All Chapters of The Billionaire's Substitute Bride: Chapter 61 - Chapter 70

392 Chapters

Chapter 61

Anabelle's POV Kanina ko pa napapansin ang paglingon ng mga kasama kong pasahero sa jeep patungo sa paaralan. Sa awa ng Diyos, isa ako sa mga napiling estudyante na nabigyan ng scholarship ng paaralan. Kinuha ko ang maliit na salamin sa loob ng bag ko upang tingnan ang mukha. Baka may dumi ang mukha ko kaya panay ang pagtitig nila sa akin. Kumunot ang noo ko nang nakitang malinis naman ang mukha ko. Pagbaba ko sa paaralan, bumungad sa akin ang maraming reporters. Inayos ko ang aking mga gamit at hindi na lang ito pinansin. "The rumor circulating is true that Anabelle only married him in exchange for the money needed for her mother's operation. She also married Anabelle to acquire the inheritance and various assets of Chairman Marcelo. Their marriage is fake." Napahinto ako sa paglalakad nang narinig ko ang boses ni Zeus. Napakagat-labi ako. Hindi ko mapigilang magtaka kung bakit pinagsisigawan niya ang tungkol sa nakaraan namin ni Raheel. Pinagsiksikan ko ang sarili ko sa mga tao
last updateLast Updated : 2024-07-14
Read more

Chapter 62

Nanatili muna kami sa loob ng clinic pagkatapos kong gamutin ang sugat ni Raheel. Nagpaalam din ako sa professor ko, na hindi muna ako papasok sa klase niya ngayong araw kasi nandito si Raheel. Si Nurse Leah sana ang gagamot sa sugat niya sa kamay, pero ayaw ni Raheel. Ang dami niyang arte. Sinulyapan ko si Raheel, agad na kumunot ang noo ko nang nahuli ko siyang nakatingin sa akin. "How are you?" tanong niya sa mababang boses. "I don't know kung maayos na ba ako," sagot ko at kinuha ang bag ko. "I have to go. May pasok pa kasi ako." Napalingon ako sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Bumuntong hininga siya at ipinagsiklop ang mga kamay namin. "T-Totoo bang nililigawan ka ni Z-Zeus?" Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa kamay ko. "Kung sasabihin ko sa 'yong, Oo, anong gagawin mo?" Unti-unti kong binawi sa kaniya ang kamay ko. "Raheel, sa totoo lang, ang hirap pa rin tanggapin na nawala ang anak ko. Hindi rin naman kita masisisi kasi ang sabi mo wala kang alam
last updateLast Updated : 2024-07-15
Read more

Chapter 63

Agad kong ibinalik ang cellphone sa driver's seat nang nahagip ng mga mata ko na pabalik na si Zeus. Chinarge ko ang cellphone ko at ipinilig ang ulo ko sa bintana. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring natutulog. Napansin ko ang pagdating ni Zeus at ang pag-andar ng limo niya. Makalipas ang ilang minuto ay nagdilat na ako ng mga mata. Sinulyapan ko siya. Nasa daan pa rin ang paningin niya. Hinahanap ng mga mata ko ang cellphone ni Raheel. Hindi ko mapigilang magtaka kung bakit nasa kaniya 'yon. Siya ba ang nag-reply sa akin sa araw na 'yon at hindi si Raheel o si Andrea? "You're awake," saad niya nang nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. "Y-Yeah, kagigising ko lang," sambit ko at pilit na ngumiti. Hinubad niya ang jacket niya at ibinigay ito sa akin. Tinanggap ko naman ito agad kasi naka-uniporme pa ako at papasok kami sa loob ng mall para bumili ng regalo sa Lola niya . Mahigit dalawang oras na kaming palibut-libot sa loob ng mall, pero wala pa ring nahanap na pwede ir
last updateLast Updated : 2024-07-15
Read more

