Pinagmasdan ko si Raheel na mahimbing nang natutulog sa sahig. Mag-iisang buwan na siya rito. Wala talaga siguro siyang balak na umuwi sa kanila. Bumaba ako sa kama at inayos ang kumot niya. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya uli. Palihim akong napangiti nang napagtantong seryoso talaga siya sinabi niyang gusto niya akong makasama. Kahit hindi siya marunong magluto ng pagkain, gumigisinh siya ng maaga para ipagluto ako. Hindi na lang din ako nagrereklamo kung hindi masarap ang ulam at medyo sunog ang kanin. Araw-araw niya rin akong hinahatid sa school. Siya rin ang sumusundo sa akin pag-uwi. Palagi siyang nagpapa-deliver ng pagkain sa akin. Dinaig niya pa ang pagiging Sugar Daddy. Hindi makapaniwala ang mga professors at classmates ko na may asawa na ako. Marami ang nagsasabi na kaya ko nakuha ang scholarship kasi nilandi ko raw si Zeus. Huli ko na kasing nalamang pinakalat pala ni Zeus na nililigawan niya ako kahit hindi naman ako pumayag. Pakiramdam ko, para akong sinaunan
Nagising ako sa malakas na pagkatok ng pinto. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Raheel na nakayakap sa akin at nagbihis. Napansin kong gising na rin pala si Raheel. Ngumuso siya at hinila ako papalapit sa kaniya. "May tao," natatawang saad ko at hinalikan ang labi niya. Kinagat ko ang labi niya nang nagsimula na namang maglakbay ang malikot niyang kamay. Bumangon siya at umupo sa kama. "Sino namang bibisita sa asawa ko nang ganito kaaga?" tanong niya at pinagkrus ang mga braso niya. "Baka si Ate Maricel," saad ko at tinalikuran na si Raheel nang biglang lumakas ang pagkatok sa pinto. "Good morning, Anabelle," nakangiting bati ni Nanay. Humigpit ang paghawak ko sa pintuan. "A-Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko, pero hindi siya sumagot. Pumasok siya sa loob kaya agad akong sumunod sa kaniya. Nilingon ko si Raheel. Gumuhit ang pagkagulat sa mukha niya nang nakita niya si Nanay. Mabuti na lang at nakapagbihis na siya. "M-Magandang umaga po," bati ni Raheel kay Nanay at tumingi
Nagkagulo na rin sa loob ng kompanya nang nabalitaan nilang nasa rooftop si Andrea. Inalalayan ako ni Donny sa paglalakad patungo sa rooftop. Kinakabahan ako baka mapano si Andrea. Huwag niya sanang idamay ang batang nasa sinapupunan niya. "Andrea, huwag mong itutuloy ang pinaplano mo!" rinig kong sigaw ni Raheel pagbukas namin sa pinto. Humakbang siya papalapit kay Andrea. "Huwag kang magpapakamatay. Maawa ka sa bata!" "Bakit ako maaawa sa bata, Raheel? Naawa ka ba sa anak natin?" singhal ni Andrea habang umiiyak. "Bakit hindi na lang ako ang piliin mo? Bakit siya pa, Raheel?" Tumingin si Andrea sa akin. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa para sa kaniya. "Andrea, bumaba ka riyan. Delikado ang ginagawa mo!" sigaw ni Raheel. "Hinding-hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sasabihin na ako ang pipiliin mo at hindi ang babaeng 'yan!" sigaw ni Andrea. Para akong nanigas sa kinatatayoan ko. Napansin ko ang paglingon ni Raheel sa akin. Napasinghap ako. Pinapapili siya ni Andrea. Hin
"Dito ka muna sa condo ko titira. Hindi naman bumibisita si Raheel dito. Safe ka rito," saad ni Knight at inalalayan niya ako papasok sa loob ng condo niya. Hindi ako umimik. Gusto kong magpahinga. Masakit ang ulo ko at ramdam ko na rin ang pamamaga ng mga mata ko kasi ilang oras akong umiyak. "Andrea is safe." Huminga ng malalim si Knight. "Mabuti naman kung ganoon," saad ko at umupo sa couch. "Sabihin mo lang kung may kailangan ka. Ipapakuha ko na lang din sa mga tauhan ko ang mga gamit mo roon. Don't worry, I'm gonna make sure na hindi sila masusundan ni Raheel." Umupo siya sa tabi ko. "Kung ayaw mong magpakita sa mga tao, paano ang pag-aaral mo?" "I don't know. Gusto kong magpakalayu-layo, Knight. Ayoko na rito. Ayokong makita ako ng mga tao. Ayokong pagkagulohan na naman nila ako. Gusto ko ng tahimik na buhay. Kung may pera lang sana ako, gusto kong mangibang bansa. Kung mananatili ako rito, mas lalo lang akong masasaktan." "Kung 'yan ang gusto mo, tutulongan kita. Ako na a
"I'm pregnant, Knight," pag-amin ko nang bumisita siya sa dorm ko. "Y-You're pregnant?" hindi makapaniwalang tanong niya. Dahan-dahan akong tumango at ipinakita sa kaniya ang pregnancy test. Napasinghap siya. "Who's the father? Si Zeus Blackwell ba?" Umiling agad ako. "No, hindi siya ang ama. Walang namamagitan sa amin ni Zeus." Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "It's him again. Si Raheel ang ama ng batang 'to." Napansin kong napaatras ng kaunti si Knight at nabitawan niya ang pregnancy test. "But how?" Ikinuwento ko kay Knight kung paano ko pinatawad si Raheel. Hindi ko aakalaing wala silang alam na tumira ang kaibigan nila sa boarding house ko. Ang alam lang nila palagi itong wala sa mansiyon. Pagtungtong ng alas singko ay lumalabas na si Raheel sa opisina niya para sundoin ako. "Mahal na mahal ka niya," bulalas ni Knight at isinandal ang ulo niya sa dingding. "What's your plan? Sasabihin mo ba kay Chairman Marcelo that you're expecting a b
"Stay away from him and don't tell him kung nasaan ka," bilin ni Knight pagkatapos kong ikwento sa kaniyang nag-text si Zeus sa akin. Makalipas ang mahigit anim na buwan, ngayon niya lang uli ako kinausap. "Why? He's my friend, Knight. Gusto ko rin humingi ng paumanhin kasi bigla akong nawala -" "Siya dapat ang humihingi ng sorry sa 'yo, Anabelle," putol ni Knight sa sasabihin ko. Kumunot ang noo ko at hinimas-himas ang tiyan ko. Tatlong buwan na lang at manganganak na ako. At masasabi kong kinaya ko naman ang pagbubuntis ko kahit minsan nahihirapan ako. Hindi ako huminto sa pag-aaral. May online class naman para sa mga buntis na kagaya ko. Gusto ni Knight na huminto muna ako sa pag-aaral kasi baka ma-stress daw ako sa academics at baka maapektohan ang bata. "Bakit naman siya hihingi ng sorry sa akin? Tinulongan niya ako kaya nga nakabalik -" "He stole Raheel's phone." My jaw dropped. Sumagi na naman sa isipan ko ang cellphone ni Raheel na hawak ni Zeus. Biglang nawala sa isipan
Ilang linggo na rin ang lumipas matapos umamin si Knight sa nararamdaman niya para sa akin. Naiilang ako palagi sa mga kinikilos niya. Hindi ko naman binibigyan ng malisya lahat ng ginagawa niya. Pero ngayon, para akong palaging hinahabol ng aso sa tuwing nakikita ko siya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung makakaya ko ba siyang bigyan ng pagkakataon. Ayokong paasahin siya. Hindi niya deserve ang masaktan. Kung gusto niyang maging ama ng anak ko, hahayaan ko siya, pero hindi ko maipapangakong mamahalin ko siya kagaya ng pagmamahal ko sa kaibigan niya. Raheel was my first. Kaya ang hirap-hirap niyang kalimutan kahit ilang buwan ko na siyang hindi nakikita. Wala na rin kasi akong balita sa kaniya. Si Andrea lang ang palaging naikukwento ni Knight sa akin. Sinubukan kong ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko, pero hindi pa rin maalis sa isipan ko kung hinahanap niya pa rin ba ako. "Aray!" Napahawak ako sa tiyan ko, nanlalaki ang mga mata. Parang may mga kulisap na naglala
Napabalikwas ako ng bangon. Alas-singko pa lang ng umaga, pero parang isang taon na akong hindi nakakatulog. Ang kaba ko ay parang isang malaking bato na nakadagan sa aking dibdib. Ngayon ang araw ng paglabas ng resulta ng board exam.Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa bintana. Ang sikat ng araw ay nagsisimula nang sumilay, nagpapahiwatig ng bagong simula. Pero sa akin, ang araw na ito ay parang isang malaking palaisipan.Kinuha ko ang aking telepono at binuksan ang website ng Medical Board of California (MBC). Ang mga daliri ko ay nanginginig nang i-type ko ang aking pangalan at ang aking MBC number. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim."Please," bulong ko. "Please, sana pumasa ako."Nang buksan ko ang aking mga mata, nakita ko ang resulta sa screen. Ang pangalan ko ay nasa listahan ng mga nakapasa."Pumasa ako!" sigaw ko.Parang isang malaking bato ang nawala sa aking dibdib. Ang kaba ay napalitan ng sobrang tuwa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa sobra