Tatlong linggo na ang nakalipas magmula nang pumunta sa Peru si Claire at sa loob ng mga araw na iyon ay ginugol niya ang oras sa pagpipinta ng Funeral of Saint Rose, para kay Mr. Santiago. Malapit na niya iyong matapos at hindi niya maiwasang mamangha sa naging resulta dahil kuhang-kuha niyon ang orihinal na gawa ni Teofilo Castillo. Ibinuhos niya rito ang kaluluwa at oras niya, kaya hindi puwedeng palpak ang maging resulta niyon. Kahit si Manang Silva ay manghang-mangha sa gawa niya at nagpapalakpak pa ito. Kahit pa sa loob ng mga sandaling ito ay nasasaktan siya dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Manson, hindi niya hinayaan ang sarili na mawalan ng kontrol at magpatalo sa emosyon. Kailangan niyang maging matatag. Simula nang nangyaring pagtatapat nila sa hotel at kasama niya si Luke ay halos hindi na rin nagpapakita sa kanya si Manson. Minsanan na lang kung dalawin siya nito. Isa pa, abala siya ngayon sa pagti-tv guesting kaya hindi rin sila nito masiyadong nagpapangi
Mapait na ngumiti si Claire nang makita ang pambabalewala ni Manson. Alam niyang nagseselos ito kay Luke dahil sa nangyari sa Peru. Sinubukan niya nang magpaliwanag pero balewala lang rito ang lahat. Dahil sa isping ito ay lalong nanakit ang dibdib ni Claire at nahihirapan siyang huminga kaya hindi siya agad umalis at baka aksidente lang ang patutunguhan niya kung hindi siya kalmado. Dahil nakasarado ang pinto at ayaw naman niyang nakaandar lang ang makita ng kotse ay ibinaba niya ang bintana sa magkabilang gilid saka mabilis na humugot nang malalim na buntong-hininga upang pakalmahin ang sarili. Ilang beses niya iyong inulit hanggang sa tuluyan siyang kumalma saka lang niya muling ini-start ang kotse. The engine roared and Claire stepped on the gas. Her expression relax as she drove out of Mr. Santiago’s house. Nabigo man siyang maibenta ang painting na pinaghirapan niyang gawin ay positibo pa rin siya na maibebenta niya iyon sa iba sa mas malaking halaga. Ngayo'y marami na siyang
Nagising si Claire kinabukasan dahil sa malakas na tunog ng telepono sa salas. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa sofa pagkatapos siyang ihatid ni Manson kagabi. Hinagilap niya ang cellphone para tingnan ang oras pero hindi niya iyon mahanap kaya dumako ang kanyang tingin sa nakapatong na maliit na digital alarm clock sa ibabaw ng mesita. Ang alarm clock na ito lang ang siyang tanging nagbibigay ng liwanag sa paligid. “Four am? Sino namang tatawag sa akin ng alas-kuwatro ng madaling-araw?” Pero nang maalala na tanging kliyente lang niya ang nakakaalam ng numero niya, kahit nahihirapang magmulat ay pilit siyang bumangon upang sagutin ang telepono. Dahil hindi pa siya masiyadong pamilyar sa lay-out ng bagong bahay at madilim ang paligid, ay pakapa-kapa siya hanggang makarating siya sa telepono na nakalagay sa gilid ng hagdan.“Hello?” namamaos ang boses at inaantok na tanong niya. Kinapa niya ang switch ng ilaw saka ini-on iyon at nang bumaha ang liwanag sa paligid ay saka