Chapter 64

"Kumain na po ba kayo? Anong gusto niyong kainin? Ipagluluto ko po kayo," tanong ko habang pinupunasan pa rin ang mukha ko. Hindi ako makapaniwalang nandito siya. Hinanap niya ako. "Kahit ano, Anabelle. Namimiss ko ang mga pagkaing niluluto mo sa akin," sagot ni Nanay at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto ko. Iniwan ko muna saglit si Nanay kasi bibili ako ng karne sa pinakamalapit na palengke. Hindi pa kasi ako nakapag-grocery kasi naging busy sa pag-aaral kahit kasisimula pa lang ng klase. "Ipagluluto ko muna kayo," saad ko nang nakabalik na ako. Nagsaing ako ng kanin habang hinihiwa ang binili kong karne ng baboy. "Nasaan pala ang asawa mo?" biglang tanong ni Nanay kaya napahinto ako sa ginagawa ko at lumingon sa kaniya. Binitawan ko ang hawak na kutsilyo at pinunasan ang kamay ko. Nakangiti lang si Nanay sa akin. Parang hinihintay ang sagot ko. Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat-lahat. Na biglaan ang pagpapakasal na 'yon kasi nang
last updateLast Updated : 2024-07-15
Read more

Chapter 65

Nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko ay saka pa lang ako kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang mukha ko at sinimulang pulotin ang mga gamit na nakakalat sa sahig nang hindi man lang siya pinapansin. "A-Anong nangyari rito? Bakit nagkalat ang mga gamit mo?" tanong ni Raheel at tinulongan akong ligpitin ang mga gamit ko. "Bakit ka umiiyak? Sinong gumawa nito sa 'yo?" "Ayos lang ako. Huwag mo na akong alalahanin," sagot ko. Napalingon ako sa kaniya nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kaniya. Napahawak ako sa dibdib niya nang sumubsob ang mukha ko. Niyakap niya uli ako ng mahigpit at nararamdaman kong hinaplus-haplos niya ang buhok ko. "I know you're not okay. Hayaan mo akong samahan ka muna rito. Kahit isang oras lang, Anabelle," bulong niya at hinalikan ang ulo ko. "Hindi ka dapat pumunta rito. Si Andrea dapat ang pinuntahan mo kasi buntis siya," saad ko. "Don't mention her name, please? Ayokong marinig ang pangalan niya. At bakit ba palagi mo akong pinagtutulakan sa ka
last updateLast Updated : 2024-07-16
Read more

Chapter 66

Pinagmasdan ko si Raheel na mahimbing nang natutulog sa sahig. Mag-iisang buwan na siya rito. Wala talaga siguro siyang balak na umuwi sa kanila. Bumaba ako sa kama at inayos ang kumot niya. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya uli. Palihim akong napangiti nang napagtantong seryoso talaga siya sinabi niyang gusto niya akong makasama. Kahit hindi siya marunong magluto ng pagkain, gumigisinh siya ng maaga para ipagluto ako. Hindi na lang din ako nagrereklamo kung hindi masarap ang ulam at medyo sunog ang kanin. Araw-araw niya rin akong hinahatid sa school. Siya rin ang sumusundo sa akin pag-uwi. Palagi siyang nagpapa-deliver ng pagkain sa akin. Dinaig niya pa ang pagiging Sugar Daddy. Hindi makapaniwala ang mga professors at classmates ko na may asawa na ako. Marami ang nagsasabi na kaya ko nakuha ang scholarship kasi nilandi ko raw si Zeus. Huli ko na kasing nalamang pinakalat pala ni Zeus na nililigawan niya ako kahit hindi naman ako pumayag. Pakiramdam ko, para akong sinaunan
last updateLast Updated : 2024-07-16
Read more

Chapter 67

Nagising ako sa malakas na pagkatok ng pinto. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Raheel na nakayakap sa akin at nagbihis. Napansin kong gising na rin pala si Raheel. Ngumuso siya at hinila ako papalapit sa kaniya. "May tao," natatawang saad ko at hinalikan ang labi niya. Kinagat ko ang labi niya nang nagsimula na namang maglakbay ang malikot niyang kamay. Bumangon siya at umupo sa kama. "Sino namang bibisita sa asawa ko nang ganito kaaga?" tanong niya at pinagkrus ang mga braso niya. "Baka si Ate Maricel," saad ko at tinalikuran na si Raheel nang biglang lumakas ang pagkatok sa pinto. "Good morning, Anabelle," nakangiting bati ni Nanay. Humigpit ang paghawak ko sa pintuan. "A-Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko, pero hindi siya sumagot. Pumasok siya sa loob kaya agad akong sumunod sa kaniya. Nilingon ko si Raheel. Gumuhit ang pagkagulat sa mukha niya nang nakita niya si Nanay. Mabuti na lang at nakapagbihis na siya. "M-Magandang umaga po," bati ni Raheel kay Nanay at tumingi
last updateLast Updated : 2024-07-17
Read more

