Kinagabihan, dahil sa sobrang tuwa ni Nana sa pagbubuntis ni Claire ay inanyayahan sila nito na manatili sa mansyon upang maghapunan. Ngunit ang hindi alam ng batang mag-asawa ay inanyayahan nito ang ama ni Manson. At hindi lang ‘yon, ang labis na ikinagulat ng lahat, lalo na si Manson, ay ang makita ang matandang kapatid nito na si Bruce. Kapatid ito ni Manson sa ama, anak ng ex-girlfriend nito. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ni Manson ay halos tatlong beses niya lang din nakita si Bruce. Hindi magkasundo ang magkapatid at kahit si Nana ay hindi ito gusto. Kaya nang pumasok ang mag-ama sa hapagkainan, ang masayang kuwentuhan ay biglang naging walang-buhay. “Ang balita ko ay buntis ang asawa mo, Manson?”Tumungo si Claire dahil sa pandidiri na nababasa niya sa boses ng ama ni Manson. “Yes, pa,” tipid na sagot ng asawa. Palihim nitong pinandilatan ng mata si Nana dahil alam nitong ang lola nito ang nagsumbong kay Mr. Perie. “Congratulations, bro. Magkakaanak ka na sa bat
Halos lumuwa ang mata ni Claire nang makita ang biyenan. Tila isa itong dyosa na may matigas na personalidad habang kaharap nito ang asawa. At mas exciting iyon panoorin kaysa ang pagsasabi ni Mr. Peire ng tungkol sa pagiging tagapagmana nito. Ni hindi ito makapagsalita. Napatingin siya sa asawa at makahulugang kindat ang isinagot nito. Umangat ang isang kilay niya at napangisi dahil alam niya kung ano ang nais ipahiwatig ng ngisi nito. Ag ibig sabihin, ang ginawag pagsugod at paglapag ng tungkol sa divorce ay pinlano na nang mag-ina. Naisip marahil ni Morsheire na darating ang asawa nito at lilikha ng gulo, dahil imposibleng hindi nito malalaman ang tungkol sa pagbubuntis ni Claire, kaya agad ang mga itog nag-isip kung ano ang puwedeng ipangtapat dito.Ilang segundo na hindi nakasagot si Mr. Peire kay Morsherie. Nawalan ng pasensya ang kanyang biyenang babae kaya malakas nitong kinatok ang mesa sa tapat ni Mr. Piere at patuyang nagsalita. “‘Di ba matalino ka at magaling magdesisyon
Kinabukasan, hindi pumasok sa studio ni Mr. Campbell si Claire dahil gusto niyang i-treat ang sarili na mag-shopping. Hindi niya alam kung parte iyon nang pagbubuntis pero gusto niyang lumabas at i-enjoy ang sarili. Isa pa, iyon ay dahil tuwang-tuwa siya na malaman na buntis siya. Kung ang asawa niya at ang pamilya nito ay halos hindi makamove-on sa tuwa kahapon, si Claire naman, ngayon lang nagsi-sink in sa isip niya na magkakaroon na siya ng anak. Kaya naman, kahit matapos siyang samahan ni Manson sa Obgyne, at malaman at sitwasyon ng baby, ay dumiretso siya sa mall upang mamili ng gamit pambata. Halos isang buwan na ang pinagbubuntis ni Claire at maayos naman ang kapit nito sa loob. Niresetahan siya ng doktor ng mga bitamina na kahit tinutulan ni Manson at baka nakakasama sa bata ay wala pa rin itong nagawa dahil resita iyon ng doktor. “Iiwan ko sa ‘yo si Manang Silva at ang dalawang tauhan ko para bantayan ka. Hindi puwedeng may mangyaring masama sa ‘yo kapag hindi mo ako kasama
