Sobrang bigat nang nararamdaman ko habang tumatakbo ako papasok sa loob ng ospital. Wala na akong pakialam kung may nabangga man ako. Ang nasa isip ko lang ay ang kalagayan ni Hailey. Sa boses pa lang ni Logan, alam kong hindi maganda ang nangyayari. Hinahabol ko ang aking paghinga nang pumasok ako sa silid ni Hailey. Napaluhod ako sa sahig nang nakitang nakapatong na sa kama ang doktor niya habang nagsasagawa ito ng chest compression. Sinubokan kong lapitan ang anak ko, ngunit pinigil ako ng mga nars. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha habang pinagmamasdan si Hailey na ni-re-revive ng doktor. Nakahinga lang ako ng maluwag nang bumalik sa normal ang pulso ni Hailey at tumigil na rin ang doktor sa pagsasagawa ng chest compression. Tumayo ako at nilapitan si Hailey. "How's my daughter?" tanong ko sa doktor. "We need to operate her, Mr. Del Fuego," sagot ng doktor. "Kausapin niyo po muna ang bata." Hinawakan ko ang kamay ni Hailey ng mahigpit habang pinagmamasdan siya.
Anabelle's POV It's been a month since all my memories came back. Hindi ko alam kung paano naibalik lahat matapos kong basahin at pakinggan ang mensaheng iniwan sa akin ni Raheel. Gusto kong itanong kay Knight kung bakit niya nagawang itago 'yon sa akin, pero nawawalan ako ng lakas na malaman ang dahilan niya. Nang nagkamalay ako pagkatapos ng operasyon, ang unang lumabas sa bibig ko ay ang pangalan ni Raheel. Hindi ko nakalimutan ang pangalan niya, pero nakalimutan ko ang lahat ng alaalang kasama ko siya. Alamkong asawa ko siya, pero nagtataka ako kung bakit ko siya naging asawa gayong wala akong natatandaang nakasama ko siya. "Raheel Del Fuego, he is my husband," paulit-ulit kong sambit kahit hindi pa mabuti ang kalagayan ko. "Hiwalay na kayong dalawa, Anabelle. Nakipaghiwalay ka sa kaniya," sabi ni Knight sa akin araw-araw sa tuwing nagtatanong ako tungkol kay Raheel. Nang nakita ko ang iniwang mensahe at voice message ni Raheel para sa akin, hindi ko alam kung bakit ang bigat
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nalaman ko. Noong una ay hindi ako naniwala, pero nang narinig ko ang pinag-usapan nina Raheel at Logan sa loob ng opisina niya noong araw na makikipag-usap sana ako kay Raheel, unti-unting napalitan ng galit ang pagmamahal, na nararamdaman ko para sa kaniya. Alam niya ang totoong nangyari sa pagkamatay ni Tatay, pero wala siyang balak sabihin sa akin dahil natatakot siyang kamuhian ko siya. "Mommy, kailan po uuwi si Daddy?" tanong ni TJ pagkatapos naming kumain ng breakfast. Nasa Paris si Knight ngayon, binisita ang ex-fiancée niyang si Jade. Nagkasakit kasi 'yon at hinahanap niya si Knight. Hindi ko rin naman siya pwedeng ipagkait dahil may nakaraan silang dalawa. "Hindi ko alam, Theo. Itatanong ko mamaya sa kaniya kapag tatawag siya sa akin," sagot ko, pinunasan ko damit niya kasi nabasa ito ng tubig. "How about my biological father? Kailan ko ulit siya makikita?" Napahinto ako sa ginagawa ko at napatitig ng ilang segundo sa anak k
"Nakuha na namin ang bala," sabi ng doktor pagkalabas nito sa operating room. "Ililipat na namin siya sa silid." Walang pa ring malay si Raheel nang ilabas siya sa operating room. Binuhat ko si TJ at sumunod sa mga nars na nagtutulak sa stretcher patungo sa silid na lilipatan kay Raheel. "Malalim ang sugat niya. Kailangan niyang magpahinga ng ilang araw, Ma'am, bago namin siya i-discharge," sabi ng doktor. Tumango-tango lang ako sa mga sinasabi ng doktor. Hindi ko maalis ang paningin ko kay Raheel. Kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko kanina nang bigla siyang nawalan ng malay. "Mommy, is Daddy okay?" tanong ni TJ at hinawakan ang kamay ni Raheel. "Yeah. He's fine. Nakuha na rin ang bala sa hita niya. All he needs to do is to rest." Bumaba ang paningin ko sa daliri ni Raheel nang napansing suot niya pa rin ang wedding ring namin pati ang singsing na ibinalik ko sa kaniya noon. Napasinghap ako nang naalala ang mga sinabi niya sa akin bago ako inoperahan. Sinisisi
Pagdating namin sa labas ng gate sa bahay nila Raheel, sinalubong kami ng mga reporters. Nakita ko rin ang mga magulang ni Andrea, na nagpupumilit pumasok sa loob, at pilit namang nilalayo ng mga guards ang mga tao. "Anong ginagawa nila rito?" tanong ni Raheel at binuksan ang pintuan ng kotse. Mabilis naman akong lumabas upang alalayan siya. "Come here, TJ," saad ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. "Mr. Raheel Del Fuego, is it true that your daughter died?" Napahinto ako sa pagtulak ng wheelchair nang narinig ang tanong ng reporter. Tumingin ako sa mga magulang ni Andrea. "I need to see my grandchild, Raheel!" galit na sigaw ng Daddy ni Andrea. "Let's go, Anabelle," sabi ni Raheel imbes sagutin ang tanong ni Mrs. Chavez. "Siya ba ang dating asawa ni Mr. Del Fuego?" "Anong ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama? Nasaan ang fiancee ni MrDel Fuego?" "Guards, palabasin ninyo silang lahat. Isama ninyo ang mga magulang ni Andrea," saad ni Raheel. Mas lalong umingay ang b
Nanginginig pa rin ang aking mga kamay habang nakahawak ito sa lumang papel na galing kay Tatay. Umupo ako sa couch habang pinupunasan ang aking mga luha. "Belle, patawarin mo ako kung palagi akong wala sa tabi mo. Ikaw ang pinakamagandang blessing na natanggap ko sa buong buhay ko. Patawad kung sa ganitong trabaho ko kayo binubuhay. Wala akong ibang hinihiling kundi ang makatapos ka sa pag-aaral gamit ang perang iniwan ko kay Chairman Marcelo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mabubuhay kaya minabuti kong bigyan ka ng magandang kinabukasan. Gusto ko kayong bigyan ng magandang buhay, Anak, at makasama araw-araw, ngunit alam kong malabong mangyari 'yon. Natatakot ako, na baka kayo ang babalikan ng mga taong nakaengkwentro ko, at madamay kayong dalawa ng ina mo. Pagtungtong mo ng dise-otso anyos at kapag wala na ako sa panahong 'yon, hanapin mo si Chairman Marcelo Del Fuego o ang matalik kong kaibigan na si Dennis Fabregas. Sila lang ang mga taong pinagkakatiwalaan ko Hanapin mo
Agad rin kaming umuwi sa mansiyon pagkatapos gamutin ang sugat ko sa braso. Mabigat ang pakiramdam ko at parang pinipiga ang puso ko sa tuwing naaalala ang ngiti sa labi ni Nanay nang nakita niya akong binaril ni Andrea. Ang laki ng pinagbago ni Nanay. Hindi ko na maalala kung kailan ko siya huling nakita noon. Nagtataka ako kung bakit kasama niya ang pamilya nina Zeus at Andrea. "Mukhang malalim ang iniisip mo," sabi ni Raheel at tumabi sa aking umupo sa couch. Binuksan niya ang TV. "Kumusta na ang sugat mo?" "Ayos lang ako," malamig kong sagot. Bumaba ang paningin ko sa hita niya nang nakitang nagdurugo na naman ito. "Umupo ka ng maayos. Papalitan natin ng bandage." Kinuha ko ang bandage sa ibabaw ng center table at lumuhod sa harapan niya. Maingat kong ginupit ang bandage at pinalitan ito ng bago. Nag-angat ako ng tingin kay Raheel nang biglang siyang napasigaw. "Dahan-dahan lang," reklamo niya, nakakunot ang noo, at hindi maipinta ang mukha. "Tapos na," saad ko. "Galit ka pa
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa pagkatapos naming kausapin si Dennis. Hindi ako makapaniwalang isa si Nanay sa mga tumulong upang mamatay si Tatay sa mismong mga kamay ng kapatid nito. Pinunasan ko kaagad ang nangingilid na luha sa mga mata ko nang nakita kong pumasok si Raheel sa loob ng kotse. "Saan tayo pupunta?" tanong ko pagkatapos niyang buhayin ang makina ng kotse. "Anywhere," tipid niyang sagot. "Saan mo gusto?" Napasinghap ako at tumingin sa labas ng bintana. "Gusto kong bisitahin si Tatay." "We'll go there," tugon niya. Umidlip ako pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang address kung saan nakalibing si Tatay. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, baka atakihin ako sa puso kung hindi ako makakapagpahinga. Nang nagising ako nahuli ko si Raheel, na nakatitig lang sa akin. "Kanina pa ba tayo nakarating?" tanong ko at sumilip sa bintana. Nag-unat ako at sinulyapan siya nang napansing hindi niya pa rin inaalis ang paningin niya sa akin. "May dumi ba sa mukha ko?" Tining
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng