Simula nang nabasa at narinig ni Anabelle ang iniwang liham ni Raheel para sa kaniya biglang lumamig ang pakikitungo niya sa akin. Palagi niya rin akong iniiwasan sa tuwing susubokan ko siyang kausapin. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing makikita kong sinusuot niya ang smartwatch ng kaibigan ko. Nang nagising siya pagkatapos ng operasyon, binigyan ko siya ng kwentas na nabili ko sa auction nang pumunta akong Paris. Sinusuot niya ito araw-araw, pero hindi ko na ulit ito nakitang ginagamit niya. "Hindi ako tutuloy sa Thailand, Brent," sabi ko sa aking manager sa pagmomodelo. Humugot ako ng malalim na paghinga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Hihinto na ako sa pagmomodelo. Kailangan kong mag-focus sa kompanya ni Lolo at sa kompanya ko." "Ano? Ngayon ka pa talaga susuko kung kailan in-demand ka na sa buong mundo?" hindi makapaniwalang tanong ni Brent. Siya ang dahilan kaya nakapag-ipon ako ng malaking pera sa panahong naghihirap pa ako sa buhay. Sa murang edad kasi naging independe
Abot langit ang sayang nararamdaman ko nang bigyan ako ni Anabelle ng pagkakataong magkaroon ng lugar sa puso niya. Gusto niyang buksan muli ang puso niya. Hindi rin ako makapaniwalang nag-propose si Raheel kay Andrea ulit. Hindi niya man lang sinabi sa akin ang tungkol sa desisyon niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Anabelle habang naglalakad kami palabas ng airport. Mas pinili kong manatili sa tabi niya kesa unahin ang career ko bilang isang international model. Hindi ko sasayangin ang pagkataong ibinigay niya para sa akin. Kung ano man ang mga pagkukulang ni Raheel, sana mapunan ko lahat iyon. "I love you," bulong ko at hinalikan ang kamay niya. "Daddy, let's buy some ice cream," sabi ni TJ. Tumango ako at ngumiti. Hindi ko rin aakalaing tanggap ako ni TJ, na maging bagong Daddy niya. Tatlong linggo pa lang ang nakalipas, pero pakiramdam ko matagal ko na silang pagmamay-ari. *** "This is so big!" komento ni TJ pagpasok namin sa loob ng condo ko. "Be careful, Theo," s
"This is not the solution to get revenge on him, Knight," Logan said, sitting down abruptly on the swivel chair in my room."Raheel and Andrea are engaged again, Logan. Andrea and TJ saw the newsā""He's doing it because Hailey was sick," putol ni Logan sa sasabihin ko. "Palabas lang ang lahat ni Raheel, pero ang totoo wala siyang balak pakasalan si Andrea at alam mo 'yan, Knight!" "Palabas? Naisip niya ba ang nararamdaman ng mag-ina? I've been calling him almost everyday, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko! May problema ba? Bakit wala man lang akong balita sa kaniya?" "May inaasikaso kaming dalawa, Knight. Huwag mong sinasamantala ang panahon dahil lang wala si Raheel at hindi siya nakabalik agad!" Tumayo si Logan at humakbang papalapit sa akin, para siyang sasabog sa galit. "Kamamatay lang ng Lolo niya at nag-a-adjust pa siya!" Umiling-iling ako. "Hindi niyo kasi naiintindihan ang sitwasyon, Logan. Sinasaktan niya ang mag-ina niya. Hindi sila isang bagay na parang isinangla s
Paggising ko kinabukasan ay wala na si Anabelle sa tabi ko. Umahon ako sa kama nang nakitang nakabukas ang laptop ko. Nakahinga ako ng maluwag nang nakitang naka-lock ito. Naligo muna ako bago nagpasyang lumabas ng kwarto. Naabutan ko silang dalawa ni Evara, na kumakain ng almusal. "Good morning," nakangiting bati ni Anabelle sa akin. "Good morning, Dad!" masayang bati naman ni TJ at naglakad ito papalapit sa akin. Binuhat ko si TJ at hinalikan ang magkabilang pisngi niya. "Ang bangu-bango naman ng anak ko." Habang kumakain, hindi ko mapigilang pagmasdan silang dalawa lalung-lalo na sa kamay ni Anabelle. Hindi ako nananaginip. Totoong tinanggap niya ang proposal ko. She's my fiancƩ now. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang singsing sa daliri niya. Lumawad ang ngiti ko nang bigla niyang pinagsiklop ang mga kamay namin. "Ang saya-saya mo ngayon," sabi niya at maingat na binitawan ang kubyertos. "Well, I can't believe that we're engaged," saad ko at bumaling kay TJ, nakatin
Raheel's POV "Hayop ka, Knight!" sigaw ko at kinuwelyohan siya. "Ang kapal ng mukha mong agawin sila sa akin!" "Raheel, ano ba? Nandito si Hailey. Kalalabas niya lang ng hospital!" saway ni Andrea. Hinawakan ni Knight ang kamay ko at marahas akong itinulak ng malakas. Pumagitna sina Logan at Andrea sa aming dalawa. "Knight, Raheel, enough!" sigaw ni Logan at hinila ako papasok ng bahay. Nakita kong sumunod naman silang lahat sa amin. Hindi ko maalis ang paningin ko sa mukha ni Anabelle. Parang piniga ang puso ko nang nakita ang singsing sa daliri niya. Dumapo ang paningin ko kay Hailey, na inalalayan ng mga katulong papasok ng bahay. Kalalabas lang namin ng ospital. May lung cancer si Hailey at hindi ko siya pwedeng iwan dahil palagi niya akong hinahanap. Humugot ako ng malalim na hininga nang nakita ang mga staff ng bangko who will read the last will and testament ni Lolo. Hinawakan ko ang wedding ring namin ni Anabelle noon. Simula sa araw ng kasal namin, hindi ko ito hinubad.
