Mukhang nalaman ni Manson ang nangyari sa ama nito dahil kinahapunan ay tinawagan siya nito.“Manson, tumawag ka ba para pagalitan ako dahil sa ginawa ko sa ama mo?” walang buhay na tanong niya. May tampo pa rin siya rito dahil simula kagabi ay hindi pa rin ito nagpapakita sa kanya. Naka-connect sa earpiece ang cellphone niya dahil ang kamay ay abala sa paglilinis ng ceramic vase na pinadala sa kanya ng kliyente. Mula nang malaman ng mga naging kliyente niya kay Mr. Campbell na nagtatag siya ng sariling studio ay sinundan siya ng mga ito kaya’t sunod-sunod na nagpuntahan ang mga ito sa studio niya. Kakatapos pa lang niya sa isa ay mayroon na ulit kaya maghapon na naging abala si Claire. Kung hindi lang tumawag si Manson ay hindi pa siya tumigil. Hindi lang pagre-restore ng ceramic vases ang pinagawa sa kanya ng customer kundi may ilan din painting restoration. At dahil mula iyon sa makalumang panahon ay kailangan ni Claire ng maraming oras upang magawa nang ayos ang bawat detalye ng
Halos araw-araw ay binibisita ni Manson si Claire sa bagong studio niya. Ang rason nito, ay nanliligaw daw ito. Gustuhin man ni Claire na tanggihan ang dating asawa ay hindi niya magawa dahil kahit ano’ng pagtataboy niya ay pinipigilan pa rin siya ng kanyang puso. Mahal pa rin niya ang lalaki. Pero sa loob ng mga araw na nagkikita sila ni Manson, kasunod niyon ay ang galit at pagbabanta ni Mr. Perie. Mukhang hindi pa ito nadadala sa bote na nakadikit sa palad nito na hanggang ngayon ay hirap pa ring tanggalin. Ang masaklap pa, lagi pa ring nagkikita sina Manson at Devorah, ayon kay Damon na laging nag-aabot ng balita sa kanya. Ang dahilan ay dahil sa negosyo na itatayo ng dalawang pamilya pero ang sabi ni Damon ay nagugustuuhan ng kakambal nito si Manson at gusto nitong ipursige dahil hiwalay na rin naman ito sa kanya. At higit sa lahat ay sinang-ayunan iyon ni Mr. Perie. Walang imik si Claire sa lahat ng ito dahil abala siya sa paghahanda niya sa pagpunta niya sa Peru. “My assista
“Nakakamangha. Iba talaga kapag nakita mo siya sa personal kaysa sa loob lamang ng screen. Hindi ba, Aurora?” malawak ang ngiti na tanong ni Claire sa kasamang si Aurora, na may hindi kalayuan sa kanya. Habang ito ay abala sa pagkuha ng litrato, siya naman ay tutok na tutok sa painting ng Funeral of Saint Rose. Talagang nakakabighani ang ganda nito at halos ayaw ihiwalay ni Claire ang mga titig. “Mabuti na lang talaga at nakinig ka sa payo ko na pumunta rito. Alam mo bang bukas ay mayroon silang exhibit para sa mga bagong dating nilang collections?” Nilapitan siya ni Aurora at tumayo sa tabi niya saka sabay nilang pinagmasdan ang painting. “Ang balita ko, mas antiques at mas kilalang mga gawa ang i-exhibit nila simula bukas.” Nanlaki ang matang nilingon niya ang katabi. Malakas siyang napasinghap kaya pinagtinginan siya ng ibang naroon. Natutop niya ang bibig upang takpan ang ingay saka sinagot si Aurora. “Talaga? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” Ang balak ni Claire ay tatlong araw
