Sa wakas, matapos ang ilang oras na paghihirap ni Claire ay nakalabas na rin siya sa operating room at kasalukuyan nang nagpapagaling sa private room na kinuha para sa kanya ng asawa. Ligtas na ang baby niya at tinurukan siya ng doktor ng pampakapit at niresetahan ng folic acid. Nang malaman nga ng asawa na pareho nang ligtas ang mag-ina ay saka lang ito nabunutan ng tinik sa lalamunan at saka lang nakapagpahinga. Buong magdamag itong puyat dahil sa pagbabantay sa kanya. Kagigising lang niya pero dahil nakasara ang bintana ng makapal na kurtina ay hindi niya alam kung ano’ng oras na. Hindi niya masiyadong maigalaw ang katawan at gusto sana niyang tawagin ang asawa pero nanunuyo ang lalamunan niya at halos walang boses na lumabas doon. Sinubukan ni Claire na igalaw ay braso na walang swero pero sa konting kilos niyang iyon ay nagising si Manson, na natutulog habang nakapatong ang ulo sa gilid ng kama. “Claire? Gising ka na?” Pilit itong nagmulat at nagtanong nito. Dahil sa puya
Trigger Warning: Slight Domestic Violence against women(old lady)Paki-skip if ayaw niyong basahin. Bago umalis ng ospital ay katakot-takot na sermon ang ibinilin ni Manson sa bodyguards na ini-assign niya na magbabantay kay Claire. “Kapag may isang hibla ng buhok ang mawala sa asawa ko ay manangot kayong dalawa sa akin.” “Huwag kayong mag-alala, boss. Hindi namin pababayaan si Miss Claire.” The two bodyguards chorused. Magmula nang malaman nilang buntis si Claire ay doble-dobleng pagbabantay na ang ginawa nila para lang hindi ito mapahamak. Ang masama nga lang, nagkataon na offday ng isa at ang isa naman ay kasama ni Manson kahapon kaya napahamak si Claire. Matapos lisanin ang ospital ay pinaharurot ni Manson ang kotse patungo sa bahay ni Mr. Campbell. Habang nasa daan ay kinausap niya si Veena na kahit labis ang tuwa dahil tumawag siya ay may halo pa ring takot ang boses. Mukhang alam na rin nito ang nangyayari. Hindi rin niya nakalimutang tawagan si Lt. General Turquino at nagp
Nang mga sumunod na araw, dahil may trabaho si Manson ay hindi ito nanatili sa ospital upang bantayan ang asawa, kaya tinawagan nito ang kapatid na si Meesha upang bisitahin si Claire. Maayos na ang sitwasyon ni Claire at sa mga susunod na araw ay pwede na siyang lumabas ng ospital pero bawal pa rin dito ang magtrabaho ng mabigat at ma-stress upang pangalagaan nang maayos ang anak nila. “Claire, kumusta kayo ng pamangkin ko?” ang bungad na bati sa kanya ni Meesha na may malawak na ngiti sa labi. Inilapag nito ang dalang fruit basket sa mesa na nasa gilid ng kama saka ito umupo sa upuan. Kaya na ni Claire kumilos kaya umupo siya at sumandal sa kama. Dahil on bed-rest pa rin ay hindi siya bumaba. “Maayos na kami. Salamat naman at napadalaw ka.”Lumawak ang pagkakangiti ni Meesha. “Siyempre, palalampasin ko ba naman ang pagkakataon na magpalambing sa pamangkin ko?”Mahinang napatawa si Claire. “Nasa tiyan ko pa ang pamangkin mo, Meesha. Ang totoo, bukod sa inutusan ka ni Manson, may ib
Kinahapunan pagkaalis ni Meesha ay saka naman dumating si Mr. Campbell. Hindi inaasahan ni Claire ang pagbisita sa kanya ng kanyang guro kaya napuno nang katahimikan ang buong silid. Silence as a needle drop. Hindi pa rin nakakabalik si Manson at kahit si Manang Silva ay nasa bahay pa rin nila upang kumuha ng kanyang gamit. Kaya ang tanging nasa kuwarto ngayon ay ang master-apprentice pair. Hindi na sumasakit ang tiyan niya at matagal na ring tumigil ang kanyang pagdurugo, at kaya na niyang bumaba sa kama. Magkatapat silang nakaupo sa sofa ngayon pero hindi niya kayang tingnan nang diretso ang matanda. Hindi alam ni Claire kung ano ba ang dapat sabihin. Isang kalabog ang bumasag sa katahimikan na ikinagulat ni Claire. Nang tingnan niya kung ano ang nangyari ay nakita niya ang kanyang guro na nakaluhod sa sahig.“Master! Ano pong ginagawa niyo?” Tumayo siya at dali-dali itong nilapitan saka tinulungang makatayo. Ngunit nagmamatigas si Mr. Campbell at nanatili sa pagkakaluhod. “Claire
“See, iho? Si Veena na mismo ang nagkumpirma na ikakasal na kayo.” “She’s lying. We are not even close.”Dumilim ang mukha ni Manson at mahigpit na hinawakan ang braso ni Veena na nakalingkis sa kanya at marahas iyong ipiniksi. Pinandilatan niya ito habang nandidiri na nakatingin dito. “Gawin mo pa ulit ‘yan at mapapahiya ka sa akin,” malamig ang boses na banta niya at mabilis itong tinalikuran. Kahit tinatawag siya ni Mr. Salvador ay hindi niya ito nilingon. Nawala ang gana ni Manson na uminom kaya ang wine na iniabot sa kanya ni Mr. Salvador ay ibinalik niya sa dumaang waiter. Lumapit siya sa mesa kung saan nakaupo ang kapatid niyang si Meesha. Naroon din si Bruce pero hindi niya ito sinulyapan at si Meesha lang ang binati. “Oh, bakit sambakol ‘yang mukha mo? Hindi ka ba pinayagan ni Ate Claire na pumunta?” Naikuyom ni Manson ang palad na nakapatong sa ibabaw ng mesa. “Nah. If there were a choice, I would prefer to be in bed and get cozy with my wife rather than be here and se
“Manson…”Hanggang makabalik sila sa mesa ay hindi pa rin makapaniwala si Claire na tuwang-tuwa siyang ipinagmalaki ni Manson sa lahat ng taong nasa party. Kaytagal niyang inasam ito at ngayon ngang nangyari ito ay hindi niya ma-explain ang tuwang nararamdaman. Tila ba isang bituin ang kanyang naabot at ayaw na niyang pakawalan. Ngunit sa kabila niyon ay may munting kaba na tumubo sa kanyang puso. Ngayong nalaman na ng lahat na siya ang asawa ni Manson, inposibleng walang gagawin si Mr. Perie. Lalo na na halos lumuwa ang mata nito sa galit kanina habang nakatitig sa kanila ni Manson. “Relax, my wife. Ngayong alam na nila na ikaw ang asawa ko ay walang makakasaling sa ‘yo.” Hinawakan ni Manson ang palad niya at pinagsalikop ang daliri nila saka masuyo iyong pinisil.Nang maramdaman ang init mula sa palad ng asawa ay kumalma ang magulong isip ni Claire. Kahit nakapaghapunan na siya galing sa apartment ay marami pa rin siyang nakain sa party. Marahil ay dala iyon ng pagbubuntis pero pak
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad na pumasok si Manson sa sulsol ni Mr. Salvador. “Sige na, Manson. Pumasok ka na sa loob. Naghihintay na sa ‘yo ang asawa mo.” Isang mata ni Manson ang nakamulat at ang isang mata ay nakapikit. Sa pamamagitan niyon ay nakokontrol niya ang pagdoble ng paningin at pagkahilo. Sumandal siya sa pader sa tabi ng pintuan at idinuro si Mr. Salvador. “Lasing lang ako, pero hindi ako bobo. This is not the room I booked for me and my wife. Bakit mo ako dinala rito?”Imbes na sumagot aykinidatan lang siya ni Mr. salvador at mabilis na isinara ang pinto pagkalabas. Pero isang segundo ang lumipas ay dumungaw ito sa pinto at nakangising nagsalita. “Hindi mo ba alam na minsan masarap din tumikim ng ibang putahe?” Pagksabi niyon ay mabilis nitong isinara ang pinto at hindi na muling nagpakita. Samantala, naisandal ni Manson ang ulo sa pder at mariing napapikit. The room smells unfamiliar. Hindi niya maamoy ang pabango na naamoy niya kanina sa asawa. Nagka
Ilang araw ang matapos ang pagdaraos ng founding anniversary ng del Vega group ay saka lang nalaman ni Manson ang totoo kung sino ang naglagay ng droga sa inumin niya. At ngayong gabi ay bibisitahin niya ang taong sumaling sa kanya, ang pinakakamamahal niyang kapatid upang turuan ito ng leksyon.Noong umaga kinabukasan matapos ang party ay saka lang niya nalaman na dinungisan ng kapatid ang pangalan niya at nag-upload ng video patungkol sa kanya at kay Veena kahit wala namang katotohanan. Nang araw ding iyon ay nagpatawag siya ng media conference upang linisin ang pangalan niya at binura lahat ng videos na nagkalat sa social media. But the damage has been done and there is no way the investors who favored him were not disappointed. Kaya ngayon ay ipapatikim niya sa kapatid kung paano gumanti ang isang Manson del Vega. Kasama ang assistant at ilang tauhan ay tinungo ni Manson ang lungga na pinagtataguan ng kapatid, isang club sa Quezon City na pagmamay-ari nito. The place was decent o
“Ma!” muling sigaw ni Claire pero mas nangibabaw ang tawa ni Ronaldo. Ang bag na naglalaman ng pera ay matagal nang nakuha ng anak nito. “Pareho lang kayo ng iyong ina, Claire. Parehong hibang at hindi nag-iisip!” lalo pa itong tumawa nang malakas na sinabayan ng anak nito. Napatungo si Claire at tahimik na napangisi. May ilang metro ang layo niya sa mag-ama. Upang kunwari ay nasaktan siya sa ‘paghulog’ kuno ng kanyang ina ay napaluhod siya sa semento at umiyak. Pero iyon ay isang hudyat para kumilos ang kasamahan niya na hindi alam ng mag-ama na kasama pala niya. Dalawang magkasabay na putok mula sa sniper ang umalingawngaw sa kalaliman ng gabi at kasunod niyon ay ang pagbagsak ng mag-ama. Natamaan ang mga ito sa parehong braso at ang kutsilyo na hawak nito bilang panakot sa kanya. Kasunod nang pagbagsak ng dalawa ay agad na lumabas sa pinagtataguan ang mga pulis na kasama ni Claire pati na rin si Manson. Nang makalapit ito sa kanya ay agad siya nitong niyakap nang mahigpit. “A
Habang lumilipas ang minuto na kasama ng kanyang ina ang kanyang ama y hindi mapakali si Claire. Pabalik-balik ang kanyang lakad sa salas upang pakalmahin ang sarili pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya mapakali. Mahigpit na habilin ng kanyang ina na ‘wag siyang sumunod rito dahil kaya na nito ang sarili pero hindi siya basta magpapaniwala sa sinabi nito. Kahit ilang beses pa lang niyang naka-engkwentro ang ama ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Sigurado siyang may masama itong tangka sa kanyang ina. “Claire, relax. Walang mangyayaring masama sa iyong ina. Kasama niya ang tatlong bodyguards na itinalaga ko sa kanya.”Nilingon ni Claire si Manson na nakaupo sa sofa at kanina pa nababahala dahil sa labis niyang pag-aalala. “Hindi mo kilala si Rolando, Manson. Kahit siya man ang asawa ni mama, ay hindi niya kailanman itinuring na asawa ang aking ina. At kahit may bodyguards siyang kasama alam kong kung gagawa nang masama si Rolando ay hindi sila magiging sapat.”Tumayo si
