“Perie, nakaratay na sa ospital ang anak ko, pero ni isa sa pamilya mo walang bumisita sa kanya? Nasaan na ang pinangako mo na ipapakasal mo si Veena kay Manson? Bakit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari?” Nagkasalubong ang kilay ni Mr. Perie nang marinig ang nakakairitang boses ng kaibigan niya, ang ama ni Veena na si Mr. Coltre. Mainit na ang ulo niya dahil sa pamimilit ng kanyang asawang si Morsheire na makipag-divorce. Kagagaling lang niya sa studio nito dahil kauuwi lang nito galing Paris mula sa Fashion show na dinaluhan nito at ang divorce kaagad ang sinalubong nito sa kanya. “Tanda, sinabi ko na sa ‘yo na ayaw na ni Manson sa anak mo. Isa pa, ibinibigay ko na sa inyo si Bruce para ipakasal kay Veena, sino ba ang may ayaw? Wala na akong magagawa do’n kung ni isa sa mga anak ko ay ayaw piliin ng dalaga mo.” Marahas siyang napabuga ng hangin upang alisin ang iritasyon na labis na nagpapakulo ng kanyang dugo. “Divorce na ang anak mo at ang hampas-lupang iyon. Ano pa an
“Pa, siya si Claire. Siya ang sinasabi ko sa inyong magaling magpinta. Akala ko ba gusto niyo siyang makausap, bakit aalis na kayo?”Nginitian siya ng ama ni Damon. “Hello, Miss Claire. I heard about you from my son. Should we talk outside?”Iminuwestra nito ang kamay at itinuro ang pinto. Sumunod si Claire na hindi tinapunan ng tingin si Manson. Nang makalabas sila ng private room ay saka inusisa ni Damon ang ama. “Pa, bakit kailangan pa nating umalis? Puwede naman kayong mag-usap ni Miss Claire sa loob?”Pinandilatan si Damon ng ama. “Shh. Huwag ka ngang masiyadong maraming salita. Hindi mo ba alam na ginawa ni Mr. Perie ang meeting na ito para sa kambal mo at kay Manson. They are a perfect match, aren’t they?”Nanlaki ang mata ni Damon sa narinig at nag-aalalang napatingin kay Claire pero nakayuko ang babae kaya hindi niya alam kung ano ang naging reaksyon nito. “Pero…”“Wala ng pero-pero. Tumahimik ka na at hayaan mo ang ate mo at si Manson.” Nilingon nito si Mr. Perie na nasa l
Mukhang nalaman ni Manson ang nangyari sa ama nito dahil kinahapunan ay tinawagan siya nito.“Manson, tumawag ka ba para pagalitan ako dahil sa ginawa ko sa ama mo?” walang buhay na tanong niya. May tampo pa rin siya rito dahil simula kagabi ay hindi pa rin ito nagpapakita sa kanya. Naka-connect sa earpiece ang cellphone niya dahil ang kamay ay abala sa paglilinis ng ceramic vase na pinadala sa kanya ng kliyente. Mula nang malaman ng mga naging kliyente niya kay Mr. Campbell na nagtatag siya ng sariling studio ay sinundan siya ng mga ito kaya’t sunod-sunod na nagpuntahan ang mga ito sa studio niya. Kakatapos pa lang niya sa isa ay mayroon na ulit kaya maghapon na naging abala si Claire. Kung hindi lang tumawag si Manson ay hindi pa siya tumigil. Hindi lang pagre-restore ng ceramic vases ang pinagawa sa kanya ng customer kundi may ilan din painting restoration. At dahil mula iyon sa makalumang panahon ay kailangan ni Claire ng maraming oras upang magawa nang ayos ang bawat detalye ng