Tatlong linggo na ang nakalipas magmula nang pumunta sa Peru si Claire at sa loob ng mga araw na iyon ay ginugol niya ang oras sa pagpipinta ng Funeral of Saint Rose, para kay Mr. Santiago. Malapit na niya iyong matapos at hindi niya maiwasang mamangha sa naging resulta dahil kuhang-kuha niyon ang orihinal na gawa ni Teofilo Castillo. Ibinuhos niya rito ang kaluluwa at oras niya, kaya hindi puwedeng palpak ang maging resulta niyon. Kahit si Manang Silva ay manghang-mangha sa gawa niya at nagpapalakpak pa ito. Kahit pa sa loob ng mga sandaling ito ay nasasaktan siya dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Manson, hindi niya hinayaan ang sarili na mawalan ng kontrol at magpatalo sa emosyon. Kailangan niyang maging matatag. Simula nang nangyaring pagtatapat nila sa hotel at kasama niya si Luke ay halos hindi na rin nagpapakita sa kanya si Manson. Minsanan na lang kung dalawin siya nito. Isa pa, abala siya ngayon sa pagti-tv guesting kaya hindi rin sila nito masiyadong nagpapangi
Mapait na ngumiti si Claire nang makita ang pambabalewala ni Manson. Alam niyang nagseselos ito kay Luke dahil sa nangyari sa Peru. Sinubukan niya nang magpaliwanag pero balewala lang rito ang lahat. Dahil sa isping ito ay lalong nanakit ang dibdib ni Claire at nahihirapan siyang huminga kaya hindi siya agad umalis at baka aksidente lang ang patutunguhan niya kung hindi siya kalmado. Dahil nakasarado ang pinto at ayaw naman niyang nakaandar lang ang makita ng kotse ay ibinaba niya ang bintana sa magkabilang gilid saka mabilis na humugot nang malalim na buntong-hininga upang pakalmahin ang sarili. Ilang beses niya iyong inulit hanggang sa tuluyan siyang kumalma saka lang niya muling ini-start ang kotse. The engine roared and Claire stepped on the gas. Her expression relax as she drove out of Mr. Santiago’s house. Nabigo man siyang maibenta ang painting na pinaghirapan niyang gawin ay positibo pa rin siya na maibebenta niya iyon sa iba sa mas malaking halaga. Ngayo'y marami na siyang
Nagising si Claire kinabukasan dahil sa malakas na tunog ng telepono sa salas. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa sofa pagkatapos siyang ihatid ni Manson kagabi. Hinagilap niya ang cellphone para tingnan ang oras pero hindi niya iyon mahanap kaya dumako ang kanyang tingin sa nakapatong na maliit na digital alarm clock sa ibabaw ng mesita. Ang alarm clock na ito lang ang siyang tanging nagbibigay ng liwanag sa paligid. “Four am? Sino namang tatawag sa akin ng alas-kuwatro ng madaling-araw?” Pero nang maalala na tanging kliyente lang niya ang nakakaalam ng numero niya, kahit nahihirapang magmulat ay pilit siyang bumangon upang sagutin ang telepono. Dahil hindi pa siya masiyadong pamilyar sa lay-out ng bagong bahay at madilim ang paligid, ay pakapa-kapa siya hanggang makarating siya sa telepono na nakalagay sa gilid ng hagdan.“Hello?” namamaos ang boses at inaantok na tanong niya. Kinapa niya ang switch ng ilaw saka ini-on iyon at nang bumaha ang liwanag sa paligid ay saka
“Hanggang ngayon ba ay nakatitig ka pa rin diyan?” natatawang tanong ni Manson kahit nakatutok sa pagmamaneho. Hindi ito pinansin ni Claire at patuloy lang sa pagtitig sa tseke na naglalaman ng sampung milyong dolyares. Ngayon lang siya nakahawak ng ganito kalaking pera sa tanang buhay niya. “Wala namang masama kung paulit-ulit ko itong tingnan, hindi ba?” Nilingon niya si Manson. Nagpapasalamat siya rito dahil kung hindi dahil sa kanya ay ay hindi niya maibenta ang painting. “Nope. You have all the right to admire the fruit of your labor. You deserve all of it, Claire.” Tumingin ito sa kanya dahil nakahinto ang kotse saka ginagap ng isang kamay nito ang palad niya at dinala sa labi upang halikan. “You are amazing.”Hindi na nakipag-argumento si Claire at nginitian ito pabalik. “Salamat. Kung hindi dahil sa ‘yo ay hindi ko makukuha lahat ng ito.”“Tatanggapin ko lang ang pasasalamat mo kapag magpapakasal ka na sa aking muli.” May biro sa boses ni Manson pero alam ni Claire na may b
Naging madali ang biyahe ni Claire at pagkarating nga sa airport sa LAX ay sinundo siya ng assistant ni Mr. Padroncillio saka sila dumiretso sa villa nito sa isa sa pinakamayamang state sa lugar. Base pa lang sa magarbo at eleganteng villa nito ay masusukat o na kung gaano kayaman si Mr. Padroncillio pero nang makapasok si Claire sa loob at makita ang mga collections ng matanda ay lalo pa siyang napa-wow. Talagang napakadami at authentic ng mga collections nito. Umaga na nakarating si Claire at nagpahinga lang siya ng kaunti kaya’t pagkatapos mananghalian ay tinanong na niya si Mr. Padroncillio kung nasaan ang mga paintings na gusto nitong ipa-restore. At ngayong nandito na nga siya sa loob ay hindi niya maiwasang mamangha. Inihanda na niya ang sarili niya sa makikita pero labis pa rin ang kanyang pagmangha. Iba talaga kapag mapera na kayang mangolekta ng sandamakmak na paintings. Para na itong maliit na museum dahil bukod sa paintings ay mayroon pang ancient vases, artifacts, at kah
Kinabukasan, nagpahayag ng imbitasyon si Vincent kina Claire at Manson na gusto nitong manood ng sine matapos mag-dinner sa labas. Pero ang totoong dahilan nito ay nahihiya kung silang dalawa lang ni Meesha ang magkasama. Dahil buong araw na nakapagpahinga ang dalawa ay pinaunlakan nila si Vincent. “Vincent, paano ka naman makaka-iskor kay Meesha niyan kung kasama mo kami?” biro ni Claire kay Vincent nang matapos na silang manood. Nasa labas na sila sa hallway habang hinihintay si Meesha na lumabas ng banyo. Napakamot sa ulo ang lalaki at kinakabahang napatawa. “That’s why I asked you and Manson to come. Kailangan ko lang ng moral support.” “Tsk!” naiiling na komento ni Manson pero wala na itong sinabi dahil papalapit na sa kanila si Meesha. “Goodluck! Kaya mo ‘yan!”Nangunot ang noo ni Meesha dahil sa sinabi ni Claire. “Bakit, ano’ng meron?” Tumayo ito sa tabi ni Vincent at pinaningkitan ng mata ang binata. Alanganin na ngumiti si Vincent saka inaya si Meesha. “Nothing. They
Kinabukasan ay palihim na kinausap si Claire ng kanyang ina sa kanyang kuwarto na ikinagulat niya dahil maaga pa lang ay nasa loob na ito. “Ma, may kailangan ka?” hindi niya mapigilang usisain ito dahil sa labis na pagtataka. Nakahiga pa siya sa kama dahil katatapos niya lang makipag-usap kay Manson. Umupo ang kanyang ina sa gilid ng kama malapit sa uluhan niya at hinaplos ang magulo niyang buhok saka pilit na ngumiti. Nangunot naman ang noo ni Claire dahil sa nakikitang itsura ng ina na tila hindi ito nakatulog dahil sa malalim ang iniisip. Hinintay niya itong sumagot upang pakinggan kung sakali mang may dinadala itong problema. “Claire, ano ang tingin mo ay Lucas?”Lalong nagkasalubong ang kanyang kilay at nagkaroon ng hinala kung bakit tila balisa ito. “Ma, is this about Aunty Marriotte asking me to marry Lucas?” Tumango ito at dumilim ang mukha ni Claire. “Ma, it can't be happen. Hindi ako magpapakasal kay Lucas dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kung ano man ang n