Nagsisimula na ang selebrasyon nang makapasok ang dalawa sa loob. Veena and Bruce walked table by table to toast to the guests. At dahil ayaw iwanan ni Manson si Claire na mag-isa ay umupo siya sa table nito upang samahan ito kagit pa ang table na dapat para sa kanya ay nasa harapan banda. Nang lumapit sa mesa nila sina Veena ay imposibleng hindi mag-iwan ng salita ang babae kahit pa tahimik lang si Claire.“Claire, mukhang ikaw ang star ng selebrasyon dahil mas lumilitaw ang awra mo kaysa sa akin. Are you trying to steal my limelight?” Veena said. Sinadya nitong palakasin ang boses para marami ang makarinig. Hahayaan na lang sana niya na si Manson ang bumati sa dalawa pero nang marinig ang sinabi ni Veena ay mahina siyang napatawa. This girl, even in her fabulous day, acted pathetic. “Veena, this is a happy occasion. Dapat ay magsaya ka at ‘wag gumawa ng negatibo. Isa pa, kapag kasal na kayo ni Bruce magiging magkapamilya na tayo.” Kinindatan niya si Veena saka kumapit ang kamay
“Manson…” mahinang tawag ni Claire sa asawa. Nakatayo ito sa veranda ng bahay niya habang naninigarilyo. Hindi niya alam kung pang-ilang stick na nito iyon pero hindi pa rin ito tumigil. Isang linggo na ang makalipas magmula ang komprontahan nila ni Marriotte. Nakalabas na rin sa ospital si Lucas at nakauwi na ang mga ito sa America. Labis ang lungkot ni Claire dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pero alam niyang umiiwas lang ito marahil ay sinabi rito ng ina na ang tungkol sa kondisyon na hinihingi nito kay Mr. Perie, sa ama nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkapatid nga ang asawa at kababata niya. “Gusto kong pumunta tayo sa probinsya n’yo at imbestigahan ang nangyaring sunog. Kung totoo man ang sinabi ni Marriotte na may kinalaman ang aking ama’t ina sa nangyari sa inyo ni Lucas ay kailangan ko silang panagutin. Pero gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na walang kinalaman dito si mama. I don’t care if it was my father’s doing to cover his crim
Hindi agad nakasagot si Claire dahil sa sinabi ni Mosheire. Nakamata lang siya rito habang naglalakad ito papalapit sa kanila ni Manson. Kasunod nito sa likuran si Mr. Perie na katulad ni Manson ay madilim ang mukha na nakatingin kay Marriotte. Ngunit kahit mag-isa lang ang babae habang pinagtutulungan ito ng tatlo ay hindi ito nagpakita ng takot.Claire was different. Hindi siya agad naniwala sa sinabi ni Mosheire at ni Manson hangga’t hindi niya naririnig ang side nito. Tulad nga ng sabi nila, may dalawang panig ang istorya. Nang lumapit sa tabi niya si Mosheirre at hinawakan siya sa braso ay isang tipid na ngiti lang ang iginawad niya rito bago tumingin kay Marriotte na naninibugho pa rin ang tingin pero ngayon, lahat ng galit nito ay ibinunton kay Mr. Perie. “At iyan ang ipinagkakalat niyo? Na isa akong kabet?” Itinuro nito ang sarili. Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan ito ng ibang dumadaang tao dahil sa bulgar na sinabi nito. Malakas itong napaismid saka idinuro si Mr. P
Nagpatuloy si Marriotte sa mahigpit na paghawak sa kuwelyo ni Manson. Habang si Claire na nakikinig at nakatingin sa tabi nito ay hindi halos makakilos dahil sa nangyayari. Magkakilala ba sina Marriotte at Manson? Bakit galit na galit ito sa dati niyang asawa niya?“Dalawa kayo ng ina mo ang may dugong demonyo. Mga masasama ang loob! Hindi na kayo nakuntento noon na ipapatay si Lucas, at ngayong nalaman niyong buhay pa rin siya ay gusto niyo siyang patayin ulit? Kapag may nangyari masama sa anak ko ay siguraduhin kong lalabas ang baho ng pamilya ninyo!”Hinawakan ni Manson si Marriotte sa braso nito at pilit na tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya. “Huwag kang basta-basta mambintang at baka makasuhan kita,” malamig na banta ni Manson. “Wala akong ginawang masama sa anak mo.”Hinawakan ni Claire sa braso si Manson at pinisil iyon upang pakalmahin ito. Bagama’t sumunod ay nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Pardon me for being blunt, but I have nothing to do with yo
Next:Limang araw na ang nakalipas pero wala pang balita si Claire tungkol kay Lucas. Ang eroplanong sinasakyan nga nito ang nabalitang nag-crash kaya’t agad silang dumayo sa Batanes dahil doon napabalitang nakita ang debris ng eroplanong bumagsak. Tumuloy sila sa isang hotel doon. Kasama niya si Manson at ang ilang tauhan nito.Bukod sa mga search and rescue team ng gobyerno ay nagdala rin si Manson ng sarili nitong rescuer team para maabilis ang paghahanap. Sa loob ng limang araw na wala siyang balita kay Lucas ay halos hindi rin makakain si Claire nang maayos dahil labis ang kanyang pag-aalala. Hindi niya kayang tanggapin kung may mangyaring masama kay Lucas. Hindi pa sila nito nagkakasama nang matagal.“Claire,” tawag sa kanya ni Manson. Kagagaling na nila sa karagatan upang suyurin ang lugar kung saan nag-crash ang eroplano. “Kumain ka muna. Ilang araw ka ng walang ayos na kain. Alagaan mo ang sarili mo, puwede ba? Sa tingin mo ba magugustuhan ni Lucas kung malaman niya na pinaba
Ang halik na nasimulan sa salas ay dumiretso hanggang sa kuwarto. At kahit hindi pa lumulubog ang araw ay gumagawa na ang dalawa ng gawain na kadalasan ay sa gabi lamang ginagawa. Ramdam na ni Claire ang pagod dahil ilang oras na silang nag-e-ehersisyo sa kama ni Manson pero wala pa ring balak tumigil ang lalaki. Naiintindihan niya ito. Matagal na simula nang huling may mangyari sa kanila ni Manson at inaamin ni Claire na kahit siya ay sabik na sabik sa katawan ng asawa. Kung hindi lamang siya nakaramdam ng gutom ay hindi pa tumigil si Manson. Alas-diyes na ng gabi at halos hindi na niya kayang igalaw ang katawan kaya hinayaan niya si Manson na asikasuhin siya. Mula sa pagpapaligo sa kanya at pagpalit ng damit ay inasikaso siya nito. Sa sobrang pagod at antok ay halos ipikit na niya ang mga mata kaya naman sinubuan na lang siya ni Manson para lang magkalaman ang sikmura niya. Nagpautos ito sa tauhan na bumili ng pagkain sa pinakamalapit na restaurant at agad ring pinauwi ang mga
Matapos lisanin ang opisina ng kanyang ina ay dumiretso siya sa bahay ni Claire. Naghihintay na ito sa kanya nang makarating siya habang hindi maipinta ang mukha dahil sa pag-aalala. Gustong tumawa ni Manson nang malakas pero kailangan niyang panindigan ang pagkukunwari kaya habang pababa ng kotse ay paika-ika siya ta gad naman siyang inalalayan ni Claire. “Ang tigas talaga ng ulo mo, Manson. Bakit kailangang dito ka pa dumiretso keysa sa ospital?” pangaral ni Claire habang inalalayan siya nitong maglakad papasok sa loob. Nakatanga lamang ang assistant at driver niyang kasama dahil sa inakto niya pero kinawayan niya ang mga ito na maghintay sa kotse at ‘wag siyang istorbohin.Pinaupo siya ni Claire sa sofa at agad na inirolyo pataas ang suot niyang pantalon at yumuko upang makita kung saan ang sumasakit. “Saang banda ang sumasakit? Ito ba?” Hinawakan nito ang kaliwa niyang tuhod at bahagyang pinisil.Umiling si Manson. “No.”Hinawakan nito ang kanan niyang tuhod at marahan uling pin