“Hanggang ngayon ba ay nakatitig ka pa rin diyan?” natatawang tanong ni Manson kahit nakatutok sa pagmamaneho. Hindi ito pinansin ni Claire at patuloy lang sa pagtitig sa tseke na naglalaman ng sampung milyong dolyares. Ngayon lang siya nakahawak ng ganito kalaking pera sa tanang buhay niya. “Wala namang masama kung paulit-ulit ko itong tingnan, hindi ba?” Nilingon niya si Manson. Nagpapasalamat siya rito dahil kung hindi dahil sa kanya ay ay hindi niya maibenta ang painting. “Nope. You have all the right to admire the fruit of your labor. You deserve all of it, Claire.” Tumingin ito sa kanya dahil nakahinto ang kotse saka ginagap ng isang kamay nito ang palad niya at dinala sa labi upang halikan. “You are amazing.”Hindi na nakipag-argumento si Claire at nginitian ito pabalik. “Salamat. Kung hindi dahil sa ‘yo ay hindi ko makukuha lahat ng ito.”“Tatanggapin ko lang ang pasasalamat mo kapag magpapakasal ka na sa aking muli.” May biro sa boses ni Manson pero alam ni Claire na may b
Naging madali ang biyahe ni Claire at pagkarating nga sa airport sa LAX ay sinundo siya ng assistant ni Mr. Padroncillio saka sila dumiretso sa villa nito sa isa sa pinakamayamang state sa lugar. Base pa lang sa magarbo at eleganteng villa nito ay masusukat o na kung gaano kayaman si Mr. Padroncillio pero nang makapasok si Claire sa loob at makita ang mga collections ng matanda ay lalo pa siyang napa-wow. Talagang napakadami at authentic ng mga collections nito. Umaga na nakarating si Claire at nagpahinga lang siya ng kaunti kaya’t pagkatapos mananghalian ay tinanong na niya si Mr. Padroncillio kung nasaan ang mga paintings na gusto nitong ipa-restore. At ngayong nandito na nga siya sa loob ay hindi niya maiwasang mamangha. Inihanda na niya ang sarili niya sa makikita pero labis pa rin ang kanyang pagmangha. Iba talaga kapag mapera na kayang mangolekta ng sandamakmak na paintings. Para na itong maliit na museum dahil bukod sa paintings ay mayroon pang ancient vases, artifacts, at kah
Nang makabalik sa Pilipinas ay agad na dumiretso sa lugar kung saan matatagpuan ang kayamanan na nakalagay sa mapa sina Claire at Mr. Padroncillio. Kasama nila ang ilang tauhan ng mga ito pati na rin ang ibang expert sa treasure hunting. Nasa Cordellira region ang lugar na tinutukoy sa mapa at doon rin matatagpuan ang mga ninuno ni Mr. Padroncillio. Ngunit isang problema ang nadatnan nila. Dahil sa hindi mahigpit ang seguridad sa sementeryo kung saan nakalibing ang ninuno ni Mr. Padroncillio, ang krus na nakatusok kung saan nakalagay ang kayamanan ay nawawala kaya nahihirapan silang ma-pinpoint ang eksaktong kinalalagyan niyon. “Hindi puwedeng uuwi kami ng bigo,” mahinang bulong ni Claire. May alam siyang tao na eksperto sa ganitong trabaho, si Aurora. Kaagad siyang lumayo kay Mr. Padroncillio saka mabilis na tinawagan ang kaibigan saka ipinaliwanag dito ang sitwasyon. “Claire, magaling akong magbukas ng makalumang mekanismo pero hindi ako eksperto sa paghahanap ng kayamanan. Ir
Nang gabi ring iyon ay agad na bumiyahe pabalik ng Manila si Claire kasama ang dalawang bodyguard niya. Buong biyahe ay hindi siya mapakali at puno ng pag-aalala para kay Manson ang puso niya. Kahit gabi na ay mabigat pa rin ang daloy ng trapiko kaya inabot din ng siyam na oras ang kanilang biyahe bago makarating sa Manila. Pinauwi niya ang dalawang bodyguard dahil alam niyang pagod ang mga ito sa pagmamaneho ng buong gabi. Madaling-araw na pero hindi nakaramdam ng antok si Claire dahil kahit papaano ay nakatulog siya sa biyahe. May isang guard na nakabantay sa labas ng pinto ng kuwarto kung saan naka-admit si Manson. Kilala ito ni Claire dahil ito ang bodyguard na sumama sa kanya noon sa Davao. Bago pa man siya makiusap dito na papasukan siya ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Mr. Peire. Nang makita siya nito ay agad na dumilim ang mukha nito at mabilis a isinara ang pinto sa likuran nito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” madilim ang mukhang tanong nito. “Hiwalay na kayo ng anak