Abala si Claire sa pag-aalaga kay Lola Rosa, ang lola ni Lucas, na hindi niya napansin ang pitong araw na binigay sa kanya ni Manson ay tapos na. Araw-araw siyang tumutungo sa ospital at inaalagan, binabantayan at iginagala sa compound ng hospital si Lola Rosa. kung hindi pa siya sinabihan ng kanyang ina na kailangan na nilang umuwi dahil siguradong magagalit na naman si Manson. Kahit si Lucas ay inuudyukan din siyang bumalik na sa Pilipinas at kaya naman na nitong alagaan si Lola Rosa pero sa araw-araw na lumilipas na nakikita niyang ang unti-unting paghihina ng matanda ay nasasaktan siya at hindi niya ito kayang iwan. Naalala niya ang kanyang lola. Namatay ito na wala siya sa tabi nito. “Claire, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Kaya ko nang alagaan si Lola. bumalik ka na ng Pilipinas dahil sigurado akong hinahanap ka na ng kapatid ko. Kapag magtatagal ka pa rito ay sigurado akong hindi ka na makakabalik dahil sa ngayon ay ikaw na lang ang hinahanap ni Lola.”Mahinang napatawa
Dumating ang araw ng linggo na pinakahihintay ni Claire. Ngayong gabi kasi ay pupunta sa bahay nila sina Meesha at Vincent para sumalo sa hapunan kaya naman naghanda ng maraming pagkain si Claire. Hindi niya alam kung ano ang paboritong pagkain ng dalawa kaya bago maghanda ay tinanong niya muna si Manson na sikreto namang tinanong si Meesha upang alamin. Bukod sa in-order niyang putahi ay mayroon ding nilutong pagkain si Claire na natutunan niya sa kanyang lola noong nabubuhay pa ito. At habang naghahanda nga siya ay may hindi maipaliwanag na tuwa sa kanyang puso sa isiping maka-bonding niya si Vincent. Mabuti na lamang at kahit halata sa kilos niya ang tuwa habang naghahanda ay hindi nagselos si Manson at inaprubahan lang kung ano ang gusto niya. Dahil wala si Aurora sa bahay ay sila ni Manang Silva lang ang natoka sa kusina kaya naman nang dumating ang dalawang bisita ay si Manson ang sumalubong dito. Habang nagsalo-salo ang tanging nagsasalita ay si Meesha, as usual ito ang pinak
Kung dati ay nagdadalawang-isip pa si Claire, ngayon ay gusto na niyang sagutin ng oo si Manson hindi dahil sa ama nito na botong-boto na sa kanya sa biglang pagtaas ng posisyon niya kundi dahil gusto niya nang matali sa kanya ng tuluyan si Manson. Sa taglay na kaguwapuhan ng lalaki ay sigurado siyang marami at marami pang kababaihan ang gustong lumandi rito. Niyakap niya ang braso sa leeg ni Manson at sinserong ngumiti habang magkahinang ang kanilang mata. “You know that I always wanted to marry you. Hindi lang talaga sumasabay ang pagkakataon. I always wanted to be with you forever dahil gusto ko nang itali ka sa akin habang-buhay para wala nang ibang babae ang humarot sa ‘yo pero…” “Pero?” Umupo si Claire sa kandungan ni Manson habang nakaupo ito sa kama saka mabilis na dinampian ng halik sa labi at nagsalita. Her words were refined and delicate to appease the man of her dreams for him to agree to her plans. “Alam mong malubha na ang kalagayan ng lola ni Lucas at dahil isa siya
Hindi agad-agad naniniwala si Claire sa mga ganitong nababasa lalo na at dumarami ang mga scammers ngayon. Pero dahil binanggit ang pangalan ni Manson ay may bahagi ng isip niya ang naniniwala na baka totoo nga ito kaya naman mabilis niyang tinawagan ang numero nang nagpadala ng mensahe pero kahit anong tawag niya ay hindi niya na iyon makontak. Nagkibit siya ng balikat at binalewala iyon pero habang tumatagal ang oras na hindi nagre-reply sa kanya si Manson ay tila may sumusundot sa puso niya t hindi siya mapakali. Nang sumapit ang gabi ay halos hindi siya makatulog dahil iniisip pa rin kung sino ang misteryosong nagpadala sa kanya ng mensahe. Mabuti na lang bago siya matulog ay tumawag sa kanya si Manson at sinabing ayos lang ito kaya naman hindi na niya inungkat dito ang tungkol sa mensahe na natanggap.Kinabukasan, inumpisahan niya ang painting na personal niyang naisip. Iyon ay ang painting ng kanyang ina. Ang sabi sa kanya ng kanyang ama ay magkamukha sila nito kaya naman ginam