Nagutom si Claire sa pang-aaway kay Veena kaya dumiretso na sila sa foodcourt para mananghalian. May paborito siyang pagkain dito na lagi niyang binalik-balikan. Kasama na niya ang dalawang bodyguard saka si Manang Silva, na hindi siya iniwan lalo na dahil sa nangyari kanina sa banyo.“May bibilhin ka pa ba, Claire?” tanong ni Manang Silva matapos silang kumain. Naglalakad na sila nang walang patutunguhan at nagtutunaw lang ng kinain pero biglang may naalala si Claire. “Ahh! Yes, Manang. I have to buy something for my husband. Samahan niyo po ako ulit sa department store.” Malawak ang ngiting aniya saka mabilis na naglakad pabalik sa pinanggalingan nilang department store. “Miss Claire. Dahan-dahan lang po at baka mapaano kayo. Kapag may nangyaring masama sa baby kami ang mananagot.”Nilingon ni Claire si Manang Silva pero nagpatuloy pa rin sa mabilis na paglalakad. “Huwag kang mag-alala, Manang. Ayos lang ako at walang mangyayari sa amin—”Hindi natuloy ni Claire ang iba pang sasa
Hindi maitago ang ngisi sa labi ni Veena matapos i-send kay Manson ang pictures na nakuha niya tungkol kay Claire at Luke. Alam niyang kung saan si Claire ay naroon din si Luke dahil gusto ng lalaki si Claire. At ngayong buntis si Claire, hindi na siya magtataka kung si Manson nga ba ang tunay na ama ng dinadala nito. Biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makita na si Manson iyon ay mabilis niya iyong sinagot matapos inihanda ang sasabihin. “Manson! Nakita mo na ba ‘yung mga pictures na isenen ko?” “Hmm…” malamig ang boses na sagot ng nasa kabilang linya. Lumawak ang pagkakangisi ni Veena. Ramdam niya na galit na si Manson. “Matagal ko nang sinasabi sa ‘yo, Manson. Walang respeto sa ‘yo ang asawa mo. Buntis na nga, kung kani-kanino pa nakikipag-usap.”“Are you done yet?”Nawala ang pagkakangisi ni Veena. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“Kung wala ka nang ibang sasabihin papatayin ko na ‘to. And let me remind you, sa susunod, huwag kang basta-basta manguha ng larawan ng iba at bak
Ilang araw na nagpasalamat si Claire dahil hindi na siya ginugulo ni Veena. Ang buong akala niya ay susugurin na naman siya nito dahil sa pagbabanta nito noong nakaraan. Nagpatuloy siya sa pagiging apprentice ni Mr. Campbell at dahil ayaw ni Manson na pagtrabahuin siya nang mabibigat na bagay ay nag-concentrate siya kung paano palawakin ang galing niya sa pag-appraise ng mga produkto para malaman kung peke o tunay. “Claire, halika rito. May ibibigay ako na magugustuhan mo.”Napahinto sa ginagawa si Claire nang marinig ang boses ni Mr. Campbell na tinatawag siya. Nakadungaw ito sa nakabukas na pinto ng opisina nito. Ilang araw itong nawala dahil may pinuntahan ito kasama ang asawa nito. Nangingiting iniwan ni Claire ang mesa at iniwan ang binabasang notes at pinuntahan si Mr. Campbell. Nang makapasok siya sa loob ay may mabangong tila prutas ang pumasok sa ilong niya. Agad niyang nagustuhan ang amoy na iyon. Hindi tulad sa ibang amoy, na kaunting singhot pa lang niya ay nasusuka na s
Hindi maipinta ang mukha ni Manson habang pabalik-balik na naglalakad sa harap ng emergency room at naghihintay sa magiging resulta ng sitwasyon ni Claire. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa asawa at kung bakit ito dinudugo. May kinain ba itong nakakasama sa tiyan nito? Nagbuhat ba ito nang mabigat? Sumandal siya sa pader malapit sa pinto at napasabunot siya sa buhok sa matinding frustrasyon habang hindi makaisip ng dahilan kung bakit dinudugo ang asawa. Kung may mangyayari sa magiging anak nila ni Claire ay wala siyang ibang sisisihin kundi ang sarili. Kung sana ay hindi niya ito pinayagan na magtrabaho ay wala sanang nangyaring masama rito. Kinuha niya ang cellphone at akmang tatawagan si Mr. Campbell, pero biglang lumabas ang nurse mula sa loob ng emergency room. Tumayo siya nang tuwid at kaagad na tinanong ang nurse.“Miss, kumusta ang asawa ko? Ayos lang ba siya? Kumusta ang anak namin?”Kaagad na umiling ang nurse. “I’m sorry, Mr. del Vega. Pero pinipilit pa rin ng dok
Naihilamos ni Manson ang palad sa mukha. What a coincidence that the cameras were all broken at a time like this. Madilim ang mukha na nilingon niya si Mr. Campbell. “Kailan pa sira ang CCTV nang hindi mo nalalaman?”Manson was intimidating, and Mr. Campbell cowered around him. Natatarantang lumapit ito sa kanya at nanginginig na nagsalita. “Hi-hindi sira ang CCTVs namin. Araw-araw ay sinisiguro kong maayos ang lahat bago pa man umuwi ang lahat.”“Sino ang huling lumabas sa studio?” Noong una, ang akala ni Manson ay dahil napagod lang sa pagtatrabaho si Claire kaya ito dinugo, pero ngayong kahit ang CCTV camera sa buong studio ay sira, lumalakas ang hinala niya na may gustong manakit kay Claire. Lumingon si Mr. Campbell sa assistant nito na kaagad namang sumagot kay Manson. “Ako lang po at si Mr. Campbell.”“May iba pa bang naghahawak ng susi?”Muling umiling ang assistant. Manson suspected that the tea that his wife was talking about was not the cause of her bleeding, but he had no
Ilang araw ang lumipas nang mabalitaan ni Claire na pinamanahan siya ni Mr. Campbell nang malaking mana na labis niyang ikinabigla. Alam niyang tunay siya nitong apo pero sino ang mag-aakala na halos lahat ng yaman ay ipapamana nito sa kanya!? Ang rason nito ay dahil binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon na mabuhay muli. Kahit ang kapatid niyang si Vincent ay agree sa lolo nito pero hindi si Claire kaya naman agad siyang sumugod sa ospital upang komprontahin ang matanda. Pero naabutan niya roon si Lucas. “Lucas, nandito ka…” Tinanguan siya ng binata bago nilapitan saka mahigpit na niyakap. Claire patted him on the back. Agad rin namang kumalas si Lucas at baka magselos na naman si Manson kung may magsumbong dito.“I heard what happened. Ayos ka lang ba? Nandito ako para bisitahin si Mr. Campbell bago puntahan ka pero hindi ko akalain na makikita kita rito.” Umatras ito ng dalawang beses saka mataman siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “Why do you look so haggard? Bakit ang
Ang buong akala ni Claire ay makikilanlan ng kanyang ina ang pangalang Onyxie, pero isa iyong pagkakamali dahil ang sumunod na sandali ay bigla siyang hinampas nito ng unan. “No! Umalis kayo! Umalis kayo! Huwag niyong kunin ang anak ko!” Dahil hindi agad nakatayo si Claire sa kama ay nahablot siya ng kanyang ina sa braso at kahit nangangayat ito ay pwersado pa rin ito. Hinila siya nito patayo sa kama saka itinulak sa sahig. dahil nagulat ang lahat sa bayolenteng kilos ni Odette ay hindi agad nakahuma si Manson at hindi niya napigilan ang pagbalibag ng katawan ni Claire. “Claire!” Mabilis siyang nilapitan ni Manson at inalalayan na makatayo. Kahit naging bayolente ang kanyang ina ay walang sumigaw at nanatiling kalmado ang lahat para hindi ito ma-aggravate. “Mom, mom, stop. It’s Onyxie. Hindi siya lalayo sa ‘yo. Hindi ka niya iiwan.” Lumapit si Vincent sa ina at inalo ito habang ang isang kamay ay pinindot ang bell para tumawag ng nurse. Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala
“Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana
“I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito
Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka
Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a
Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u
Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m
Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa