"Dito ka muna sa condo ko titira. Hindi naman bumibisita si Raheel dito. Safe ka rito," saad ni Knight at inalalayan niya ako papasok sa loob ng condo niya. Hindi ako umimik. Gusto kong magpahinga. Masakit ang ulo ko at ramdam ko na rin ang pamamaga ng mga mata ko kasi ilang oras akong umiyak. "Andrea is safe." Huminga ng malalim si Knight. "Mabuti naman kung ganoon," saad ko at umupo sa couch. "Sabihin mo lang kung may kailangan ka. Ipapakuha ko na lang din sa mga tauhan ko ang mga gamit mo roon. Don't worry, I'm gonna make sure na hindi sila masusundan ni Raheel." Umupo siya sa tabi ko. "Kung ayaw mong magpakita sa mga tao, paano ang pag-aaral mo?" "I don't know. Gusto kong magpakalayu-layo, Knight. Ayoko na rito. Ayokong makita ako ng mga tao. Ayokong pagkagulohan na naman nila ako. Gusto ko ng tahimik na buhay. Kung may pera lang sana ako, gusto kong mangibang bansa. Kung mananatili ako rito, mas lalo lang akong masasaktan." "Kung 'yan ang gusto mo, tutulongan kita. Ako na a
"I'm pregnant, Knight," pag-amin ko nang bumisita siya sa dorm ko. "Y-You're pregnant?" hindi makapaniwalang tanong niya. Dahan-dahan akong tumango at ipinakita sa kaniya ang pregnancy test. Napasinghap siya. "Who's the father? Si Zeus Blackwell ba?" Umiling agad ako. "No, hindi siya ang ama. Walang namamagitan sa amin ni Zeus." Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "It's him again. Si Raheel ang ama ng batang 'to." Napansin kong napaatras ng kaunti si Knight at nabitawan niya ang pregnancy test. "But how?" Ikinuwento ko kay Knight kung paano ko pinatawad si Raheel. Hindi ko aakalaing wala silang alam na tumira ang kaibigan nila sa boarding house ko. Ang alam lang nila palagi itong wala sa mansiyon. Pagtungtong ng alas singko ay lumalabas na si Raheel sa opisina niya para sundoin ako. "Mahal na mahal ka niya," bulalas ni Knight at isinandal ang ulo niya sa dingding. "What's your plan? Sasabihin mo ba kay Chairman Marcelo that you're expecting a b
"Stay away from him and don't tell him kung nasaan ka," bilin ni Knight pagkatapos kong ikwento sa kaniyang nag-text si Zeus sa akin. Makalipas ang mahigit anim na buwan, ngayon niya lang uli ako kinausap. "Why? He's my friend, Knight. Gusto ko rin humingi ng paumanhin kasi bigla akong nawala -" "Siya dapat ang humihingi ng sorry sa 'yo, Anabelle," putol ni Knight sa sasabihin ko. Kumunot ang noo ko at hinimas-himas ang tiyan ko. Tatlong buwan na lang at manganganak na ako. At masasabi kong kinaya ko naman ang pagbubuntis ko kahit minsan nahihirapan ako. Hindi ako huminto sa pag-aaral. May online class naman para sa mga buntis na kagaya ko. Gusto ni Knight na huminto muna ako sa pag-aaral kasi baka ma-stress daw ako sa academics at baka maapektohan ang bata. "Bakit naman siya hihingi ng sorry sa akin? Tinulongan niya ako kaya nga nakabalik -" "He stole Raheel's phone." My jaw dropped. Sumagi na naman sa isipan ko ang cellphone ni Raheel na hawak ni Zeus. Biglang nawala sa isipan
Ilang linggo na rin ang lumipas matapos umamin si Knight sa nararamdaman niya para sa akin. Naiilang ako palagi sa mga kinikilos niya. Hindi ko naman binibigyan ng malisya lahat ng ginagawa niya. Pero ngayon, para akong palaging hinahabol ng aso sa tuwing nakikita ko siya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung makakaya ko ba siyang bigyan ng pagkakataon. Ayokong paasahin siya. Hindi niya deserve ang masaktan. Kung gusto niyang maging ama ng anak ko, hahayaan ko siya, pero hindi ko maipapangakong mamahalin ko siya kagaya ng pagmamahal ko sa kaibigan niya. Raheel was my first. Kaya ang hirap-hirap niyang kalimutan kahit ilang buwan ko na siyang hindi nakikita. Wala na rin kasi akong balita sa kaniya. Si Andrea lang ang palaging naikukwento ni Knight sa akin. Sinubukan kong ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko, pero hindi pa rin maalis sa isipan ko kung hinahanap niya pa rin ba ako. "Aray!" Napahawak ako sa tiyan ko, nanlalaki ang mga mata. Parang may mga kulisap na naglala