"Heel, that's enough. Hindi alak ang solusyon sa problema mo," sabi ni Logan at inagaw sa akin ang wine. "Hindi ko matanggap, Logan. Ilang buwan lang akong nawala tapos engage na silang dalawa nang bumalik dito? Binilin ko kay Knight si Anabelle, pero hindi ko sinabing angkinin niya ito dahil wala ako." "Sa tingin mo ba babalikan ka pa rin ni Anabelle matapos niyang malamang engage na rin kayong dalawa ni Andrea? Naisip mo ba ang nararamdaman niya bago mo ginawa ang desisyon na 'yon, Raheel? Hindi. Kasi ang bilis mong mauto sa tuwing pinag-uusapan ang anak mo. Hindi ako makapaniwalang kay Hailey mismo nanggaling na pakasalan mo si Andrea," sabi ni Logan sabay iling ng ulo niya. "Ayokong makisali sa problema niyong dalawa ni Knight. Kahit anong gawin mo, kung ayaw na ni Anabelle sa 'yo, hinding-hindi na 'yon babalik sa 'yo, Raheel. Tanggapin mo na lang kasi, na masaya siya sa piling ng kaibigan natin at kahit kailan hinding-hindi mo mapapanindigan si Anabelle dahil nandiyan ang isang
Ang bawat segundo sa waiting room ay tila tumatagal ng isang siglo. Ang bawat pag-tik ng orasan ay parang isang martilyo na tumatama sa aking dibdib. Ang aking anak, si Aaliyah, ay nasa loob, kasama ang doktor. Ang mga resulta ng kanyang latest examination ay nasa kamay na ng doktor. Hindi ko alam kung kaya kong marinig ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig.Nang marinig kong bumukas ang pinto, agad akong tumayo. Ang doktor ay nakangiti, pero ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang mga mata."Mr. Del Fuego, salamat sa paghihintay. Napag-usapan na namin ang mga resulta ni Hailey.""How's my daughter?" Ang boses ko ay halos pabulong na lamang."Ang kanyang kondisyon ay lumala, Mr. Del Fuego. Ang tumor sa kanyang baga ay lumaki nang bahagya, at ang pagkalat nito ay mas mabilis kaysa sa inaasahan."Parang biglang nag-freeze ang mundo ko. Ang mga salita ng doktor ay parang mga karayom na tumutusok sa aking puso."Mayroon bang magagawa? May gamot ba?" Ang aking boses ay nanginginig.
Halos paliparin ko na ang kotse ko sa pagmamaneho pauwi ng bahay nang nalaman kong nandoon si Zachary. Hindi ko aakalaing magagawa ni Andrea, na papasukin ng bahay ang lalaki niya. Kung hindi tumawag si Ate Mari sa akin, hindi ko rin malalamang magkasama sila ni Zachary ngayong araw. Nasa ospital si Hailey at hindi man lang naisipang dalawin ni Andrea ang bata simula nang isinugod ko ito sa ospital. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ng gate ng guwardiya, mabilis akong lumabas ng kotse, at pumasok sa loob ng mansiyon. Agad kong hinanap sina Andrea at Zachary. "Sir Raheel, nasa taas po sila," sabi ni Ate Mari. "Palagi bang bumibisita si Zachary rito?" tanong ko at pinasadahan ng tingin ang mga katulong. Nakayuko lang sila at nagtutulakan kung sino ang magsasalita. "Sagutin niyo ang tanong ko kung ayaw niyong mawalan ng trabaho," pagbabanta ko. "Yes, Sir," sagot nilang lahat. Sinapo ko ang noo ko at sinipa ang center table sa living room. "Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Gina