Dahil kinakailangan na ring magpahinga ni Claire at hindi na kinaya ang pagod at antok ay nagpasya siyang umuwi at babalik na lang mamayang hapon kapag nakapagpahinga na. Naiwan si Meesha sa loob dahil ito muna ang magbabantay sa kapatid nito. Pagkalabas ni Claire ng kuwarto ay naghihintay sa labas si Mr. Perie. “Claire, gusto kitang makausap.”Dahil gusto ni Claire na muli pang makabalik at makausap si Manson ay pumayag siya sa request ng dating father-in-law. Tumungo sila sa garden ng ospital at umupo sa bench na naroon. May mangilan-ngilang tao ang naroon at dahil maliwanag ang paligid ay hindi nakaramdam ng takot si Claire na baka sakaling may gawin sa kanya si Mr. Perie. Kumuha ito ng sigarilyo at sinindihan bago humithit at ibinuga ang usok. Saka lang ito nagsalita kung ano ang dahilan ng paglapit nito sa kanya. “Claire, ang totoo, wala naman akong masamang hangarin sa ‘yo. Pero alam mo naman kung ano ang gusto ko ‘di ba? Si Manson lang ang anak kong lalaki na maasahan ko pag
Ilang araw ang lumipas nang mabalitaan ni Claire na pinamanahan siya ni Mr. Campbell nang malaking mana na labis niyang ikinabigla. Alam niyang tunay siya nitong apo pero sino ang mag-aakala na halos lahat ng yaman ay ipapamana nito sa kanya!? Ang rason nito ay dahil binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon na mabuhay muli. Kahit ang kapatid niyang si Vincent ay agree sa lolo nito pero hindi si Claire kaya naman agad siyang sumugod sa ospital upang komprontahin ang matanda. Pero naabutan niya roon si Lucas. “Lucas, nandito ka…” Tinanguan siya ng binata bago nilapitan saka mahigpit na niyakap. Claire patted him on the back. Agad rin namang kumalas si Lucas at baka magselos na naman si Manson kung may magsumbong dito.“I heard what happened. Ayos ka lang ba? Nandito ako para bisitahin si Mr. Campbell bago puntahan ka pero hindi ko akalain na makikita kita rito.” Umatras ito ng dalawang beses saka mataman siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “Why do you look so haggard? Bakit ang
Ang buong akala ni Claire ay makikilanlan ng kanyang ina ang pangalang Onyxie, pero isa iyong pagkakamali dahil ang sumunod na sandali ay bigla siyang hinampas nito ng unan. “No! Umalis kayo! Umalis kayo! Huwag niyong kunin ang anak ko!” Dahil hindi agad nakatayo si Claire sa kama ay nahablot siya ng kanyang ina sa braso at kahit nangangayat ito ay pwersado pa rin ito. Hinila siya nito patayo sa kama saka itinulak sa sahig. dahil nagulat ang lahat sa bayolenteng kilos ni Odette ay hindi agad nakahuma si Manson at hindi niya napigilan ang pagbalibag ng katawan ni Claire. “Claire!” Mabilis siyang nilapitan ni Manson at inalalayan na makatayo. Kahit naging bayolente ang kanyang ina ay walang sumigaw at nanatiling kalmado ang lahat para hindi ito ma-aggravate. “Mom, mom, stop. It’s Onyxie. Hindi siya lalayo sa ‘yo. Hindi ka niya iiwan.” Lumapit si Vincent sa ina at inalo ito habang ang isang kamay ay pinindot ang bell para tumawag ng nurse. Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala
“Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana
“I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito
Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka
Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a
Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u
Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m
Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa