共有

Chapter 100

Nanginginig pa rin ang aking mga kamay habang nakahawak ito sa lumang papel na galing kay Tatay. Umupo ako sa couch habang pinupunasan ang aking mga luha.

"Belle, patawarin mo ako kung palagi akong wala sa tabi mo. Ikaw ang pinakamagandang blessing na natanggap ko sa buong buhay ko. Patawad kung sa ganitong trabaho ko kayo binubuhay. Wala akong ibang hinihiling kundi ang makatapos ka sa pag-aaral gamit ang perang iniwan ko kay Chairman Marcelo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mabubuhay kaya minabuti kong bigyan ka ng magandang kinabukasan. Gusto ko kayong bigyan ng magandang buhay, Anak, at makasama araw-araw, ngunit alam kong malabong mangyari 'yon. Natatakot ako, na baka kayo ang babalikan ng mga taong nakaengkwentro ko, at madamay kayong dalawa ng ina mo. Pagtungtong mo ng dise-otso anyos at kapag wala na ako sa panahong 'yon, hanapin mo si Chairman Marcelo Del Fuego o ang matalik kong kaibigan na si Dennis Fabregas. Sila lang ang mga taong pinagkakatiwalaan ko Hanapin mo
ロックされたチャプター
この本をアプリで読み続ける
コメント (3)
goodnovel comment avatar
Leziel Mae Tenebro Bose
hhaha kriminal si andrea pero walang kuntak na police? megad ha hahaha
goodnovel comment avatar
Larry Candelaria
ungas ang nagsulat ng kwentong ito,ang dameng katangahan ng mga bida
goodnovel comment avatar
Alice G
hinintay mo pang mabaril si Annabelle bago ibigay ung bangkay ha Raheel?! grabe naman ung pagmamahal mo. kahit pinagbantaan na, na madadamay sina TJ at Annabelle, nakipag matigasan kpa din
すべてのコメントを表示

関連チャプター

最新チャプター

DMCA.com Protection Status