Home / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Divorce Now, Marry Me Later: Chapter 81 - Chapter 90

175 Chapters

Chapter 81: Heartbreak and Cheating

Hindi mapakali si Claire dahil dis-oras na ng gabi ay wala pa ang asawa. Nangako ito kanina na babalik ito kaagad pagkatapos ng meeting nito kaya’t naghanda siya ng hapunan. Pero maghahatinggabi na ay wala pa rin ito na labis niyang ikinakabahala. Hindi rin niya makontak ang cellphone nito kahit ilang beses na siyang nagtangkang tumawag. Nakagat niya ang kuko sa sobrang pag-aalala at hindi mapakaling naglakad-lakad sa harap ng foyer. “Manson, saan ka na ba? May masama bang nangyari sa ‘yo?” puno nang pag-aalala na bulong niya habang nakatitig sa cellphone. Umaasa siya na tatawagan siya ng asawa para sabihin na ayos lang ito. Hindi alam ni Claire kung ano ang gagawin sa sarili kapag may nangyari kay Manson. Masiyado nang nahulog ang loob niya rito para makita ito sa miserableng kalagayan. Ayaw niyang bumalik ito sa pagkakalumpo. They have a happy life now. Isa pa, nagbabalak pa silang magkaroon ng baby. “Stop the negativity, Claire!” saway niya sa sarili. “Hindi ka dapat nag-iisip
last updateLast Updated : 2024-08-27
Read more

Chapter 82: Misunderstanding Cleared

Huminto ang sinasakyan nilang elevator sa 16th floor at hawak pa rin si Claire ng kanyang biyenan sa braso nang lumabas sila. Tahimik na naglakad ang dalawa sa kahabaan ng hallway. Dahil madaling-araw na ay payapa ang paligid at wala ring tao na umaaligid pero pagdating nila sa pinakadulong kuwarto ay nakita ni Claire ang ilang tauhan ni Manson na nakabantay sa labas ng pinto. Nagtatakang nilingon ni Claire ang biyenan. “Ma, ano’ng nangyayari?” paos pa rin ang boses na tanong niya. Biglang dumilim ang mukha ni Morsheire at hindi sumagot, bagkus ay iginiya siya nito papasok sa loob matapos silang pagbuksan ng tauhan ni Manson ng pinto. Ang tumambad kay Claire pagkapasok ay ang babaeng lumandi sa asawa niya na magulo ang buhok at luhaan na nakaupo sa pang-isahang sofa. Wala itong suot na damit kundi tanging kumot na nakabalot sa katawan nito. Claire has been expecting to see Veena inside the room once she stepped inside. Pero kahit pa inaasahan na niya na makita ito ay tila tinatarak
last updateLast Updated : 2024-08-28
Read more

Chapter 83: She looks like her

Dalawang araw ang lumipas mula nang mangyari ang insidente kay Manson at Veena at hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nawawala sa isip ni Claire. Hindi man niya iyon inuulit sa asawa dahil ayaw nitong alalahanin, napapansin pa rin ni Manson ang minsang pagtulala niya at nang tinanong siya nito ay mahigpit na umiiwas si Claire. Nang umagang iyon ay nasa harap sila ng isang mental institution dahil pinapunta sila dito ni Morsheire upang bisitahin ang kakilala ni Manson, bestfriend daw ito ng kanyang ina. “Manson, ayos lang ba talaga na sumama ako sa ‘yo?” Kinakabahang tanong ni Claire habang magkahawak-kamay silang naglalakad papasok sa loob ng institution.Nilingon siya ni Manson saka buong pusong nginitian. “Huwag kang mag-alala, Claire. Mabait si Tita Odette. Saka lagi siyang tahimik at laging nakatulala kaya hindi ka niya mapapansin.” Pinisil ni Manson ang palad niya saka bumuga nang malungkot na hininga dahil sa huling sinabi nito. Ramdam ni Claire ang bigat sa puso ni Manson h
last updateLast Updated : 2024-08-29
Read more

Chapter 84: Party Invitations

Ang mga sumunod na araw ay iginugol ni Claire sa pagre-restore ng family portrait ni Luke. Hindi siya tumigil at halos konti na lang ang pahinga para lang matapos iyon kaagad. Napagalitan na siya ni Manson dahil sa kakulangan niya ng pahinga pero ang totoo ay alam ni Claire na nagseselos lang ito. But Claire is a very hardworking person. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya natatapos ang isang proyekto na iniatang sa kanya. Lalo na at kapag naumpisahan niya ang isang bagay ay gusto niya iyong tapusin at ayaw niyang magsimula sa iba. She needs to go with the flow of her imagination and concentration. If this painting were stopped halfway, she would have difficulty finishing it again. “Is that painting in a rush to finish? Hindi ka na makatulog nang maayos dahil dyan,” may iritasyon sa boses ni Manson nang binisita siya nito sa art room ng kanilang apartment kung saan niya ginagawa ang pagre-repair. Kumuha ito ng upuan at itinabi sa kanya saka umupo sa tabi niya at nagmamasid sa k
last updateLast Updated : 2024-08-30
Read more

Chapter 85: Gifts

Mabilis na lumipas ang araw at dumating na nga ang pinakahihintay ni Claire na kaarawan ni Mr. Campbell. Wala siyang maisip na ibang regalo kundi ang gawaan ito ng painting na katulad sa isa nitong pinakapaboritong artist. It was a lotus pond with lots of growing and flowering lotuses. Sa pagkakaalam ni Claire ay hindi lang paborito ni Mr. Campbell ang lotuses, pero may sentimental value sa matanda, na kahit ang mansion nito ay may malawak na pond at may malalagong lotus na nakatanim. Nang pinakita niya sa asawa ang painting, kahit ito ay hindi makapaniwala at napabilib nang husto sa kanya. Paano naman kasi ang painting na ginawa niya ay buhay na buhay. Ang mga bulaklak ng lotus ay tila gumagalaw habang sinasayaw ng hangin. Kapag tinitigan nang husto ay nakakagaan iyon ng mabigat na nararamdaman at nakakatanggal ng stress. Isa ito sa expertise ni Claire. Lahat ng painting niya ay may buhay at nakakantig ng damdamin. “Sigurado akong magugustuhan ni Mr. Campbell ang regalo mo. He is o
last updateLast Updated : 2024-08-31
Read more

Chapter 86: Drowned

Kahit pilit na iahon ni Claire ang sarili ay hindi siya pinapayagan ni Veena at pilit siya nitong hinihila palubog sa tubig. Ilang beses na siyang nakalunok ng tubig at nahihirapan na rin siyang huminga. Habang ito ay nagkukunwaring nalulunod at sumisigaw ng tulong. Ngunit dahil maingay ang paligid at may kalayuan sila sa garden ay walang may nakakarinig sa kanila. Pilit na ikinampay ni Claire ang magkabilang kamay upang pilitin ang sarili na lumutang sa tubig at makakuha ng hangin. Kahit papaano ay nagawa niya iyon pero hindi rin nagtagal dahil muli hinila ni Veena ang braso niya pababa. Nang walang ano-ano ay biglang may nag-splash sa pond at muling may tumalon. Hindi alam ni Claire kung sino dahil nakalubog ang mukha niya sa tubig pero nang hinawakan nito ang braso niya at umangat ang mukha niya ay nakita niyang si Mr. Campbell ang dumating upang sumaklolo sa kanila. Hinawakan ni Mr. Campbell ang dalawa sa magkabilang braso ay lumangoy palapit sa pangpang pero matanda na siya. Pa
last updateLast Updated : 2024-08-31
Read more

Chapter 87: Crazy

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Veena. Balewala rito ang pagbabanta ni Luke. “Puwede ba umalis ka na? Hindi nakakatulong ang pag-iyak mo. Mabuti pa ay umalis ka na at mas mapadali pa ang pagtulog ko kay Mr. Campbell.”Walang nagawa si Veena kundi ang umalis at iwan sila ni Mr. Campbell. Nang wala na ito sa paningin ni Luke ay saka siya nagsalita. “She’s gone. Puwede ka nang bumangon.” Saka lang siya tumigil sa pagsi-CPR kay Mr. Campbell nang wala na si Veena. Dahil sa organizer ay muling bumalik ang mga tao sa party at nagpatuloy sa kasiyahan kaya ang dalawa na lang ang natira sa gilid ng pond. Malaya na silang makapag-usap dahil wala nang ibang taong makakarinig. Ang totoo ay kanina pa nagising si Mr. Campbell pero dahil umaatungal si Veena sa tabi niya ay hindi ito nagmulat ng mata. Hinayaan na rin ito ni Luke na magkunwari.“Talagang walang nakakaligtas sa ‘yo.” Napapailing na saad ni Mr. Campbell. Ngumisi si Luke at tinulungan ang matanda na makaupo. Umubo ito at nagsuka ng tubi
last updateLast Updated : 2024-08-31
Read more

Chapter 88: Another Obstacle

Nang bumalik ang mag-ina sa loob ng bahay, karamihan sa mga bisita ay nakaalis na, at ang natitira na lang ay ang malalapit na kamag-anak at kaibigan ng kanyang lolo. Nang makita ito na masayang nakikipag-usap at buhay na buhay ay tila nabunutan ng ilang dosenang tinik sa lalamunan si Veena. Ang buong akala niya ay may masamang nangyari sa lolo niya base sa pagkakasabi sa kanya ni Luke. Kaagad niya itong nilapitan. “Lo,” tawag niya sa nag-aalala pa ring boses. Imbes na matuwa nang makita siya ay isang malamig na tingin ang ipinukol ni Mr. Campbell sa kanya. Natameme si Veena at saka lang naalala ang ayos. Mula kanina ay hindi pa siya nakapagbihis at kahit ang amoy niya ay amoy putik pa rin. “Ano pang hinihintay mo diyan, Veena? Magsisimula na ako sa paka-cut ng cake, bakit hindi ka pa rin nakabihis?”Yumuko ang dalaga saka agad na sinunod ang sinabi ng lolo at umakyat sa inuukupang guestroom upang magbihis. Hindi nakaligtas sa paningin niya sina Manson at Claire na naglalambingan
last updateLast Updated : 2024-09-02
Read more

Chapter 89: Pregnant?

Kinabukasan, nang bumalik si Luke sa opisina ay isang hindi inaasahang bisita ang naghihintay sa kanya. Hindi niya gustong i-entertain ito pero mapilit ang babae.“Mr. del Vega, alam kong gusto mo rin si Claire. Bakit ka ba nagmamatigas sa suhestiyon ko? Kung tutulungan mo akong paghiwalayin sina Claire at Manson ay sisiguraduhin kong mapapasaiyo ang babaeng gusto mo.”Mahinang napatawa si Luke. Ang klase ng tawa na hindi mo gugustuhing marinig. Ang kanyang tsokolateng mata ay biglang tumalim habang nakatitig sa kausap.“Get out, Ms. Coltre. Speak no more if you don’t want me to cut off your poisonous tongue,” malamig ang boses na banta niya. Umupo si Luke sa kanyang swivel chair at pinaikot iyon upang humarap sa dingding na salamin at tingnan ang magulong trapiko sa kalsada. Sa totoo lang, sa kagustuhan niyang mapasakamay muli si Claire ay pumasok sa isip niya na sapilitan itong kunin kay Manson. Kung puwede lang ay kidnap-in niya ito at dalhin sa ibang bansa ay gagawin niya. Pero h
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

Chapter 90: Positive?

Nang marinig ang sinabi ng kanyang ina ay labis na tuwa ang bumalot sa mukha ni Manson.“Sigurado ka ba, ma?” Naninigurong tanong niya rito. Inalalayan niya si Claire na umupo sa sofa habang hinihintay ang kasambahay na bumalik. Inutusan niya itong bumili ng pregnancy test kit sa botika, hindi kalayuan sa mansyon ni Nana, dahil excited siyang malaman kung totoo nga ang hinala ng kanyang ina na buntis ang asawa. Napaismid ang kanyang ina at umupo sa tabi ni Claire saka masuyong hinagod ang likod nito upang pagaanin kahit papaano ang nararamdaman nito. “I have similar symptoms when I discovered I was pregnant with you. Kaya hindi ako nagkakamali. Are you doubting me? May experience ako, iho, kaya ‘wag mo akong maduda-dudahan.”Napatawa si Manson. Kahit pinagsabihan siya ng ina ay wala siyang nakitang galit sa mukha nito kundi purong tuwa. Kahit ang kanyang lolo’t lola ay tuwang-tuwa rin habang hinihintay ang pagbabalik ng kasambahay. Habang si Claire ay nanlalanta ang katawan na nakas
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more
PREV
1
...
7891011
...
18
DMCA.com Protection Status