Raheel's POV "Hayop ka, Knight!" sigaw ko at kinuwelyohan siya. "Ang kapal ng mukha mong agawin sila sa akin!" "Raheel, ano ba? Nandito si Hailey. Kalalabas niya lang ng hospital!" saway ni Andrea. Hinawakan ni Knight ang kamay ko at marahas akong itinulak ng malakas. Pumagitna sina Logan at Andrea sa aming dalawa. "Knight, Raheel, enough!" sigaw ni Logan at hinila ako papasok ng bahay. Nakita kong sumunod naman silang lahat sa amin. Hindi ko maalis ang paningin ko sa mukha ni Anabelle. Parang piniga ang puso ko nang nakita ang singsing sa daliri niya. Dumapo ang paningin ko kay Hailey, na inalalayan ng mga katulong papasok ng bahay. Kalalabas lang namin ng ospital. May lung cancer si Hailey at hindi ko siya pwedeng iwan dahil palagi niya akong hinahanap. Humugot ako ng malalim na hininga nang nakita ang mga staff ng bangko who will read the last will and testament ni Lolo. Hinawakan ko ang wedding ring namin ni Anabelle noon. Simula sa araw ng kasal namin, hindi ko ito hinubad.
"Heel, that's enough. Hindi alak ang solusyon sa problema mo," sabi ni Logan at inagaw sa akin ang wine. "Hindi ko matanggap, Logan. Ilang buwan lang akong nawala tapos engage na silang dalawa nang bumalik dito? Binilin ko kay Knight si Anabelle, pero hindi ko sinabing angkinin niya ito dahil wala ako." "Sa tingin mo ba babalikan ka pa rin ni Anabelle matapos niyang malamang engage na rin kayong dalawa ni Andrea? Naisip mo ba ang nararamdaman niya bago mo ginawa ang desisyon na 'yon, Raheel? Hindi. Kasi ang bilis mong mauto sa tuwing pinag-uusapan ang anak mo. Hindi ako makapaniwalang kay Hailey mismo nanggaling na pakasalan mo si Andrea," sabi ni Logan sabay iling ng ulo niya. "Ayokong makisali sa problema niyong dalawa ni Knight. Kahit anong gawin mo, kung ayaw na ni Anabelle sa 'yo, hinding-hindi na 'yon babalik sa 'yo, Raheel. Tanggapin mo na lang kasi, na masaya siya sa piling ng kaibigan natin at kahit kailan hinding-hindi mo mapapanindigan si Anabelle dahil nandiyan ang isang
Ang bawat segundo sa waiting room ay tila tumatagal ng isang siglo. Ang bawat pag-tik ng orasan ay parang isang martilyo na tumatama sa aking dibdib. Ang aking anak, si Aaliyah, ay nasa loob, kasama ang doktor. Ang mga resulta ng kanyang latest examination ay nasa kamay na ng doktor. Hindi ko alam kung kaya kong marinig ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig.Nang marinig kong bumukas ang pinto, agad akong tumayo. Ang doktor ay nakangiti, pero ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang mga mata."Mr. Del Fuego, salamat sa paghihintay. Napag-usapan na namin ang mga resulta ni Hailey.""How's my daughter?" Ang boses ko ay halos pabulong na lamang."Ang kanyang kondisyon ay lumala, Mr. Del Fuego. Ang tumor sa kanyang baga ay lumaki nang bahagya, at ang pagkalat nito ay mas mabilis kaysa sa inaasahan."Parang biglang nag-freeze ang mundo ko. Ang mga salita ng doktor ay parang mga karayom na tumutusok sa aking puso."Mayroon bang magagawa? May gamot ba?" Ang aking boses ay nanginginig.
