Beranda / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter 112: Divorce is Waving

Share

Chapter 112: Divorce is Waving

Penulis: SQQ27
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-29 00:04:23

Dalawang araw ang lumipas mula nang maaksidente si Claire ay saka lang siya nagising. Nananakit pa ang buo niyang katawan at halos hindi niya iyon maigalaw. Nang magmulat siya ng mata ay amoy ng medisina ang nanuot sa ilong niya at dahil konting liwanag lang ang umiilaw malapit sa kinahihigaan niya ay hindi niya mawari kung nasaan siya. Bigla siyang natuliro at ipinikit ang mata at bumalik sa isip ang huling pangyayari na naging resulta nang pagkaratay niya sa ospital.

Nang muli siyang magmulat ay nakita niya si Manson na natutulog sa sofa malapit lang sa hospital bed. Nakaramdam siya ng awa sa asawa habang nakikita itong nakabaluktot at pinagkakasya ang katawan sa maliit na sofa. Hindi niya maiwasang haplusin ang tiyan na nababalot pa ng benda. Wala siyang ideya kung ano ang kalagayan ng kanyang anak. Gusto niyang tawagin ang asawa para tanungin ito pero siguradong pagod ito.

Dahil may suwero ang isa niyang kamay ang malaya niyang kamay ang patuloy sa paghaplos sa kanyang flat na ti
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (11)
goodnovel comment avatar
Rose Ann Dimana
abnormal k din kc Claire alam mho ng maselan k magbuntis nd k muna pumirmi s bahay nyo Ayan tuloy nawala ang anak mho sumama s Lola mho
goodnovel comment avatar
Editha
Kaya gusto niyang mawala din ang anak ni Claire kaya ngayon wala nawalang hiya ka Veena
goodnovel comment avatar
Editha
Ay mali ninamay pala niya c Claire
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 113: Sacrifice

    “Claire, paano mo nasabi ‘yan? Kung ang pagkawala ng baby natin ang dahilan kung bakit gusto mong makipaghiwalay. Puwede pa nating ayusin ‘to. Magkaka-baby ulit tayo, ‘wag ka lang makipaghiwalay, please…”Nakagat ni Claire ang pang-ibabang labi saka naikuyom ang kamao na nasa ilalim ng kumot at namumugto ang matang tumingin kay Manson. Tatlong araw na siyang umiiyak mula nang malaman niya na nawala ang anak niya. “Kung ganun lang sana kadaling tanggapin na mamatay ang taong malapit sa akin ay ipaglalaban ko ang relasyon natin.” Suminghot siya. “Ang daming napahamak dahil maraming may ayaw sa relasyon natin. “Si lola, kung hindi pa sinabi ni mama, ay hindi ko pa nalaman na kinitil niya ang kanyang buhay para lang pigilan ang pagdi-divorce natin. Si Dante, nakaratay din sa ospital at mahihirapan nang makalakad. Si Jonathan, si Jonathan…” Muli siyang napasinghot at hindi maituloy ang sasabihin. Naaalala niya kung paano magmakaawa sa kanya si Jonathan habang bumubulusok pababa ang van.

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-30
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 114: Officially Broke up

    Lalong hinigpitan ni Manson ang pagkakahawak sa manibela habang ang mata ay nakadiretso pa rin kay Veena na bumakas ang takot sa mukha matapos siyang makita na dire-diretso ang pagmaneho at walang balak huminto. Nilamon na siya ng galit. Parang may bumubulong sa kanya na huwag huminto at banggain ang babaeng siyang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila ni Claire. Nandilim ang paningin niya saka lalo pa niyang inapakan ang silinyador upang bumilis ang takbo ng kotse at hindi siya huminto hanggang bumangga ang kotse niya sa gate ng mansyon nina Veena. Sumabog ang airbag sa mukha niya at hindi niya makita kung nasaan ang babae, kung nagtagumpay siya sa ginawa. Oo, nababaliw na siya at wala sa tamang pag-iisip. May tama siya sa gilid ng mukha dahil nabangga siya sa nabasag na windshield pero ininda niya iyon. Narinig niya ang sigawan ng mga tao sa paligid lalo na ang ama ni Veena na agad lumabas nang marinig ang kumosyon. Ipinikit niya ang mata upang alisin ang pagkahilo saka lang

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-02
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 115: Who are you?

    Sumama si Claire sa kanyang ina pabalik sa Maynila. Maraming kliyente ang naghahanap sa kanya na magpagawa ng painting o magpa-restore ng mga ceramics at balak niyang magpatayo ng sariling studio gamit ang perang naipon niya. Sa loob ng araw na nasa Antique siya ay hindi siya nakarinig ng ano man mula kay Manson. Nasasaktan siya pero ang tanging magagawa niya ay ang lunukin ang pait niyon. “Claire, bakit nakatunganga ka lang diyan at hindi pa nagbibihis? Hindi ba ang sabi mo ay may auction kang pupuntahan ngayon?”Biglang natauhan si Claire nang marinig ang boses ng kanyang ina na kinakausap siya. Mabuti na lamang at nakatalikod siya rito habang nakatingin sa labas ng bintana dahil kung hindi ay makikita na nama siya nito na umiiyak. Pero hindi yata talaga kayang dayain ang puso ng mapagmahal na ina. Dahil bago pa man makasagot si Claire ay nilapitan na siya ni Mrs. Domingo saka marahang hinaplos ang kanyang likod.“Mahal mo si Manson pero bakit pumayag ka na makipaghiwalay? Pareho

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-04
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 116: I'll be courting you

    Humigpit ang pagkakahawak ni Claire sa painting habang ang nagtatakang tingin ay palipat-lipat kay Manson at sa babae. “Sino siya?” kapagkuwan ay wala sa sariling tanong niya. Bago makasagot si Manson ay naunahan na ito ni Damon na nasa likuran ni Claire at humarang sa kanya. “Manson, bakit magkasama na naman kayo ni ate?”Lalong nagksalubong ang kilay ni Claire sa sinabi ni Damon. “Kilala mo siya?” tanong niya kay Damon na ang tinutukoy ang babae. Nilingon siya ni Damon saka malapad na ngumiti. “She’s my sister. And this one here,” lumapit ito kay Manson at inakbayan sa balikat. “He is Manson. A family friend.”Hindi sumagot si Manson bagkus ay umalis ito sa pagkakaakbay ni Damon at lumapit sa kanya. Tumigil ito sa harapan niya at puno nang pag-alalang nagtanong sa kanya. “Claire, how are you? Nabalitaan ko na naghahanap ka ng bahay para gawing studio. I can help you with it. May mga property pa ako na puwede kong ibigay sa ‘yo.”Napatulala si Claire habang nakatingin kay Manson.

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-06
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 117: A house as a gift

    Papasok na si Luke sa opisina nang biglang tumunog ang cellphone niya. It was an overseas call so he didn't have a choice but to answer. Isa lang ang alam niyang tatawag sa kanya mula sa ibang bansa, ang kanyang ina. “Yes, ma,” walang buhay na sagot niya. He pressed his thumb on the biometric scanner and the door to his office opened. Tahimik siyang pumasok habang pinapakinggan ang walang tigil na sermon ng kanyang ina. “Hanggang kailan ka makipagkita sa babaeng ‘yan? Alam mong asawa niya ang pamilyang ‘yon. Bakit kailangan mo pang idikdik ang sarili mo sa kanya?” Umupo si Luke sa mahabang sofa saka ipinatong ang dalawang paa sa mesa at patamad na sumandal. “They are already divorced and she is heartbroken. Pero you know naman, ma. I am not that kind of person who jumps in and reaches if a woman is in distress. Ayaw kong bigyan siya nang impression na sinasamantala ko ang kahinaan niya. I will wait. Dahil kung talagang gusto ko siyang makuhang muli ay matagal ko na siyang dinala di

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-07
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 118: Getting back on her feet

    “So, tama nga ang hinala ko na dito mo nilulunga ang babaeng ‘to?” Itinuro ni Mr. Perie si Claire na nasa likuran pa rin ni Manson. Ang kanyang ina ay may hawak na walis at nakahanda na para hampasin ang ama ni Manson anumang oras. Dumilim ang mukha ni Manson at naniningkit ang matang tiningnan ang ama habang ang kamay ay nakahawak sa beywang ni Claire upang itago ito sa likuran niya. “Ano’ng ginagawa mo rito? This is my property at wala kang karapatan pigilan kung sino man ang gusto kong patirahin dito.” Mr. Perie huffed in anger as his eyes stared darkly at the woman behind his son. “Claire, I’ll say this one more time. Layuan mo ang anak ko. Kung ayaw mong gawin ko ang sinabi ko sa ‘yo—”Nang marinig ni Mrs. Domingo ang sinabi ni Mr. Perie ay kaagad nitong iwinasiwas ang hawak na walis. “At sino sa tingin mo ang pinagbabantaan mo? Akala mo matatakot kami sa ‘yo? Aba, matagal-tagal na akong nagtitimpi sa ‘yong matanda ka!”Mabilis na lumabas si Claire mula sa likuran ni Manson at

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-08
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 119: Another Rival

    Matapos siyang ihatid ni Manson pabalik sa bahay ng kanyang ina ay agad rin itong umalis. Buong biyahe ay hindi rin siya nito kinikibo. Alam ni Claire na nagseselos ito dahil kinausap niya si Luke pero hindi niya kayang tanggihan ang lalaki. “Claire, may nangyari na naman ba sa inyo ni Manson? Bakit parang galit na naman yata ang lalaking iyon?”Napahinto sa akmang paghakbang papasok sa loob ng bahay si Claire nang marinig ang tanong ng ina. Kalmado ang mukha na nilingon niya ito. “Wala, ma. Pagod lang siguro si Manson kaya wala sa mood.” Hindi niya sinabi rito ang totoo dahil siguradong sari-saring salita na naman ang maririnig niya. “Sige, ma. Mauuna na ako at may gagawin pa ako.”Matapos niyang magpaalam ay hinayaan siya nito at hindi na kinuwestiyon pa. Matapos makapagbihis ng presentableng bestida ay muling nagpaalam si Claire sa ina na aalis. Hindi na ito nagtanong pero puno nang hinala ang mata nito bago siya pinayagan. Habang sakay ng taxi ay tinawagan siya ni Manson at pin

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-10
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 120: ...

    “Perie, nakaratay na sa ospital ang anak ko, pero ni isa sa pamilya mo walang bumisita sa kanya? Nasaan na ang pinangako mo na ipapakasal mo si Veena kay Manson? Bakit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari?” Nagkasalubong ang kilay ni Mr. Perie nang marinig ang nakakairitang boses ng kaibigan niya, ang ama ni Veena na si Mr. Coltre. Mainit na ang ulo niya dahil sa pamimilit ng kanyang asawang si Morsheire na makipag-divorce. Kagagaling lang niya sa studio nito dahil kauuwi lang nito galing Paris mula sa Fashion show na dinaluhan nito at ang divorce kaagad ang sinalubong nito sa kanya. “Tanda, sinabi ko na sa ‘yo na ayaw na ni Manson sa anak mo. Isa pa, ibinibigay ko na sa inyo si Bruce para ipakasal kay Veena, sino ba ang may ayaw? Wala na akong magagawa do’n kung ni isa sa mga anak ko ay ayaw piliin ng dalaga mo.” Marahas siyang napabuga ng hangin upang alisin ang iritasyon na labis na nagpapakulo ng kanyang dugo. “Divorce na ang anak mo at ang hampas-lupang iyon. Ano pa an

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-13

Bab terbaru

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 217: Siblings

    Ilang araw ang lumipas nang mabalitaan ni Claire na pinamanahan siya ni Mr. Campbell nang malaking mana na labis niyang ikinabigla. Alam niyang tunay siya nitong apo pero sino ang mag-aakala na halos lahat ng yaman ay ipapamana nito sa kanya!? Ang rason nito ay dahil binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon na mabuhay muli. Kahit ang kapatid niyang si Vincent ay agree sa lolo nito pero hindi si Claire kaya naman agad siyang sumugod sa ospital upang komprontahin ang matanda. Pero naabutan niya roon si Lucas. “Lucas, nandito ka…” Tinanguan siya ng binata bago nilapitan saka mahigpit na niyakap. Claire patted him on the back. Agad rin namang kumalas si Lucas at baka magselos na naman si Manson kung may magsumbong dito.“I heard what happened. Ayos ka lang ba? Nandito ako para bisitahin si Mr. Campbell bago puntahan ka pero hindi ko akalain na makikita kita rito.” Umatras ito ng dalawang beses saka mataman siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “Why do you look so haggard? Bakit ang

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 216: Wedding Bells

    Ang buong akala ni Claire ay makikilanlan ng kanyang ina ang pangalang Onyxie, pero isa iyong pagkakamali dahil ang sumunod na sandali ay bigla siyang hinampas nito ng unan. “No! Umalis kayo! Umalis kayo! Huwag niyong kunin ang anak ko!” Dahil hindi agad nakatayo si Claire sa kama ay nahablot siya ng kanyang ina sa braso at kahit nangangayat ito ay pwersado pa rin ito. Hinila siya nito patayo sa kama saka itinulak sa sahig. dahil nagulat ang lahat sa bayolenteng kilos ni Odette ay hindi agad nakahuma si Manson at hindi niya napigilan ang pagbalibag ng katawan ni Claire. “Claire!” Mabilis siyang nilapitan ni Manson at inalalayan na makatayo. Kahit naging bayolente ang kanyang ina ay walang sumigaw at nanatiling kalmado ang lahat para hindi ito ma-aggravate. “Mom, mom, stop. It’s Onyxie. Hindi siya lalayo sa ‘yo. Hindi ka niya iiwan.” Lumapit si Vincent sa ina at inalo ito habang ang isang kamay ay pinindot ang bell para tumawag ng nurse. Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 215: Visiting

    “Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 214: False Alarm

    “I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 213: Truth accidentally discovered

    Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 212: Selfish

    Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 211: Evil Woman

    Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 210: Indeed

    Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 209: Bone Marrow transplant

    Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status