Chapter 68

Nagkagulo na rin sa loob ng kompanya nang nabalitaan nilang nasa rooftop si Andrea. Inalalayan ako ni Donny sa paglalakad patungo sa rooftop. Kinakabahan ako baka mapano si Andrea. Huwag niya sanang idamay ang batang nasa sinapupunan niya. "Andrea, huwag mong itutuloy ang pinaplano mo!" rinig kong sigaw ni Raheel pagbukas namin sa pinto. Humakbang siya papalapit kay Andrea. "Huwag kang magpapakamatay. Maawa ka sa bata!" "Bakit ako maaawa sa bata, Raheel? Naawa ka ba sa anak natin?" singhal ni Andrea habang umiiyak. "Bakit hindi na lang ako ang piliin mo? Bakit siya pa, Raheel?" Tumingin si Andrea sa akin. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa para sa kaniya. "Andrea, bumaba ka riyan. Delikado ang ginagawa mo!" sigaw ni Raheel. "Hinding-hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sasabihin na ako ang pipiliin mo at hindi ang babaeng 'yan!" sigaw ni Andrea. Para akong nanigas sa kinatatayoan ko. Napansin ko ang paglingon ni Raheel sa akin. Napasinghap ako. Pinapapili siya ni Andrea. Hin
last updateLast Updated : 2024-07-18
Read more

Chapter 69

"Dito ka muna sa condo ko titira. Hindi naman bumibisita si Raheel dito. Safe ka rito," saad ni Knight at inalalayan niya ako papasok sa loob ng condo niya. Hindi ako umimik. Gusto kong magpahinga. Masakit ang ulo ko at ramdam ko na rin ang pamamaga ng mga mata ko kasi ilang oras akong umiyak. "Andrea is safe." Huminga ng malalim si Knight. "Mabuti naman kung ganoon," saad ko at umupo sa couch. "Sabihin mo lang kung may kailangan ka. Ipapakuha ko na lang din sa mga tauhan ko ang mga gamit mo roon. Don't worry, I'm gonna make sure na hindi sila masusundan ni Raheel." Umupo siya sa tabi ko. "Kung ayaw mong magpakita sa mga tao, paano ang pag-aaral mo?" "I don't know. Gusto kong magpakalayu-layo, Knight. Ayoko na rito. Ayokong makita ako ng mga tao. Ayokong pagkagulohan na naman nila ako. Gusto ko ng tahimik na buhay. Kung may pera lang sana ako, gusto kong mangibang bansa. Kung mananatili ako rito, mas lalo lang akong masasaktan." "Kung 'yan ang gusto mo, tutulongan kita. Ako na a
last updateLast Updated : 2024-07-18
Read more

Chapter 70

"I'm pregnant, Knight," pag-amin ko nang bumisita siya sa dorm ko. "Y-You're pregnant?" hindi makapaniwalang tanong niya. Dahan-dahan akong tumango at ipinakita sa kaniya ang pregnancy test. Napasinghap siya. "Who's the father? Si Zeus Blackwell ba?" Umiling agad ako. "No, hindi siya ang ama. Walang namamagitan sa amin ni Zeus." Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "It's him again. Si Raheel ang ama ng batang 'to." Napansin kong napaatras ng kaunti si Knight at nabitawan niya ang pregnancy test. "But how?" Ikinuwento ko kay Knight kung paano ko pinatawad si Raheel. Hindi ko aakalaing wala silang alam na tumira ang kaibigan nila sa boarding house ko. Ang alam lang nila palagi itong wala sa mansiyon. Pagtungtong ng alas singko ay lumalabas na si Raheel sa opisina niya para sundoin ako. "Mahal na mahal ka niya," bulalas ni Knight at isinandal ang ulo niya sa dingding. "What's your plan? Sasabihin mo ba kay Chairman Marcelo that you're expecting a b
last updateLast Updated : 2024-07-18
Read more
PREV
1
...
56789
...
40
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status