Share

Chapter 67

Nagising ako sa malakas na pagkatok ng pinto. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Raheel na nakayakap sa akin at nagbihis. Napansin kong gising na rin pala si Raheel. Ngumuso siya at hinila ako papalapit sa kaniya.

"May tao," natatawang saad ko at hinalikan ang labi niya. Kinagat ko ang labi niya nang nagsimula na namang maglakbay ang malikot niyang kamay.

Bumangon siya at umupo sa kama. "Sino namang bibisita sa asawa ko nang ganito kaaga?" tanong niya at pinagkrus ang mga braso niya.

"Baka si Ate Maricel," saad ko at tinalikuran na si Raheel nang biglang lumakas ang pagkatok sa pinto.

"Good morning, Anabelle," nakangiting bati ni Nanay.

Humigpit ang paghawak ko sa pintuan. "A-Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko, pero hindi siya sumagot. Pumasok siya sa loob kaya agad akong sumunod sa kaniya.

Nilingon ko si Raheel. Gumuhit ang pagkagulat sa mukha niya nang nakita niya si Nanay. Mabuti na lang at nakapagbihis na siya.

"M-Magandang umaga po," bati ni Raheel kay Nanay at tumingi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status