Ilang araw ang lumipas ay nabalitaan ni Manson kung ano ang naging resulta ng paghihiganti niya kay Veena at Bruce. Excited pa ang driver niyang si Jonathan, nang ibalita sa kanya ang resulta ng imbestigasyon nito. “Ano’ng sinabi mo? Buntis si Veena?” hindi makapaniwala si Claire sa narinig. Nakaupo siya sa tabi ng asawa habang kaharap nila ang driver at nagbibigay ng report. Bago sila pumunta sa OB para magpa-check up ay pinaakyat muna ito ni Manson upang kastiguhin tungkol sa resulta ng pagmamanman nito. At ngayon ngang mabunga ang dala nitong balita ay hindi makapaniwala si Claire sa narinig. Kung hindi sinabi ni Manson sa kanya ang tungkol sa ginawa nito kay Veena at Bruce ay iisipin niyang ang asawa ang ama ng dinadala ni Veena dahil sa nangyari noong gabi ng party. “Sigurado po ako, Miss Claire. Narinig ko mismo mula sa bibig ni Miss Veena na buntis siya. At ngayong araw nga ay pupunta ang mag-ina kina Mr. Peire upang panagutin si Bruce.” Isang nakakalokong ngisi ang p
“I’m sorry, Claire. My father had assigned me an urgent task. Hindi ako makakasama sa ‘yo sa Antique.” Hinawakan ni Claire ang palad ni Manson at bahagya iyong pinisil. “Walang problema. Kasama ko naman ang driver at tauhan mo ‘di ba? Saka, hindi naman kami magtatagal doon at babalik kami kaagad pagkatapos ng seremonya,” paliwanag niya saka ito nginitian. Pinayagan siya ng doktor na bumiyahe dahil maayos na ang kapit ng bata sa kanyang tiyan, pero kailangan pa rin niya ng ibayong pag-iingat. Nasa terrace ang mag-asawa at nagre-relax habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nakaupo si Manson sa rattan chair habang nakakandong naman dito si Claire. Bukas ng umaga ang flight ni Claire kasama si Jonathan, ang driver, at ang tauhan na si Dante. Si Dante rin ang naging kasama niya noong pumunta siya sa Davao para sa restoration ng cave painting. Kaya ito ang pinili ni Claire ay dahil pamilyar na siya sa dalawa at masayahin ang mga itong kasama, hindi siya mabo-bored. “Hindi ako komport
Next:“Mag-iingat ka doon, iha. Huwag masiyadong magpakapagod,” bilin ni Manang Silva habang pinapabaunan siya nito ng sari-saring pasalubong para sa kamag-anakan niya. Mga pastilyas iyon galing sa Laguna at iba pang minatamis. “Salamat po,” pagpapasalamat ni Claire. “Hindi na ho sana kayo nag-abala pa.”“Naku, wala iyon, iha. Ikumusta mo na lang ako doon sa inyo.”“Sige po,” ani Claire. May mga naging kaibigan si Manang Silva sa probinsiya nila noong namalagi ito noon sa kanila. At dahil sa makabagong teknolohiya ay hindi nawalan ng kontak ang mga ito. “Huwag kayong mag-alala, manang. Kapag may pagkakataon ay isasama ko kayong muli sa amin.”Nginitian siya ng ginang. “Hala, sige na at baka ma-late pa kayo. Alam niyo naman kung gaano ka-traffic ang daan papuntang airport.”“You are right, manang,” sabad ni Manson. Kalalabas lang nito galing sa kuwarto at nakabihis na rin ng damit pangtrabaho. Bumaling ito kay Claire. “If you are ready, let’s go?” Inilahad nito ang palad na agad naman
Sa sandaling nakalapag ang eroplanong sinasakyan ni Manson isang tawag mula kay Claire ang natanggap niya. Labis ang tuwang kanyang naramdaman pero ganoon na lang ang pagtataka niya nang imbes na boses ng asawa ang marinig ay boses ng lalaki ang bumungad. Salitang karay-a ang sinasabi nito kaya hindi maintindihan ni Manson ang sinasabi nito lalo pa at mabilis ang pagkakasalita nito. “Sandali. Sino ka? Bakit hawak mo ang cellphone ng asawa ko?” nagtatakang tanong niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan lalo na nang marinig ang pagmamadali sa boses ng lalaki. “Pasensya na po, ser, kung hindi niyo ako naintindihan pero emergency po ang tawag ko. Nandito po sa ospital ang may-ari ng cellphone na ito dahil naaksidente po ang sinasakyan nilang van at nahulog sa bangin.”Matigas ang tagalog ng lalaking tumatawag pero klaro itong naiintidihan ito ni Manson na parang bombing sumabog sa kanyang buong pagkatao.“Ano’ng sinabi mo?” halos pabulong na tanong niya. Lumakas ang kaba
Matagal na naghintay sa labas ng operating room si Manson. Ni hindi siya nakaramdam ng gutom kahit hindi siya nakapaghapunan. Kung hindi pa siya inabutan ni Robert ng bote ng tubig ay hindi pa niya ramdam ang pagkauhaw. “Boss, nakarating na si Mrs. Domingo,” pagbabalita ni Robert matapos nitong iabot ang bote ng tubig. Kaagad na tumayo si Manson upang salubungin ang biyenan. “Ma,” bati niya sa malungkot na boses. Mabilis siyang nilapitan ng kanyang ina na namamaga na ang mata sa kakaiyak. “Manson, anong nangyari? Nasaan ang anak ko? Kumusta na siya?” sunod-sunod na tanong ng kanyang biyenan. Habang nakikita ang nakakaawang mukha nito ay naging blangko ang isip ni Manson. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa ina ng asawa ang tunay na kalagayan ni Claire. Mabuti na lang, habang wala pa siyang naiisip na sasabihin ay bumalik na si Lt. General Turquino kasama ang ibang kapulisan ng San Jose Antique. “Mr. del Vega,” tawag sa kanya ng kaibigang heneral. “Ano’ng balita?” nagmama
Dalawang araw ang lumipas mula nang maaksidente si Claire ay saka lang siya nagising. Nananakit pa ang buo niyang katawan at halos hindi niya iyon maigalaw. Nang magmulat siya ng mata ay amoy ng medisina ang nanuot sa ilong niya at dahil konting liwanag lang ang umiilaw malapit sa kinahihigaan niya ay hindi niya mawari kung nasaan siya. Bigla siyang natuliro at ipinikit ang mata at bumalik sa isip ang huling pangyayari na naging resulta nang pagkaratay niya sa ospital.Nang muli siyang magmulat ay nakita niya si Manson na natutulog sa sofa malapit lang sa hospital bed. Nakaramdam siya ng awa sa asawa habang nakikita itong nakabaluktot at pinagkakasya ang katawan sa maliit na sofa. Hindi niya maiwasang haplusin ang tiyan na nababalot pa ng benda. Wala siyang ideya kung ano ang kalagayan ng kanyang anak. Gusto niyang tawagin ang asawa para tanungin ito pero siguradong pagod ito. Dahil may suwero ang isa niyang kamay ang malaya niyang kamay ang patuloy sa paghaplos sa kanyang flat na ti
“Claire, paano mo nasabi ‘yan? Kung ang pagkawala ng baby natin ang dahilan kung bakit gusto mong makipaghiwalay. Puwede pa nating ayusin ‘to. Magkaka-baby ulit tayo, ‘wag ka lang makipaghiwalay, please…”Nakagat ni Claire ang pang-ibabang labi saka naikuyom ang kamao na nasa ilalim ng kumot at namumugto ang matang tumingin kay Manson. Tatlong araw na siyang umiiyak mula nang malaman niya na nawala ang anak niya. “Kung ganun lang sana kadaling tanggapin na mamatay ang taong malapit sa akin ay ipaglalaban ko ang relasyon natin.” Suminghot siya. “Ang daming napahamak dahil maraming may ayaw sa relasyon natin. “Si lola, kung hindi pa sinabi ni mama, ay hindi ko pa nalaman na kinitil niya ang kanyang buhay para lang pigilan ang pagdi-divorce natin. Si Dante, nakaratay din sa ospital at mahihirapan nang makalakad. Si Jonathan, si Jonathan…” Muli siyang napasinghot at hindi maituloy ang sasabihin. Naaalala niya kung paano magmakaawa sa kanya si Jonathan habang bumubulusok pababa ang van.
Lalong hinigpitan ni Manson ang pagkakahawak sa manibela habang ang mata ay nakadiretso pa rin kay Veena na bumakas ang takot sa mukha matapos siyang makita na dire-diretso ang pagmaneho at walang balak huminto. Nilamon na siya ng galit. Parang may bumubulong sa kanya na huwag huminto at banggain ang babaeng siyang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila ni Claire. Nandilim ang paningin niya saka lalo pa niyang inapakan ang silinyador upang bumilis ang takbo ng kotse at hindi siya huminto hanggang bumangga ang kotse niya sa gate ng mansyon nina Veena. Sumabog ang airbag sa mukha niya at hindi niya makita kung nasaan ang babae, kung nagtagumpay siya sa ginawa. Oo, nababaliw na siya at wala sa tamang pag-iisip. May tama siya sa gilid ng mukha dahil nabangga siya sa nabasag na windshield pero ininda niya iyon. Narinig niya ang sigawan ng mga tao sa paligid lalo na ang ama ni Veena na agad lumabas nang marinig ang kumosyon. Ipinikit niya ang mata upang alisin ang pagkahilo saka lang