Halos araw-araw ay binibisita ni Manson si Claire sa bagong studio niya. Ang rason nito, ay nanliligaw daw ito. Gustuhin man ni Claire na tanggihan ang dating asawa ay hindi niya magawa dahil kahit ano’ng pagtataboy niya ay pinipigilan pa rin siya ng kanyang puso. Mahal pa rin niya ang lalaki. Pero sa loob ng mga araw na nagkikita sila ni Manson, kasunod niyon ay ang galit at pagbabanta ni Mr. Perie. Mukhang hindi pa ito nadadala sa bote na nakadikit sa palad nito na hanggang ngayon ay hirap pa ring tanggalin. Ang masaklap pa, lagi pa ring nagkikita sina Manson at Devorah, ayon kay Damon na laging nag-aabot ng balita sa kanya. Ang dahilan ay dahil sa negosyo na itatayo ng dalawang pamilya pero ang sabi ni Damon ay nagugustuuhan ng kakambal nito si Manson at gusto nitong ipursige dahil hiwalay na rin naman ito sa kanya. At higit sa lahat ay sinang-ayunan iyon ni Mr. Perie. Walang imik si Claire sa lahat ng ito dahil abala siya sa paghahanda niya sa pagpunta niya sa Peru. “My assista
“Nakakamangha. Iba talaga kapag nakita mo siya sa personal kaysa sa loob lamang ng screen. Hindi ba, Aurora?” malawak ang ngiti na tanong ni Claire sa kasamang si Aurora, na may hindi kalayuan sa kanya. Habang ito ay abala sa pagkuha ng litrato, siya naman ay tutok na tutok sa painting ng Funeral of Saint Rose. Talagang nakakabighani ang ganda nito at halos ayaw ihiwalay ni Claire ang mga titig. “Mabuti na lang talaga at nakinig ka sa payo ko na pumunta rito. Alam mo bang bukas ay mayroon silang exhibit para sa mga bagong dating nilang collections?” Nilapitan siya ni Aurora at tumayo sa tabi niya saka sabay nilang pinagmasdan ang painting. “Ang balita ko, mas antiques at mas kilalang mga gawa ang i-exhibit nila simula bukas.” Nanlaki ang matang nilingon niya ang katabi. Malakas siyang napasinghap kaya pinagtinginan siya ng ibang naroon. Natutop niya ang bibig upang takpan ang ingay saka sinagot si Aurora. “Talaga? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” Ang balak ni Claire ay tatlong araw
Tatlong linggo na ang nakalipas magmula nang pumunta sa Peru si Claire at sa loob ng mga araw na iyon ay ginugol niya ang oras sa pagpipinta ng Funeral of Saint Rose, para kay Mr. Santiago. Malapit na niya iyong matapos at hindi niya maiwasang mamangha sa naging resulta dahil kuhang-kuha niyon ang orihinal na gawa ni Teofilo Castillo. Ibinuhos niya rito ang kaluluwa at oras niya, kaya hindi puwedeng palpak ang maging resulta niyon. Kahit si Manang Silva ay manghang-mangha sa gawa niya at nagpapalakpak pa ito. Kahit pa sa loob ng mga sandaling ito ay nasasaktan siya dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Manson, hindi niya hinayaan ang sarili na mawalan ng kontrol at magpatalo sa emosyon. Kailangan niyang maging matatag. Simula nang nangyaring pagtatapat nila sa hotel at kasama niya si Luke ay halos hindi na rin nagpapakita sa kanya si Manson. Minsanan na lang kung dalawin siya nito. Isa pa, abala siya ngayon sa pagti-tv guesting kaya hindi rin sila nito masiyadong nagpapangi
Mapait na ngumiti si Claire nang makita ang pambabalewala ni Manson. Alam niyang nagseselos ito kay Luke dahil sa nangyari sa Peru. Sinubukan niya nang magpaliwanag pero balewala lang rito ang lahat. Dahil sa isping ito ay lalong nanakit ang dibdib ni Claire at nahihirapan siyang huminga kaya hindi siya agad umalis at baka aksidente lang ang patutunguhan niya kung hindi siya kalmado. Dahil nakasarado ang pinto at ayaw naman niyang nakaandar lang ang makita ng kotse ay ibinaba niya ang bintana sa magkabilang gilid saka mabilis na humugot nang malalim na buntong-hininga upang pakalmahin ang sarili. Ilang beses niya iyong inulit hanggang sa tuluyan siyang kumalma saka lang niya muling ini-start ang kotse. The engine roared and Claire stepped on the gas. Her expression relax as she drove out of Mr. Santiago’s house. Nabigo man siyang maibenta ang painting na pinaghirapan niyang gawin ay positibo pa rin siya na maibebenta niya iyon sa iba sa mas malaking halaga. Ngayo'y marami na siyang
Nagising si Claire kinabukasan dahil sa malakas na tunog ng telepono sa salas. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa sofa pagkatapos siyang ihatid ni Manson kagabi. Hinagilap niya ang cellphone para tingnan ang oras pero hindi niya iyon mahanap kaya dumako ang kanyang tingin sa nakapatong na maliit na digital alarm clock sa ibabaw ng mesita. Ang alarm clock na ito lang ang siyang tanging nagbibigay ng liwanag sa paligid. “Four am? Sino namang tatawag sa akin ng alas-kuwatro ng madaling-araw?” Pero nang maalala na tanging kliyente lang niya ang nakakaalam ng numero niya, kahit nahihirapang magmulat ay pilit siyang bumangon upang sagutin ang telepono. Dahil hindi pa siya masiyadong pamilyar sa lay-out ng bagong bahay at madilim ang paligid, ay pakapa-kapa siya hanggang makarating siya sa telepono na nakalagay sa gilid ng hagdan.“Hello?” namamaos ang boses at inaantok na tanong niya. Kinapa niya ang switch ng ilaw saka ini-on iyon at nang bumaha ang liwanag sa paligid ay saka
Ilang araw ang lumipas nang mabalitaan ni Claire na pinamanahan siya ni Mr. Campbell nang malaking mana na labis niyang ikinabigla. Alam niyang tunay siya nitong apo pero sino ang mag-aakala na halos lahat ng yaman ay ipapamana nito sa kanya!? Ang rason nito ay dahil binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon na mabuhay muli. Kahit ang kapatid niyang si Vincent ay agree sa lolo nito pero hindi si Claire kaya naman agad siyang sumugod sa ospital upang komprontahin ang matanda. Pero naabutan niya roon si Lucas. “Lucas, nandito ka…” Tinanguan siya ng binata bago nilapitan saka mahigpit na niyakap. Claire patted him on the back. Agad rin namang kumalas si Lucas at baka magselos na naman si Manson kung may magsumbong dito.“I heard what happened. Ayos ka lang ba? Nandito ako para bisitahin si Mr. Campbell bago puntahan ka pero hindi ko akalain na makikita kita rito.” Umatras ito ng dalawang beses saka mataman siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “Why do you look so haggard? Bakit ang
Ang buong akala ni Claire ay makikilanlan ng kanyang ina ang pangalang Onyxie, pero isa iyong pagkakamali dahil ang sumunod na sandali ay bigla siyang hinampas nito ng unan. “No! Umalis kayo! Umalis kayo! Huwag niyong kunin ang anak ko!” Dahil hindi agad nakatayo si Claire sa kama ay nahablot siya ng kanyang ina sa braso at kahit nangangayat ito ay pwersado pa rin ito. Hinila siya nito patayo sa kama saka itinulak sa sahig. dahil nagulat ang lahat sa bayolenteng kilos ni Odette ay hindi agad nakahuma si Manson at hindi niya napigilan ang pagbalibag ng katawan ni Claire. “Claire!” Mabilis siyang nilapitan ni Manson at inalalayan na makatayo. Kahit naging bayolente ang kanyang ina ay walang sumigaw at nanatiling kalmado ang lahat para hindi ito ma-aggravate. “Mom, mom, stop. It’s Onyxie. Hindi siya lalayo sa ‘yo. Hindi ka niya iiwan.” Lumapit si Vincent sa ina at inalo ito habang ang isang kamay ay pinindot ang bell para tumawag ng nurse. Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala
“Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana
“I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito
Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka
Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a
Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u
Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m
Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa