Semua Bab The Billionaire's Substitute Bride: Bab 81 - Bab 90

392 Bab

Chapter 81

"Umupo ka muna, Raheel. Kanina ka pa pabalik-balik ng lakad riyan. Nahihilo na ako sa kakatingin sa 'yo," sabi ni Knight habang pinapatahan si TJ. Dalawang oras na kaming naghihintay na lumabas ang doktor sa ER. Hindi ako mapakali. Gusto ko ng pumasok sa loob para i-check ang kalagayan ni Anabelle. Napalingon agad ako sa pinto nang bumukas ito at lumabas si Dr. Leo, ang attending doctor ni Anabelle. "How is she?" I asked as he removed his hairnet.He glanced at TJ and Knight before looking at me. "Mr. Del Fuego, let's talk inside my office. We need to discuss Anabelle's condition."Those words from the doctor felt like a huge boulder crashing down on my chest. I knew the news wouldn't be good, but I didn't expect it to be this severe."Doc, how is my wife?" I asked as we entered his office, my voice trembling."Mr. Del Fuego, your wife's tumor is getting worse," the doctor replied, his face filled with pity. "It's spreading to other parts of her body."Parang nabingi ako. Hindi ko m
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-25
Baca selengkapnya

Chapter 82

Hinawakan ko ang kamay ni Anabelle habang nagsusulat ng liham para sa kaniya. Kung sakaling matatagalan man ako sa pagbalik at magigising siya, gusto kong basahin niya ito. Ngayong araw ako aalis patungong France upang puntahan si Lolo. Ngayong araw rin siya dadalhin sa Germany para sa operasyon niya. Habang nagsusulat, patuloy lang ang pagpatak ng mga luha ko. Nababasa na nga 'tong papel na sinusulatan ko. Nagpasya akong i-re-record ko na lang ang ibang mga sasabihin ko sa aking smartwatch kasi hindi na kakasya sa papel. Baka mapunit pa 'to kasi nababasa na sa mga luha ko. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulan ang pag-record ng boses ko. Pilit kong pinipigilan ang emosyon ko, pero hindi talaga kaya. Ang sakit-sakit sa pakiramdam na kailangan ko muna siyang iwan kasi pupuntahan ko si Lolo. Nangako ako sa kaniya, na mananatili ako sa tabi niya hanggang sa gumaling siya. Pero ngayon, hindi ko na alam kung matutupad pa ba ito. "If ever you forget me, just read the letter I wrote
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-26
Baca selengkapnya

Chapter 83

Ang galit ay nag-aapoy sa loob ko. Ang lahat ng sakit, ang lahat ng galit na naramdaman ko kay Zeus, ay nag-aalab ngayon. Hindi ko alam kung paano ko matatanggap ito. Paano ko matatanggap ang taong pinakaayaw ko sa mundo ay may dugo rin na dumadaloy sa akin? Ang galit ko kay Zeus ay mas malakas kaysa sa anumang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapatawad. Hindi ko alam kung paano ko siya matatawag na kapatid."Hindi... hindi totoo 'yan. Hindi ko siya kapatid," bulong ko, ang boses ko ay nanginginig sa galit at pagtanggi. "Raheel, totoo ito. Mayroon kang kapatid. Si Zeus ang anak ng iyong ama sa ibang babae," sabi ni Ms. Reyes.Ang mga salita niya ay parang mga karayom na tumutusok sa aking puso. Ang galit ay nag-aapoy sa aking kalooban. Kapatid ko ang mortal kong kaaway. Napasinghap ako. Hindi ko na alam kung ilang tao pa ba ang makikilala ko, na anak ni Daddy. Matatanggap ko pa si Lara bilang half-sister, pero 'tong si Zeus, hindi ko siya kayang
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-27
Baca selengkapnya

Chapter 84

Niyakap ko ang naninigas at malamig na katawan ni Lolo ng mahigpit habang walang humpay ang paglabas ng mga luha ko. Hindi ko kayang tanggapin, na wala na si Lolo. Ang nag-iisang taong nag-alaga at nagmamahal sa akin. "Hindi ka na mahihirapan sa sakit mo," bulong ko at hinalikan ang noo ni Lolo. "Kahit sa huling paghinga mo si Anabelle pa rin ang bukambibig mo. Bakit? Anong meron sa kaniya?" Nagpasya akong ipa-cremate ang katawan ni Lolo. Pagkatapos ng cremation ay umuwi ako sa Pilipinas dahil nabalitaan ko ring nagkasakit si Hailey. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga sunod-sunod na problemang dumating sa buhay ko. "Daddy, aalis ka na naman ba?" tanong ni Hailey sa akin pagkatapos kong suklayin ang mahaba at itim niyang buhok. Pinaharap ko si Hailey sa akin. "Kailangan kong pumunta sa Germany, Hailey. May gagawin kasi si Daddy roon." "Work na naman po ba?" Tumango ako. "Kailangan kong i-manage ang mga naiwang ari-arian ni Lolo, Hailey. Nandito naman ang Mommy mo -
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-28
Baca selengkapnya

Chapter 85

Nanginginig ang aking buong katawan matapos kong marinig ang sinabi ni Logan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang nasa isip ko ngayon ay si Anabelle. Kaya ba gusto ni Lolo, na ingatan ko si Anabelle dahil kasalanan ng mga magulang ko kung bakit namatay ang tatay nito? "Raheel, ayos ka lang ba?" agaw atensyon ni Logan sa akin, pero hindi ako makatingin sa kaniya. "What's her father's name?" tanong ko kay Logan, nanginginig ang boses ko. "I'll check my email first," sagot ni Logan at nag-scroll sa cellphone niya. "Shit. Her father was known as Damien. But his real name is Carlos Damien Enriquez. At ang tatay ni Anabelle ay isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Chairman Marcelo and a great assassin. Ito ang palaging inuutusan ni Chairman Marcelo noon kapag may gusto siyang ipapatay." My jaw dropped. Kinuha ko ang cellphone niya upang tingnan ang binabasa niya. Umiling ako. "Hindi 'to totoo..." "I'll call my men to confirm it, Heel," sabi ni Logan at dinial ang numero
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-29
Baca selengkapnya

Chapter 86

Knight's POV Pinagmasdan ko ang mala-anghel na mukha ni Anabelle habang mahimbing itong natutulog. Ang kanyang mukha ay payapa, parang wala man lang dalang pasanin. Pero alam ko na hindi totoo iyon. Ang mga mata ni Anabelle ay nagkukuwento ng isang malalim na sakit, isang sakit na nagmumula sa isang nakalimutan na alaala. Ang bilis kong kumalma sa tuwing nakikita ko lang siya lalo na ngayon at patung-patong ang mga problemang kinakaharap ko. Wala akong ideya, na isinangla pala ni Mommy ang kompanyang iniwan ng Lolo ko sa amin sa mga magulang ni Zeus sampung taon na ang nakakaraan. Akala ko maayos lang ang lahat kasi ayaw niya akong tumulong sa pagpapatakbo ng kompanya dahil wala raw akong alam. Sa edad na bente anyos, itinayo ko ang sariling negosyo ko upang patunayan kay Mommy, na kaya kong i-handle ang kompanya ni Lolo. Ginamit ko ang perang iniwan ni Lolo sa akin at ang perang naipon ko sa pagmomodelo. At sa tulong ng mga kaibigan ko, naipatayo ko ang pangarap kong negosyo - ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-30
Baca selengkapnya

Chapter 87

Simula nang nabasa at narinig ni Anabelle ang iniwang liham ni Raheel para sa kaniya biglang lumamig ang pakikitungo niya sa akin. Palagi niya rin akong iniiwasan sa tuwing susubokan ko siyang kausapin. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing makikita kong sinusuot niya ang smartwatch ng kaibigan ko. Nang nagising siya pagkatapos ng operasyon, binigyan ko siya ng kwentas na nabili ko sa auction nang pumunta akong Paris. Sinusuot niya ito araw-araw, pero hindi ko na ulit ito nakitang ginagamit niya. "Hindi ako tutuloy sa Thailand, Brent," sabi ko sa aking manager sa pagmomodelo. Humugot ako ng malalim na paghinga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Hihinto na ako sa pagmomodelo. Kailangan kong mag-focus sa kompanya ni Lolo at sa kompanya ko." "Ano? Ngayon ka pa talaga susuko kung kailan in-demand ka na sa buong mundo?" hindi makapaniwalang tanong ni Brent. Siya ang dahilan kaya nakapag-ipon ako ng malaking pera sa panahong naghihirap pa ako sa buhay. Sa murang edad kasi naging independe
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-31
Baca selengkapnya

Chapter 88

Abot langit ang sayang nararamdaman ko nang bigyan ako ni Anabelle ng pagkakataong magkaroon ng lugar sa puso niya. Gusto niyang buksan muli ang puso niya. Hindi rin ako makapaniwalang nag-propose si Raheel kay Andrea ulit. Hindi niya man lang sinabi sa akin ang tungkol sa desisyon niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Anabelle habang naglalakad kami palabas ng airport. Mas pinili kong manatili sa tabi niya kesa unahin ang career ko bilang isang international model. Hindi ko sasayangin ang pagkataong ibinigay niya para sa akin. Kung ano man ang mga pagkukulang ni Raheel, sana mapunan ko lahat iyon. "I love you," bulong ko at hinalikan ang kamay niya. "Daddy, let's buy some ice cream," sabi ni TJ. Tumango ako at ngumiti. Hindi ko rin aakalaing tanggap ako ni TJ, na maging bagong Daddy niya. Tatlong linggo pa lang ang nakalipas, pero pakiramdam ko matagal ko na silang pagmamay-ari. *** "This is so big!" komento ni TJ pagpasok namin sa loob ng condo ko. "Be careful, Theo," s
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-31
Baca selengkapnya

Chapter 89

"This is not the solution to get revenge on him, Knight," Logan said, sitting down abruptly on the swivel chair in my room."Raheel and Andrea are engaged again, Logan. Andrea and TJ saw the news—""He's doing it because Hailey was sick," putol ni Logan sa sasabihin ko. "Palabas lang ang lahat ni Raheel, pero ang totoo wala siyang balak pakasalan si Andrea at alam mo 'yan, Knight!" "Palabas? Naisip niya ba ang nararamdaman ng mag-ina? I've been calling him almost everyday, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko! May problema ba? Bakit wala man lang akong balita sa kaniya?" "May inaasikaso kaming dalawa, Knight. Huwag mong sinasamantala ang panahon dahil lang wala si Raheel at hindi siya nakabalik agad!" Tumayo si Logan at humakbang papalapit sa akin, para siyang sasabog sa galit. "Kamamatay lang ng Lolo niya at nag-a-adjust pa siya!" Umiling-iling ako. "Hindi niyo kasi naiintindihan ang sitwasyon, Logan. Sinasaktan niya ang mag-ina niya. Hindi sila isang bagay na parang isinangla s
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-08-01
Baca selengkapnya

Chapter 90

Paggising ko kinabukasan ay wala na si Anabelle sa tabi ko. Umahon ako sa kama nang nakitang nakabukas ang laptop ko. Nakahinga ako ng maluwag nang nakitang naka-lock ito. Naligo muna ako bago nagpasyang lumabas ng kwarto. Naabutan ko silang dalawa ni Evara, na kumakain ng almusal. "Good morning," nakangiting bati ni Anabelle sa akin. "Good morning, Dad!" masayang bati naman ni TJ at naglakad ito papalapit sa akin. Binuhat ko si TJ at hinalikan ang magkabilang pisngi niya. "Ang bangu-bango naman ng anak ko." Habang kumakain, hindi ko mapigilang pagmasdan silang dalawa lalung-lalo na sa kamay ni Anabelle. Hindi ako nananaginip. Totoong tinanggap niya ang proposal ko. She's my fiancé now. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang singsing sa daliri niya. Lumawad ang ngiti ko nang bigla niyang pinagsiklop ang mga kamay namin. "Ang saya-saya mo ngayon," sabi niya at maingat na binitawan ang kubyertos. "Well, I can't believe that we're engaged," saad ko at bumaling kay TJ, nakatin
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-08-02
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
7891011
...
40
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status