher, ito po ang Mommy ko!” may kalakasang bulalas niya na sinadya upang iparinig iyon sa iba pa. Napalingon ang maestra nila na hindi na nagulat sa sinabi ni Gabe. Alam niya naman kung sino ang asawa ni Mr. Dankworth kung kaya wala na doong kagulat-gulat.“Anong masasabi mo sa kanya, Teacher?”Pa-squat na naupo ang Teacher sa harap ni Gabe at bahagyang hinaplos ang gilid ng panga ng bata na naghihintay ng sagot ni