Pagdating namin sa labas ng gate sa bahay nila Raheel, sinalubong kami ng mga reporters. Nakita ko rin ang mga magulang ni Andrea, na nagpupumilit pumasok sa loob, at pilit namang nilalayo ng mga guards ang mga tao. "Anong ginagawa nila rito?" tanong ni Raheel at binuksan ang pintuan ng kotse. Mabilis naman akong lumabas upang alalayan siya. "Come here, TJ," saad ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. "Mr. Raheel Del Fuego, is it true that your daughter died?" Napahinto ako sa pagtulak ng wheelchair nang narinig ang tanong ng reporter. Tumingin ako sa mga magulang ni Andrea. "I need to see my grandchild, Raheel!" galit na sigaw ng Daddy ni Andrea. "Let's go, Anabelle," sabi ni Raheel imbes sagutin ang tanong ni Mrs. Chavez. "Siya ba ang dating asawa ni Mr. Del Fuego?" "Anong ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama? Nasaan ang fiancee ni MrDel Fuego?" "Guards, palabasin ninyo silang lahat. Isama ninyo ang mga magulang ni Andrea," saad ni Raheel. Mas lalong umingay ang b
ปรับปรุงล่าสุด : 2024-08-09 อ่านเพิ่มเติม