Mahigpit na napahawak sa jewelry box si Khaleed at tumiim ang bagang dahil hindi niya kayang isipin na ang isang tulad ni Benjamin ang ama ni Claire. A single 'ding' sound followed by the elevator’s door being opened and Manson ang Khaleed simultaneously turned their heads towards it. Nangunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Manson nang mapagsino ang nakitang lumabas. Nang nilingon niya si Khaleed ay mas madilim pa ang mukha nito sa kanya na halatang-halata ang galit sa mukha. “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” malamig na tanong ni Khaleed. Walang bahid ng ngiti sa labi nito habang nakatingin sa bagong dating na sina Benjamin at Lanette.Biglang nalukot ang mukha ni Benjamin sa tanong ni Khaleed. “Hindi ba at ako dapat ang magtanong niyan sa ‘yo? Ano ang ginagawa mo rito? Ano ang karapatan mo para bisitahin ang dati kong asawa?”Tumaas ang sulok ng labi ni Khaleed at simpleng sumagot. “Kaibigan, may problema ba roon?” kalmadong sagot niya.“Aunty Lanette, magkaibigan din ang mama ko a
Mapait na ngumiti si Khaleed saka nilingon si Manson na nakatingala pa rin sa medyo madilim na kisame. Hindi talaga niya matakasan ang matalinong tao. Kaya ito naging matagumpay sa negosyo kahit sa batang edad nito ay dahil mabusisi at matalino ito na kayang basahin ang bawat galaw ng kaharap. “Huwag mong sabihin kay Claire. Hindi niya muna kailangang malaman kung sino ang tunay niyang ina.”Tumango si Manson bilang pagsang-ayon at diretsong tiningnan si Mr. Khaleed. “Naiintindihan ko. Pero hindi ba at mas maganda kung malaman ni Claire kung sino ang ina niya at hindi naman siya nasa dilim kung sino ang tunay niyang ina? Pareho nating alam na matagal na niyang gustong malaman kung sino ang kanyang ina.”“Dahil nasa dilim ang taong gustong manakit kay Claire at tayo ay nasa liwanag. Madali tayong makikita ng kalaban. Wala akong alam kung sino ang may pakana sa pagkawala niya noon. Kung sino ang taong gustong pumatay sa kanya. Kapag kilala ng mag-ina ang isa’t isa ay sigurado akong par
“Claire? Sino’ng kausap mo?”Mula sa pagkakatayo sa pintuan ay nakangiting nilingon ni Claire ang ama na nasa kanya palang likuran. Lumamlam ang mga mata niya. “Pa, nandiyan ho pala kayo.” May munting ngiti sa labi ng kanyang ama nang lumapit ito at tumayo sa gilid niya. “Hindi mo naman sinabi na may bisita ka pala. Bakit hindi mo papasukin sa loob?” Napakamot sa batok si Claire. Ang totoo ay hindi niya rin akalaing bibisitahin siya ni Lucas. Ang buong akala niya ay nasa America pa ito kaya’t nagulat siya nang bigla siya nitong sinurpresa. Kadarating lang nito nang makita sila ng kanyang ama pero nag-aalangan siya kung papasukin ito o hindi dahil hindi niya ito pamamahay at hindi siya sigurado kung okay lang ba sa kanyang ama kung magpapasok siya ng bisita. “Ah kasi ano, pa…” Nilingon niya si Lucas na ang pokus ng tingin ay nasa kanyang ama. “Huwag ka nang mahiya, Claire. Paalis na rin ako kaya malaya kayong makakapag-usap.”Namula ang mukha ni Claire dahil sa sinabi ng kanyang am