Halos paliparin ko na ang kotse ko sa pagmamaneho pauwi ng bahay nang nalaman kong nandoon si Zachary. Hindi ko aakalaing magagawa ni Andrea, na papasukin ng bahay ang lalaki niya. Kung hindi tumawag si Ate Mari sa akin, hindi ko rin malalamang magkasama sila ni Zachary ngayong araw. Nasa ospital si Hailey at hindi man lang naisipang dalawin ni Andrea ang bata simula nang isinugod ko ito sa ospital. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ng gate ng guwardiya, mabilis akong lumabas ng kotse, at pumasok sa loob ng mansiyon. Agad kong hinanap sina Andrea at Zachary. "Sir Raheel, nasa taas po sila," sabi ni Ate Mari. "Palagi bang bumibisita si Zachary rito?" tanong ko at pinasadahan ng tingin ang mga katulong. Nakayuko lang sila at nagtutulakan kung sino ang magsasalita. "Sagutin niyo ang tanong ko kung ayaw niyong mawalan ng trabaho," pagbabanta ko. "Yes, Sir," sagot nilang lahat. Sinapo ko ang noo ko at sinipa ang center table sa living room. "Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Gina
Sobrang bigat nang nararamdaman ko habang tumatakbo ako papasok sa loob ng ospital. Wala na akong pakialam kung may nabangga man ako. Ang nasa isip ko lang ay ang kalagayan ni Hailey. Sa boses pa lang ni Logan, alam kong hindi maganda ang nangyayari. Hinahabol ko ang aking paghinga nang pumasok ako sa silid ni Hailey. Napaluhod ako sa sahig nang nakitang nakapatong na sa kama ang doktor niya habang nagsasagawa ito ng chest compression. Sinubokan kong lapitan ang anak ko, ngunit pinigil ako ng mga nars. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha habang pinagmamasdan si Hailey na ni-re-revive ng doktor. Nakahinga lang ako ng maluwag nang bumalik sa normal ang pulso ni Hailey at tumigil na rin ang doktor sa pagsasagawa ng chest compression. Tumayo ako at nilapitan si Hailey. "How's my daughter?" tanong ko sa doktor. "We need to operate her, Mr. Del Fuego," sagot ng doktor. "Kausapin niyo po muna ang bata." Hinawakan ko ang kamay ni Hailey ng mahigpit habang pinagmamasdan siya.
Anabelle's POV It's been a month since all my memories came back. Hindi ko alam kung paano naibalik lahat matapos kong basahin at pakinggan ang mensaheng iniwan sa akin ni Raheel. Gusto kong itanong kay Knight kung bakit niya nagawang itago 'yon sa akin, pero nawawalan ako ng lakas na malaman ang dahilan niya. Nang nagkamalay ako pagkatapos ng operasyon, ang unang lumabas sa bibig ko ay ang pangalan ni Raheel. Hindi ko nakalimutan ang pangalan niya, pero nakalimutan ko ang lahat ng alaalang kasama ko siya. Alamkong asawa ko siya, pero nagtataka ako kung bakit ko siya naging asawa gayong wala akong natatandaang nakasama ko siya. "Raheel Del Fuego, he is my husband," paulit-ulit kong sambit kahit hindi pa mabuti ang kalagayan ko. "Hiwalay na kayong dalawa, Anabelle. Nakipaghiwalay ka sa kaniya," sabi ni Knight sa akin araw-araw sa tuwing nagtatanong ako tungkol kay Raheel. Nang nakita ko ang iniwang mensahe at voice message ni Raheel para sa akin, hindi ko alam kung bakit ang bigat
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nalaman ko. Noong una ay hindi ako naniwala, pero nang narinig ko ang pinag-usapan nina Raheel at Logan sa loob ng opisina niya noong araw na makikipag-usap sana ako kay Raheel, unti-unting napalitan ng galit ang pagmamahal, na nararamdaman ko para sa kaniya. Alam niya ang totoong nangyari sa pagkamatay ni Tatay, pero wala siyang balak sabihin sa akin dahil natatakot siyang kamuhian ko siya. "Mommy, kailan po uuwi si Daddy?" tanong ni TJ pagkatapos naming kumain ng breakfast. Nasa Paris si Knight ngayon, binisita ang ex-fiancée niyang si Jade. Nagkasakit kasi 'yon at hinahanap niya si Knight. Hindi ko rin naman siya pwedeng ipagkait dahil may nakaraan silang dalawa. "Hindi ko alam, Theo. Itatanong ko mamaya sa kaniya kapag tatawag siya sa akin," sagot ko, pinunasan ko damit niya kasi nabasa ito ng tubig. "How about my biological father? Kailan ko ulit siya makikita?" Napahinto ako sa ginagawa ko at napatitig ng ilang segundo sa anak k
"Nakuha na namin ang bala," sabi ng doktor pagkalabas nito sa operating room. "Ililipat na namin siya sa silid." Walang pa ring malay si Raheel nang ilabas siya sa operating room. Binuhat ko si TJ at sumunod sa mga nars na nagtutulak sa stretcher patungo sa silid na lilipatan kay Raheel. "Malalim ang sugat niya. Kailangan niyang magpahinga ng ilang araw, Ma'am, bago namin siya i-discharge," sabi ng doktor. Tumango-tango lang ako sa mga sinasabi ng doktor. Hindi ko maalis ang paningin ko kay Raheel. Kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko kanina nang bigla siyang nawalan ng malay. "Mommy, is Daddy okay?" tanong ni TJ at hinawakan ang kamay ni Raheel. "Yeah. He's fine. Nakuha na rin ang bala sa hita niya. All he needs to do is to rest." Bumaba ang paningin ko sa daliri ni Raheel nang napansing suot niya pa rin ang wedding ring namin pati ang singsing na ibinalik ko sa kaniya noon. Napasinghap ako nang naalala ang mga sinabi niya sa akin bago ako inoperahan. Sinisisi