Napabalikwas ako ng bangon. Alas-singko pa lang ng umaga, pero parang isang taon na akong hindi nakakatulog. Ang kaba ko ay parang isang malaking bato na nakadagan sa aking dibdib. Ngayon ang araw ng paglabas ng resulta ng board exam.Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa bintana. Ang sikat ng araw ay nagsisimula nang sumilay, nagpapahiwatig ng bagong simula. Pero sa akin, ang araw na ito ay parang isang malaking palaisipan.Kinuha ko ang aking telepono at binuksan ang website ng Medical Board of California (MBC). Ang mga daliri ko ay nanginginig nang i-type ko ang aking pangalan at ang aking MBC number. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim."Please," bulong ko. "Please, sana pumasa ako."Nang buksan ko ang aking mga mata, nakita ko ang resulta sa screen. Ang pangalan ko ay nasa listahan ng mga nakapasa."Pumasa ako!" sigaw ko.Parang isang malaking bato ang nawala sa aking dibdib. Ang kaba ay napalitan ng sobrang tuwa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa sobra
Nagising ako nang maramdaman ko ang malamig na kamay na humawak sa aking pisngi. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko si Knight. "Nananaginip ka," wika niya at hinawakan ang noo ko. "Nilalagnat ka, Anabelle," dagdag niya. Nasapo ko ang noo ko nang napagtantong panaginip lang pala ang lahat. Akala ko ay totoong nandito si Raheel. Umahon ako sa kama at uminom ng tubig. "Anong oras ka dumating?" tanong ko at umupo sa swivel chair. "Kararating ko lang. Pumasok agad ako sa kwarto mo kasi narinig kitang sumisigaw," sagot niya kaya napatitig ako sa kaniya. "Sumisigaw? Ano naman ang sinisigaw ko? Bakit hindi man lang ako nagising?" "You're calling his name," sagot niya sa mababang boses. My jaw dropped. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Bakit ko naman gagawin 'yon, Knight? Naka-move on na ako sa kaniya. Imposibleng pangalan niya ang bibigkasin ko," hindi makapaniwalang sabi ko at tumawa. "I'm not lying, Anabelle. I heard you. And your son heard it, too." Umupo si Knight sa kama a
Tumayo si Raheel. Kumuyom ang mga kamao niya at hindi pa rin inaalis ang paningin niya sa akin. Namumula ang mukha niya sa galit at mga mata. "Who's this child, Anabelle?" tanong ni Raheel. Nanginginig ang aking buong katawan habang niyayakap si TJ. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Napalingon ako kay Knight nang hapitin niya ang beywang ko at pinagsiklop niya ang mga kamay namin. Napansin ko ang pagbaba ng paningin ni Raheel sa mga kamay namin at kasabay nito ay ang pagbagsak ng mga luha niya. Parang dinudurog ang puso ko nang nakita ko siyang umiyak. "He's my son," si Knight at hinigpitan pa lalo ang paghawak sa kamay ko. "Sorry for keeping this as a secret. And yeah, she left you because she's bearing my child." "Gago ka!" sigaw ni Raheel at sinugod na naman ng suntok si Knight. "Hayop ka! Tinurin kitang parang kapatid, Knight! Pero ito ang gagawin mo sa akin! Inahas mo ang asawa ko!" "Ikaw ang mas gago sa ating dalawa, Heel!" Mabilis na umilag si Knight sa suntok ni Rah
Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod si Raheel at hinawakan niya ang balikan ni TJ. Napalunok ako nang pagmasdan niya ng maigi ang bata. Itinago ko si TJ sa likod ko. "Mommy, do you know him?" tanong ng inosente kong anak. "I'm her husband," kalmadong sagot ni Raheel. "Ex-husband," Knight corrected him. "We're not divorce. I'm still her husband even though she left me without an explanation," mapaklang saad ni Raheel. Tumaas na rin ang boses niya. "She's not yours. She's mine," saad ni Knight. "I'm her husband and you're just his mistress," wika ni Raheel. Hinawakan niya ang kamay ko. "Babawiin ko siya sa 'yo." "Raheel, Knight, tumigil na nga kayong dalawa! Hindi ako isang bagay na pwede niyong pag-aagawan!" Hindi ko na mapigilang pagtaasan sila ng boses. "TJ, go to your room. Ate Layla, huwag mong palalabasin ang anak ko hangga't hindi ko sinasabi sa inyo," utos ko. Agad namang kinuha ni Ate Layla si TJ at pinapasok sa loob ng kwarto namin. Napahawak ako sa ulo ko nang maramd