Share

Chapter 82

Hinawakan ko ang kamay ni Anabelle habang nagsusulat ng liham para sa kaniya. Kung sakaling matatagalan man ako sa pagbalik at magigising siya, gusto kong basahin niya ito. Ngayong araw ako aalis patungong France upang puntahan si Lolo. Ngayong araw rin siya dadalhin sa Germany para sa operasyon niya.

Habang nagsusulat, patuloy lang ang pagpatak ng mga luha ko. Nababasa na nga 'tong papel na sinusulatan ko. Nagpasya akong i-re-record ko na lang ang ibang mga sasabihin ko sa aking smartwatch kasi hindi na kakasya sa papel. Baka mapunit pa 'to kasi nababasa na sa mga luha ko.

Huminga muna ako ng malalim bago sinimulan ang pag-record ng boses ko. Pilit kong pinipigilan ang emosyon ko, pero hindi talaga kaya. Ang sakit-sakit sa pakiramdam na kailangan ko muna siyang iwan kasi pupuntahan ko si Lolo. Nangako ako sa kaniya, na mananatili ako sa tabi niya hanggang sa gumaling siya. Pero ngayon, hindi ko na alam kung matutupad pa ba ito.

"If ever you forget me, just read the letter I wrote
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status